You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V – BICOL REGION
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
LOMOCLOC, MOBO, MASBATE

First Quarter Periodical Test

ESP 4

Mga Layunin CODE Bahagdan Bilang ng Kinalalagyan ng


Aytem Bilang

Nakapagbibigay ng tamang pagpapasiya (EsP4PKP-


Ic-d – 19). 25% 10 1-10

Nasusuri ang katotohanan bago gumawa


ng anomang hakbang tungkol sa nakalap
na impormasyon na iyong napanood sa (EsP4PKP-
Ic-d – 24). 25% 10 11-20
programang
pantelebisyon at dapat sumangguni sa
mga taong kinauukulan.
makapagbahagi ng pag-unawa sa
(Esp4p-IId-
kailangan o pangangailangan ng kapwa 25% 10 21-30
19)
Makapagpapahayag ng iba’t-ibang paraan
ng pagtulong sa kapwa at
b. makapagpapakita ng pagiging bukas- (EsP4P- IIe–
20); 25% 10 31-40
palad sa mga
nangangailangan.

Kabuuan 100% 40 1 – 40

Table of Specification

Prepared by:

JUNALY D. GARNADO
Teacher 1
Reviewed by:

MICHAEL C. MAGALLANES
School Head

First Quarter Periodical Test

LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL


Lomocloc, Mobo, Masbate
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V – BICOL REGION
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
LOMOCLOC, MOBO, MASBATE
ESP 4

Pangalan:________________ Iskor:_________________

Baitang:_________________ Guro:_________________

I. Panuto: Tukuyin ang bawat pangyayari kung ito ay may Tamang Pagpapasiya o Maling
Pagpapasiya. Isulat ang sagot sa patlang.

_________1. Magbahagi ka sa hindi kilalang tao ng mga patalastas na iyong


narinig.
_________2. Unang parte lamang ng patalastas ang dapat mong pakinggan
Sapagkat matalino ka naman.
_________3. Unawain mo nang mabuti ang mensaheng hatid ng patalastas na
binabasa.
_________4. Kapag nakita mo ang larawan ng iyong idolo sa binabasang
patalastas, maniwala kaagad.
_________5. Turuan mo ang nakababatang kapatid na suriin muna ang narinig
at nabasa bago ito paniwalaan.
_________6. Hayaan mo ang iyong kaibigan na makinig ng malalaswang
patalastas.
_________7. Iwasan ang pakikinig ng patalastas na walang aral.
_________8. Tangkilin ang pagkakaroon ng tamang pagpapasiya.
_________9. Huwag ng suriin ang nakalap na impormasyon.
_________10. Magsanay sa pagbabasa at pakikinig ng mga impormasyong
galing sa lehitimong pinagkukunan.

II. Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pahayag. Isulat ang salitang Tama sa guhit sa
unahan ng bilang kung ito ay nagsasaad ng mapanuring pag-iisip at Mali kung hindi.

______11. Agad kong pinaniniwalaan ang mga balitang aking napapanood


sa telebisyon.

LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL


Lomocloc, Mobo, Masbate
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V – BICOL REGION
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
LOMOCLOC, MOBO, MASBATE
______12. Ayon sa PAGASA, may paparating na bagyo na tatami sa bansa sa
susunod na linggo kaya sinabi ko ito sa aking mga magulang.
______13. Tinatanong ko muna sa kinauukulan ang mga impormasyong
nakalap sa mga programa bago ko ito sasabihin sa iba.
______14. Ayon sa aking pananaliksik, ang DOH ay nagpatupad ng mga
dapat sundin kagaya ng mga paghugas ng kamay, paggamit
ng facemask at pagsunod ng social distancing para maiwasan ang
COVID-19.
______15. Hindi ko na kinakailangang itanong pa sa aking mga magulang ang
mga nangyayaring kalamidad sa atin ngayon dahil nakikita ko
naman ito sa balita sa telebisyon.
______16. Kinakailangang kong sabihin kaagad sa aking mga kalaro na
maaari ng maglaro sa labas.
______17. Anomang impormasyong aking nakita ay hindi na kailangan pang
alamin ang pinanggalingan.
______18. Ang pagsusuri sa nakalap na impormasyon ay walang maitutulong
sa atin.
______19. Sinabi sa balita na ang gobyerno ay nagbigay ng limang libong
ayuda sa mga mahihirap. Kaya’t nagtanong ako kung totoo ba ito
o hindi.
______20. Tinaasan kaagad ni Mang Isko ang kaniyang binibentang LPG nang
nalaman niya ang biglang pagtaas ng presyo nito.

III. Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot
sa kalakip na sanayang papel.

21. Ano ang maaari mong gagawin kapag nakita mo ang iyong kaklase na
nanlilimos sa may simbahan?
a. Hindi ko siya papansinin.
b. Maging masaya ako para sa kaniya.

LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL


Lomocloc, Mobo, Masbate
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V – BICOL REGION
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
LOMOCLOC, MOBO, MASBATE
c. Pagtatawanan at kukutyain ko siya.
d. Pupuntahan ko siya para bigyan ng pagkain.
22. Paano mo maipakikita ang pang-uunawa sa damdamin ng iyong kapwa?
a. Sa pamamagitan ng pag-iyak kasama sila
b. Sa pakikipag-usap sa kanila
c. Sa pagbibigay ng sariling kuwento sa kanila
d. Sa pakikinig at pagbibigay ng payo sa oras na may problema
23. May sakit ang iyong kalaro. Ano ang maaaring gawin upang siya ay
mapanatiling mahinahon sa kaniyang nararamdaman?
a. Hindi ko na siya kakaibiganin dahil masakitin siya.
b. Pagsasabihan ko siya na kasalanan niya bakit siya nagkasakit.
c. Pupuntahan ko siya at yayain na maglaro kahit na siya ay maysakit.
d. Bibisitahin ko siya at bibigyan ng masasarap na prutas para lalong
bumilis ang kaniyang paggaling.
24. Napakaraming bata ang nakatira sa ilalim ng tulay. Nakikita mo sila tuwing
papasok ka sa paaralan. Ano ang iyong maitutulong sa kanila?
a. Pagtawanan ko ang kanilang kalagayan.
b. Ipagwalang-bahala ko ang kanilang kalagayan.
c. Hindi ako dadaan sa tulay para hindi ko sila makita.
d. Ipagbibigay alam ko ang kanilang kalagayan sa mga kinauukulan o ahensiya
ng pamahalaan.
25. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pag-unawa sa damdamin ng
kapwa?
a. Batang pilay na pinatid ng isang bata
b. Batang lampa na pinagtatawan ng mga kalaro
c. Batang masakitin na ayaw pasamahin sa isang grupo
d. Batang pinayuhan na magpakatatag sa dumarating na pagsubok
sa buhay

26. Kapag nakaranas ng matinding kalungkutan ang isang kaibigan, ano ang
maaari mong maitulong sa kaniya?
a. Isumbong siya sa iyong guro.
b. Bigyan ng payo at pakinggan ang kaniyang saloobin.
c. Sisihin ko siya siya kung bakit siya naging malungkot.
d. Pagtawanan siya dahil sa natamong problema.
27. Alin sa mga pahayag ang pinakamabuting paraan upang maipadama
ang pagmamahal at pang-uunawa sa kapwa?
a. Maghintay ng kapalit sa binigay na tulong
b. Maging marahas sa pangangailangan ng kapwa
c. Maging madamot sa oras at panahon para sa kapwa
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
Lomocloc, Mobo, Masbate
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V – BICOL REGION
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
LOMOCLOC, MOBO, MASBATE
d. Maging sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng kapwa
28. Kapag ikaw ay nagbigay ng tulong sa kapwa, dapat ka bang maghintay
ng kapalit o kabayaran?
a. Ewan b. Hindi c. Kung kinakailangan d. Maaari
29. Napagalitan ang iyong nakababatang kapatid dahil sa bumaba ang
kaniyang marka. Ano ang maaari mong sabihin sa kaniya?
a. Mabuti nga sa iyo, ang bobo mo kasi!
b. Kasalanan mo yan dahil hindi ka nag-aral nang mabuti!
c. Naku! Huwag ka nang mag-aral, dahil hindi mo talaga kaya.
d. Mag-aral ka nang mabuti at bumawi ka na lang sa susunod.
30. Ang bawat tao ay gumagalaw sa isang komunidad. Bakit kailangan nating
makibahagi sa ating kapwa?
a. upang maging mas malapit tayo sa kaguluhan kapag
nakikisalamuha tayo sa kanila.
b. upang makasama tayo sa mga masasayang pangyayari sa kanilang
buhay.
c. upang malaman natin ang mga masasamang kuwento ng kanilang
buhay.
d. upang matutunan natin ang pagdama at pag-unawa sa damdamin
ng iba.
31. Ano ang maaari mong gawin sa mga batang nagugutom sa kalye?
a. Ipagwalang bahala ko na lang ang aking nakita.
b. Titigan ko lang sila dahil naaawa ako sa kanila.
c. Tatakbo ako nang mabilis upang hindi nila makita.
d. Ibibigay ko sa kanila ang bahagi ng aking baong pagkain.

32. Nakita mo sa telebisyon na maraming pamilya ang naapektuhan ng


bagyo. Ano ang mabuti mong gawin?
a. Maawa ako sa pinanonood na balita.
b. Manonood lang ako dahil wala namang bagyo sa aming lugar.
c. Sasabihan ko ang mga magulang na magbahagi ng kaunting
pagkain, tubig at damit.
d. Tatawagin ko ang aking kapatid at sabay naming pagtatawanan
ang mga taong umiiyak dahil sa bagyo.
33. Napansin mong araw-araw na naglalakad papuntang paaralan ang
iyong kaklaseng mahirap habang ikaw ay nakasakay sa kotse. Ano ang
iyong unang gagawin kung makikita mo siyang naglalakad ulit?
a. Hahayaan ko siyang maglakad.
b. Hihilain ko siya at ipapasok sa kotse.
c. Bubuksan ko ang bintana ng kotse at pagtatawanan siya.
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
Lomocloc, Mobo, Masbate
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V – BICOL REGION
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
LOMOCLOC, MOBO, MASBATE
d. Aalukin ko siya na sumabay na sa akin papuntang paaralan.
34. Si Ana ay palaging tumutulong sa mga nangangailangan. Anong ugali
ang mayroon si Ana?
a. pagkabukas-palad
b. pagkamasipag
c. pagkamatiisin
d. pagkamatiyaga
35. Nasalanta ng baha ang lugar ng iyong kaklase. Ano ang dapat gawin?
a. Hayaan mo silang magdusa.
b. Mamigay ng relief goods tulad pagkaon at kasuotan.
c. Kukunan sila ng litrato upang maipakita sa iba.
d. Wala kang gagawin.
36. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagiging bukas-palad?
a. Si Kloe ay masayahing bata.
b. Tinatago ni Melay ang kaniyang baon.
c. Si John ay nagbabahagi ng kaniyang baon sa kaniyang kaklase.
d. Ang tatlong magkakapatid ay mahilig manguha ng pagkain ng kani- kanilang
kaklase.
37. Marami kang mayayaman na kaibigan. Napansin mong wala silang
pakialam sa mga mahihirap mong kaklase. Ano kaya ang maitutulong
mo?
a. Sasabihan ko ang mga kaibigan ko na pautangin ang kaklase.
b. Pagtatawanan ko sila nang malakas hanggang mapansin ako.
c. Hihikayatin ko ang mga kaibigan ko na magbahagi ng gamit kagaya
ng mga kuwaderno, lapis at papel.
d. Lahat ng nabanggit.

38. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na “Walang problema ang hindi
nasosolusyonan kapag nagtutulungan”?
a. malulutas ang isa suliranin kung ito ay sama- samang lutasin.
b. Walang magagawa sa isang suliranin kahit marami pa kayong nag
iisip ng paraan.
c. Walang kahihinatnan ang samasamang pagtutulungan.
d. Wala sa mga nabanggit
39. Naagaw ang iyong atensyon nang nakita mo ang iyong nakababatang
kapatid na pinagsasalitaan ng hindi maganda ang batang kalye. Bilang
nakatatandang kapatid, ano ang iyong magiging aksyon?
a. Magwawala ako sa harap nila.
b. Sisimangot lamang ako sa nakita ko.
c. Ipagwawalang bahala ko ang nangyari.
d. Pagsasabihan ko ang aking kapatid na mali ang kaniyang ginagawa
at dapat siyang humingi ng tawad sa bata.
40. Alin sa mga sumusunod ang tamang pag-uugali?
a. Tutulong ako kapag may kapalit.
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
Lomocloc, Mobo, Masbate
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V – BICOL REGION
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
LOMOCLOC, MOBO, MASBATE
b. Magkukunwari akong matulungin.
c. Tutulong ako sa nangangailangan ng buong puso.
d. Hindi ako mag-aaksaya ng oras na tumulong sa iba.

ANSWER KEY:

I. II.
1. Maling Pagpapasiya 11. Mali
2. Maling Pagpapasiya 12. Tama
3. Tamang Pagpapasiya 13. Tama
4. Maling Pagpapasiya 14. Tama
5. Tamang Pagpapasiya 15. Mali
6. Maling Pagpapasiya 16. Mali
7. Tamang Pagpapasiya 17. Mali
8. Tamang Pagpapasiya 18. Mali
9. Maling Pagpapasiya 19. Tama
10. Tamang Pagpapasiya 20.Mali

III.

21. D
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
Lomocloc, Mobo, Masbate 22. D
23. D
24. D
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V – BICOL REGION
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE
LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL
LOMOCLOC, MOBO, MASBATE

LOMOCLOC ELEMENTARY SCHOOL


Lomocloc, Mobo, Masbate

You might also like