You are on page 1of 3

Mala-Masusing Banghay-Aralin (Lesson Plan) sa Pagtuturo ng Filipino

Para sa Ikasiyam na Baitang


I. Layunin
1. Nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag ng bawat
isa; F9PN-IVc-57
2. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang pahayag; F9PT-IVc-57
3. Nahihinuha ang katangian ng mga tauhan at natutukoy ang kahalagahan ng
bawat isa sa nobela; F9PB-IVc-57
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Noli Me Tangere
1. (Kabanata I – Isang Pagtitipon)
2. (Kabanata II – Si Crisostomo Ibarra)
B. Sanggunian: Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal, Isang masusing pag-aaral ni
Aida M. Guimarie, pahina1-7.
C. Kagamitan: TV, larawan, powerpoint, envelope, laptop, cartolina.
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Pambungad na Panalangin.
2. Pagtala ng lumiban at pagsasaayos ng silid.
B. Paglalahad
1. Pagganyak (Apat na Larawan, Isang Salita.)
Igrugrupo ng guro sa apat na pangakat ang klase. Bawat kinatawan ng pangkat
ay lalapit sa guro at kukunin ang envelope. Bubuuin ng mga mag-aaral ang pira-
pirasong larawan at ipapaliwanag kung ano ang nakikita sa larawan. Huhulaan
ng mga mag aaral kung ano ang magiging paksa

2.Paghawan ng Sagabal (Hulaan Mo Ako)


Panuto: Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Sino sino ang hindi imbitado sa kaarawan ko?
2. Ang ganda naman ng nakabiting lalagyan ng mga ilawan.
3. Gustong gusto ni Mark ang pagkain ng nganga o buyo.
4. Ang pangalan ng aming pari ay Padre Damaso.
5. Sino sino ang hindi sumusunod o sumasalungat sa utos ng simbahan?
3. Pagtatalakay
Gamit ang TV, Laptop ay ipapanood ng guro ang dalawang kabanata na
matatagpuan sa Noli Me Tangere, ito ay ang unang kabanata na pinamagatang
Isang Pagtitipon at ikalawang kabanata na pinamagatang Si Crisostomo Ibarra.
Pagkatapos manood ng mga mag-aaral, titignan nila ang ilalim ng kanilang
upuan upang tignan kung may nakadikit na papel na naglalaman ng mga
katanungan.
Mga Katanungan.
1. Sino sino ang mga tauhan sa dalawang kabanata?
2. Ilarawan si Don Santiago de los Santos o kinikilalang Kapitan Tiyago.
3. Ilarawan si Padre Damaso.
4. Ilarawan si Crisostomo Ibarra.
4. Paglalapat
Ang bawat pangkat ay magsasagawa ng isang Tableau tungkol sa mga
sumusunod na pahayag:
1. Mga taong galit na galit dahil sa inggit.
2. Mga dayuhang namamasyal sa Pilipinas.
3. Mga taong naninira sa kanilang kapwa. (Nagtsitismisan)
4. Mga taong nagsasaya sa isang okasyon.
IV. Pagtataya
A. Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat pahayag.
1. Sino ang kapitan na nagsagawa ng isang piging?
2. Sino ang ipinakilala ni Kapitan Tiyago?
3. Sino ang paring naging kura sa bayan ng San Diego?
4. Sino ang tenyente na nakakaalam ng totoong nangyari sa ama ni Crisostomo
Ibarra?
5. Ano ang pangalan ng ama ni Crisostomo Ibarra?
B. Ipaliwanag ang pahayag na ito (5puntos)
“Wastong pakikitungo sa kapwa dapat ipakita sa gawa at hindi lamang sa
salita”
V. Takdang Aralin
Saliksikin ang buod ng ikatlong kabanata sa Noli Me Tangere, at tukuyin kung
sino sino ang mga tauhan at kanilang katangian.

You might also like