You are on page 1of 1

“Nang Madama ko ang Pag-asa”

Nagising ako ng alas dose sa ingay ng aking telepono, na naging hudyat para magising
at simulan ang araw. Tanghaling tapat na ako nagigising, palibhasa’y kasabay ng pag bukang
liwayway ang pakiramdam ng pagod ng aking mga mata mula sa kakabasa ng mga artikulo
tungkol sa politika. Ngayon ang araw na pinakahihintay ko, kaya’t tanghali palang ay abala na
akong ihanda ang kulay rosas kong damit, at pati na ang banner na may nakasulat na mga
salitang “kulay rosas ang bukas”.
Pagsapit ng alas tres ay lumabas na ako ng bahay, at habang papalapit ng papalapit
ako sa lugar ng rally, ay ramdam ko ang sigla at sabik ng mga madla. Sino nga naman ang mag
aakalang ang maliit na bayan na aking kinalakihan, ay dadayuhin ng isang kumakandidato
bilang pangulo. Nang nagsimula na ang programa ay pilit kong sinisiksik ang aking sarili upang
dahan dahan ay makapunta ako sa harapan at nang mabigyan ng pagkakataong makinig at
makita ng malapitan ang bise-presidente. At nang matapos na ay hindi nga ako nagkamali, at
nagkaroon ako ng pagkakataong makaakyat sa entablado at makakuha ng litrato. Sa aking
paglapit sa kanya ay ramdam ko malasakit niya sa mga tao, na kahit na pagod na pagod na sa
paglibot ay hindi nawawala ang ngiti niya sa bawat Pilipino.
Isa iyon sa pinakamasayang araw na kailanma’y hinding hindi ko malilimutan.
Pagkatapos ng programa ay umuwi na ako dala dala ang ngiti na nakuha ko sa karanasan ko,
na minsa’y nadama ko na masarap maging Pilipino. Habang buhay kong dadalhin ang
karanasan, na minsa’y nagbigay sakin ng pag-asa na kapag ang gobyerno ay tapat, siguradong
lahat ay aangat.

You might also like