You are on page 1of 3

Pangalan:johnyuri Dingal________________________________

Paaralan:______________________

Baitang at Pangkat: 5-leo______________________________

Written Work No. 1

FILIPINO 5
Kompetensi: Nasasagot ang mga tanong sa binasa/napakinggang kuwento at
tekstong pangimpormasyon (F5PB-Ic-3.2)

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang maikling kwento .

Ang Masaya at Makabuluhang Pamamasyal

Pinayagan na muli ng pamahalaan na makalabas ang mga tao mula sa kani-


kanilang mga tahanan basta’t isasaalang-alang lamang mga wastong pamantayan
upang maiwasan na mahawa sa banta ng COVID-19. Isang araw ng Linggo
napagpasyahan ng ng mag-anak na Robles na pumunta sa mga magagandang
lugar sa Bayan ng Tanay sa Lalawigan ng Rizal. May mga suot silang “facemask” at
face shield kung bumababa na sila ng sasakyan. May dala rin silang alcohol na
nakalagay sa maliit na botelya. Tinandaan din nila na dumistansya sa iba kapag
naglalakad na sila at namamasyal. Ang una nilang pinuntahan ay ang simbahan na
ang ngalan ay Parokya ni San Ildefonso na makikita sa kabayanan. Sumunod nilang
tinungo ang Daranak Falls at Batlag Falls. Sumunod dito nadaanan din nila ang
simbahan ng Black Madonna. Madami rin silang nadaanan na mga pribadong
paliguan tulad ng Bakasyunan,Momarco at marami pang iba. Pinuntahan din nila ang
simbahan ng Regina Rica kung saan makikita ang isang napakalaking imahe nito na
may taas na 71 talampakan na nakatayo sa matarik na bahagi ng bundok na ito.
Kumain sila sa isang kilala at dinarayong kainan na Lutong Pugon sa Tiongco’s Garden.
Marami pang magagandang lugar sa bayan ng Tanay na maaari nilang puntahan
tulad ng Mt. Daraitan, Tinipak River, Treasure Mountain, Calinawan Cave Kinabuan Fall
ngunit kulang ang oras para ito ay kanilang marating. Dahil sa hapo at pagod na ang
mag-anak tumungo muna sila sa isa pang kilalang kainan dito ang Ricardo’s Vista
Cielo dito na sila naghapunan. Naging masaya at makabuluhan ang pamamasyal ng
mag-anak.
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa binasang maikling kwento. Isulat ang
iyong kasagutan matapos ang mga tanong.

1. Sino ang pamilya na namasyal?

2. Saan sila namasyal?

3. Ano ang simbahan na pinuntahan nila na may makikitang malaking imahe?

4. Gaano kataas ang imahe sa simbahan na kanilang pinuntahan?

5. Ano ano ang pinuntahan ng mag-anak?

6. Ano- anong ngalan ng kainan na kanilang pinuntahan?

7. Saan matatagpuan ang bayan ng Tanay?

8. Ano ang ngalan ng parokya na una nilang pinuntahan?

9. Naging masaya ba at makabuluhan ang pamamasyal ng mag-anak?

10- 15. Sa iyong palagay, bakit naging masaya at makabuluhan ang kanilang pamamasyal?
May mahalaga bang pag –iingat na ginawa ang mag-anak habang namamasyal?

A. Panuto: Gamitin sa pangungusap ang bawat pangngalan na tumutukoy sa


ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari

Tao Bagay Lugar Hayop Pangyayari


pamilya laptop Lalawigan ng pusa kaarawan
Rizal

1.____________________________________________________________________________

2.____________________________________________________________________________

3.____________________________________________________________________________

4.____________________________________________________________________________

5.____________________________________________________________________________

You might also like