You are on page 1of 4

LESSON (LECTURE)

Heograpiyang Pantao
Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon, lahi, at pangkat-
etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Wika
Itinuturing ang wika bilang kaluluwa ng isang kultura. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga
taong kabilang sa isang pangkat. May 7, 105 buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit 6 200 000
000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga wikang magkakaugnay
at may iisang pinag-ugatan. Tinatayang may 136 language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng
wikang ito ay nagsasanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ipinakikita
sa talahanayan 1.5 ang ilan sa mga pangunahing pamilya ng wika sa daigdig.
Relihiyon
Mabibigyang kahulugan ang relihiyon bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng
mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa salitang religare
na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito.” Dahil sa mga
paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging batayan ito ng pagkilos ng tao sa
kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay. Kahit ang ating mga ninuno ay mayroon nang sistema ng mga
paniniwala na nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay. Ngunit hindi ito katulad ng mga relihiyon sa
kasalukuyan na may organisado at sistematikong mga doktrina. Sa kasaysayan ng daigdig, naging malaki
ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang lipunan.
Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng maraming buhay.
Dahilan din ito ng pag-unlad at pag-iral ng mga kultura. Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling malaking
bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon

Lahi/Pangkat-Etniko
Tila isang malaking mosaic ang daigdig dahil na rin sa maraming natatanging paglalarawan at katangian ng
mga naninirahan dito. Isang batayan nito ang race o lahi na tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat
ng mga tao, gayundin ang pisikal o bayolohikal na katangian ng pangkat. Maraming eksperto ang bumuo ng
iba-ibang klasipikasyon ng mga tao sa daigdig, ngunit marami rin ang nagsabing nagdulot ito ng
kontrobersiya sapagkat maaaring magpakita rin ito ng maraming diskriminasyon. Sa kabilang banda, ang
salitang “etniko” ay nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang “mamamayan.” Ang mga
miyembro ng pangkat-etniko ay pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, pinagmulan, wika, at relihiyon
kaya naman sinasabing maliwanag ang kanilang sariling pagkakakilanlan.
Grupong Etnolinggwistiko Ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura
Dalawang Batayan ng Paghahating Etnolinggwistiko
1. Wika – sumasalamin sa pangunahing pagkakakilanlan ng isang pangkat
2. Etnisidad – ang pagkakapareho ng isang pangkat batay sa wika, tradisyon, paniniwala, kaugalian, lahi at
saloobin.
ACTIVITY SHEET
HEOGRAPIYANG PANTAO
Gawain 2: Wika Ko Mahal Ko
Basahin at unawin ang tanyag na pahayag ni Dr. Jose Rizal tungkol sa pagmamahal sa sariling wika na
ipinapakita sa ibaba.
“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika Ay higit pa sa hayop at malansang isda”
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig na mensahe sa pahayag ni Jose Rizal?
2. Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa paglalarawan ni Jose Rizal sa isang tao na hindi marunong
magmahal ng sariling wika?
3. Bakit mahalaga ang pagmamahal sa sariling wika?
4. Paano mo maipapakita ang pagmamahal sa sariling wika?
PERFORMANCES TASK
GAWAIN 11: Modelo ng Kultura Bumuo ng anim na pangkat at talakayin ang heograpiyang pantao ng
bansang inyong napili. Sundin ang sumusunod na panuto para sa gawaing ito.
1. Gupitin ang manila paper na kahugis ng isang damit o kasuotan.
2. Sulatan ang “kasuotan” ng mga impormasyon o guhitan ito ng mga simbolo at bagay na tumutukoy sa
lahi, wika, at relihiyon ng bansang pinili ng iyong pangkat.
3. Sa hudyat ng guro, ipasuot sa isang miyembro ng pangkat ang nabuong kasuotan.
4. Ipakita ang kasuotan sa harap ng klase, tulad sa isang fashion show.
5. Pumili ng 1-2 miyembro ng pangkat na magpapaliwanag sa disenyo ng kasuotang suot ng kapangkat. 6.
Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Markahan din ang gawaing ito batay sa ibinigay na rubric.

MATERIALS
Manila Paper, Newspaper, Magazines, Crepe paper
Glue, Colored paper,art paper
Gunting, beads, sinulid at karayom, yarn

You might also like