You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN CITY

PRETEST SA ARALING PANLIPUNAN 9


1st QUARTER
Panuto: Basahin ang mga tanong at bilugan ang titik ng pinakatamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng Ekonomiks?
A. Ito ay pag-aaral ng tao o lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning
pangkabuhayan.
B. Ito ay matalinong pagpapasya ng tao sa pagsagot ng mga suliraning
pangkabuhayan na kinakaharap.
C. Ito ay pag-aaral kung paano matugunan ng tao ang kaniyang walang
katapusang pangangailangan at kagustuhan sa harap ng kakapusan.
D. Ito ay tumutukoy sa siyensiya ng kaasalan ng tao na nakakaimpluwensiya
sa kaniyang pagdedesisyon.
2. Kung ikaw ay isang taong rasyonal mag-isip, ano ang dapat mong isaalang-alang
sa paggawa ng desisyon?
A. Isaalang-alang ang mga bibilhing gamit kapag magkaroon ng pera.
B. Isaalang-alang ang opportunity cost sa pagdedesisyon.
C. Isaalang-alang ang mga paniniwala, mithiin at tradisyon.
D. Isaalang-alang ang mga pagpunta sa iba`t-ibang okasyon.
3. Ano ang tawag sa halaga ng bagay o nang best alternative na handing ipagpalit
sa bawat paggawa ng desisyon?
A. Opportunity Cost B. Trade-off C. Incentives D. Ekonomiks
4. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan mo ang ekonomiks?
A. Ito ay dahil sa magagamit mo ang iyong kaalaman sa paghahanap ng
trabaho sa hinaharap.
B. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang maintindihan mo ang kalakaran sa
ekonomiya.
C. Ito ay dahil sa makatutulong ito upang mahubog ang iyong pag-unawa, ugali
at gawi na magagamit mo para sa iyong kinabukasan at paghahanap-buhay
sa hinaharap.
D. Ito ay dahil sa magagamit mo ito upang matulungan ang iyong pamilya sa
pagdedesisyon ng mga bagay-bagay sa araw-araw.
5. Bilang bahagi ng lipunan, paano makatutulong ang pag-aaral ng ekonomiks?
A. Nagagamit ang kaalaman sa pag-unawa ng napapanahong isyu sa politika.
B. Nakatutulong ito upang maintindihan ang mga mahahalagang usaping
pang-ekonomiya.
C. Nauunawan mo kung bakit maraming tao ang nagnenegosyo.
D. Naiintindihan mo ang sistema ng paghahanap-buhay, paggasta at pag-
iimpok.
6. Kung ang pamilya ay humaharap sa mga suliraning pang-ekonomiya, mas
magiging matalino ang pagdesisyon kung sinusunod ang mga hakbang sa
matalinong pagpapasya. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong
pagpapasya?
A. Pagbasa ng mga datos at impormasyon.
B. Pagsuway sa mga utos ng magulang.
C. Pagpapanic buying para hindi maubusan ng pagkain.
D. Paggawa ng urban garden sa bakanteng lote.
7. Ang Pamilya Santos ay palaging kinakapos sa badyet tuwing papatapos ang buwan.
Ito ay dulot ng ibat-ibang uri ng gastusin tulad ng kuryente, tubig, pamasahe,
proyekto sa paaralan, medisina, sweldo sa mga katulong, pagkain, junk foods,
cellphone load at iba pa. Ano ang dapat pakatandaan sa paggawa ng wastong badyet?
A. Bilhin ang lahat ng gusto at luho.
B. Palaging magkaroon ng magarbong pagdiriwang sa tahanan.

Address: Vallega St., Brgy. I-Poblacion, Himamaylan City


Telephone: (034) 744-6276
Email Address: himamaylan.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN CITY

C. Tukuyin ang mga alternatibong pagpipilian ng mga pangangailangan.


D. Manghiram sa kapitbahay at bayaran na lamang kapag may sobra na.
8. Inaanyayahan ka ng iyong kaibigan na dumalo sa pagdiriwang ng kanyang
kaarawan na gaganapin sa gabi pagkatapos ng iyong klase. Gayunpaman, kailangan
mo na ring umuwi nang maaga dahil magkakaroon ng pagsusulit sa inyong klase
kinabukasan. Ano ang pinakamabuting desisyon na iyong gawin?
A. Paunlakan ang mga paanyaya at matulog pagdating sa bahay.
B. Hayaan ang anumang kahihinatnan ng piniling pagpapasya.
C. Bigyang halaga ang mas mabuting makamit mula sa pagkakataon.
D. Bigyang halaga ang kasiyahang madarama sa pagdalo.

9. Sa command economy na uri ng sistemang pang-ekonomiko, ang lahat ng gawaing


pangkabuhayan ay nasa ilalim ng pamamahala ng gobyerno. Alin sa mga bansa ang
nagpapairal ng ganitong uri ng sistema?
A. Canada B. North Korea C. Pilipinas D. USA
10. Ang mga sumusunod ay mga sistemang pang-ekonomiko at kahulugan nito. Alin
sa mga ito ang tamang pagpapakahulugan?
I. Tradisyonal na Ekonomiya: Ang pagbabahagi ng mga produkto ay naaayon sa dami
at kung sino higit na nangangailangan
II. Command Economy: hinahayaan ng pamahalaan ang mga pribadong indibidwal na
makilahok sa mga gawaing pangkabuhayan ng bansa
III. Market Economy: Ang mga prodyuser at konsyumer ay kumikilos ayon sa sariling
interes
IV. Mixed Economy: Malaya ang mga prodyuser at konsyumer subalit maaari pa ring
manghimasko ang pamahalaan.
A. I, II at III B. I, III at IV C. I, II at IV D. II, III at IV

11. Alin sa sumusunod na pahayag ang may katotohanan tungkol sa


entrepreneurship bilang salik ng produksiyon?
A. Kakayahan ng tao sa produksiyon ng kalakal o serbisyo
B. Kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto
C. Kakayahan at kagustuhan ng isang tao na magsimula ng isang negosyo
D. Mga hilaw na sangkap mula sa lupa
12. Aling salik ng produksiyon ang tumutulong na mapadali ang paggawa ng
kalakal?
A. Lupa B. Kapital C. Lakas-Paggawa D. Entrepreneurship
13. Dapat na bigyan ng pansin ng pamahalaan ang produksiyon sapagkat ito ay isang
gawaing pang-ekonomiya na:
A. Gumagamit ng mga produkto at serbisyo
B. Lumilinang ng likas na yaman
C. Lumilikha ng mga produkto at serbisyo
D. Namamahagi ng pinagkukunang-yaman

14. Nagbibigay ng proteksyon ang pamahalaan sa mga mamimili sa pamamagitan ng


pagkilala sa kanilang mga karapatan. Isa dito ay ang katiyakang ligtas at
mapangangalagaan sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib
sa iyong kalusugan. Alin sa mga karapatang ito ang tamang sagot?
A. Karapatang pumili
B. Karapatan sa isang malinis na kapaligiran
C. Karapatan sa kaligtasan
D. Karapatang dinggin

Address: Vallega St., Brgy. I-Poblacion, Himamaylan City


Telephone: (034) 744-6276
Email Address: himamaylan.city@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VI – WESTERN VISAYAS
SCHOOLS DIVISION OF HIMAMAYLAN CITY

15. Itinakbo sa hospital ang kapatid ni Alexa nang mamaga ang buong katawan dahil
sa expired na corned beef na binili sa kalapit na grocery store. Anong karapatan ang
dapat ipaglaban ni Alexa?
A. Karapatang pumili
B. Karapatan sa matalinong mamimili
C. Karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan
D. Karapatan sa pangunahing pangangailangan

Panuto: Isulat sa sagutang papel ang salitang TATAAS kung madadagdagan ang
pagkonsumo ng produkto at isulat naman ang salitang BABABA kung mababawasan
ang pagkonsumo ng produkto sa mga sumusunod na sitwasyon.

_______16. Natigil sa pamamasada ng kanyang Grab Car si Soy dahil sa ECQ.


_______17. Nagmahal ang presyo ng mga bilihin sa mga pamilihan dahil sa panic
buying ng mga tao.
_______18. Binayaran ni Yamie ang patong-patong na interes sa bangko dahil sa
naantalang pagbabayad dito dulot ng tigil trabaho sa kanilang opisina.
_______19. Inindorso ni Kim Chiu ang isang brand ng shampoo na kanyang ginagamit.
_______20. Inaasahang magpapatupad muli ng lockdown sa loob ng 14 days ang
Bacolod City kapag patuloy ang pagtaas ng positive cases sa lungsod .

1ST QUARTER ARALING PANLIPUNAN 9 PRETEST


TABLE OF SPECIFICATIONS
Understandin
Remembering

Placement
Evaluating

TOTAL

Most Essential Learning Percentage


Analyzing

Item
Applying

No. of Days No. of Items


Creating

Competencies (MELC) of Items


g

NO. OF MELC/ No. of No. of Items X 70% 20% 10%


TOTAL NO. DAYS Days/Total Percentage of
No. of Days Items
1.5
1 5 12.5% 3 / 3 1,2,3

2 10 25% 5 / / / 5 4,5,6,
7,8
3 5 12.5% 2 / / 2 9,10

4 5 12.5% 3 / 3 11,12,
13
5 10 25% 5 / / / 5 16,17,
18,19,
20
6 5 12.5% 2 / / 2 14,15

TOTAL 40 100 20 8 6 2 2 2 20

Inihanda ni:

PAULO E. CABATAC, PhD

Education Program Supervisor – Araling Panlipunan

Address: Vallega St., Brgy. I-Poblacion, Himamaylan City


Telephone: (034) 744-6276
Email Address: himamaylan.city@deped.gov.ph

You might also like