You are on page 1of 3

Pagkatapos ng dalawang taon, ROTC training muling isinagawa

Init at pagod ang dinanas ng mga estudyante ng USM-KCC na sumabak sa training ng Reserve Officers'
Training Corps o mas kilala bilang ROTC, isang programa ng kolehiyo kung saan magkakaroon ng military
training ang mga estudyante upang magkaroon sila ng credits sa kanilang NSTP na asignatura at bilang
paghahanda na rin na atasan bilang mga opisyal na reservist ng Armed Forces of the Philippines kung
kinakailangan.

Magkakaroon ang programang ito ng Presentation of Sponsors (POS) sa darating na Disyembre 1, 2022
sa ROTC field na isinasagawa lamang sa unang semestre ng taong 2022-2023. Umaga pa lang ay
nagsisimula nang magsanay sa field ang mga estudyante upang sa gayon ay mahaba ang oras ang
magamit nila sa kanilang paghahanda sa nalalapit na seremonya o Lakandiwa para sa mga advanced
ROTC officers. Parte na rin ito ng kanilang training sapagkat dalawang taon na rin ang nakalipas mula
nang dumating ang pandemya ay hindi pa naisagawa ang pagsasanay sa kanila ng sabay-sabay.

Hindi maiwasan na mayroong mga suliranin na hindi inaasahan sa mga estudyante lalong-lalo na kung
mahina ang kanilang immune system at may mga sakit sa puso ang sumasali rito kaya karamihan sa
kanila ay nakaranas ng panghihina sa kalagitnaan ng training o paghahanda. Sa tulong ng mga
estudyante na parte ng Civic Welfare and Training Service (CWTS) ay minabuti na bantayan nila nang
maigi ang mga insidenteng ito upang makatulong sila sa anumang pangyayari at matugunan ang
kanilang responsibilidad at serbisyo sa kapwa nila.

Ang mga tambol at musika na galing sa glockenspiel ay pangunahing nagbibigay ng martial na musika
para sa mga parada, tactical, at iba pang mga seremonya ng Corps. "Nagkaroon [ako] ug disiplina [sa
pagsali ko]," ani July-ann S. Adorna, isang estudyante na kasali sa ROTC.

Ang ganitong klase ng aktibidad sa paaralan ay nagbibigay aral sa kanila upang magkaroon ng tiwala sa
sarili na mamuno sa isang grupo o ng organisasyon, magkaroon ng kakayahan na hindi mahahanap kahit
saan, maging magalang sa kapwa at sa nakakataas, at masanay na magkaroon ng disiplina sa kanilang
sarili. Maaari nila itong maging batayan sa araw-araw nilang pamumuhay kaya ito ay naging parte ng
edukasyon.
383 estudyante naging benepisyaryo ng TDP

Tinatayang 383 ang naitalang bilang ng mga estudyante sa USM-KCC ang benepisyaryo ng scholarship na
Tulong Dunong Program (TDP). Pinangunahan ito ng 2 nd District Congressman Hon. Rudy Caoagdan,
Commission on Higher Education (CHED) Director IV Nelia A. Alibin, PhD, at Makilala Institute of Science
and Technology (MIST) President Gerardo Rigonan, at iba pang CHED Personnel ng Tulong Dunong
Beneficiaries.

Bawat kwalipikadong estudyante ay mabibigyan ng allowance sa bawat semestre sa isang taon kaya
napakalaking tulong ito para sa kanila at ito ay karagdagang tulong pinansyal nila sa panggastos sa
pagpasok nila sa paaralan araw-araw. Tinitiyak ng programang ito na ang edukasyon ay ang daan upang
makalaya ang lahat ng estudyante sa kahirapan. Ito rin ay naglalayong isulong ang kahalagahan ng
edukasyon at magiging prayoridad ng bawat isa bilang pangmatagalang paglaanan ng pangarap sa
buhay.

“Isang malaking karangalan para sa akin ang maging bahagi at benepisyaryo ng Tulong Dunong Program
(TDP). Dahil sa cash assistance na iginagawad ng TDP, labis itong nakatulong hindi lang sa aking gastusin
sa pag-aaral kundi pati na rin sa pangangailangan ng aming pamilya. Napakahirap ng panahon ngayon
pero sa tulong na ibinabahagi ng TDP, napapagaan ang pinansyal at materyal na pangangailangan.
Biyaya Niya!,” ani Joana Joy S. Calimpitan, isang estudyante ng Batsilyer ng Sekundaryang Edukasyon
Medyor sa Filipino.

Ito ang bagong simula para sa kanila upang hikayatin ang sarili nila na mag-aral ng mabuti sa kasagsagan
ng krisis ngayong new normal. Napakalaking tulong ito para sa kanila lalong-lalo na sa mga estudyante
na magtapos sa taong ito. Ang TDP ay nagbubukas ng mga bagong oportunidad para labanan ang
kahirapan, isang paraan upang maipagpatuloy ang pag-aaral, at magiging sulit ang tagumpay at
pagsisikap ng mga estudyante sa tulong nito.
Canteen

"Kailangan bang magsiksikan sa loob para makakain?"

Ito ang laging sambit ko kapag nasa labas ako ng canteen. Nakikita ko ang mga estudyante sa loob na
nagsiksikan sa cashier banda, nag-uunahan sa pagbili ng makakaing biscuits, softdrinks, junk foods, at iba
pa. Maingay ang lahat dahil may nag-uusap kasama ang mga kaibigan o kaklase at may nagtatawanan
habang kumakain. Nakakarindi na sa tenga ang ingay na ginagawa nila.

Ngunit sa likod ng mga pangyayari, dito sa lugar na ito ay nagiging matatag ang isang estudyante sa
labanan ng kinabukasan. Ang pagkain na binibili nila sa canteen ang nagbibigay lakas at siyang sandata
sa gutom na nararamdaman nila upang labanan ang mga hamon at pagkatapos ay maipagpatuloy ang
pagsusumikap para sa kanilang mga pangarap kapag sila ay lumisan. Dito nabuo ang mga masasayang
alaala na hindi malilimutan ng bawat isa kagaya lamang ng unang pagsasama ng magkakaibigan o
magkaklase. Dito rin nabuo ang pagkilala sa sarili, maipakita ang pagtawa nila ng malakas, pakikipag-
usap tungkol sa nangyari sa kanilang klase at pakikipag-chismisan sa mga isyu.

Ang canteen ay lugar kung saan dito bumibili ng pagkain para sa recess ang mga estudyante. Sinisikap ng
mga tindera o ng may-ari na linisin at ayusin ang loob nito upang hindi magulong tignan at malinis ito
bago buksan. Hindi madali para sa kanila ang trabaho na ginagawa nila dahil maghahanda pa sa kanilang
lulutuing mga putahe para sa short order sa mainit na lutuan, linisin ang nga mesa, at isaayos ang mga
upuan. Bawat pagkain dito ay kinahihiligan ng nga estudyante kaya magsiunahan sila sa pagbili at
pagbayad nito sa tindera. Ang tindera mismo ay nalilito na kung sino ang uunahing bigyan ng makakain
at kunin ang bayad nito. Kung hindi nila matiis ang ganitong pangyayari o hamon para sa kanila ay tiyak
na mahilo sila at mainis dahil sa ingay at pagkalito.

Ang simpleng kainan na ito ay may presyong hindi masyado abot ng aking bulsa kaya minsan hindi na
ako bumibili rito dahil wala akong budget at baka ma-short ako sa pamasahe pauwi. Naaawa rin ako sa
kanila minsan kapag wala masyadong bumibili dahil kaming mga estudyante ay pareho rin ng problema
at karanasan tungkol sa pagba-budget ng pera. Tinitiis lamang ang gutom para makatipid o pumunta sa
ibang tindahan sa second gate dahil mura lamang ang mga bilihin doon.

Ang pinakamaganda rito ay malamig ang hangin dahil sa electric fan at may komportableng upuan at
mesa. Kung wala masyadong tao rito ay maaaring makapagpasya na gumawa na lang ng proyekto o ng
ipapasang gawain tungkol sa aralin habang kumakain. Ang mga pagkain ay masustansya at nakakagaan
ng pakiramdam.

Tunay nga na ang canteen ay nagbibigay saya sa karamihan sa tuwing kinakailangan nila ng panlaban ng
kalam sa tiyan. Kung sa tao pa ito ay tinutulungan niya na mabigyan ng kabutihan ang kalusugan ng isip
at ang kapakanan ng kaniyang kaibigan o nasasakupan sa hindi kapani-paniwalang paraan. Ang
kapaligiran nito ay may epekto sa relasyon natin sa pagkain. Sumisimbolo ito na magiging komportable
tayo sa kung ano ang makikita natin sa paligid ng canteen. Binabalikan itong lugar dahil kinakailangan
din natin ng kaginhawaan na maaaring makatanggal ng stress at pagod dahil sa acads at mga problema
sa buhay.

You might also like