You are on page 1of 1

Search...

remen
05.09.2016 • Araling Panlipunan • Junior High School

answered

Ano ang kahulugan ng ERC sa


araling panlipunan??????????

1 SEE ANSWER

See what the community says and


unlock a badge.

Log in to add comment

Loved by our community


42 people found it helpful

kristelja9
Ambitious • 11 answers • 4.1K people helped

Ang Energy Regulatory Commission (ERC)


ay hindi lang nariyan upang duminig sa
mga petisyon ng mga kumpanya ng
kuryente at iba pang ahensyang may
kinalaman sa kuryente. Unang-una, kaya
nariyan yan ay upang protektahan ang
interes ng publiko sa isang batayang
serbisyong nakakaapekto sa kanila nang
malaki.
 
Ang kuryente ay napakahalaga hindi
lamang sa pang-araw-araw na gawain ng
isang tao. Ito ay mahalaga sa ekonomiya at
pag-unlad ng isang bansa. Kaya nga, sa
ibang mga bansa, ang pagpapatakbo sa
industriya ng kuryente ay patuloy na nasa
kontrol ng kanilang estado.
 
Subalit, nasa kontrol man o wala ng estado
ang operasyon sa industriya ng
kuryente, meron talagang ahensyang
itinatalaga lagi upang magbantay sa takbo
ng industriya at makitang hindi
napapagsamantalahan ang mga
konsyumer o mga walang kontrol sa
industriyang ito.  Ang ahensyang ito ay ang
Energy Regulatory body. Nag-iiba-iba na
lang ang tawag dito sa iba’t ibang bansa.
Pero ang pangunahing gawain nito ay
upang mag-regulate sa industriya ng
kuryente.
 
Sa katunayan, napakalawak ng mga
gawain ng ERC natin sa ilalim ng Electric
Power Industry Reform Act (EPIRA). Subalit,
kapos ito sa pagsulong o di kaya’y
proteksyon sa interes ng mga
konsyumer.  Ni hindi nga nagiging malawak
ang konsultasyong isinasagawa nito sa
mga konsyumer. Problema rin kasi ang
kakulangan ng paliwanag o edukasyon nito
sa mga konsyumer kung kaya mababa rin
ang antas ng nagiging partisipasyon ng
mga konsyumer sa konsultasyong
isinasagawa nito.
 
Sa nangyaring pagtaas ng singil sa
kuryente noong Abril, hindi lang sa
generation charge kundi maging sa
transmission, distribution, at systems loss,
nararapat lang na magpaliwanag ang ERC
sa mga konsyumer. Hindi na dapat nito
hinihintay pa ang mga konsyumer na
humingi ng paliwanag.
 
Sa panahon ng krisis, lalong nagiging
mahalaga sa mga konsyumer ang malaman
man lang, kung hindi man tuluyang
mapigilan, ang anumang pagtaas sa
kanilang mga bayarin, lalo na sa kuryente.
Umabot ng mahigit isandaang piso, sa
average, ang itinaas ng kuryente noong
Abril. Sinasabing patuloy pa nga ang
pagtaas hanggang Hunyo. Sa ganitong
sitwasyon, mas lalong kinakailangang may
inisyatiba ang ERC na magpaliwanag at
kulumpunin ang iba’t iba pang mga
ahensya ng gobyerno at kumpanya ng
kuryente na may kinalaman sa pagtaas na
ito.
 
Hindi biro ang binabayaran ng isang
pamilya ngayon sa kuryente. Umaabot sa
halos 20 hanggang 25 porsyento ng
gastusin nila ang napupunta sa
pagbabayad lang sa kuryente. Kaya ang
impormasyon o kaalaman sa anumang
pagbabago ay mahalaga sa kanila,dahil
dito rin posibleng magkaroon ng aksyon
mula sa kanila at sa mga ahensyang at
kumpanyang may kinalaman dito.

Log in to add comment

Advertisement

Still have questions?

FIND MORE ANSWERS

ASK YOUR QUESTION

New questions in Araling


Panlipunan
ibig sabihin ng corral belaching??

Ang mga pribadong indibidwal ay may karapatan na


magtayo ng kanilang negosyo at kumita mula rito. a.
Tradisyunal b. Pinaghalo c. Pinag-uutos d. Pa…

gumawa ng mga aksyon bilang indibidwal at sa


inyong pamilya upang maging maayos ang pag
konsumo sa araw araw

Bonus: kamakailan lamang ay nadiskubre ang


nawawalang ikawalong kontinenteng mund. und
ang tawag sa kontinente ito?

klima panahonmag bigay ng answer

Previous Next

Company Help
Ask your question

About Us Signup

Blog Help Center

Careers Safety Center

Advertise with us Responsible Disclosure

Terms of Use Agreement

Copyright Policy

Privacy Policy

Cookie Preferences

Community

Brainly Community

Brainly for Schools & Teachers

Brainly for Parents

Honor Code

Community Guidelines

Insights: The Brainly Blog

Become a Volunteer

Get the Brainly App

Brainly.ph

WE'RE IN THE KNOW

SCAN & SOLVE IN-APP

You might also like