You are on page 1of 1

Kami ay sina Jan Philip, Ma. Zekiela, Van Jarren, Brent Angelo at Vince Zaijan.

At ito ang aming kwento…

Nagsimula ang lahat sa araw ng Setyembre 26, 2021,


panibagong yugto ng aming pag-aaral na ngayon ay nasa mababang
sekondaryang paaralan na kami ngunit iba sa lahat ito dahil sa
pandemya, ang pagtuturo ay idinadaan lamang sa online ang mga
klase at pagsasagot sa mga modyuls na kanilang binibigay sa amin. Sa
isang bagay at lugar lang kaming lima nagkakilala, ito’y dahil sa
modyul at sa paaralan ng St. Augustine’s Academy of Patnongon, Inc.
Napalapit at nagkaroon kami ng bonding sa isa’t-isa noong ang bawat
isa’y nagkukuha’t naghahatid ng mga modyul sa paaralan, sa
pagtatanong at pagtutulungan ng isa’t-isa kung nahihirapan sa mga
aralin na itinuturo ng aming mga guro. Palagi kaming nagsasama-
sama kapag wala masyadong ginagawa ay pumupunta kami sa mga
pasyalan. Sa mga pagkakataon na ang isa’y may pinagdadaanan o
umiiyak dahil sa personal na problema nariyan ang bawat isa na
dinadamayan at umaalay palagi, hindi hinahayaang maiwan o
masaktan man ang isa sa amin. Sadyang napaka-espesyal sa amin na
kami’y nagkakilalang lima kahit nag-aasaran, naglalaitan at
nagtatampuhan kami ay tunay na nagmamahalan na hinding hindi
mag-iiwanan. Isa lang ang aming hangad na lima makapagtapos ng
pag-aaral at tumanda ng magkakasama sa panahon man ng kagipitan
kahit ma’y sa panahon din na kailangan kami’y masaktan, patuloy
kaming magtutulungan hanggang maabot ang tagumpay sa buhay.

You might also like