You are on page 1of 12

“Epekto ng Legalisasyon ng Same-sex Marriage

sa mga kasapi Ng LGBTQ+ na may edad 18-60 SA Bayan ng San


Felipe
sa taong 2021-2022”

Isang pananaliksik na iniharap sa Guro ng Technological College of San Felipe

Bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan, upang makapasa sa

Asignaturang Dalumat sa Filipino

Ipinasa ni:
Ryan Trapsi
Ayessha Shekaina Cabada
Eddie Ace Aquino
Jhasfer Delo Santos
Kyle Chester Santos
Jaymar Leo Apostol
Jynzl Gonzales
Rowena Joy Delo Santos
Ipinasa kay:

Kabanata 1
Introduksiyon
“Same Sex Marriage” ay isang legal na pagpapakasal Ng magkaparehas na kasarian,Hindi lang
sa mata ng tao ngunit pati narin sa mata ng batas
Maraming mga driver ang humihingi ng tulong upang maiahon ang kanilang pamilya sa gitna ng
pandemya at umaasa nalang sa rasyon na galing sa gobyerno. Ngunit kailangan pa rin nilang
maghanap ng ibang trabaho upang maitawid nila ang kanilang pang araw araw na
pangangailangan.
Sa panahon ng pandemya maraming paalala ang nabuo sa mga pampublikong sasakyan ay
nagkaroon ng one -sit-apart policy at nagdulot din upang magtaas ng pamasahe ngunit sa
pagbabagong ito mas nabawasan ang mga pasahero .. Nagtaas man ang pamasahe ay hindi pa rin
sapat ang kinikita dahil madalas ay lugi pa nga ang mga bus operators sa gasulina kaya't
napipilitan silang maghanap ng iba pang trabaho.

Alin sunod sa mga rules and regulation para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19 kinakailangang
sumunod ang bawat pampublikong sasakyan na magbabalikpasada sa mga health protocol.
Kinakailang ang pagkakaroon ng disinfectant at mga kagamitan gaya ng hand sanitizer at pang
sukat ng temperatura ng bawat sasakay na isa nanamang problema ng mga may ari ng sasakyan
kung saan kukuha ng mga pambili nito. At kailangan na mayroong travel pass ang mga pasahero
upang maka sakay na isa ring problema ng mga driver dahil mababawasan sila ng pasahero kong
wala itong travel pass.

Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito ay patungkol sa mga manggagawang pilipino at isa


dito ang ay mga pampublikong sasakyan na napahinto sa kanilang trabaho dahil sa pandemya.
Layunin ng pananaliksik na ito na malaman ang pananaw at suliranin ng mga driver na nawalan
ng kanilang hanapbuhay.

KAUGNAY NA LITERATURA

Tanging babae at lalake lamang ang maaring magsama. Iyan ang sakdal na kamuangan na kinalakihan ng
lahat. Ngunit, sa panahon ngayon, hindi na lamang lalake at babae ang may kagustuhan na magsama. Ang
LGBTQ ay isang popyular na akronim galing sa kanluran. Ang bawat letra nito ay nagsisimbolo sa
limang pagkakahati-hati ng sekswal na kagustuhan o pagkakakilanlan ng isang tao sa kanyang sarili. Ang
buong kahulugan nito ay Lesbian, Gay, Bisexual, Transsexual at Queer. Ang pagkamit ng mga karapatan
at pagtatangol galling sa batas ay naging isang napakahabang laban ng mga LGBTQ sa iba’t-ibang panig
ng mundo. Dahil sa tagumpay ng mga kampanya ukol dito, hindi maipagkakaila na malayo na ang
narating ng Pilipinas pagdating sa pagintindi at pagtanggap sa kanila. Subalit, ang magandang
pakikitungo na ito ay sadyang limitado lamang sa pakikisama. Ang gobyerno at simbahan ng Pilipinas ay
parehas na nag-aalangan sa pagtupad ng legal na batas upang sila ay bigyan ng karapatan na magsama sa
basbas ng relihiyon. Ang same-sex marriage ay hindi madaling maitupad sa Pilipinas bagaman kilala ang
bansa na isa sa mga bukas ang isip sa LGBTQ, kumpara sa ibang katabi nito sa Asya.

Isang maselan na isyu ang pagturing sa hiling na ito ng mga kasapi ng LGBTQ sa Pilipinas. Ang
pagpapakasal sa parehong kasarian ay malayo pang maitupad sa bansa dahil sa kaakibat na paglabag nito
sa moral ng Katoliko at ng kultura ng Pilipinas. Ang batas ng bansa ay naayon sa kultura nito, at ang
kultura ng Pilipinas ay mabigat na pinapatnubayan ng Katolisismo. At ayon sa paniniwala ng relihiyon,
ang kasal ay para lamang kay Adan at kay Eba. Ang pag-aaral na ito ay ginawa upang isiyasat ang isyu ng
same-sex marriage sa Pilipinas. Dito ay pinagaralan ang naging umpisa ng laban para sa pagpapatupad
nito, at kalian, kung sakali man, marahil itong mangyari. Isinuri rin ang pagkakahati ng opiniyon ng masa
tungkol rito. At ang epekto ng kakulangan nito sa mga miyembro ng LGBTQ sa bansa.

MANILA, Philippines – Tinaguriang hari ng kalsada ang mga jeepney. Ngunit sa gitna ng
pandemya, humaharap sa matinding pagsubok ang mga jeepney driver. Ilang litrato ng mga
drayber na humihingi ng tulong sa kalsada ang kumalat sa social media. Lumabas din nitong mga
nakaraang linggo ang maraming report tungkol sa hirap na dinaranas ng mga drayber dahil hindi
sila makapamasada. Ginugutom na raw ang kanikanilang pamilya.
Sa episode na ito, pag-uusapan nina Rappler reporter Aika Rey at researcher-writer Jodes
Gavilan kung bakit humantong sa ganitong sitwasyon ang mga jeepney driver, at kung ano ang
ginagawa ng gobyerno para tulungan sila. Kahit na pinayagan na mamasada ang ilang jeepney
simula Hulyo 3, hindi lahat ay maaaring makabalik.
Ayon kay Rey: Mayroong mga expert, itong Move As One coalition, they're saying basically na
iyong 50% na capacity may push some drivers, especially iyong mga boundary lang, 'wag na
bumiyahe kasi wala silang kikitain.
May driver akong nakausap dito sa may Bacoor, Cavite, na buma-boundary. Sabi niya, hindi
muna siya bibiyahe kasi kung ba-boundary siya, wala na siya kikitain. Baka mga P300 na lang sa
isang araw, or even P150, kasi nga konti lang pasahero. May mga ganoong scenario na talagang
napu-push ang mga driver na, kahit gusto nila na bumiyahe, hindi sila makabiyahe. Ano ang
takeaway mula sa pandemic? Ayon kay Rey: Hindi pa rin talaga nakawala ang gobyerno sa
bureaucratic processes. Iyon ang isa sa mga takeaway ko ngayong pandemic. If you think about
it, dapat ang pandemic extraordinary event siya, so dapat ang steps na ginagawa mo ay dapat
extraordinary. Pero meron pa rin talagang mga problems na dahil sa bureaucracy. Ang isa
talagang pagtuunan ng pansin, kung paano nila maiaabot iyong tulong para sa mga driver sa mas
mabilis na paraan at hindi na manlilimos ang mga driver para sa tulong. Ano ang dapat bigyang
priyoridad ng gobyerno? Pakinggan ang episode.

Ayon sa Public Utility Vehicle Service Contracting ng Department of Transportation (DOTr),


katuwang ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ay tatakbo sa
loob ng tatlong (3) buwan.
Kasalukuyan nang inihahanda ang paglunsad nito sa mga susunod na linggo. Layunin ng
programa na makapagbigay ng karagdagang tulong sa ating mga drayber ngayong panahon ng
pandemya at ng new normal. Sa pamamagitan din ng programang ito, hinihikayat ng kagawaran
ang mas maayos at ligtas na serbisyo sa pampublikong transportaston para sa ating mga
commuter. Ang SERVICE CONTRACTING ay ilulunsad sa Metro Manila at mga karatig na
lalawigan nito, Metro Cebu, at sa Metro Davao.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

Inilabas noong, 16 Oktubre 2020, ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board
(LTFRB) ang Memorandum Circular 2020-061 na nagpaptibay sa pagpapatupad ng “one-seat
apart” rule at iba pang health and sanitation protocols ng Department of Transportation sa loob
ng mga pampublikong sasakyan. Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte
at ng buong Gabinete ang mga rekomendasyon ng Economic Development Council (EDC) na
naglalayong makatulong sa pagbangong muli ng ekonomiya ng bansa.
Sa kabila ng mga ito, may hinaing pa rin ang ilang driver sa pagsasagawa ng protocol na ibinaba
ng gobyerno kaya’t yong iba ay hindi sinusunod ang health protocol tulad na lamang ng one seat
apart policy ngunit tabi tabi pa rin ang mga pasahero sa loob ng mga bus at jeep na bumabyahe
sa commonwealth.
May iba na hindi sinusuot ng maayos ang face mask at face shield pati rin ang mga konduktor at
drayber na dapat sana’y sumisita sa mga pasahero ay hindi rin maayos ang pagsuot ng mga
facemask at face shield. Dirediretso rin ang kanilang pagpapasakay sa mga pasahero.

Ayon sa DEPARTMENT OF TRANSPORTATION(DOTr), ang mga driver at konduktor ang


mananagot kung hindi nasusunod ang health standard sa loob ng mga pampublikong sasakyan.
Nasa isang libo o higit pa ang magiging multa sa mga ito depende sa violations.

PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

ang opinyon ng mga mamamayan ukol sa same-sex marriage upang makamit ang mga sumusunod na
punto

-Para malaman kung may kamalayan nga ba ang mga mamamayan sa mga isyung kinakaharap ng ating
bansa ngayon

-Para malaman kung sang-ayon ba o hindi ang mga mamamayan sa same-sex marriage.

-Para mabigyang ideya ang gobyerno atmamamayan kung ano nga ba ang opinyon ng mga mamamayan
ukol sa nasabing isyu.

-para malaman kung ano ang masama at mabuting epekto nito sa ating bansa

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Layunin at Kahalagahan ng Pag-aaral Ang patuloy na paglaki ng isyu ukol sa same-sexmarriage ang
naging basehan namin upang isakatuparan ang pag-aaral na ito. Layunin naming mga mananaliksik na
bigyang pagkakataon ang mga mamamayan na maipahayag ang kanilang opinyon ukol sa isyung same-
sex marriage sa pamamagitan ng pag-aaral na ito. Layunin ng pag-aaral na ito naipakita kung sang-ayon
nga ba o hindi ang mga mamamayan ukol sa same-sex marriage sa ating bansa.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkuha ng mga impormasyon at mga datos na


sasagot sa “Epekto ng Tigil Pasada ng mga Pampublikong sasakyan sa mga Driver na
Naninirahan sa San Felipe sa Kasagsagan ng Covid-19”. Ilang mga drayber ng pampublikong
sasakyan lamang ang saklaw ng pananaliksik na ito. Bilang pag-iingat sa kinakaharap nating
pandemya ay piling mga Driver lamang na nakatira sa bayan ng San Felipe ang kapapanayamin
ng mga mananaliksik. Bibigyan ng sagutang papel ang bawat driver na iinterbyuhin ng mga
mananaliksik. Nakapokus ang pag-aaral na ito sa mga Driver ng pampublikong sasakyan na
nakakaranas ng mga suliranin dahil sa epekto ng Tigil-Pasada. Isinasaalang-alang ng mga
mananaliksik ang limitadong panahon at mapagkukunan ng mga impormasyon.

KATUTURAN NG TERMINONG GINAMIT

1. Driver - isang taong ang ikinabubuhay sa pang araw araw ay ang pagmamaneho ng
pampubliko o pambribadong sasakyan

2. Pamasahe- Kaukulang kabayaran o halagang ibinibigay sa driver o konduktor ng isang


pampublikong sasakyan

3. One seat apart policy - isang batas o paalala na ang bawat upuan na bakante ay
kinakailangang may bawat isang upuan na pagitan sa bawat magkakasunod na uupo

4. Health Protocols - Mga dapat tandaan para maging ligtas sa gitna ng pandemya (Mga paalala
para mahing ligtas sa covid 19)
5. Mga pasahero - mga tao at ligal na samahan na gumagamit ng transportasyon patungo sa
kanya kanyang distinasyon

6. San Felipenians – katawagan para sa mga mamamayang naninirahan sa bayan ng San Felipe

7. Tigil Pasada – ito ay isang programa kung saan nililimitahan, binabawasan o binabawalan
ang mga pampublikong sasakyan para mag pasada sa daan.

8. DOTr - Department of Transportations

9. 50% passengers - Kalahati lamang ng kapasidad ng sasakyan ang maaaring isakay ng


pampublikong sasakyan maliban sa driver at konduktor

10. Gasulina - isang uri ng likidong ginagamit upang mapaandar ang sasakyang ginagamit.

Kabanata II : METODOLOHIYA

DISENYO NG PAG-AARAL

Ang pananaliksik na ito ay panimulng pananaliksik(basic research) Layunin into ang magbigay
teorya o paliwanag sa isang penomenon o pangyayari. Ito ay deskriptibo o naglalarawan. Sa
pamamaraan na ito ay mas mapapalinaw ang pagkalap ng sapat na datos at impormasiyon mula
sa mga respondente. Sa pamamagitan nito ay naisasagawa rin ng maayos ang ikatlong kabanata
ng pananaliksik.

KAPALIGIRAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik ay isinagawa sa bayan ng San Felipe, Zambales. Sa bayan na ito ay nagsagawa
ng pakikipanayam ng mga mananaliksik sa ilang mga piling respondente na mga driber ng mga
pampublikong sasakyan upang makakalap ng mga impormasiyon patungkol sa paksa. Sa bayan
na ito rin nagpadala ang mananaliksik ng mga katanungan sa mga respondente para sa
karagdagang datos.

RESPONDENTE

Ang mga taong kasapi sa pag-aaral na ito ay ang mga mamamayan nating driber ng mga
pampublikong sasakyan sapagkat ang mga mamamayan nating driber ang siyang nakakaranas
ngayon ng ganitong sitwasiyon lalo na ngayong panahon ng pandemya. Any mga respondente na
ito ay nagbigay ng epektibo at malinaw na impormasiyon tungkol sa pananaliksik na ito.

Kabanata III
MGA NATUKLASAN, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
MGA NATUKLASAN

Sa pag-aaral ng mga mananaliksik at pakikipanayam sa mga respondente ay natuklasan ang mga


kadahilanan sa mga suliraning kinakaharap sa panahon ng pandemya kung saan sangkot ang mga
drayber ng pampublikong sasakyan na naninirahan sa bayan ng San Felipe. Isa sa suliraning
nakikita ng mga mananaliksik na kinakaharap ng mga drayber ay ang pinansyal na
pangangailangan upang matustusan ang kanilang pang araw-araw na mga gastusin at
pangangailangan. Karamihan sa mga respondente ang nagsabing sa kabila ng pandemyang
kinakaharap ay lubos na kinakailangan ang pagkakaroon ng “extra income” upang masuportahan
ang pag-aaral ng mga anak. Ang ilan sa kanila ay umaasa sa pagkakaroon ng “extra” sa
“transhipment” o di kaya ay namamasada tuwing may mag-aarkila. Kung minsan man ay may
nahahanap na mapagkakakitaan ang haligi ng tahanan ay kinakailangan pa din ng karagdagang
kita lalo na at tumaas ang presyo ng mga bilihin. Ang ilan namang pamilya ay umaasa sa
kanilang mga pananim sa bukid na mga gulay na kanilang itinitinda sa palengke. Mayroon
naman ang kahit papaano ay hindi hirap sa pagpapa-aral sa mga anak dahil sa mayroong
tumutulong sa kanila para sa pangangailangan ng mga bata. Ang iba naman ay may sariling
negosyong pinapatakbo. Iba-iba ang pamamaraan na ginagawa ng mga drayber upang
matustusan ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya ngunit ayon sa kanila ang pagiging
masipag, maparaan at tiwala sa Maykapal ang tanging sandata upang makalikom ng pera
ngayong panahon ng pandemya.

Sa pagsisikap ng mga pampublikong drayber na matustusan ang kanilang pang araw-araw na


pangangailangan ng kanilang mga pamilya ay nagkakaroon naman ng suliranin pagdating sa
pang matrikula at iba pang pangangailangan sa skwelahan ng kanilang mga anak. Pagdating sa
parteng ito ay hindi masyadong nagkakaroon ng problema sa mga mag-aaral sa elementarya.
Ayon sa mga magulang ng mga mag-aaral sa elementarya ay hindi naman kinakailangan ng
malaking gastus sapagkat tanging modules lang ang binibigay sa mga ito. Hindi katulad sa
sekondarya at kolehiyo ay kinakailangan ng pang matrikula at dagdag pa rito ang mga
teknolohiya at load para sila ay makadalo sa kanilang online class. . Bilang sulusyon, ang
natanggap na ayuda mula sa gobyerno ng bawat empleyado ng pampublikong sasakyan ay
pinang bayad pang matrikula at ang iba naman ay ginawang puhunan upang ayon sa kanila ay
umiikot lamang ang kanilang pera at kung sakaling tumagal pa ang pandemya ay mayroon silang
mapagkukunan.

Sa kabila ng tigil pasada na kanilang kinakaharap , malaking tulong parin ang kanilang mga
pinapasadang sasakyan para sa kanila sapagkat nagagamit nila ito sa tuwing pupunta ng
palengke, pagsumite ng mga aktibidad ng kanilang mga anak ,nagagamit ito sa mahahalagang
pupuntahan at higit sa lahat makakatulong ito sa hindi inaasahang mga pangyayari lalo na
ngayong pandemya.

Naging hamon man ang pandemya para sa kanila. Ginawa nila ito na isang oportunidad upang
magkaroon ng oras para sa kanilang mga pamilya. Dahil dito natututukan nila at natutulungan
ang kanilang mga anak na hirap sa pagsagot sa kanilang mga modules at iba pang aktibidad pang
skwelahan. Hirap man sa mapagkukunan pinansyal naging hitik naman sa oras para sa kanilang
mga pamilya sapagkat ayon sa kanila ,ang panahon ng pandemya ang nagtuturo sa kanila na mas
matimbang ang oras at panahon na ginugugol nila sa kanilang mga mahal sa buhay dahil sa
ganitong panahon hindi mo alam kung hanggang kailan mo nalang sila makakasama.

KONKLUSYON

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga
sumusunod na konklusyon. Upang matustusan ng mga drayber ang kanilang pang araw araw sa
kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa sila ay nag isip ng iba pang pwede nilang maging
hanap buhay, at gumawa ng paraan para magkaroon ng “extra income”. Naging malaking tulong
para sakanila ang binigay ng gobyerno na ayuda para sa mga drayber na nawalan ng
pangunahing ikinabubuhay. Sa kabila ng hirap ng buhay sipag ,pagiging maparaan at tiwala sa
Maykapal ang kanilang nagiging sandata upang maitawid ang kanilang pang araw araw. Tumigil
man ang kanilang naging pasada ngunit tuloy tuloy padin nilang nagagamit ang kanilang
pinapasadang sasakyan lalo na kung may hindi inaasahang pangyayari lalo na ngayong
pandemya. Bilang karagdagan naging hamon man ang pandemya para sa lahat ngunit para sa
mga drayber ay ginawa nila ito na isang oportunidad na maging makabuluhan ang bawat oras na
ginugugul nila sa kanilang pamilya sapagkat ayon sa kanila , sa ganitong pandemya ay hindi mo
alam kung hanggang kailan mo nalang makakasama ang iyong mga mahal sa buhay.

REKOMENDASYON

Batay sa kinalabasan ng pag aaral na ito iminumungkahi ang mga sumusunod .

Una, maging matalino at magkaroon ng kontrol sa kalagayang pang pinansyal. Huwag lang basta
maging matalino samahan ng pagiging madiskarte sa buhay , sapagkat dala ng pagiging
madiskarte ang tagumpay sa buhay.

Pangalawa, maging handa sa anumang uri ng problemang maaaring dumating sa hinaharap.

Ikatlo, sa bawat negatibong nangyayari sa mundo, isipin ang positibo at oportunidad na


maidudulot sayo nito.

Ikaapat, sumunod at magpabakuna sapagkat ang pagpapabakuna kontra Covid-19 ay mahalaga


dahil ito ang pinakamahusay na paraan para mapigilan ang Covid-19.

Ikalima, gawing makabuluhan ang bawat oras na kasama ang pamilya dahil hindi natin alam
kung hanggang kailan mo nalang makakasama ang iyong mga mahal sa buhay lalo na ngayong
panahon ng pandemya.
Bibliograpiya
https://mgadeskartesabuhay.blogspot.com

https://publichealth.19county.gov.com

https://www.consumerfinance.gov.com

Ano ang epekto ng malawakang tigil-pasada sa ekonomiya? http://bit.ly/2lqZbQg.

https://www.rappler.com/newsbreak/265326-beyond-stories-jeepney-drivers-hardships-hunger-
coronavirus-pandemic/
https://www.youtube.com/watch?v=hqGHwVKWabE

You might also like