You are on page 1of 13

Paaralan NANAN NATIONAL HIGH SCHOOL Antas 8

DAILY LESSON Teacher JUDYLYN B. ENDINO Asignatura ESP


LOG
Petsa Week 4 Markahan UNANG MARKAHAN

I. LAYUNIN UNANG ARAW IKALAWANG ARAW

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa misyon ng pamilya sa pagbibigay ng edukasyon, paggabay sa


A. Pamantayang Pangnilalaman
pagpapasya at paghubog ng pananampalataya.
Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral, pagpapasya at
B. Pamantayang Pagganap
pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
1. Naipaliliwanag na: EsP8PB-Id-2.3 1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa
Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral, kakayahan sa
magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang pagpapasya, at pagsasabuhay ng pananampalataya sa
C. Kasanayan sa PAgkatuto
kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at pamilya. EsP8PB-Id-2.4
hubugin sa pananampalataya. 2. Naiisa-isa ang mga plano para sa pagpapasya at
Sa pag-aaral nalilinang ang mga kasanayan, pagsasabuhay ng pananampalataya.
pagpapahalaga, talento at mga kakayahang 3. Natutukoy ang angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad
makatutulong sa pagtatagumpay sa pinaplanong ng pag-aaral para sa sarili at sa pamilya.
buhay, negosyo o hanapbuhay. 4. Naibabahagi ang sariling plano sa pagpapaunlad ng
Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na mga gawi sa pag-aaral, kakayahan sa pagpapasya at
magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang.
2. Naibabahagi ang kahalagahan ng pagtataguyod ng
gampanin ng pamilya
3. Nakagagawa ng patalastas na nagpapakita ng
kahalagahan ng pagtataguyod ng gampanin ng
pamilya.

II-NILALAMAN Modyul 2: Ang Misyon ng Pamilya sa Pagbibigay ng Edukasyon, Paggabay sa


Pagpapasya at Paghubog ng Pananampalataya

III-KAGAMITAN SA

1
PAGTUTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga PAhina sa Kagamiktang Pang Mag- Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 29-52 Modyul saEdukasyon sa Pagpapakatao 8 LM p. 29-52
aaral
3. Mga Pahina sa Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal


ng Learning Resources o ibang website

B. Iba Pang Kagamitanng Panturo Mga Larawan mula sa internet Video Clip mula sa Internet
http://definitelyfilipino.com/blog/isa-pang-kuwento-ng- https://www.youtube.com/watch?v=pDex_Uy5q5M
tagumpay/
https://ianordiales.blogspot.com/
https://ianordiales.blogspot.com/2016_07_01_archive.html
https://www.youtube.com/watch?v=AOPzpZWp8Js
2016_07_01_archive.html
Panturong Biswal:, laptop https://www.youtube.com/watch?v=AOPzpZWp8Js
Panturong Biswal: LCD projector, laptop
IV-PAMAMARAAN
Sa pamamagitan ng larong Treasure Hunt, magtulong-tulong na Pangkatin ang klase sa tatlo. Gamit ang puzzle na ibibigay
hanapin sa loob ng silid-aralan ang mga salita o pahayag na ng guro sa bawat grupo, buuin ang mga ito upang makita
A. Balik-Aral tumutukoy sapagbibigay ng edukasyon, paggabay sa pagpapasiya at ang lalabas na larawan. Ipaliwanag ang nabuong larawan.
paghubog ng pananampalataya. Matapos hanapin ang mga salita, (Gawin sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
idikit sa black board at iugnay ng guro sa tatalakaying aralin. (Gawin
sa loob ng 5 minuto) (Collaborative Approach)
karapatan para sa edukasyon makagawa ng mabuting pagpapasya
laya na magpasya sumamba/sumimba

A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga A. Gamit ang objective board, babasahin ng guro ang mga
layunin ng aralin. layunin ng aralin.
B. PAghahabi sa LAyunin ng Aralin Naipaliliwanag na:
 Bukod sa paglalang, may pananagutan ang mga 1. Naisasagawa ang mga angkop na kilos tungo sa
magulang na bigyan ng maayos na edukasyon ang pagpapaunlad ng mga gawi sa pag-aaral,
kanilang mga anak, gabayan sa pagpapasya at hubugin
kakayahan sa pagpapasya at pagsasabuhay ng
sa pananampalataya.
2
 Sa pag-aaral nalilinang ang mga kasanayan, pananampalataya sa pamilya.
pagpapahalaga, talento at mga kakayahang 2. Naiisa-isa ang mga plano para sa pagpapasya at
makatutulong sa pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, pagsasabuhay ng pananampalataya.
negosyo o hanapbuhay. 3. Natutukoy ang angkop na kilos tungo sa pagpapaunlad
 Ang karapatan at tungkulin ng mga magulang na ng pag-aaral para sa sarili at sa pamilya.
magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at 4. Naibabahagi ang sariling plano sa pagpapaunlad ng
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang. mga gawi sa pag-aaral, kakayahan sa pagpapasya at
1. Naibabahagi ang kahalagahan ng pagtataguyod ng pagsasabuhay ng pananampalataya sa pamilya.
gampanin ng pamilya B. Basahin ang sumusunod na kasabihan. Tumawag ng
2. Nakagagawa ng patalastas na nagpapakita ng
mag-aaral upang ipaliwanag ito. (Gawin
kahalagahan ng pagtataguyod ng gampanin ng pamilya.
sa loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
B. Sagutin ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa
loob ng 5 minuto) (Reflective Approach)
1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang mabigyan ka ng
mabuting edukasyon ng iyong
pamilya?
2. Paano ka nila mabibigyan ng edukasyon?
3. May isa ka bang mungkahing paraan? Ano ito?
4. Ano kaya ang mga pangunahing dapat matutuhan ng
isang anak na tulad mo sa kanyang
mga magulang?
5. Bakit mahalagang maturuan ng pamilya ang mga anak
sa mabuting pagpapasya?
Ipaliwanag.
Pangkatin ang klase sa tatlo. Bigyan ng paksa ang bawat Pangkatin ang klase sa tatlo. Itala sa Manila paper ang mga
pangkat, magkaroon ng pangkatang talakayan at pag-uulat sariling paraang ginagawa upang mapabuti at mapaunlad
C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong tungkol sa paksang iniatas. (Gawin sa loob ng 15 minuto) ang pag-aaral para sa sarili at sa pamilya. Pumili ng
Aralin (Collaborative Approach) miyembrong magpapaliwanag sa klase. (Gawin sa loob ng 5
Pangkat 1 -Pagbibigay ng Edukasyon
minuto)(CollaborativeApproach)
Dahil ang magulang ang ginamit na instrumento ng Diyos
upang bigyan ng buhay ang kanilang mga anak, may
1. ______________________________________
karapatan at tungkulin ang una upang bigyan ng edukasyon 2. ______________________________________
ang huli. Ang karapatan para sa edukasyon ng mga bata ay 3. ______________________________________
orihinal at pangunahing karapatan. Hindi magagampanan ng 4. ______________________________________
mga magulang ang kanilang tungkulin sa edukasyon ng 5. ______________________________________
kanilang mga anak kung hindi sila bibigyan ng karapatan para
rito. Katuwang nila ang mga institusyon sa lipunan sa pagkamit
nito. Kasama ng pagkakaroon ng karapatan ng mga bata sa
edukasyon ay ang karapatan ng mga magulang na sila ay
turuan. Ito ang dahilan kung bakit ang mga magulang ang
itinuturing na una at pangunahing guro ng mga anak sa

3
tahanan. Sa kasalukuyang kalagayan ng lipunan, mahalagang
handa ang mga anak na harapin ang anumang hamon na
inihahain nito. Magagawa lamang nila ang mga ito kung
naihanda sila ng kanilang mga magulang gamit ang mga
pagpapahalagang naituro sa kanila sa tahanan bilang sandata
at kalasag. Ang pornograpiya, droga, maruming pulitika, peer
pressure, at iba pa, ay ilan lamang sa mga halimbawa ng mga
sitwasyong kahaharapin ng isang anak sa lipunan.
Pangunahing dapat na ituro ng magulang sa kanilang mga
anak ang wastong paggamit ng kalayaan sa mga materyal na
bagay. Kailangang maturuan ang mga bata na mamuhay nang
simple. Sa ganitong pagmumulat, maisasapuso ng mga anak
na mas mahalaga ang tao sa kung ano siya at hindi sa kung
ano ang mayroon siya. Maaaring isipin na simpleng turo ito
ngunit ang turong ito ay magbubunga ng iba pang mga
pagpapahalaga tulad ng:
a. Pagtanggap – dahil sa paghubog sa kakayahang tanggapin

b. Pagmamahal – dahil sa paghubog sa kakayahang


tanggapin ang isang tao na hindi tumitingin sa
kanyang kakayahan at katangian ay tanda ng malalim
na pagmamahal at;
c. Katarungan – dahil nagbubunsod ito upang kilalanin
at igalang ang dignidad ng tao.

Sa isang lipunan na unti-unting nayayanig at


nawawasak ng pagiging makasarili ng iilan,
mahalagang hubugin ang mga anak sa tunay na diwa
ng katarungan. Ito ang magbubunsod upang
matutuhan nilang igalang ang dignidad ng kanilang
kapwa at ang diwa ng pagmamahal na hindi
naghihintay ng kapalit at nagpapadaloy sa paglilingkod
at pagtulong lalo na sa mga nangangailangan. Ngunit
mahalagang maunawaan na wala pa ring makahihigit
sa pagtuturo sa pamamagitan ng pagpapakita ng
magandang halimbawa. Ang halimbawa ang
pundasyon ng impluwensya. Ang mga bagay na
nakikita ng mga bata na ginagawa ng kanilang mga
magulang, ang mga salita na kanilang naririnig sa mga
ito, at ang paraan ng kanilang pag-iisip ang tunay na
4
makaiimpluwensya sa kanilang mga iisipin, sasabihin,
at isasagawa. Ang mga magulang ang kauna-unahang
modelo ng kanilang mga anak. Hindi ito maiiwasan
dahil lahat ng kanilang sinasabi at ginagawa ay
nakaiimpluwensiya sa kanilang mga anak, positibo man
ito o negatibo. Magsisilbing pamantayan ng kilos at
asal ng mga anak ang kanilang nakikita mula sa kanila.
Pangkat 2 - Paggabay sa Paggawa ng Mabuting
Pagpapasiya
Isa sa mga pangunahing makatutulong upang ang
isang tao ay maging matagumpay, masaya, at
magkaroon ng kakayahan na makapag-ambag para sa
kaunlaran ng lipunan ay ang turuan siya na makagawa
ng mabuting pagpapasiya at pagkatapos ay bigyan siya
ng laya na magpasiya para sa kanyang sarili. Ang mga
pagpapasiyang isasagawa ng mga bata hanggang sa
kanilang pagtanda ang siyang magdidikta kung anong
uri ng tao sila magiging sa hinaharap at kung anong
landas ang kanilang pipiliing tahakin. Mahalaga sa
murang edad pa lamang ay binibigyan na ng laya ang
bata na magpasiya para sa kanyang sarili, mga
simpleng pagpapasiya tulad ng damit na isusuot, ano
ang kanyang gustong kainin at inumin, ang musikang
kanyang pakikinggan, at iba pa. Ang mga
pagpapasiyang ito ay makatutulong upang mataya ang
kanyang kakayahan sa pagpapasiya upang maibahagi
sa kanya ang tulong o paggabay na kanyang
kailangan.
Bibliya para sa mga Kristiyano o Qu’ran para sa mga
Muslim), makatitiyak na ang mga pagpapasiyang
isasagawa ay mabuti, mas magiging makabuluhan sa
pag-iisip, mas magiging mahusay ang pakikitungo sa
kapwa, mas magiging maayos ang mga binubuong
pananaw, magkakaroon ng sapat na kakayahan na
mag-isip muna bago gumawa ng kilos o tumugon sa
isang sitwasyon, mas magiging malapit ang ugnayan
sa mga bagay o tao na tunay na mahalaga sa iyo, at
higit sa lahat mas magiging matibay ang ugnayan ng
5
buong pamilya.
Ngunit paano natin masasanay ang ating sarili kasama
ang ating pamilya sa pagsasagawa ng mga ganitong
gawain? Narito ang ilan sa mga pamamaraan na
maaaring makatulong sa iyo at sa iyong pamilya.
1. Tanggapin na ang Diyos ang dapat maging sentro
ng buhay-pampamilya. Sa paglipas ng panahon, ang
mga kasapi ng pamilya, lalo na ang mga magulang, ay
labis ang pagiging abala sa pagtatrabaho para sa
pagtataguyod ng pangangailangan ng pamilya. Ang
hirap ng buhay ang nagdidikta sa mga magulang na
magsikap para gawing sapat ang kinikita para sa
pangangailangan ng pamilya. Ngunit may mga
pagkakataon na wari ay ito na ang nailalagay sa gitna
ng buhay-pampamilya, ang pangangailangang kumita
ng pera para sa katiwasayan ng pamilya. Mahalagang
tanggapin at yakapin ng lahat ng kasapi ng pamilya na
ang Diyos at ang tunay na pananampalataya sa Kanya
ang makapagbibigay ng katiwasayan sa pamilya at sa
ugnayan ng mga kasapi nito. Mas magiging madali
para sa isang pamilya ang harapin ang anumang
pagsubok kung nananatiling matingkad ang presensya
ng Diyos sa gitna nito.
2. Ituon ang pansin sa pag-unawa. Ang pakikinig sa
panalangin o sa nilalaman ng mga aklat tungkol sa
pananampalataya (hal. Qu’ran sa mga Muslim at
Bibliya sa mga Kristiyano) ay hindi sapat kahit pa ang
pagmemorya sa nilalaman nito. Ang mahalaga ay
tunay na ipaunawa sa anak ang halaga ng
pagkakaroon ng kaalaman at pag-unawa sa nilalaman
nito para sa kanyang buhay at kung paano ito
mailalapat sa kanyang araw-araw na pamumuhay.
Marahil kaya walang interes ang mas maraming
kabataan sa pagbabasa ng mga ganitong aklat ay dahil
hindi nila lubos na nauunawaan kung saan nila ito
magagamit. Ito ang madalas na maririnig sa mga mag-
aaral kung bakit ayaw nila ng Mathematics, dahil sa
abot ng kanilang
6
pag-unawa ay hindi naman nila alam kung paano ito
magagamit sa buhay, tulad ng mag-aaral na gustong
kumuha ng kursong Mass Communications o Social
Work sa kolehiyo. Marahil tulad ng pagkukulang ng
isang mahusay na guro sa Mathematics, ay gayon din
ang pagkukulang ng ilang magulang na hindi
nabibigyang-tuon ang pagpapaunawa ng praktikal na
paglalapat ng pagbabasa ng nilalaman ng mga aklat
tungkol sa pananampalataya sa kanilang pang-araw-
araw na buhay.
3. Hayaang maranasan ang tunay at malalim nitong
mensahe. Hindi natin malilimutan ang mga karanasan
na nagkaroon ng malalim na epekto sa ating pagkatao.
Mas magiging malalim ang mensaheng maibibigay ng
aral ng pananampalataya kung ito ay mararanasan sa
pang-araw-araw na buhay. Halimbawa, kung ang nais
ipaunawa sa mga kasapi ng pamilya ay tungkol sa
pasasalamat na turo ng Diyos, mahalagang isama ang
buong pamilya sa pagbibigay na hindi naghihintay ng
anumang kapalit tulad ng pagbibigay sa mga
nangangailangan. Maaari din namang ituro sa mga
kasapi ng pamilya ang kabutihan sa pamamagitan ng
pagsasanay sa bawat isa na magsulat ng mensahe ng
kabutihan sa bawat araw at ilagay ito sa lugar na
madalas puntahan ng mga kasapi ng pamilya (hal.
refrigerator, sa hapag kainan, o sa facebook page).
4. Gamitin ang mga pagkakataon na handa ang bawat
kasapi ng pamilya na makinig at matuto. Ang
paghubog sa tao sa pananampalataya ay hindi dapat
ipinipilit. Kapag ginawa ito, lalong lalayo ang loob ng
kasapi ng pamilya. Mahalagang laging gamitin ang
mga pagkakataon na dumarating upang mailapat ang
mga mensahe mula sa mga aklat tungkol sa
pananampalataya. Halimbawa, sa isang maliit na bata
ay maituturo ang pagdarasal at presensya ng Diyos sa
panahon na sila ay natatakot (hal. kapag kumukulog o
kumikidlat). Ang pagtuturo ng pasasalamat ay
maituturo sa pagkakataon na nakatanggap ng
7
biyayang hindi inaasahan lalo na sa panahon ng
kagipitan.
5. Tulungan ang bawat kasapi upang maitanim sa
kanilang isipan ang mga itinuturo tungkol sa
pananampalataya. Mabilis makalimot ang tao. Kaya sa
pagtuturo tungkol sa mahahalagang aral tungkol sa
pananampalataya, mahalagang maisagawa ito nang
paulit-ulit upang ito ay tumanim
nang malalim sa kanilang puso at isipan. Ayon sa isang
artikulo sa internet, kung ang impormasyon ay ibibigay
sa isang tao ng isang beses lamang, mababa sa 10%
bahagdan lamang nito ang matatandaan paglipas ng
30 araw. Ngunit kung maibibigay ang impormasyon sa
6 na pagkakataon, 90% ng impormasyon ay mananatili
sa isipan sa loob ng 30 araw. Kung ang nais ay
maipaunawa ang Diyos at ang pananampalataya sa
mga kasapi ng pamilya, ulitin nang mas madalas ang
mabuting mensahe ng Diyos sa kanila. Halimbawa, ang
pagtuturo ng pag-asa ay maaaring gawin sa panahon
ng pagbisita sa isang kakilalang maysakit ngunit
patuloy na lumalaban o sa isang lugar na sinalanta ng
bagyo ngunit patuloy na bumabangon ang mga tao.
Hindi rin matatawaran ang aral tungkol sa pag-asa sa
tuwing makakakita ng isang taong may kapansanan
ngunit patuloy na namumuhay nang normal.
6. Iwasan ang pag-aalok ng “suhol.”“Sige, kapag
sumama ka sa akin magsimba kakain tayo sa labas.”
Pamilyar ba sa iyo ang motibasyon na ito? Ito rin ba
ang mekanismo na nagpapatakbo sa iyo para sa
pagsama sa pamilya sa pagsimba? Hindi naman siguro
ito masama ngunit mahalagang maiwasan na hindi
dapat malito ang tao sa tunay na layunin ng
pagsasagawa ng mga gawain para sa
pananampalataya. Mas mahalaga pa rin na
matulungan ang mga kasapi ng pamilya na gawin ito
nang kusang-loob at buong-puso. Sa ganitong
pagkakataon lamang ito magkakaroon ng lalim para sa
kanila.
8
7. Ipadanas ang pananampalataya nang may
kagalakan. Mas masaya, mas hindi malilimutan. Ito
ang mahalagang tandaan kung magtuturo tungkol sa
pananampalataya. Tiyakin na lilikha ng mga
pagkakataon na magiging masaya ang kasapi ng
pamilya na matuto. Halimbawa, ang pagsasagawa ng
egg hunt (may nilalaman na mensahe ng Diyos) kahit
sa isang pangkaraniwang araw na kumpleto ang
pamilya. Maaari din namang magkuwento ng mga
nakatutuwang anekdota at ito ay iugnay sa turo ng
Diyos.
Magkaroon ng talakayan tungkol sa iniulat ng bawat pangkat. Gumawa ng magandang plano para sa pagpapasya at
Tumawag ng ilang mag-aaral pagsasabuhay ng pananampalataya. Ibahagi ng isa
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at bagong upang pasagutan ang sumusunod na katanungan. (Gawin sa
hanggang tatlong mag-aaral ang natapos na gawain.
kasanayan #1 loob ng 10 minuto) (Reflective Approach)
(Gawin sa loob ng 10 minuto) (Constructivist
1. Sa paanong paraan matuturuan ng pamilya ang mga anak sa Approach)
paggawa ng mabuting
pagpapasya?
2. Bakit mahalagang mahubog ng pamilya ang Mga Banta sa Ang Mga hakbang Mabuting
Aking mga Plano Maidudulot
pananampalataya ng mga kasapi nito?
3. Paano mahuhubog ng pamilya ang pananampalataya ng
mga kasapi nito?
4. Paano matitiyak ang tagumpay ng pagsasakatuparan ng mga Pagpapasya
misyon ng pamilya sa kanilang
mga anak? Pananampalataya

Pangkatin ang klase sa tatlo, gumawa ng sariling Itala sa notbuk ang mga hakbang na isinagawa ng iyong
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at bagong infomercial na nagpapakita ng kahalagahan ng pamilya tungo sa pagpapaunlad ng iyong mga gawi sa
kasanayan #2 pagtataguyod ng gampanin ng pamilya. Ang patalastas pag-aaral, kakayahan sa pagpapasya at pagsasabuhay ng
ay kailangang magtagal ng 1 hanggang 2 minuto lamang. pananampalataya. Isagawa ang Think-Pair-Share upang
Ipakita ang nabuong gawain. (Gawin sa loob ng 10 ibahagi ang natapos na gawain. Magkaroon ng talakayan
minuto) (Collaborative/Constructivist Approach). ukol sa tanong sa ibaba. (Gawin sa loob ng 10 minuto)
Pangkat 1 - Pagbibigay ng Edukasyon, (Reflective Approach )
Pangkat 2 - Paggabay sa Paggawa ng Mabuting Pasiya 1. Ano-ano ang mga hakbang na isinagawa ng iyong
Pangkat 3 - Paghubog ng Pananampalataya. pamilya tungo sa pagpapaunlad ng iyong mga gawi sa
pag-aaral, kakayahan sa pagpapasya at pagsasabuhay ng
9
pananampalataya?
2. Nakatulong ba ang mga hakbang na ito? Ipaliwanag.

Gamit ang larawan, buuin ang mahalagang konsepto. Sumulat ng tiyak na hakbang kung paano mo mapauunlad
F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Lagyan ng sagot ang bawat patlang. (Gawin sa loob ang pansariling gawi sa pag-aaral, mabuting pagpapasya
Assessment) ng 5 minuto) (Reflective/Constructivist Approach). at mahuhubog ang pananampalataya. Isulat sa organizer
na nasa ibaba. (Gawin sa loob ng 5 minuto)
(Constructivist Approach)
Mga Hakbang
Pansariling-Gawi Makakagawa ng Mapapaunlad ang
sa Pag-aaral mga Mabuting Pananampalataya
Pagpapasya

Maayos na Edukasyon Kasanayan Pagpapahalaga Talento


Hindi lamang paglalang ang pananagutan ng mga magulang,
tungkulin nila na mabigyan ng
__________________________ang kanilang mga anak,
gabayan sa ________________at hubugin
sa_________________. Ang karapatan at tungkulin ng mga
magulang na magbigay ng edukasyon ang bukod-tangi at
pinakamahalagang gampanin ng mga magulang. Sa pag-aaral
nalilinang ang mga_________, ______________,
___________at mga kakayahang makatutulong sa
pagtatagumpay sa pinaplanong buhay, negosyo o hanapbuhay.
IItala at ipaliwanag ang mahahalagang gampanin ng Panoorin ang video clip: “Ang Sulat ni Inay at Itay”
G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na pamilya. Tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi https://www.youtube.com/watch?v=bkdTfZ4HUx0.
buhay sa klase ng natapos na gawain. (Gawin sa loob ng 5 Sagutan ang tanong sa ibaba. (Gawin sa loob ng 15
minuto) (Reflective Approach). minuto)(Reflective Approach)
1. _______________________________________ Bilang isang anak, ano ang napulot mong mabuting aral sa
2. _______________________________________ video? Paano mo ito isasabuhay? Ipaliwanag
3. _______________________________________t

Katulad ng misyon ng bida sa pelikula, maaaring isipin na Ang pamilya ang itinuturing na pinakamahalagang bahagi
10
H. Paglalahat ng aralin imposibleng maisagawa ang lahat ng ito nang buong sa lipunan. Ito ang pinanggagalingan ng emosyonal,
husay. Ang gampanin ng pamilya ay maaaring maging pisikal, espiritwal at pinansyal na suporta ng lipunan. Ito
Mission: Possible kung ang lahat ay isasagawa nang may rin ang pamayanan ng mga tao na kung saan ang maayos
pagmamahal at malalim na pananampalataya. Huwag na paraan ng pag-iral at pamumuhay ay nakabatay sa
nating hayaang masira ang pamilyang binuo ng ugnayan. Ang ating bansa ay may mayamang kultura
pagmamahal. Kailangang kumilos ang lahat para ito ay bilang isang bansang katoliko. Ito ay nakatutulong sa
ingatan at ipaglaban. ating pang-araw-araw na pamumuhay at
pananampalataya bilang sambayanan ng Diyos.

Sumulat ng talatang binubuo ng lima hanggang sampung Sumulat ng maikling sanaysay na binubuo ng lima
I. Pagtataya ng aralin pangungusap tungkol sa kahalagahan ngpagtupad sa hanggang sampung pangungusap kung paano mo
gampanin ng pamilya. (Gawin sa loob ng 5 minuto) mapauunlad ang pansariling gawi sa pag-aaral, matitiyak
(Reflective Approach) na makagagawa ng mga mabuting pagpapasya,
Kraytirya: mahuhubog o mapauunlad ang pananampalataya. Isang
a. Nilalaman -50% puntos kada isang pangungusap. (Gawin sa loob ng 5
b. Kaugnayan sa Paksa -30% minuto)(Constructivist Approach)
c. Paggamit ng Angkop na Salita-20%
1. Gumawa ng isang caricature na nagpapakita ng isang Sumulat ng mga tiyak na hakbang kung paano mo
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin masaya, disiplinado, may pananampalataya at mapauunlad ang pansariling gawi sa pag-aaral, matitiyak
at remediation nagkakaisang pamilya. Ipaliliwanag ng mag-aaral sa klase na makagagawa ng mga mabuting pagpapasya at
ang kanilang ginawa. mahuhubog o mapauunlad ang pananampalataya. Ilagay
ito sa isang tsart upang mabantayan ang
pagsasakatuparan ng mga hakbang na ito. Bantayan ang
paglalapat ng mga tiyak na hakbang sa loob ng dalawang
linggo. May inihandang halimbawa para sa iyo. (Gawin sa
loob ng 5 minuto) (Constructivist Approach)

V-MGA TALA

VI-PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba

11
pang gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?

D. Bilang ng mga mag-aaral na magpapatuloy sa


remediation

E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo na


nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking naranasan na


solusyon na tulong ng aking punongguro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang aking


nadibuho na nais kong ibahagi sa mga kapwa
guro?

12
13

You might also like