You are on page 1of 21

Halina’t Magsanay

1. Ipaliwanag ang katangian ng tekstong impormatibo?


Ang tekstong ekspositori o tekstong impormatibo ay isang uri ng tekstong pang-impormasyon na
nagbibigay ng makatotohanang impormasyon tungkol sa isang paksa gamit ang isang malinaw,
hindi pagsasalaysay na istruktura ng organisasyon na may pangunahing paksa at sumusuportang
impormasyon.

2. Sa ibaba makikita ang mga bilog tukuyin ang mga uri ng tekstong impormatibo at
ilagay ang mga ito sa bilog.
1. 2.

SANHI AT BUNGA PAGHAHAMBING

3. 4.

PAGBIBIGAY-DEPINISYON PAGLILISTA NG KLASIPIKASYON

1
Panapos na Ebalwasyon
Panuto: Subukang sumulat ng isang sanaysay na makapagbibigay kahulugan o
depinisyon sa paksang nasa ibaba. Limitahan lamang sa pitumpong salita (70
words).
“COVID 19”

Ang COVID-19 ay isang virus na nagdudulot ng sakit. Nagsasanhi ito ng impeksyon sa respiratory tract
na nagsisimulang banayad hanggang sa nakamamatay. Ang sakit ay nagmula sa Wuhan, China. Ang
pandemya ay nagresulta ng matinding pang-ekonomiya at panlipunang epekto sa buong mundo. Ang
mga kabataan ay masyadong nagambala dahil sa pandemya, at maraming nanganganib maiwan sa
edukasyon, kalusugan at kagalingan sa panahon na isang mahalagang yugto ng pag-unlad sa buhay.

RUBRIK PARA SA GINAWANG SANAYSAY


Organisasyon Puna
• Malinaw na
naipapaliwanag ang 20
paksa
• May pagkakasunod-
sunod ng mga ideya
Estilo Puna
• Sapat ang mga
patunay na ginamit 15

2
• Maayos ang paggamit
sa wika
Anyo Puna
• Wasto ang
pagkakasulat ng mga 15
pangungusap
kabuuan 50

PAGBATI! Matagumpay mong natapos ang unang Modyul/Aralin


ng kurso.Maghanda na para sa susunod na paglalakbay.

3
Halina’t Magsanay
1.Panuto: Subukang tukuyin ang dalawang uri ng paglalarawan at ibigay ang
kahulugan?
A. OHETIBONG paglalarawan
Kahulugan:
Ang obhetibong paglalarawan ay mga direktang pagpapakita ng katangiang
makatotohanan at di mapasusubalian.

B. SUHETIBONG paglalarawan
Kahulugan:
Ang subhetibong deskripsyon ay maaaring kapalooban ng matatalinghagang paglalarawan
at naglalaman ng personal na persepsiyon o kung ano ang nararamdaman ng manunulat sa
inilalarawan.

2.Panuto: Ipaliwanag ang katangian ng tekstong deskriptibo?


➢ Ang tekstong deskriptibo ay may isang malinaw at pangunahing impresyon na
nilikha sa mga mambabasa.
➢ Ang tekstong deskriptibo ay may dalawang uri na maaaring maging obhetibo
o suhetibo, at maaari ding magbigay ng pagakakataon sa manunulat na
gumamit ng iba’t ibang tono at paraan sa paglalarawan.
➢ Ang tekstong deskriptibo ay mahalagang maging espisipiko at maglaman ng
mga konkretong detalye. Ang pangunahing layunin nito ay ipakita at
iparamdam sa mambabasa ang bagay o anomang paksa na inilalarawan.

4
Panapos na Ebalwasyon
Panuto: Subukang sumulat ng isang maikling teksto na naglalarawan iyong sa sarili. Ibigay
ang iyong mga katangiang pisikal at iba pang katangian tulad ng pag-uugali, at pananaw sa
buhay.Isulat sa lamang tatlong talata.

Ang pangalan ko ay Nicole Angela M. Carida. Nakatira ako sa Binonga-an, San


Agustin, Romblon. Ako ay isang Pilipina. Ako ay nagmula sa isang pamilya na may apat na
magkakapatid at ako ay pangatlo sa magkakapatid. Mahal na mahal ko ang magulang at
kapatid ko. Galing ako sa hindi kumpletong pamilya kasi iniwan kami ng papa ko nung
tatlong taong gulang palang ako. Ang aking ina ay nagpapatakbo ng isang tindahan ng
grocery at isang full-time na ina sa akin at sa aking nakababatang kapatid na lalaki. Hindi
mayaman ang pamilya ko pero nakakaraos kami. Ang aking ina ay matulungin sa aking mga
pangangailangan at sa aking mga kapatid. Maaaring hindi kami mayaman sa pananalapi,
ngunit mayroon kaming malalaking puso.
Isa akong grade 11 student sa Romblon State University. Ang paborito kong subject ay
Science at Math. Mahilig akong maglaro ng volleyball, maggitara, at maglaro ng mga laro sa
internet. Ganito ako madalas magpalamig ng aking ulo o pagkabalisa sa aking sarili. Gusto
kong pumasok sa unibersidad at makakuha ng degree sa nursing. Makakatulong ito sa akin
na maging isang matagumpay na tao at makakaapekto rin sa buhay ng iba habang ako ay
naririto.
Ako ay isang palakaibigang tao na may mabuting pagkamapagpatawa at madali
akong makipagkaibigan. Ang sabi ng mga kaibigan ko, nakakatawa at masaya akong
kasama. Minsan ay ginagawa ko ang aking paraan upang maging mabait sa mga tao at
tulungan sila. Napakahalaga sa akin ng pagkakaibigan at pamilya. Kaya kong gawin ang
lahat para sa aking mga kaibigan at pamilya at alam nila ito. Sa tingin ko ito ang dahilan
kung bakit nagkaroon ako ng parehong hanay ng mga kaibigan sa loob ng maraming taon.
Palagi akong naghahanap ng mga paraan upang paunlarin ang aking mga kasanayan at
matuto ng mga bagong bagay hindi lamang sa paaralan kundi sa labas ng kapaligiran ng
paaralan. Ako ay isang aktibong server ng simbahan at isa ring gitarista sa koro. Mayroon
akong lahat ng intensyon na gawing mas magandang lugar ang mundo. Alam kong hindi ako
superman at wala akong konkretong plano sa ngayon, ngunit nasa daan ako patungo sa
pagtuklas. Masaya at masigasig ako kapag pinupuri ako ng mga tao kapag ginagawa ko ang
mga bagay na gusto ko. Alam kong nasa tamang landas ako at malapit na ako sa gusto kong
puntahan.

5
RUBRIK SA PAGGAWA NG MAIKLING TEKSTO NA NAGLALARAWAN SA
SARILI

PAMANTAYAN PUNA

NILALAMAN
• Napakalawak ng 20
impormasyong
ibinigay
PAGLALAHAD
• Napakalinaw at 15
napakaayos ng
paglalarawan

KAAYUSAN
• Napakaayos ang 15
pagkakasunod- sunod
ng mga impormasyon
KABUUAN 50

PAGBATI! Matagumpay mong natapos ang pangalawang


Modyul/Aralin ng kurso.Maghanda na para sa susunod na
paglalakbay.

6
Halina’t Magsanay
1.Panuto: Ipaliwanag ang katangian ng Tekstong Naratibo?
• Ang tekstong naratibo ay naglalayong magsalaysay o magkuwento batay sa isang
tiyak na pangyayari, totoo man o hindi.
• Maaaring ang salaysay ay personal na nararanasan ng nagkukuwento, batay sa tunay
na pangyayari o kathang isip lamang.
• Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya
lamang.
• Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na maaaring
piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir, biyograpiya, balita,
malikhaing sanaysay).
• Kapuwa gumagamit ito ng wikang puno ng imahinasyon, nagpapahayag ng
emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang imahen, metapora, at simbolo upang
maging malikhain ang katha.

2. Panuto: Sa ibaba makikita ang isang kahon tukuyin ang mga elemento ng naratibong
teksto at ilagay sa loob ng kahon.

➢ PAKSA
➢ ESTRUKTURA
➢ ORYENTASYON
➢ PAMAMARAAN NG NARASYON
➢ KOMPLIKASYON O TUNGGALIAN
➢ RESOLUSYON

7
Panapos na Ebalwasyon
Panuto: Subukang sumulat ng isang maikling teksto na nagsasalaysay sa napiling paksa .
Pumili lamang ng isa sa sumusunod na paksa sa ibaba.
1.Munting pakikipagsapalaran
2.Ang nakaraang bakasyon
3.Ang nakaraang paglalakbay mo sa probinsya
4.Isang hindi malilimot na karanasan

ISANG HINDI MALILIMOT NA KARANASAN


Noong nakaraang taon, ika-28 ng Disyembre 2021, ako at ang aking mga kasamahan
sa simbahan ay nagdesisyon na magkaroon ng isang choir camp sa Romblon, Romblon. Ang
lakad na ito ay parang isang gantimpala sa aming grupo dahil kami ay napakaproduktibo sa
pagseserbisyo para sa simbahan. Marami kaming napundar para sa simbahan at ang aming
kapilya ay itinuturing na isa sa mga pinakaaktibong kapilya sa buong Parokya ng San Agustin.

Umaga ng ika-28 ng Disyembre, lahat ay maagang naggayak sapagkat maaga pa aalis


ang barko. Nang kami ay nagkatipon-tipon na, sabay-sabay kaming bumiyahe papuntang pier.
Iilan sa amin ay malungkot dahil mayroon kaming kasamahan na hindi pinayagan sumama
dahil medyo masungit ang panahon. Nang kami ay nakasakay na sa barko, kami ay medyo
kinakabahan dahil malakas ang mga alon. Ngunit, kami ay nagdasal ng Santo Rosaryo. Sa
kabutihang palad, kaming lahat naman ay nakarating sa Romblon, Romblon ng ligtas.
Pagdating naming sa bayan ng Romblon, bumisita kami sa katedral para magpakita sa mga
kura paroko. Pag alis namin sa katedral, nagtungo kami sa palengke para mamili ng aming
mga kakainin para sa tatlong araw naming pamamalagi doon. Hindi kami sa mismong bayan
ng Romblon mamamalagi kundi sa isang hiwalay na isla na kung tawagin nila ay Brgy. Logbon.
Kaya naman, dapat naming bilhin ang aming mga pangangailangan ng kumpleto para hindi na
kami tumawid ng dagat para bumiyahe pa ulit. Nang matapos na naming bilhin ang aming
mga pangangailangan, kami ay bumiyahe na uli at sumakay ng pump boat para makarating sa
aming patutunguhan.

8
Pagdating naming sa Logbon, inayos naming ang aming mga gamit at nagluto para sa
tanghalian. Pagkatapos naming mananghalian, nagkaroon kami ng open forum tungkol sa
kung ano ang mga inaasahan ng aming mga kasamahan para sa aktibidad na ito. Pagkatapos
noon, naglaro kami sa tabing dagat. Ang iba ay naligo, ang iba naman ay naghabulan.
Mayroon ding nagsisigawan sa sobrang tuwa. Para bagang nakalimutan naming marami
kaming naktambak na modyul. Kinagabihan, naglunsad kami ng bibliarasal para igalang ang
Bibliya. Natapos naang unang araw at lahat ay masaya. Ika-29 ng Disyembre, lahat ay
nagagalak dahil panibagong araw, panibagong mga Gawain na naman ang aming gagawin.
Lahat ay masaya at kung iisipin ay walang problema, sinusulit na ang pagkakataon dahil
huling araw na kinabukasan. Natapos na naman ang araw at lahat ay natulog na may mga
ngiti sa labi. Ika-30 ng Disyembre, huling araw naming sa Logbon, nagkaroon kami ng group
sharing na naglalayong mas pagtibayin pa ang samahan naming sa loob ng simbahan. Noong
hapon, masaya kaming naligo sa dagat hanggang sa sumapit ang gabi. Ngunit, noong bandang
alas otso na ng gabi, isang masamang balita ang gumimbal sa amin. May nagsabing walang
byahe ang barko pauwing San Agustin dahil tumindi na ang masamang panahon. Ika-31 ng
Disyembre, sa pagbabakasakaling ito ay biro lamang, ako at ang aking mga kasamahan ay
maagang gumayak para mag-ayos ng aming gamit para makapunta sa bayan ng Romblon at
tumungo sa pier. Pagdating namin doon, kami ay nakahinga ng maluwag dahil sabi ng mga
tao, mayroong byahe pauwi samin. Lahat ay masaya at excited ng umuwi para ipagdiwang
ang bagong taon kasama ang pamilya. Ngunit, walong oras kaming nag-antay sa terminal,
walang bumiyahe na barko. Nag-iiyakan na ang mga kasama ko, kasam na rin ako. Ang iba ay
nag-aalala nab aka sila ay pagalitan dahil hindi nila kasama ang kanilang mga mahal sa buhay
sa bagong taon. Alas dos na ng hapon at nagbabakasakali pa rin kaming mayroong barko na
babyahe pauwi sa bayan naming, ngunit wala. Marami kaming kinontak, ang Congressman,
ang Gobernador, lahat na ng pwede hingian ng tulong para makauwi, nilapitan namin. Bakas
sa mukha ng aking mga kasamahan ang pagkadismaya sa nangyari, ngunit, wala na kaming
magagawa. Paglabas namin ng terminal, mayroong mga tricycle driver sa labas. May isang
lumapit sa akin habang ako ay umiiyak. “Neng, hay basi ikaw gatangis?”, tanong niya sa akin.
“Taga diin ba kamo?” “Taga San Agustin po”, tipid kong sagot. At umalis ito pagkatapos.
Habang nakaupo parin ako sa labas ng terminal na parang pulubi, hingal na hingal na lumapit
sa akin ang tricycle driver na nakausap ko at inabutan ako ng tinapay at sinabi, “Sayod ko
stranded kamo. Batuna ining tinapay, pandugang sa indo makakaon malagat para sa
pagsalubong ng bag-ong tuig. Pasensya na imaw lang ina, tinao landa busa ina nung bakery
saakon kaina. Diin kamo mabag-ong tuig? Baka gusto nindo didto sa covered court namon
didto sa Cajimos? Kalapad da adto kag kadako CR didto.” Sa sobrang saya sa puso, natameme
nalang ako at patuloy na umiyak ng dahil sa saya. Lumipas ang maghapon at
napagdesisyunan na kinaumagahan nalang kami uuwi.

Pagdating naming sa tutuluyan naming bahay kung saan kami sasalubong bagong
taon, nag-aalala pa rin ako dahil alam kong pagagalitan ako ng aking ina. Ngunit, sabi ng aking
mga kasamahan, dadaan lang naman ang sermon ngunit ang mga hindi malilimutan na

9
pangyayaring ganito, hindi na mauulit. Kaya ako, at ang mga kasamahan ko sa simbahan ang
kasama kong sumalabong ng bagong taon ngayong taon. Lahat ay nagsaya na para bang
walang iyakan na naganap kanina. Umaga pa ng ika-01 ng Enero, bumiyahe kami para
makaabot pa ng misa sa Parokya. At ito ang isang hindi ko malilimot na karanasan sa aking
buhay.

RUBRIK SA PAGSULAT NG TEKSTO NA NAGSASALAYSAY


PAMANTAYAN PUNA
PAKSA
• Makabuluhan, dahil sa 20
pamamaraan ng
pagsasalaysay at estilo
ESTRUKTURA O BANGHAY
• Maayos ang 15
pagkakabalangkas ng mga
pangyayari
TAUHAN
• Maingat ang paglalarawan
ng katauhan. Umaangkop 15
ang kilos at pananalita sa
katauhang ginagampanan
sa kwento.
TUNGGALIAN
• Napukaw ang kamalayan ng
isipan at damdamin ng 15
mambabasa

PANANAW
• Mahusay na nagamit ang 15
pananaw sa kabuuan ng
kwento
SIMULA AT WAKAS
20

10
• Naging kaakit –akit ang
simula ng kwento at ang
wakas
KABUUAN 100

Ngayong natapos mo na ang mga gawain sa mga modyul sa pangatlong kwarter. Oras mo
na para magbigay ng repleksyon kung ano ang natutuhan mo sa mga modyul na ito.

Mapanuring Pagsusuri
(Pangatlong kwarter)
Panuto: Magtala ng tatlong bagay na natutuhan mo sa mga modyul sa pangatlong
kwarter.Limitahan lamang sa limampung salita(50 words).
Ang natutunan ko sa modyul na ito ay ang tatlong uri ng teksto: ang tekstong impormatibo,
ang tekstong deskriptibo at ang tekstong naratibo. Mas nadagdagan ang aking nalalaman
tungkol sa mga aralin na ito dahil sa modyul na ito. Hindi naman ako masyadong nahirapan sa
pagsagot ng modyul dahil karamihan sa mga sagot ay makikita mismo sa modyul.

MGA SANGGUNIAN (Pangatlong Kwarter)

Alejo, Carmelita T. et al. ( 2008). “ Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik .”839 EDSA
South Triangle. Quezon City: C&E Publishing, Inc.,
Arrogante, Jose A. (2007).” Masining na Pagpapahayag .” Mandaluyong City: Cacho
Hermanos, Inc.,

11
Belvez, Paz M. Ed. D. et al (2001).” Retorika: Mabisang Pagsasalita at Pagsulat “ Manila
Phil: Rex Printing Company, Inc.,
De Laza, C. S., Batnag, A.E. (2006).”Pagbasa at Pagsusuri ng iba,t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.”Quezon City: Rex Printing Company. Inc.,
Libunao, Lydia L. et al (2010).” Modyul sa Filipino 1: Sining ng Pakikipagtalastasan Pokus
sa Kursong Pang Narsing at Pangmedikal.” Quezon City:Rex Printing Company,Inc

12
MODYUL PARA SA PANG-APAT NA KWARTER

Halina’t Magsanay
1.Panuto:Ipaliwanag ang etika ng mananaliksik?
Pinamamahalaan ng etika ng pananaliksik ang mga pamantayan ng pag-uugali para sa mga
siyentipikong mananaliksik. Mahalagang sumunod sa mga prinsipyong etikal upang maprotektahan
ang dignidad, karapatan at kapakanan ng mga kalahok sa pananaliksik.

2.Panuto:Base sa akronim ng mananaliksik ibigay ang mga tungkulin at responsibilidad ng


mananaliksik.
M asipag at matiyaga
an A litiko

N agsusuri
m A y malawak ng pang-unawa
N aglalantad ng katotohanan
m A y takot sa diyos

may ba L anseng pananaw


ma I ngat
K ontrolado ang pagkilos
may S sapat na kakayahang pisikal
h I ndi takot na magkamali

Nakapo K us sa tagumpay ng pananaliksik

13
Panapos na ebalwasyon
Panuto: Subukang tukuyin kung ang mga pamantayan sa pananaliksik ay etikal o
hindi. Isulat ang T kung ang pamantayan ay etikal at H naman kung hindi.
T 1.Makakabuti kung magbigay ng token bilang pasasalamat sa mga
kalahok ng pananaliksi.
H 2.Katanggap-tanggap ang hindi pagbanggit sa pinagkunan ng isang
ideya kung nakuha naman ito sa hindi kilalang blogsite sa Iternnet.
H 3.Hindi na kailangang banggitin ang pinagkunan ng ideya kung isalin
naman ito sa ibang wika.
T 4.Makabubuti kung ibabalik at ipaalam sa mga kalahok ang
kinalabasan ng pag-aaral.
H 5.Kung malayo ang komunidad na pinagsaliksikan, katanggap-
tanggap na hindi na balikan ang mga taong naging kalahok sa pananaliksik.
H 6.Kailangang paramihin ang mga nakatalang libro sa sanggunian
upang magmukhang malalim ang pananaliksik.
T 7.Maaaring ipasa ang isang nagawang pananaliksik nang sabay sa
dalawang refereed journal upang tiyak na matanggap ito.
H 8.Hindi na kailangang ipagpaalam sa mga kalahok kung isasapubliko
ang resulta ng pananaliksik.

PAGBATI!Matagumpay mong natapos ang pang-apat na Modyul/Aralin ng


kurso.Maghanda na para sa susunod na paglalakbay.

14
Aralin 5: Mga Bahagi at Proseso ng Pananaliksik

Halina’t Magsanay
Panuto: Tukuyin kung anong bahagi ng proseso ng pananaliksik nakapaloob ang sumusunod
na hakbang. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

A.Pamimili at Pagpapaunlad ng Paksa ng Pananaliksik


B.Pagdidisenyo ng Pananaliksik
C.Pangangalap ng Datos

D.Pagsusuri ng Datos
E.Pagbabahagi ng Pananaliksik
D 1.Presentasyon at interpretasyon ng datos.
E 2.Paglalathala ng pananaliksik sa isang publikasyon.

A 3.Pagbuo ng tanong ng pananaliksik.


B 4.Pagtatakda ng disenyo at pamamaraan ng pananaliksik.
A 5.Paglalatag ng mga haypotesis ng pag-aaral.
A 6.Pagbabasa ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura.

15
Panapos na ebalwasyon
Isalin sa Filipino ang sumusunod na pahayag ni Donald Frost, naging president ng isang
kilalang bangko sa Estados Unidos. Pagkatapos isalin, magbigay ng maikling repleksyon tungkol
sa pahayag.

How To Achieve Success:


Define It. Research It,
Find Obstructions To it,
Find Remedies To it,
Outline It, Plan It,

Do It. Donald Lynn Frost


Salin:
Paano Makamit ang Tagumpay:
Tukuyin Ito. Magsaliksik tungkol dito,
Maghanap ng mga hadlang dito,
Maghanap ng mga remedyo para dito,
Balangkasin Ito, Planuhin Ito,
Gawin mo.

16
Repleksiyon:
Ang tagumpay ay hindi konkreto o madaling matukoy. Ang tagumpay ay
natatangi sa bawat indibidwal. Ang pinakamatagumpay na tao ay hindi palaging
ang may pinakamalaking bahay o pinakamagandang kotse. Para maging
matagumpay ang isa, kailangan muna nilang magpasya kung ano ang tagumpay
para sa kanila. Ang tagumpay ay ang paghahanap ng hilig ng isang tao at
pinagtitiyagaan ito nang walang pagpipigil. Ang isang matagumpay na tao ay isa
na ang pinakamahusay na bersyon ng kanilang sarili. Ang tagumpay ay
pananatiling tapat sa sarili, at pagsusumikap para sa personal na pagpapabuti
araw-araw, anuman ang hitsura nito sa ibang bahagi ng mundo. Ang pahayag sa
itaas ay nagbabalangkas ng mga dapat gawin para maabot ang tagumpay. Una,
tukuyin ito, magsaliksik tungkol dito; ito ay nagpapahayag na alamin kung ano
nga ba ang gusto mong makamit na tagumpay at kung paano mo ito makakamit.
Pangalawa, maghanap ng mga hadlang dito; mahalaga para sa isang plano ang
alamin kung ano ang mga pwede maging hadlang dito, dahil maari itong
magsanhi ng pagkaantala ng tagumpay. Dapat isaisip ang mga bagay na maaring
humadlang sa iyong tagumpay para mapaghandaan mo ito at maiwasan.
Pangatlo, maghanap ng remedyo dito; ang bawat problema ay dapat hanapan
ng solusyon. Pang-apat, balangkasin ito, planuhin ito; pagkatapos malaman ang
suliranin at mga remedyo na pwedeng gamitin para dito, balangkasin at
planuhin itong maigi. Lahat ng bagay ay nagkakaroon ng mabuting resulta
basta’t napaplano ito ng maigi. Panghuli, gawin ito; kapag lahat ay naisaayos at
nailatag na, marapat na ihanda na ang sarili dahil dito na magsisimula ang
paglalakbay patungo sa tagumpay.

17
RUBRIKS SA PAGBIBIGAY REPLEKSIYON
PAMANTAYAN PUNA
A.Organisasyon 10
B.Lalim ng 20
Repleksyon
C.Paggamit ng Wika 10
at Mekaniks
D.Presentasyon 10
KABUUAN 100

PAGBATI!Matagumpay mong natapos ang pang-limang


Modyul/Aralin ng kurso. Maghanda na para sa susunod na
paglalakbay.

18
Halina’t Magsanay
1.Panuto:Subukang isulat sa loob ng bilog ang dalawang disenyo ng pananaliksik.

Kuwantitatibo Kuwalitatibo

2.Panuto:Ipaliwanag bawat isa ang katangian ng dalawang disenyo ng pananaliksik.


Ang kuwantitatibong pananaliksik ay tumutukoy sa sistematiko at empirikal na
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at penomenong panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal, estadistikal, at mga teknik na pamamaraan na gumagamit ng kompyutasyon.
Habang ang kuwalitatibong pananaliksik naman sa kabilang banda ay kinapapalooban ng
mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng
mga tao at ang dahilang gumagabay rito.

Panapos na ebalwasyon
Panuto:Tukuyin ang mga uri ng palarawang paraan ng pananaliksik.Piliin ang titiik ng tamang
sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

a. Sarbey e. Mga pasubaybay na pag-aaral


b. Pag-aaral ng Kaso f. Patakarang pagsusuri
c. Mga Pag-aaral na Debelopmental g. Dokyumentaryong pagsusuri
d. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral

19
B 1.Ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob
ng sapat na panahon.

A 2.Ang pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi
nagtatanong kung bakit ganoon a ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.
C 3.Nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakan na impormasyon tungkol sa
pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

E 4.Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang isang payak na kundisyon.


G 5.Nangangailangan ng pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri
ng mga nasusulat na recorkd at mga dokumento upang malutas ang mga
suliranin.

F 6.Tinatawag din ng iba na feasibility study.


D 7.Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin ang iba’t ibang
baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon.

20
Mapanuring Pagsusuri
(Pang-apat na Kwarter)
Ngayong natapos mo na ang mga gawain sa mga modyul sa pang-apat na kwarter. Oras mo na
para magbigay ng repleksyon kung ano ang natutuhan mo sa mga modyul na ito.

Panuto: Magtala ng tatlong bagay na natutuhan mo sa mga modyul sa pang-apat na


kwarter.Limitahan lamang sa limampung salita (50 words).
Sa modyul na ito, aking mas naintindihan ang Etikal na Pananaliksik at ang mga
Responsibilidad ng mga Mananaliksik, Ang mga Proseso ng Pananaliksik, at Ang Disenyo at
Pamamaraan ng Pananaliksik. Ako’y mas naliwanagan mga mga gawain ng mga mananaliksik
na alam kong makakatulong sa akin pag ako ay grade 12 na.

MGA SANGGUNIAN (Pang-apat na Kwarter)


Acopra, Jioffre A. M.A. et al. (2015).” Pagbasa at Pagsulat sa iba,t ibang disiplina
Introduksyon sa Pananaliksik.” Manila: Mindshapers Co.,Inc.,

Castillo, Mary Joy A. et al (2012).” Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.”Malabon City: Jimczyville Publication.,
De Laza, C. S., Batnag, A.E.(2016).” Pagbasa at Pagsusuri ng iba,t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik.” Quezon City: Rex Printing Company, Inc.,

Libunao, Lydia L. et al (2010).” Modyul sa Filipino 1: Sining ng Pakikipagtalastasan Pokus


sa Kursong Pang-Narsing at Pangmedikal.” Quezon City: Rex Printing Company, Inc.,

21

You might also like