You are on page 1of 1

SEATWORK # 1

Tukuyin kung anong uri ng paghahambing at pananda ang ginamit sa sumusunod na mga pahayag.
1. Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
2. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.
3. Di-gaanong nakakalula ang presyo ng bilihin noong nakaraang taon kaysa ngayon.
4. Ang pelikulang napanood ni Richmond ay mas nakakapanindig ng balahibo kaysa sa pelikulang Haunted Forest.
5. Namatay ang mga tanim dahil di-gaanong mataba ang lupa sa gawi roon kaysa sa likod-bahay.
6. Kapwa ningas-kugon sina Ellie at ang kaniyang pinsan sa anumang gawain.
Punan ng angkop na pananda sa paghahambing ang mga sumusunod na pangungusap:
7. ____ (gusto; di-magkatulad) kong pumasok sa paaralan kaysa maglakwatsa.
8. ____ (bait; magkatulad) ang aking tiyo at tiya.
9. ____ (matanda; di-magkatulad) si Nanay kaysa ni tatay.
10. _____ (mahusay; magkatulad) sina Ana at Marie sa larangan ng pagsasayaw.

SEATWORK # 2
Tukuyin kung anong teknik sa pagpapalawak ng paksa ang ginamit sa sumusunod na mga pangungusap.
1. Ang isa sa mga wastong pag-iingat upang hindi kumalat ang virus ay ang wastong paghuhugas ng kamay na
kasingtagal ng kantang Ako ay may Lobo.
2. Ang COVID-19 virus ay isang sakit na dulot ng isang virus na maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa
ibang tao.
3. Dahil sa dumaraming kaso ng COVID-19 ay mainam na gawin ang mga sumusunod:
-pagsusuot ng facemasks
-pagpapanatili ng distansya sa isa't-isa
-madalas na paghuhugas ng kamay at paga-alcohol
4. Ang epiko ay kinakailangang may banghay, matatalinghagang salita, sukat at indayog, tugma, tagpuan at tauhan
upang mabisang maitanghal ang kabayanihan ng mga tauhan sa masining na paraan.
5. Ang epiko ay mahaba-habang tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran o mga ginawa ng isang bayani o
maalamat na nilalang. (UP Diksyunaryong Pilipino)

SEATWORK # 3
Isulat ang pitong hakbang sa pananaliksik (tamang pagkakasunud-sunod)

SEATWORK #4
Tukuyin kung anong hakbang sa paggawa ng pananaliksik ay ipinapakita ng mga sumusunod na pahayag.
1. Bumubuo si Juan ng iskeleton na plano para sa gagawing pananaliksik.
2. Nag-iisip si Ana ng bagay o sitwasyong pumupukaw ng kaniyang interes o kaya’y pinagmumulan ng suliranin.
3. Matapos suriing muli ang ginagawang pananaliksik at mapakinggan ang mga puna ay muling isinasaayos at
iwinawasto ni Pedro ang ilang bahagi ng kaniyang pananaliksik.
4. Kabilang din sa pagsulat ng pinal na sipi ang paggawa ng pabalat o title page, talaan ng nilalaman, dahon ng
pagpapatibay, paghahandog, pasasalamat at bibliography o talasanggunian.
5. Sa hakbang na ito isinasagawa ang pag-iisip at pagpili ng tuon o bibigyang-pansin ng pag- aaral.
6. Sa bahaging ito ay pansamantalang isinusulat ang nilalaman ng papel o rough draft.
7. Mailalahad ang maaaring kalagayan ng Edukasyon sa gitna ng pandemya.
8. Jose,F.S. (2011, Sept.12).Why we are shallow. Philstar.com. Kinuha mula sa http://www.philstar.com/arts-and-
culture/725822/ why-we-are-shallow
9. "Nabubuhay tayo sa isang napakahirap na panahon na dinala ng ilang puwersa na tayo rin ang gumawa, ngunit
tiyak na ito rin ay dinala ng mga puwersa na wala rin sa ating kontrol. Ngunit mayroon tayo, at patuloy tayong,
maghahanap ng mga solusyon", sinabi ni Marcos Jr. sa kanyang talumpati sa Kongreso.
10. Ito ang hakbang sa pananaliksik na nagbigay direksyon at gabay sa pananaliksik.

You might also like