You are on page 1of 2

JAN PHILIP Q. ABELLON GRADE 8- ST.

GENEVIEVE 1/24/23

MAHARLIKA INVESTMENT FUND


Ibinilin na ng Pangulong Marcos sa Senado na suriing mabuti ang
ibinabalangkas na batas kaugnay niyan. Nilinaw rin ng Pangulo
na ang pondoay manggagaling ani ya sa makukuhang partnership
sa ibang bansa at hindi sa Government-owned and Controlled
Corporation o GOCC. Sa ulat ni Ivan Mayrina.
Ang mensahe ng Pangulo sa mga Senador ay huwag madaliin ang
Maharlika Wealth Fund. Dahil ihiningi kasi ng Senado ang
kontrobersyal na panukala na kukuhanin palang sa mataas na
kapulungan, samantala matapos naman dumating mula sa Davos,
Switzerland. Ang sabi ng Pangulo ay maghihinay-hinay na daw
muna siya sa mga biyahe ngayong taon.
Ilan lamang iyan sa mga binaggit ng Pangulo sa kaniyang
panayam sa ilang kinatawan ng broadcast ngayong hapon. Sa
kaniyang pagharap sa piling miyembro ng broadcast media, isa sa
mga sagot na sinagot ng Pangulo ang kontrobersyal na
MAHARLIKA WEALTH FUND na ibinida na ng Pangulo sa
kakatapos lamang World Economic Forum sa Davos, Switzerland.
Pasado na ang panukala sa kamara habang sa Senado, kukuhain
lang ang panukala rito.
Ang message ko sa Senado ay suriin ninyo ng mabuti para
magandang-maganda ang batas natin. Syempre mas maganda na
matapos ito sa lalong madaling panahon pero hindi naman dapat
imadali dahil napaka importante ang lahat ng ilang bawat salita na
ilalagay mo dun sa batas na iyon.
Kailangan talagang pag-aaralan ng mabuti, Malaki naman ang
tiwala ko sa mga Senador. Alam naman nila ang kanilang
trabaho. Mas importante na maging tama kaysa maging mabilis.”
ayon kay Pangulong Marcos.
Paglilinaw ng Pangulo walang gagamitin pera ng GOCC sa
Maharlika Wealth Fund. Isa raw ito sa mga lumutang sa
iminungkahi pero kaniyag tinutulan. Sinagot na rin ng Pangulo
ang mga puna sa kaniyang pagbiyahe sa ibang bansa, kakabalik
pa lamang ng Pangulo nitong sabado mula sa World Economic
Forum sa Davos, Switzerand, ang ika-8 na biyahe niya sa
nakalipas na pitong buwan sa sa pwesto.

You might also like