You are on page 1of 2

Loob ni Jess Santiago

Mga Katanungan:

1. Ano ang ipinapahiwatig ng awiting Loob ni Jess Santiago?


Ang nais na ipahiwatig ng awiting Loob ni Jess Santiago ay ang ating
wikang Filipino ay napakasimple pero ubod ng lalim. Kapag ikaw ay hindi
Pinoy, mahirap bigyan ng kahulugan ang mga salitang na parang dagat sa
lalim. Maraming iba’t iba’ng salita at kataga ang mayroon ding iba’t iba ding
kaniya kaniyang kahulugan. At, ang wika natin ay hindi napuputol sapagkat ito
ang nagsisilbing tulay upang magkaintindihan o magkaunawaan ang mga tao
sa ating bansa. Hindi ito basta basta napapalitan dahil nasa loob na ito ng
puso at utak ng bawat mamamayang Pilipino.

2. Pumili ng lima. Ibigay ang mga salitang may salitang ugat na LOOB at ibigay
ang kahulugan nito batay sa awitin.
 Dalawang-loob – alinlangan o pagdadalawang isip kung gagawin ang
isang bagay. Nagpapahiwatig ito ng hindi pagiging sigurado sa isang
desisyon o anumang bagay. Pag aalinlangang gawin ang isang bagay
at hindi tiwala sa paggawa nito.
 Kapalagayang-loob – ito ay nangangahulugang kabarkada o kaibigan.
Maituturing kang kapalagayang loob ng isang tao kapag komportable
na kayo sa isa’t isa na sabihin ang mga gusto nyong ipahiwatig sa
bawat isa ng hindi nagdadalawang-loob dahil palagay ang inyong loob
sa isa’t isa.
 Buo ang loob - pagiging matatag, hindi nagpapatinag sa kahit anong
problema o sakuna man ang dumating. Buo ang loob na harapin ang
bawat pagsubok, hindi nagdadalawang-loob na sumubok sa isang
bagay dahil buo ang loob, walang bahid ng pag aalinlangan. Buo ang
loob sa mga bagay ba sumusubok sa kanya, kahit na mababa ang
tingin sakanya ng iba, kahit na napakarami na ng problema na nasa
harapan nya, hindi sya papatinag dahil buo ang kanyang loob.
 Sama ng loob – ito ay tinatagong hinanakit sa isang tao o bagay.
Nagkakaroon ng sama ng loob kapag mayroong bagay na hindi
umayon sa plano na gustong masunod ng isang tao. Okaya ay
nagkakaroon ng sama ng loob ang isang tao kapag may nagawa na
hindi maganda sakanya ang kapwa nya na hindi nya nagustuhan. Ang
sama ng loob ay laging linoloob o sinasarili lamang.
 Mahina ang loob- ito ay natatakot, kabaligtaran ito ng buo ang loob.
Kung sa buo ang loob, determinado ang isang tao, sa mahina ang loob
ay natatakot na sumugal sa isang bagay dahil pinapangunahan nya
ang mga pangyayari na hindi pa naman nangyayari o wala syang
tiwala sa kanyang sarili na magagawa nya. Natatakot syang hindi nya
magawa ito at maging pangit ang kalalabasang resulta.

3. Ano ang kahalagahan ng wika na narinig sa awitin na Loob ni Jess Santiago?


Ang kahalagahan ng wika batay sa narinig kong awitin na Loob ni Jess
Santiago ay ito ang tulay ng komunikasyon ng bawat tao sa bansa kaya hindi
ito basta basta napuputol sapagkat nasa puso at utak na ito ng mga Pinoy.
Kailangang pag aralan ito upang ito ay magtuloy tuloy at hindi mamatay.
Kapag namatay ang wika, mawawala ang parang kaluluwa ng ating bansa
sapagkat ito ang sumasalamin sa atin. Hindi magkakaintindihan at
magkakaroon ng komunikasyon ang bawat isa kung walang wika kaya dapat
na ito ay tangkilikin, pag aralan ng mabuti, at pagyamanin ng husto. Dahil ika
nga ni Dr. Jose Rizal, daig pa ng malansang isda ang hindi marunong
magmahal bg sariling wika. Ito ay atin na kailangan ipagmalaki, hindi
kinakalimutan bagkus kailangang pinagyayaman.

You might also like