You are on page 1of 3

SHEPHERDVILLE COLLEGE

Talojongon, Tigaon, Camarines Sur


KOLEHIYO NG EDUKASYON
Unang Semestre
AY 2022 – 2023

SANAYSAY AT TALUMPATI
MODULE 6 SAQ Answer Sheets

Pangalan: APRIL P. BARTOLABAC Kurso/Taon: BSED FILIPINO 3J Petsa: 10-30-2022


Asignatura: SANAYSAY AT TALUMPATI Instruktor: GINOONG MIKE ANGELO A. OBIÑA

Panimulang Pagtataya (10%): Ano ang Spoken Poetry? Ito ba ay maituturing na isang halimbawa ng talumpati?
Pangatuwiranan.

• Ito isang uri ng masining na pagsasalitang itinatanghal sa entablado ang spoken word poetry o
performance poetry na tumatalakay sa iba’t-ibang usapin sa lipunan. Ito ay pagpapahayag at pagkukuwento
nang patula na may halong pag-arte at minsan pagkanta upang bumuo ng mas malalim at personal na mundo
mula sa pahina na tatagos patungo sa puso ng mga nakikinig. Para sa akin masasabi ko na isa itong maituturing
na talumpati dahil ito ah nagpapahayag sa harap ng madla. Ngunit mayroon itong pagkakaiba dahil ang spoken
poetry ay mayroong matatalinhagang salita na hindi natin nasasagupa sa pang araw araw na komunikasyon. At
gumagamit ng mabulaklakong mga salita sa kaniyang pagpapahayag sa harap ng madla.

SAQ #1 (10%). Bilang paghahanda sa hinaharap, ano ang mga bagay na maaari mong gawin upang
mahasa/masanay sa pagsasalita sa harap ng madla. Pangatuwiranan.

• Bilang paghahanda sa hinaharap, ang mga bagay na maaari kong gawin upang mahasa/masanay sa
pagsasalita sa harap ng madla ay una ay may angking kasanayan. Dahil ito ay makukuha mula sa pagbabasa at
pakikinig ng iba't ibang talumpati. Kinakailangan ito upang mahasa ang pagsasalita sa harap ng madla
malaman kung anong estratehiya ang gagamitin sa pagtatalumpati. May pulso sa publiko dahil naangkin ito sa
pagkakaroon ng karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla, sa gayon, mapipigil na ang nerbiyos o takot sa
entablado.May ganap na kaalaman sa paksa palabasa, palakausap, mapagmasid, palaranas, sa maikling salita,
mapanaliksik dapat siya para master siya sa kanyang mga sasabihin. Higit sa Lahat kinakailangan mayroong
tiwala sa sarili upang buong puso na maitatawid ang isang pagtatalumpati.

SAQ #2 (10%). Magbigay ng limang (5) Pilipinong nakilala sa larangan ng pagtatalumpati. Ikabit sa pangalan
ang pamagat ng talumpati.
Hal. Graciano Lopez Jaena - Honor en Filipinas

1. Noli de Castro - Araw ng Kagitingan, Dambana ng Kagitingan, Mt. Samat, Pilar, Bataan, 9 April 2005

2. Graciano Lopez Jaena - kulto ng bayan

3. Francisco Baltazar - Florante at Laura

4. Epifanio De Los Santos - Balagtas y Florante

5. Tomas carise - kulto ng bayan

SAQ #3 (10%). Maliban sa sampung (10) ibinigay na katangiang dapat taglayin ng isang mananalumpati.
Magdagdag ng isa pa at bakit ito sa tingin mo ay mahalagang katangiang dapat kasama sa itaas.

• Ang maaaring idagdag na mahalagang katangian dapat taglayin ng isang mananalumpati bukod sa
sampo na nakalagay sa itaas ay "Mayroong tiwala sa sarili" dahil kung mayroong tiwala sa sarili ang sampong
katangian ng isang mananalumapati ay magagawa ito dahil mayroon ang isang mananalumpating tiwala sa sarili
na magbibigay sa kanyang ng lakas at kompiyansa na maipahayag ang isang talumpati. Kaya sa mananalumpati
napakahalaga na mayroong tiwala sa sarili dahil kung wala ito mangingibabaw ang hiya sa sarili at hindi
maipapahayag ng maayos ang talumpati dahil walang tiwala sa kaniyang sarili.

F. PAGTATAYA/EBALWASYON (40%): Pagsulat ng Sariling Talumpati: Sumulat ng isang orihinal na


talumpati batay sa ibinigay na paksa. Isaalang-alang ang mga bagay na dapat gawin sa pagsulat/pagbuo ng
talumpati.

Pilipinas o Filipinas:
Alin nga ba ang wasto at dapat gamitin?

Ang ating bansang sinilangan, larawan ng ating pagka Pilipino. Ipinaglaban ng ating mga bayani mula sa mga
mananakop, makamtan lamang ang ating kalayaan. Tinta't papel ang naging sandata, upang makawala tayo
mula sa mga kamay ng mapaghimagsik na mga kastilang mananakop. Dr. Jose Rizal, Andress Bonifacio, at
Gregorio del Pilar at iba pang mga bayani na nagbuwis ng buhay alang alang sa ating bansang sinilangan.
Hanggang ngayon kasalukuyan panahon na kung saan ang ating bansa ay isa ng malaya at demokratikong
bansa na kung saan mayroong pangulong namumuno sa sambayanan, ngunit marami pa rin mayroong agam
agam sa kung ano nga ba ang tunay na tawag sa ating bansa, it ba ay Pilipinas o filipinas.

Tuwing Ika 12 ng hunyo ating ipinagdiriwang ang araw ng kalayaan o araw ng kasarinlan, binibigyan natin ng
pag alala ang araw ng ating pagkalaya mula sa 300 taong pananakop ng bansang kastila. Kaya't lumipas man
ang taon, dala dala parin natin ang nakagisnan ng ating mga ninuno mula sa pananakop ng kastila sa ating
bansa. Isa na rito ang wasto at dapat gamitin na tawag sa ating bansa, ito ba ay filipinas o Pilipinas. Ayon sa
titulo ng opisyal na salin, nakasaad ang pangalan ng ating bansa: Ang 1987 Konstitusyon ng Republika ng
Pilipinas. Sa panimula o preamble pa lang, ginagamit na ang terminong tumutukoy sa mga mamamayan ng
ating bansa. At Batay sa 1987 Konstitusyon, ang pangalan ng ating bansa ay Pilipinas at ang mga
mamamayan nito ay Pilipino, bagama’t nakasaad naman sa Art. XIV, Sek. 6 na "ang wikang pambansa sa
Pilipinas ay Filipino.” Ayon naman sa Binagong Ortograpiya ng Wikang Filipino (2013) ng KWF, pinalaganap
ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang isang “`modernisadong alpabeto’ na ipinababasa ang mga titik sa
paraang Ingles, maliban sa Ñ na mulang alpabetong Espanyol.” Mula sa 20 alpabetong isinulong ni Lope K.
Santos noong 1940 (A, B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y), ang modernisadong alpabeto na
ginagamit sa kasalukuyan ay 28 na. Ang mga nadagdag ay C, F, J, Ñ, Q, V, X at Z.Mababasa sa website ng
KWF ang artikulo ng tagapangulo nitong si Dr. Virgilio Almario na may pamagat na Patayin ang `Pilipinas’
(Diyaryo Filipino, 1992). Simple lang ang kanyang argumento: Ang Filipinas daw ay ang pangalang ibinigay sa
atin nang sinakop tayo ng mga Kastila. At dagdag pa ni Almario: “Sa loob ng nakaraang tatlong siglo ay kilala
tayo sa Europa bIlang `Filipinas’ at sa ganitong pangalan ipinroklama ang kalayaan ng ating bansa noong 12
Hunyo 1898.”At ang titulo ng deklarasyon sa kalayaan noong 1898 ay “Acta de la proclamación de
independencia del pueblo Filipino.” Ang sinulat at binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista noong panahong
iyon ay sa wikang Kastila, kung kaya't pangunahing dahilan kung bakit Filipinas ang ginamit na termino, sa
araw ng kalayaan.

Sa usaping pagkakakilanlan ng ating bansa, masasabi natin na isa itong seryoso at mabusising pagsasaliksik
at pag-alam sa wastong pangalan ng ating bansa kung ito ay filipinas o Pilipinas. Samo't saring opinyon at
mga kontradiskyon, ngunit iisa lamang ang pinaghuhugutan ito ay ang bansa ng mga mamamayang Pilipino.
Kahit na sabihing mayroon nang F sa modernong alpabeto, hindi naman ito nangangahulugang dapat nang
baguhin ang nakagisnan. Malinaw na kakaunti pa rin ang mga salitang nagsisimula sa titik na ito, at marami
pa nga sa mga ito ay hiram sa mga dayuhang wika. Ayon nga kay danilo araña arao, "Para naman sa
terminong Pilipinas at Pilipino, malinaw na hindi nito nabubura ang kolonyal na pamana sa atin ng mga
Kastila. Pero kumpara sa terminong Filipinas, masasabing inangkin natin ang dayuhang bansag noon sa
pamamagitan ng mas komportable nating pagbigkas ng P. Sa madaling salita, ang Filipinas ay naging Pilipinas
dahil gusto nating magkaroon ng sariling identidad na bagama’t kapansin-pansin ang kolonyal na nakaraan
ay may malawak pa ring pagtanggap sa kasalukuyan." napakahalaga na tayo ay nagkakaisa pag dating sa
usaping ganito dahil kultura, identidad, kolonya ng ating bansa, ang nakasalalay upang mas mahalin at
ipaglaban lalo na ng mgae kabataan at mga sususnod pang henerasyon ng ating bansang sinilangan. Kaya
para sainyo ano ang tindig ninyo sa usaping alin ang wasto at dapat gamitin ito ba'y Filipinas o Pilipinas?

Maraming salamat sa pakikinig!...

You might also like