You are on page 1of 30

7

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Unang Yugto (ika-16 at
ika-17 siglo) Pagdating nila sa Timog
at Kanlurang Asya

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan - Baitang 7 Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng Kolonyalismo
at Imperyalismo ng mga Kanluranin sa Unang Yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
Pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayucot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Development Team of the Module
Author/s: Mae An B. Omlan
Jomelyn O. Bery
Kristelle Mae Abarco
Florina L. Awayan
Reviewers: Lilia E. Balicog, HT III
Donna P. Olarte, HT I
Ramon A. Villa, HT I
Edwin V. Beloy, HT I
Illustrator and Layout Artist: Spark Erl E. Balicog

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayucot, CESO III Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director
Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI
Schools Division Superintendent
Eugene I. Macahis Jr.
Assistant Schools Division Superintendent
Members Mala Epra B. Magnaong, Chief EPS, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-AD
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - AralingPanlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872/ 0977 806 187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph
7
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo ng mga
Kanluranin sa Unang Yugto (ika-16 at
ika-17 siglo) Pagdating nila sa Timog
at Kanlurang Asya

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


educators from public schools. We encourage teachers and other education stakeholders to
email their feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
Region 10, at region10@deped.gov.ph.

Your feedback and recommendations are highly valued.

FAIR USE AND CONTENT DISCLAIMER: This SLM (Self Learning


Module) is for educational purpose only. Borrowed materials (i.e.
songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks,
etc.) included in these modules are owned by their respective copyright
holders. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them. Sincerest appreciation to those who have made

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Paunang Salita
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul 1 ukol sa Mga Dahilan, Paraan at Epekto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang
matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
Balikan
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa


iyo sa maraming paraan tulad ng isang kuwento,
Tuklasin
awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay


sa aralin. Layunin nitong matulungan kang
Suriin
maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

i
Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
Pagyamanin
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang
susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
Isaisip
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo


upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan
Isagawa
sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
Tayahin
kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong


Gawain gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha


Sanggunian
o paglinang ng modyul na ito.

ii
Pangkalahatang Panuto

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka ring humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Talaan ng Nilalaman

Paunang Salita -------------------- i


Icons ng Modyul -------------------- ii
Pangkalahatang Panuto -------------------- iii
Alamin -------------------- 1
Subukin -------------------- 2
Balikan -------------------- 5
Gawain 1: “Ihanay Mo!” -------------------- 5
Tuklasin -------------------- 6
Gawain 2: “Who Am I?” -------------------- 6
Suriin -------------------- 7
Pagyamanin -------------------- 13
Gawain 3: “Arrange Me!” -------------------- 13
Gawain 4: “You Are Mine!” -------------------- 13
Isaisip -------------------- 14
Gawain 5: “Answer Me!” -------------------- 14
Isagawa -------------------- 15
Gawain 6: “Dapat May Label!” -------------------- 15
Tayahin -------------------- 15
Karagdagang Gawain -------------------- 19
Gawain 7: “Akin Ka!” -------------------- 19
Susi sa Pagwawasto -------------------- 20
Sanggunian -------------------- 21
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat upang iyong pag-aralan ang
mga dahilan ng kolonyalismo at imperyalismo ng mga Kanluranin sa unang
yugto (ika-16 at ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya.
Hangad ng modyul na ito na kayo ay may matutunan upang makamit ng
Kagawaran ng Edukasyon ang kalidad ng edukasyon.

Tatalakayin sa modyul ang mga dahilan, paraan at epekto ng


kolonyalismo at imperyalismo ng mga kanluranin sa unang yugto (ika-16 at
ika-17 siglo) pagdating nila sa Timog at Kanlurang Asya.

Pagkatapos mong basahin at pag-aralan ang modyul na ito, ang mga


inaasahang malilinang sa iyo ay ang mga sumusunod na mga karunungan:
a. Nasusuri ang mga dahilan, paraan at epekto ng kolonyalismo at
imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
b. Napupunan ang talahanayan ng mga dahilan, paraan at epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
c. Napahahalagahan ang pagmamahal sa sariling bansa sa kabila ng
mga impluwensiya ng kolonyalismo at imperyalismo.

1
Subukin
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

_____1. Ang mga sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga


Kanluranin na magtungo sa Asya maliban sa isa;
a. Paglalakbay ni Marco Polo
b. Ang mga Krusada
c. Ang Reinkarnasyon
d. Ang Renaissance
_____2. Ito ay nangangahulugang “muling pagsilang.”
a. Krusada
b. Renaissance
c. Merkantilismo
d. Paglalakbay
_____3. Ito ay ang Asyanong teritoryo na pinakamalapit sa kontinente ng
Europe.
a. Constantinople
b. Espanya
c. Jerusalem
d. Portugal
_____4. Sino ang Italyanong marinero na namuno sa England?
a. Marco Polo
b. John Cabot
c. Alfonso de Albuquerque
d. Francisco de Almeida
_____5. Aling bansa ang nasakop ng France?
a. Laos
b. Malaysia
c. Pakistan
d. Thailand

2
_____6. Ang mga sumusunod ay mga bansang kanluranin na nakarating
sa India maliban sa;
a. England
b. France
c. Portugal
d. Wala sa nabanggit
_____7. Ito ay nagmula sa salitang Latin na “colonus” na ang ibig sabihin ay
magsasaka.
a. Imperyalismo
b. Kapitalismo
c. Kolonyalismo
d. Merkantilismo
_____8. Ito ay nagmula sa salitang Latin na “imperium” na ang ibig sabihin
ay command.
a. Imperyalismo
b. Kapitalismo
c. Kolonyalismo
d. Merkantilismo
_____9. Ito ay ginagamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan.
a. Astrolabe
b. Barometer
c. Compass
d. Telescope
_____10. Ano ang tawag sa pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan
ng mga produkto?
a. Ekonomiya
b. Kabuhayan
c. Pamahalaan
d. Wala sa nabanggit

3
_____11. Anong uri ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya ang pahayag na “Ang mga istilo ng pamumuhay ay
iginaya sa Kanluranin”?
a. Ekonomiya
b. Kalusugan
c. Politika
d. Sosyo-kultural
_____12. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa magandang epekto
ng kolonyalismo at imperyalismo?
a. Lumawak ang kalakalan
b. Nakilala ang iba’t ibang produkto
c. Lumawak ang kaalaman sa Heograpiya
d. Ang mga paniniwala at pananampalataya ng mga Asyano ay
napalitan
_____13. Naging tanyag ang Portugal dahil ito ang;
a. nanguna sa kalakalan
b. may mahabang baybayin
c. may kaalamang pandagat
d. unang bansang pumalaot sa kolonisasyon
_____14. Ito ay ang pagtatatag ng permanenteng teritoryo sa mga
dayuhang lupain.
a. Imperyalismo
b. Kolonyalismo
c. Nasyonalisimo
d. Terorismo
_____15. Ano ang kahalagahan ng instrumentong Astrolabe?
a. Instrumentong gabay sa tamang direksiyon
b. Instrumentong sumukat sa taas ng araw at bituin.
c. Instrumentong ginagamit upang malaman ang oras at latitud
d. Instrumentong panukat sa mga anggulong kinalalagyan ng
mga bituin at araw

4
Mga Dahilan ng Kolonyalismo at
Imperyalismo ng mga Kanluranin sa
Aralin
Unang Yugto (ika-16 at ika-17 siglo)
Pagdating nila sa Timog at Kanlurang
Asya

Balikan

Gawain 1: “Ihanay Mo!”


Panuto: Hanapin sa Hanay B ang imperyong nakaambag ng mga
kontribusyon na nasa Hanay A. Isulat ang titik lamang. Gawin ito sa
sagutang papel.
HANAY A HANAY B
_____1. Gulong A. Lydian
_____2. Barter B. Chaldean
_____3. Hanging Gardens of Babylonians C. Hittite
_____4. Bibliya D. Sumerian
_____5. Pagmimina ng iron Core E. Persian
F. Hebreo

5
Tuklasin

Gawain 2: “Who Am I?”


Panuto: Suriin ang mga sumusunod na mga larawan at ayusin ang mga letra
upang makilala ang konseptong tinutukoy. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Buckingham Palace

PROUTGAL

______________________
Pena Palace
2.

FANRCE

______________________

Eiffel Tower

3.

NEHTERALNDS

______________________
The Anne Frank House
4.

EGLNAND

______________________

6
Suriin
Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na “colonus” na ang
ibig sabihin ay magsasaka. Ito ay isang patakaran ng isang bansa na
mamamahala ng mga sinakop upang makamit ang likas na yaman ng mga
sinakop para sa sariling interes, samantalang ang imperyalismo ay nagmula
sa salitang Latin na “imperium” na ang ibig sabihin ay command. Ito ay
nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang bansa sa
aspektong pangpolitika, pangkabuhayan at kultural na pamumuhay ng mahina
at maliit na bansa upang maging pandaigdigang makapangyarihan.

Talahanayan 1: Tagpuan ng Mangangalakal na Europeo at Asyano

BILANG LOKASYON TAGPUAN

Una Hilagang Ruta  Nagsimula sa China at tatawid


sa lungsod ng Samarkand at
Bokhara.

Pangalawa Gitnang Ruta  Papunta sa baybayin ng Syria


at dadaan sa Golpo ng Persia.

Pangatlo Timog Ruta 


Maglalayag mula sa India,
tatahakin ang Karagatang
Indian hanggang sa
makarating ng Egypt sa
pamamagitan ng Red Sea.

7
Talahanayan 2: Mga Dahilan na Nagbunsod sa mga Kanluranin na
Magtungo sa Asya

Dahilan Mga Mahalagang Pangyayari


Ang Krusada na • Inilunsad ni Papa Urban II noong 1096 sa mga
inilunsad noong 1096 Kristiyanong kabalyero.
• Layunin na mabawi ang Jerusalem, ang banal
na lugar ng mga Kristiyano na nasakop ng
mga Muslim.
Ang Paglalakbay ni • Isang Italyanong adbenturerong
mangangalakal na taga Venice.
Marco Polo
• Nanirahan sa China sa panahon ni
Emperador Kublai Khan ng dinastiyang Yuan
nang higit sa halos 11 taon dahil siya ang
tagapayo nito.
• Itinalagang maglakbay sa iba’t ibang lugar sa
Asya sa ngalan ng Emperador.
• Nakarating siya sa Tibet, Burma, Laos, Java,
Japan, at Siberia.
• Inilimbag niya ang aklat na “The Travels of
Marco Polo” nang bumalik sa Italy noong
1295.
Ang Renaissance • Ito ay salitang Pranses na ang ibig sabihin ay
“muling pagsilang”.
• Nagmula sa Italya noong 1350.
• Isa itong pilosopikal na makasining at
binigyang-diin ang pagbabalik interes sa mga
kaalamang klasikal sa Greece at Rome.
• Pangunahing interes ay labas sa saklaw ng
relihiyon.
• Natuon ang interes ng tao sa istilo at disenyo,
sa pamahalaan, sa edukasyon, sa wastong
pag-uugali, at sa paggalang ng pagkatao ng
isang indibidwal.
• Nagbukas ng daan sa pagbabago sa larangan
ng kalakalan at negosyo kaya umusbong ang
rebolusyong komersiyal na nagdulot ng mga
pagbabago sa gawang pang- ekonomiya.
Ang Pagbagsak ng Constantinople - ay ang Asyanong teritoryo na
pinakamalapit sa kontinente ng Europe. Ito ay
Constantinople (bahagi
nagsilbing rutang pangkalakalan mula Europe
ng Turkey sa
patungong India, China, at iba pang bahagi ng
kasalukuyan) Silangan na napasakamay ng mga Turkong Muslim
noong 1453.
• teritoryong madalas daanan noong panahon
sa Krusada.

8
• Nang lumakas ang Turkong Muslim at sinakop
ang Jerusalem, nanganib at bumagsak ang ito
sa mga Turkong Muslim.

 Nasakop nang lubusan noong 1453 nang


masakop ng Turkong Muslim ang
Mediterranean.
 Naging resulta ay ang ganap na pagkontrol ng
mga Turkong Muslim sa mga ruta ng kalakalan
mula Europe patungong Silangan.
 Tanging mga Italyanong mangangalakal na
taga Venice, Genoa, at Florence ang
pinayagan ng mga Turkong Muslim ang
makadaan sa ruta.
 ang kalakal na nakuha sa Asya ng mga
Italyano ay dinala sa bansang Portugal, Spain,
Netherlands, England at France.
 napilitang maghanap ng bagong ruta ang mga
mangangalakal na Europeo na pinangunahan
ng mga Portugese at sinundan ng mga
Spanish, Dutch, Ingles at Pranses.
 ika-16 na siglo naimbento ang mas maunlad
na kagamitang pandagat tulad ng astrolabe
kung saan ginagamit upang malaman ang
oras at latitud samantalang ang compass ay
ginagamit upang malaman ang direksiyon ng
pupuntahan.
Ang Merkantilismo  Naniniwala ang mga Europeo na may
malalaking magagawa ang ginto at pilak sa
katuparan ng kanilang adhikain.
 Konsepto na ang yaman ng bansa ay nasa
dami ng ginto at pilak.
 Napalakas ang kapangyarihan ng bansang
mananakop
 Nagbibigay daan sa pag-aagawan ng kolonya
sa bagong daigdig.
 Ang pang-katubigang kalakalan at pananakop
ng mga bansang Europeo ay naging daan sa
pag-unlad ng ekonomiya ng Europe.
 Pamamaraan sa pakikipagkalakalan at ang
pagbabangko ay napaunlad upang kumita ng
malaki ang bansang Europe.
 Ang mga dahilan na nagbunsod sa mga
kanluranin na makarating sa Asya ang naging
daan para sumigla ang palitan ng kalakal ng
mga Europeo at mga Asyanong

9
mangangalakal at makilala ng mga Kanluranin
ang mga likas na yaman, mga hilaw na
materyal na panustus sa industriya.

Talahanayan 3: Mga Paraan ng mga Kanluranin sa Pananakop


Kanluraning
Pangyayari/Paraan ng Pagsakop Bansang Sinakop
Bansa /Mananakop
 1502 – nagbalik at nagtatag si Vasco da  Calicut sa India
Gama ng sentro ng kalakalan
 1505 – ipinadala si Francisco de Almeida  Mga bansa sa
bilang unang Viceroy sa silangan Silangan
 1510 – sa pamumuno ni Alfonso de • Ormuz sa Golpo
Albuquerque maraming bansa ng Persia(Iran)
ang nasakop • Diu at Goa sa
India
• Aden sa Red Sea
• Malaca sa
Malaya
• Moluccas sa
Ternate
• Macao sa China
• Formosa
(Taiwan)
PORTUGAL  paggamit sa mga daungan upang makontrol ang kalakalan
 nanakop sa pamamagitan ng pangkabuhayan o pang-ekonomiya
hanggang sa ipinasok ang Kristiyanismong Katolisismo sa mga
nasasakupan
 1580 – sinakop ng Spain sa loob ng 60 taon
 1640 – nakalaya ngunit ang kanyang mga kolonya ay nakuha ng
England at France

ENGLAND  John Cabot – isang Italyanong marinero  Nova Scotia,


na namuno sa England Canada
 East India Company – isang pangkat ng • Ceylon sa Sri
mangangalakal na Ingles na Lanka
pinagkalooban ng England ng • Malaya(Malaysia)
kapangyarihan • Singapor
- sentro ng kalakalan ng e
England sa India Nakapagtatag ng • Australia
 permanenteng panirahan sa Hilagang • New
Amerika Zealand
• Mga pulo
sa
Hilagang
Pasipiko

10
 1600 – ginamit ang East India Company  India
upang mangalakal at pamahalaan ang
pananakop nito at pangalagaan ang
interes nito sa ibayong dagat
 1612 – nabigyan ng permiso ang Ingles  Surat sa India
para makapagtatag ng pagawaan

 1622 – tinulungan ng Ingles ang mga  India


Persian laban sa Portuguese kaya’t
nakapagtatag ng sentro ng kalakalan sa
kanluran at silangang baybayin
 British East India Company – nakakuha na ng concession
(pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo) sa
Madras mula sa Rajah ng Chandragiri
 1668 – pinaupahan ni Haring Charles ang
pulo ng Bombay
 1690 – nakuha ang kapirasong lupain sa delta ng Ganges ng
mga Ingles sa pagpayag ni Emperador Aurangzeb,
lider ng Imperyong Mogul
 tuluyang sinakop ang India nang makita ang malaking
pakinabang sa likas na yaman nito
 • Laos
• Cochin China
ika-18 siglo – sinakop ang buong
• Cambodia
kolonyang French Indo- China
• Annam sa
Vietnam
FRANCE  nakipagsabwatan sa pinunong lokal ng Bengal
 1664 – naitatag ang French East India Company
 • Pondicherry
nakapagtatag ng pamayanang • Chandarnagore
pangkomersiyal • Mahe
• Karikal
 Dutch East India Company – ginamit upang mamahala sa isang
NETHERLANDS bahagi ng India
 Sinakop ang East Indies (Indonesia)
 nakuha ang Oman at Muscat noong 1507 ng mga
mangangalakal na Portuguese ngunit napatalsik ng mga Arabe
TURKONG noong 1650
OTTOMAN  1907 – naging protectorate ng Great Britain ang Bahrain, ngunit
pinatalsik ang mga British ni Heneral Shah Reza Pahlavi

11
Talahanayan 4: Mga Epekto ng Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog
at Kanlurang Asya
Larangan Mga Patunay

 Pinakinabangan ng husto ang mga likas na yaman at mga hilaw


na sangkap
 Pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga produkto
 Ang natural na kapaligiran ng mga Asyano ay unti-unting
Ekonomiya naubos at pinagkakitaan ng mga dayuhan.
 Nagpatayo ng mga tulay, riles ng tren, at kalsada ang mga
mananakop
 Isinilang ang mga Asyanong naging mga mangangalakal o
middlemen
 Nagtayo ng mga ospital
 Hiwa-hiwalay na estado na iba-iba ang namumuno ang naging
kalagayan ng mga katutubo
 Nagtatag ng isang sentralisadong pamahalaan
 Nagkaroon ng paghahati-hati ng rehiyon sa mga kanluraning
bansa at nagkaroon ng fixed border o takdang hangganan ang
Politika teritoryo ng bawat isa
 Nasanay ang mga Asyano sa paggamit ng mga produktong
 dayuhan
Ang mga paniniwala, pilosopiya, at pananampalataya ng mga

Asyano ay pinalitan ng mga dayuhan
Nagkaroon ng paghahalo ng lahi ng mga katutubo at mga
Sosyo-Kultural kanluranin
 Ang mga kaugalian ay nahaluan tulad sa mga pagkain at istilo
ng pamumuhay ay ginaya.

12
Pagyamanin

Gawain 3: “Arrange Me!”

Panuto: Ayusin ang mga ginulong salita na tinutukoy sa pangungusap. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa: BUKLAI KAHN- siya ang Emperador ng dinastiyang Yuan sa
China na nagtalaga kay Marco Polo na maglakbay sa iba’t ibang lugar sa
Asya.

Sagot: KUBLAI KHAN Aralin


1. OCRAM OPLO inilimbag niya ang aklat na “The
Travels of Marco Polo” nang bumalik
sa Italy noong 1295

2. SSANCERENAI isa itong pilosopikal na makasining at


binigyang- diin ang pagbabalik interes
sa mga kaalamang klasikal sa Greece
at Rome

3. OPLETANTINCONS ito ay teritoryong madalas daanan


noong panahon sa Krusada.
4. KANLISTIMOMER ito ay konsepto na ang yaman ng bansa
ay nasa dami ng ginto at pilak
5. LAHIGANGTARU nagsisimula sa China at tatawid sa
lungsod ng Samarkand at Bokhara.

GAWAIN 4: “You Are Mine!”


Panuto: Isulat sa kahon ang mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na
nasakop ng mga Kanluranin. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PORTUGAL ENGLAND 13 FRANCE NETHERLANDS

Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa: Halimbawa:


Isaisip

Gawain 5: “Answer Me!”

1. Papaano mo maipapakita ang pagmamahal sa sariling bansa sa kabila


ng mga impluwensiya ng kolonyalismo at imperyalismo?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA NG SAGOT

Nilalaman Maayos at naaayon sa tanong. 2


Kaangkopan Angkop at makakaingganyo sa bumabasa. 2
Kahusayan Diretso sa ideyang nais ipahayag. 1
Kabuuan 5

14
Isagawa

Gawain 6: “Dapat May Label!”


Panuto: Isulat ang D kung Dahilan, P kung Paraan at E kung Epekto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya ang mga
sumusunod na pahayag.
_____1. Ang Paglalakbay ni Marco Polo
_____2. Pagkakaroon ng mga pamilihang paglalagyan ng mga produkto
_____3. Paggamit sa mga daungan upang makontrol ang kalakalan
_____4. Ang Krusada na inilunsad noong 1096
_____5. Pananakop sa pamamagitan ng pangkabuhayan at pang-
ekonomiya

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.


_____1. Alin sa mga sumusunod na salita sa ibaba ang nangangahulugang
“muling pagsilang”?
a. Krusada
b. Merkantilismo
c. Paglalakbay
d. Renaissance
_____2. Ang mga sumusunod ay mga dahilan na nagbunsod sa mga
Kanluranin na magtungo sa Asya maliban sa;
a. Paglalakbay ni Marco Polo
b. Ang Mga Krusada
c. Ang Reinkarnasyon
d. Ang Renaissance

15
_____3. Ang mga sumusunod ay mga bansang kanluranin na nakarating sa
India maliban sa;
a. England
b. France
c. Portugal
d. Wala sa nabanggit
_____4. Ito ay nagmula sa salitang Latin na “colonus” na ang ibig sabihin ay
magsasaka.
a. Imperyalismo
b. Kapitalismo
c. Kolonyalismo
d. Merkantilismo
_____5. Ang mga sumusunod ay mga teritoryong hindi nakuha ng France
maliban sa;
a. Canada
b. England
c. Laos
d. Louisiana sa Amerika
_____6. Ito ay gingamit upang malaman ang direksyon ng pupuntahan.
a. Astrolabe
b. Barometer
c. Compass
d. Telescope
_____7. Ito ay ang pagtatatag ng permanenteng teritoryo sa mga dayuhang
lupain.
a. Imperyalismo
b. Kolonyalismo
c. Nasyonalismo
d. Terorismo

16
_____8. Ang aklat na inilimbag ni Marco Polo sa kanyang pagbalik sa Italy
noong 1295 ay ang;
a. The Travels of Papa Urban II
b. The Travels of Kublai Khan
c. The Travels of Marco Polo
d. The Travels of Magellan
_____9. Ang mga sumusunod ay ang magandang epekto ng kolonyalismo at
Imperyalismo maliban sa;
a. Ang mga paniniwala at pananampalataya ng mga Asyano ay
napalitan
b. Lumawak ang kaalaman sa Heograpiya
c. Nakilala ang iba’t ibang produkto
d. Lumawak ang kalakalan
_____10. Sa anong kadahilanan mas kilala ang Portugal?
a. Nanguna sa kalakalan
b. May mahabang baybayin
c. Mga Kaalamang pandagat
d. Unang bansang pumalaot sa kolonisasyon
_____11. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng instrumentong
Astrolabe?
a. Instrumentong panukat sa mga anggulong kinalalagyan ng
mga bituin at araw
b. Instrumentong ginagamit upang malaman ang oras at latitud
c. Instrumentong sumukat sa taas ng araw at bituin.
d. Instrumentong gabay sa tamang direksiyon
_____12. Alin sa mga sumusunod ang nagmula sa salitang Latin na
“imperium”
na ang ibig sabihin ay command?
a. Imperyalismo
b. Kapitalismo

17
c. Kolonyalismo
d. Merkantilismo

_____13. Anong uri ng epekto ng kolonyalismo at imperyalismo sa Timog at


Kanlurang Asya ang pahayag na, “Ang mga istilo ng pamumuhay ay
iginaya sa Kanluranin”?
a. Ekonomiya
b. Kalusugan
c. Politika
d. Sosyo-kultural
_____14. Alin sa mga Asyanong teritoryo ang pinakamalapit sa kontinente ng
Europe?
a. Constantinople
b. Espanya
c. Jerusalem
d. Portugal
_____15. Layunin nito na mabawi ang Jerusalem, ang banal na lugar ng mga
Kristiyano na nasakop ng mga Muslim.
a. Paglalakbay ni Marco Polo
b. Ang Reinkarnasyon
c. Ang mga Krusada
d. Ang Renaissance

18
Karagdagang Gawain

Gawain 7: “Akin Ka!”


Panuto: Punan ang talahanayan ng angkop na mga konseptong naaayon
sa paksa. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

DAHILAN PARAAN EPEKTO


1. 5. 7.
2. 6. 8.
3. 9.
4. 10.

a. krusada
b. merkantilismo
c. nagtatag ng sentralisadong pamahalaan
d. pagbagsak ng Constantinople
e. ipinadala si Francisco de Almeida bilang Viceroy
f. nasanay sa paggamit ng mga produktong dayuhan
g. paggamit sa East India company
h. paglalakbay ni Marco Polo
i. nagtayo ng mga ospital
j. nahaluan ang mga kaugalian

19
Susi sa Pagwawasto

20
Sanggunian

Aklat

Blando, Rosemarie C, et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Eduresources Publishing Inc., Philippines 2014.pahina 196-200

Blando, Rosemarie C, et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba


Eduresources Publishing Inc., Philippines 2014.pahina 201-204

Blando, Rosemarie C, et.al. Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng


PagkakaibaEduresources Publishing Inc., Philippines 2014.pp. 213-215.

Website
https://pixabay.com/images/search/train%20in%20a%20railway/
https://pixabay.com/photos/landscape-at-dusk-5313115/
https://www.google.com/search?q=buckingham+palace+england&sxsrf=ALeK
k03yG6_RyoxpeRDFm-
npm_6ZGyXPyQ:1595490070717&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahU
KEwi0_6DX7-
LqAhXXzIsBHTyxBFcQ_AUoAXoECCMQAw&biw=1366&bih=608#imgrc=L08
K9ekc-Bo1vM https://www.google.com/search?
q=eiffel+tower&sxsrf=ALeKk01NhqHbKh_TIB
65OVhHaEWvtFMufQ:1595486414225&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=uAh
HYcLu1A_oiM%252C5qzeaeNUNfDvYM
%252C_&vet=1&usg=AI4_kRDW0QAR6-P_haZbFb-
SNPsdmA0uQ&sa=X&ved=2ahUKEwi8xtqH4uLqAhUqGaYKHWuuARIQ9QE
wAHoECAMQMA&biw=1366&bih=608#imgrc=HXsFOKZkfN_D-M
https://www.google.com/search?q=pena+palace+portugal&sxsrf=ALeKk02qZ
KnBEr_FrBSW0VdYosRUicn82w:1595489499798&tbm=isch&source=iu&ictx
=1&fir=LwaOu2InJo7kFM%252CveGyJ3Gbw4e82M%252C_&vet=1&usg=AI4
_-

21
kQA_SNlbhZI5DxElpnwGTRBVd5AOw&sa=X&ved=2ahUKEwj1_ILH7eLqAh
ViIqYKHUd2D70Q9QEwAnoECAkQJg&biw=1366&bih=608#imgrc=LwaOu2In
Jo7kFM

https://www.google.com/search?q=poster+ng+mga+ng+kolonyalismo+at+imp
eryalismo+ng+mga+Kanluranin+sa+unang+yugto&rlz=1C1CHJW_enPH908P
H908&sxsrf=ALeKk03UbHShTaCreJxoCH9e1cvacgb4Q:1594004911786&so
urce=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwj82qWE07fqAhWEy4sBHTnZCtw
Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=rm6XJzjpJEkk6M

https://www.istockphoto.com/photo/interior-of-new-empty-hospital-
roomgm1153684245313423225?
utm_source=pixabay&utm_medium=affiliate&utm
_campaign=SRP_image_sponsored&referrer_url=https%3A%2F%2Fpixabay.
com%2Fimages%2Fsearch%2Fhospital%2F&utm_term=hospital

https://www.slideshare.net/JoyAnnJusay1/epekto-ng-kolonyalismo-

atimperyalismo-sa-timog-at-kanlurang-asya-ika-1620-siglo

https://www.slideshare.net/maryannaureo23/ang-merkantilismo

https://www.tripadvisor.com.ph/Attraction_Review-g188590-d190555-

Reviews-Anne_Frank_House-
Amsterdam_North_Holland_Province.html#photos;aggregationId=&albumid=
&filter=7&ff=376294137

22
Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon- Dibisyon ng Misamis Occidental
Office Address: Ad. Osilao St., Poblacion I, Oroquieta City, Misamis Occidental
Contact Number: (088) 531-1872 / 0977 806 2187
E-mail Address: deped_misocc@deped.gov.ph

You might also like