You are on page 1of 1

REPUBLIKA NG PILIPINAS)

LUNGSOD NG BATANGAS )SS

SINUMPAANG SALAYSAY NG SAKSI

Ako, si Marilou M. Santiago, may sapat na gulang, walang asawa, Filipino, at naninirahan sa
Rizal Ave., Brgy. 20, Batangas City, Batangas, pagkatapos makanumpa nang sang-ayon sa
pinaguutos ng batas ay malaya at kusang-loob na nagsasaysay na:

1. Ako ay may-ari ng isang tindahan sa may Rizal Ave. St. simula pa noong 2017 sa tapat ng
Batangas State University Main Campus;

2. Bukas ang aking tindahan simula alas-sais ng umaga hanggang alas-nuebe ng gabi;

3. Noong petsa 02 ng Setyembre 2020 bandang otso y medya ng gabi, ako ay nasa tindahan;

4. Ako ay nakarinig ng malakas na boses ng lalaki sa labas ng tindahan. Tinanaw ko mula sa


bintana at aking nakita ang limang lalaking nagkakainitan at nagsisigawan hanggang sa
nagkasuntukan sila;

5. Nakita ko na naglabas ng balisong si Paolo Sotto. Madali naman itong inagaw ni Jose
Bayola;

6. Ipinangsangga ni Randy Ballesteros ang kanyang braso sa pagsaksak na ginawa ni Jose


Bayola;

7. Nang matamaan sa braso si Randy, kinuha naman ni Ryan Manalo ang balisong at akmang
sasaksakin si Randy na napaluhod na sa sahig ngunit napigilan ito ni Allan Crawford ng
agawin nya ang balisong;

8. Kahit nakaluhod na si Randy, sinuntok pa din sya ni Ryan;

9. Tumugil ang kaguluhang iyon nang may dumating na Barangay Tanod Teodoro “Teddy”
Santos.

10. Isinakay ni Kagawad Pursigido Dimagiba ang lalaking may saksak sa kanyang sasakyan;

11. Ang apat na lalaki naman ay isinamana ni Barangay Tanod Teddy palayo sa lugar ng
kaguluhan.

12. Ang salaysay kong ito ay aking isinagawa bilang patotoo sa lahat na nabanggit na sa taas
nito.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NA ITO, ako ay lumagda sa ibaba nito, ngayong ika-30 ng


Setyembre, sa Batangas City, Pilipinas.

Marilou M. Santiago
Nagsalaysay

PAGPAPATOTOO

NILAGDAAN AT SINUMPAAN sa harap ko, ngayong ika-30 araw ng Setyembre ni Marilou M.


Santiago na may katibayan ng paninirahan gawad sa _______ noong _______

You might also like