You are on page 1of 5

Page 1 of 5

Grade 9 – Second Quarter


Exam Reviewers (Filipino/English)

Filipino
Week 1 – Tanka at Haiku
Tanka - ay may limang taludtod na tatlumpu’t isa (31) ang kabuuang bilang ng mga pantig. May hating 5-
7-5-7-7 (ang ibang tanka ay may hating 7-7-7-5-5), pero puwede ring magkapalit-palit basta’t tatlumpu’t isa
(31) pa rin ang kabuuang bilang ng pantig.

Haiku - ay mas maikli kaysa sa tanka. May labimpitong (17) pantig lamang at may hati ng taludtod na 5-7-5.
Pero puwede ring magkapalit-palit ang kabuoang pantig basta labimpito (17) pa rin ang kabuoan.

* Sa haiku, nakikiusap o inuutusan ng persona (ang nagsasalita sa tula) ang ulan na pawiin ang lungkot na
kaniyang nadarama. Sa halip na kalungkutang nararanasan ng mga oras na iyon, “puso kong lumbay” ang
ginamit. Pansinin na nasa unang katauhan o first person ang nagsasalita sa haiku.

Mga Uri ng Tayutay:

1. Pagwawangis o Metapora (Metaphor) - ang madalas na ginagawang kasangkapan. Halimbawa,


kapag sinabing ang isang tao ay tinik sa dibdib, nangangahulugang itinuturing ang taong yaon na
malaking problema.
2. Kapag nilagyan naman ang salita ng panuring na gaya ng parang, animo (ka) gaya, (ka)tulad,
tinatawag naman ang talinghaga ito na pagtutulad o simile.
3. Pagsasatao o personipikasyon naman ang isang talinghaga kapag ikinakabit ang katangian, galaw
o kilos ng tao sa isang bagay, halaman, o elemento. Halimbawa, ang paghihip ng hangin ay
naghahayag na “isinasayaw ako ng hangin,” o sa halip na pag-ulan, ang gagamitin ay “pagluha
ng langit.”
4. Pagmamalabis o exaggeration o hyperbole naman ang tawag kapag sobra ang paglalarawan at
mahirap maganap sa tunay na buhay. Halimbawa, maituturing na isang pagmamalabis ang
pagsasabi ng “walang hanggang lumbay” dahil hindi permanente ang kalungkutan
5. Apostrophe o panawagan naman ang talinghaga kapag wala ang bagay o bahagi ng kalikasan
na siyang kinakausap ng persona o nasasalita sa tula. Halimbawa ng apostrophe ang pagsasabing
“halika ulan, pasayahin mo ako.

Ponemang Suprasegmental - Ang mga ponema ay isang instrumento ng sulat na nagtataglay ng likas na
katangiang prosodic o suprasegmental. Ito’y inilalarawan bilang suprasegmental dahil sa haba o diin nito
at ang kanyang hinto o antala.

• Ponemang Suprasegmental ng Diin


o PAso – paSO
o tuBO – Tubo
Adrian Simon Jalimao

o BUhay – buHAY
o HApon – haPON
o taSA – TAsa
• Ponemang Suprasegmental ng Antala
o Hindi siya si Peter. (Ang tao ay hindi si Peter.)
o Hindi, siya si Peter. (Tinatama ng tagasalita na ito si Peter.)
o Hindi siya, si Peter. (Si peter ang tinutukoy, hindi ang isang tao.)
• Ponemang Suprasegmental ng Tono
o Nagpapahayag: Maligaya siya.
Page 2 of 5
Grade 9 – Second Quarter
Exam Reviewers (Filipino/English)
o Nagtatanong: Maligaya siya?
o Nagbubunyi: Maligaya siya!

Week 3 – Argumento sa Napapanahong Isyu


Tekstong Argumentatib (Pangangatwiran) - ay teksto kung saan ipinagtatanggol ng manunulat ang
posisyon sa isang paksa o usapin gamit ang mga ebidensiya mula sa personal na karanasan, kaugnay na
mga literatura at pag-aaral, ebidensiyang kasaysayan at resulta ng empirikal na pananaliksik.

Elemento:

• Proposisyon – pinagtatalunan; pahayag na inilalaan upang pagtuunan.


• Argumento – ebidensiya; dahilan.

Week 4 – Maikling Kuwento


Iba’t Ibang Estilo ng Pagsisimula at Pagwawakas ng Maikling Kuwento:

1. Paglalarawan ng Tauhan
2. Paglalarawan ng Tagpuan
3. Pagsasalaysay
4. Kagulat-gulat
5. Mahalagang Kaisipan
6. Usapan o DIyalogo

Dagkatha - ay limang beses o higit pa na mas maigsi kaysa maikling kuwento

Week 5 – Imahe at Simbolo ng Maikling Kuwento


• Imahe – representasyon ng isang bagay o ideya; larawan na binubuo ng isang akdang
pampanitikan; larawang ginagamit upang maging sentral na representasyon ng akdang
pampanitikan
• Simbolo - mga salita na nag-iiwan ng iba’t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa pero hindi
nalalayo sa interpretasyong nais ipaabot ng may-akda; bagay na kumakatawan, tumatayo o
nagpapahiwatig ng isang ideya, larawan, paniniwala o aksiyon.

Week 6-7 – Dula


Dula - Tinatawag na dula ang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan o entablado.
Adrian Simon Jalimao

Taglay ng dula ang lahat ng kathaing umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng suliranin o mga
pagsubok na kaniyang pinagtagumpayan o kinasawian. Katulad ng ibang katha, ang dula ay lumilibang,
nagbibigay aral, pumupukaw ng damdamin at humihingi ng pagbabago.

MGA BAHAGI:

1. Yugto - Ito ay kung paano hinahati ang dula. Katumbas nito ang Kabanata sa isang nobela.
Puwedeng isang buong yugto ang isang dula (kaya tinatawag na iisahing yugtong dula),
puwedeng dalawa (dadalawahing yugtong dula) o tatlo (tatatluhing yugtong dula).
Page 3 of 5
Grade 9 – Second Quarter
Exam Reviewers (Filipino/English)
2. Tagpo - Bahagi ito na nagpapakita ng panahon at lugar na pinagganapan ng mga pangyayari sa
dula.
3. Eksena - Ito ang paglabas-masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan.

MGA ELEMENTO:

1. Iskrip - pinaka-kaluluwa ng isang dula; walang dula kapag walang iskrip.


2. Gumaganap o Aktor - nagsasabuhay sa mga tauhang nasa iskrip.
3. Tanghalan - pook na pinagdarausan ng isang dula; entablado
4. Direktor - namamahala at nagpapakahulugan sa isang iskrip ng dula.
5. Manonood - sumasaksi sa pagtatanghal ng dula.

MGA SANGKAP:

1. Tagpuan - panahon at pook kung saan at kailan naganap ang mga pangyayari sa dula.
2. Tauhan - ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula.
3. Sulyap na Suliranin - bungad o tikim na pagpapakita sa tunggalian sa pinakakuwento ng dula.
4. Saglit na Kasiglahan - paraan kung paano unti-unting inilalantad ang problema at kung paano
tumutugon ang mga tauhan.
5. Tunggalian - ang pagtatagisan ng pangunahing tauhan sa kaniyang sarili, sa ibang tao, sa kalikasan
o lipunan.
6. Kasukdulan - Pinakamatindi o pinakamabugsong parte dahil pinanabikan kung ano ang
mangyayari sa pangunahing tauhan o kung paano tuluyang lulutasin ang tunggalian.
7. Kakalasan/Kalutasan - Marahang pagtukoy sa naging lunas sa tunggalian sa dula.

Week 8 – Sidhi ng Pagpapahayag


May iba’t ibang antas ng kasidhian sa pagpapahayag:

1. Karaniwan - Sa ganitong pangungusap ginagamit ang anyong payak o maylapi ng salita gaya ng
mataas, mayaman, malalim, itim at katutubo.
2. Katamtamang Antas - Sa ganitong pagpapahayag ginagamit ang mga salitang di-gaano,
bahagya, kaunti, o sa pamamagitaan ng pag-uulit ng salitang-ugat na ginagamitan ng mga pang-
angkop na na o -ng gaya ng mayaman-yaman o malalim-lalim.
3. Pinasidhi – Ipinapakita ito sa pamamagitan ng:
a. paggamit ng mga magkakaugnay na salita pero may iba’t ibang sidhi.
b. paggamit ng lubha, masyadong, totoo, talaga, tunay at iba.
c. paggamit ng mga panlaping napaka-, ka-/-an o -han at pagka.
d. paggamit ng mga pariralang hari ng, ulo ng, nuknukan ng,at ubod ng.

Matalinhagang Pagpapahayag –

(Idiyomatikong Pananalita)
Adrian Simon Jalimao

Madalas, gumagamit ang manunulat ng matalinhagang pahayag sa pamamagitan ng mga


idiyomatikong pahayag o makukulay na pananalita. Kapag hindi nahahango ang kahulugan sa mga
pariralang ginamit, maituturing itong pahayag idiyomatiko.

(Makukulay na Pananalita)
Sinasabi namang gumagamit ang manunulat ng makulay na panalita kapag nagbanggit siya ng
kakaibang paglalarawan na binubuo madalas ng pang- uri na nagbibigay-turing sa pangngalan at
gumagamit ng mga pang-angkop na na, -ng o -g.
Page 4 of 5
Grade 9 – Second Quarter
Exam Reviewers (Filipino/English)
English
Compare and Contrast- Is one of the most challenging critical reading skills to acquires evaluating
and synthesizing.In relation to reading, refers to the process of identifying the similarities and differences
between two things.

COMPARE-(Finding how two or more things are alike.)


Clue words that tell how things are alike;

same, like, both, alike, still, same, like, both, alike, still, likewise, in the same ways, in likewise, in the same
ways, in comparisons, at the same time, in the same manner, and similar

CONTRAST-(Finding how things are different)


Clue words that tell how things are different;

but, unlike, different, however, on the other hand, yet, nevertheless, conversely, rather, on the contrary,
nonetheless, and conversely, rather, on the contrary, nonetheless, and whereas

MAKING CONNECTIONS

Types of text connection


Text to self: Personal connections that you make between yourself and the selection you are dealing with.
Previous experiences, emotions, or opinions may be similar to the ones present in the material.

Text to text: Are connections where you relate one material to another that you have read or have already
come across. Texts might be from a similar author, same theme or topic, same genre, and the like.

Text to world: Are the larger connections that a reader connections that a reader brings to a reading
situation including our perception of the world which might vary since we have various sources of learning
things beyond personal experiences (e.g. television, radio, magazines, articles, movies, etc.)

FACTORS INFLUENCING A SELECTION

-Selection fosters meditation and manifestation and improves one’s proficiency in language and
vocabulary

Text and Culture: Culture refers to beliefs, customs, values, and practices of a certain race. Literary works are
particularly good indexes of these values as it is used to tackle culture in depth.

Text and History: History plays a fundamental role in shaping a text. For example, a novel is greatly
influenced by the political context in which it is written, the people that the author knows and the society
that reflects the entire story.
Adrian Simon Jalimao

Text and Environment: Environment helps the readers realize every characters’ predicament as authors
usually use this to narrate the circumstances that the characters experienced.

VUCA WORLD
Page 5 of 5
Grade 9 – Second Quarter
Exam Reviewers (Filipino/English)
Literature - is writing that uses artistic expression and form and is considered to have merit or be important.

VUCA is an acronym that stands for volatility, uncertainty, complexity and ambiguity, a combination of
qualities that, taken together, characterize the nature of some difficult conditions and situations.

Volatility is the quality of being subject to frequent, rapid and significant change.
Uncertainty is a component of that situation, in which events and outcomes are unpredictable.
Complexity involves a multiplicity of issues and factors, some of which may be intricately interconnected.
Ambiguity is manifested in a lack of clarity and the difficulty of understanding exactly what the situation is.

WORD ORDER
S+V+O – Standard

S+V – Normal

V+S – Inverted

Alma Anonas Carpio - Author of Family Cook

Adrian Simon Jalimao

You might also like