Professional Documents
Culture Documents
FlLI 102 MODYUL YUNIT I
FlLI 102 MODYUL YUNIT I
Ang modyul na ito sa Fili 102 (Filipino sa Iba’t ibang Disiplina) ay nakatuon sa pag-aaral
ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa, bilang wika ng pananaliksik at wika sa iba’t ibang
larangan. Binigyang-pansin sa pagsulat ng modyul na ito ang paghubog sa makrong kasanayan
sa pagbasa at pagsulat sa wikang Filipino bilang lunsaran ng pananaliksik at paglinang nito sa
iba’t ibang larangan. Makatutulong ang modyul upang mahubog ang kakayahan ng mga mag-
aaral sa pagbasa, pagsulat at pagsasalita sa wikang Filipino para sa pagpapayabong ng sarili, at
ng lipunang kinabibilangan.
Binubuo ang modyul na ito ng anim na yunit.
Ang Yunit 1 ay nauukol sa pag-aaral ng wikang Filipino Bilang Wika at Larangan.
Tinalakay dito ang maikling kasaysayan ng wikang Filipino gayundin ang kanyang pagyabong at
pag-unlad. Binigyang-diin dito ang mahahalagang papel na ginampanan ng wikang Filipino
bilang wika ng bansa at bilang wika sa agham/siyensya, politika, lipunan, matematika, at iba pa.
Ang Yunit 2 ay naglalaman ng mga konsepto tungkol sa paggamit ng Filipino sa
Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan. Tinalakay sa bahaging ito
ang kalagayan ng wikang Filipino sa Humanidades at Agham Panlipunan bilang wikang panturo
at wika ng pananaliksik. Sinilip din ang maikling kasaysayan at mahalagang papel na
ginampanan ng pagsasalin sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng wikang Filipino sa mga
kaugnay na larangan.
Ang Yunit 3 ay nakapokus sa pagtataguyod at pagsusulong ng paggamit ng wikang
Filipino ng mga iskolar na nagtuturo ng Agham, Teknolohiya, Inhinyeriya, Matematika at iba
pang kaugnay na larangan. Pahapyaw rin na tinalakay ang mga gawain tungo sa
intelektwalisasyon ng wikang Filipino at ang ilang proseso, layon at halaga ng pagsasaling
siyentipiko at teknikal para sa mga guro at mag-aaral.
Ang Yunit 4 ay nakatuon sa rebyu ng mga batayang kaalaman sa pananaliksik. Tinalakay
dito ang ilang sa mga batayang kaalaman sa pananaliksik tulad ng pagpili at paglilimita ng paksa,
at pagpili ng datos ng impormasyon. Matutunghayan din dito ang ilang kasanayan sa pagsulat ng
pananaliksik tulad ng pagsulat ng abstrak, pagsulat ng paraphrase at rebyu. Ipinakita din sa
modyul na ito ang kahalagahan ng presentasyon at publikasyon bilang mahalagang bahagi ng
pananaliksik.
Ang Yunit 5 ay nakatuon sa batayang kaalaman sa mga teorya sa pananaliksik na akma o
mula sa lipunang Pilipino. Tinatalakay naman dito ang iba’t ibang teorya ng pananaliksik
panlipunan na makatutulong upang higit na maging malinaw at malalalim ang gagawing
pananaliksik. Binigyang-kahulugan at halimbawa ang mga nabanggit na teorya.
ii
Ang Yunit 6 ay nakatuon naman sa mga batayang kaalaman sa metodolohiya sa
pananaliksik. Binigyang-kahulugan ang mga metodolohiya, inisa-isa ang mga hakbang, at
binigyan ng mga halimbawang pananaliksik at mga mungkahing paksa na maaaring subukang
ipagawa sa mga mag-aaral.
Ang bawat yunit ay binubuo ng limang komponeng; ang Panimula, Lunsaran, Nilalaman,
Mga Gawain at Maikling Pagsusulit.
Inilahad sa Panimula ang ilang detalye at impormasyon ukol sa kung ano ang maaaring
mabasa sa loob ng yunit. Sa bahagi ng Mga Layunin, inisa-isa ang mga kasanayan at kaalaman
na inaasahang matatamo ng mga mag-aaral matapos mapagtalakayan ang mga paksa sa bawat
yunit. Samantala, sa bahagi ng Lunsaran, nakasaad ang mga panghimok na gawain tungo sa
mabilis at matiwasay na daloy ng pagkatuto. Makikita naman sa bahagi ng Nilalaman ang
masinsing pagtalakay sa mahahalagang detalye at impormasyon tungkol sa pangunahing paksa
sa bawat yunit. Narito rin ang ilang mungkahing artikulo na maaaring basahin upang higit na
maunawaan ang tinalakay na paksa at upang higit na mahubog ang kasanayan sa pagbasa at pag-
unawa ng mga mag-aaral. Sa bahagi ng Mga Gawain, matutunghayan ang tatlong mga gawain na
higit na magpapayaman at magpapalalim sa kaalaman ng mga mag-aaral hindi lamang tungkol sa
paksa kundi maging sa mga nagaganap sa kapaligiran. Ito ay may layong higit na mahasa ang
pagiging mapag-obserba ng mga mag-aaral at mahasa ang karunungan sa iskolarling
pagpapahayag. At sa huling bahagi ng bawat yunit, makikita ang maikling pagsusulit upang
masukat at mabatid ang antas ng pagkatoto ng mga mag-aaral sa bawat paksang pinag-aralan.
Inaasahan na sa pagtatapos ng kurso ay magkakaroon ang mga mag-aaral ng mas malalim
pang pag-unawa sa wikang Filipino hindi lamang bilang wikang pambansa, kundi wika ng
pananaliksik at wika ng iba’t ibang larangan.
1
Ang wika ay simbolo ng pagkakakilanlan, ng kultura, ng kalayaan. Napakahalaga ng
papel na ginagampanan nito sa pang-araw-araw na buhay ng tao. Ito ang susi ng pagkakaisa
at tagumpay ng isang bayan. Sa mga nakalipas na panahon, wika ang naging sandata upang
pag-isahin ang mga nag-aalab na puso ng mamamayang Pilipino laban sa mga mapang-aping
dayuhan na gustong angkinin ang kariktan at kayamanan nitong ating bayan.
Sa deskripsyon ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), ang wikang Filipino ay buháy
o matatawag na dinamiko. Dumaan ito sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng
panghihiram sa mga wika sa Pilipinas at mga di-katutubong wika. Ang wikang Filipino ay
nagkaroon ng ebolusyon ng iba’t ibang barayti ng wika para sa iba’t ibang saligang sosyal at
para sa mga paksa ng talakayan ng iskolarling pagpapahayag.
Sa modyul na isinulat ni Gonzales (n.d.) may apat na facets ang sistema ng paglinang ng
wika ayon kina Haugen (1972) at Ferguson (1971). Ang paglinang na ito ay binubuo ng
kodipikasyon, o pagpili ng wika o sistema ng pagsulat na gagamitin, istandardisasyon,
diseminasyon o pagpapalaganap at elaborasyon o pagpapayabong nito. Bahagi ng
pagpapayabong ng wika ang paggamit nito bilang isang wikang panturo at higit sa lahat ay
Filipino bilang isang disiplina o larangan. Dumaraan man ito sa mga pagsubok sa
kasalukuyan, mananatili pa rin itong bahagi ng paglago at pag-unlad ng sistema ng
edukasyon.
Maraming gampanin ang wikang Filipino bilang wika ng pananaliksik sa
agham/siyensya, medisina, komersyo, politika, matematika, musika at sining. Bagama’t
marami pang walang katumbas na wika sa Filipino, patuloy pa rin ang pag-unlad sa
larangang ito upang mapagyaman at mapanatili ang ating wika tungo sa umuunlad na
panahon.
3
sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng kongreso, dapat
magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at
puspusang itaguyod and paggamit ng Filipino bilang midyum ng
opisyal na komunikasyon at wika ng pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
Seksyon 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang
opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang
itinatadhana ang batas, Inggles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na
pantulong ng mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at
opsyonal ang Espanol at Arabic.
Seksyon 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang
Pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon
at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng
mga pananaliksik sa Filipino at sa iba pang mga wika para sa kanilang
pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili.
4
Filipino Bilang Wika ng Bayan at/ng Pananaliksik
Minsan ay binanggit ni Manuel L. Quezon sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang mga
katagang, “Hindi ko nais ang Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang
magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wika na nakabatay sa isa sa mga katutubong
wika.”
Ang wika ay mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng damdamin at opinyon gayundin
sa pagtanggap at pagbibigay ng impormasyon. Ang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat ay
mabisang daan ng komunikasyon, susi ng pagkatuto at matibay na punyal na gagapi sa pang-aapi
at pag-apak sa ating pagkatao. Bawat bayan at bawat institusyon ay may mga patakaran na
nagsisilbing gabay sa kilos at asal ng mga mamayan para sa maayos at matiwasay na
pamumuhay. Subalit, paano ito mangyayari kung ang sinasabing batas ay nakasulat sa wikang
banyaga?
Sa Artikulo XIV Konstitusyong 1987 ay nagsasaad ng ganito:
Seksiyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Inggles, at dapat na
isinalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
5
mga Pilipino sa kinauukulan ang kanilang kalagayan at tulong na inaasam. Gamit ang sariling
wika, malinaw na naisasalaysay ang hinaing ng puso at pangungulila sa abang bayan na
pansamantalang nilisan para sa inaasam na magandang kinabukasan.
Ang wikang Filipino ay wika rin ng edukasyon. Sa paglulunsad ng K to 12 Basic
Education Curriculum isinaalang-alang ang pangangailangan ng lipunan, global at lokal na
pamayanan maging ang kalikasan at ang pangangailangan ng mamayan. Batay sa Gabay
Pangkurikulum, isasama ang Filipino bilang disiplina sa wika kung saan nilalayon nito ang
pagtuturo ng Filipino upang malinang ang kakayahang komunikatibo, replektibo/mapanuring
pag-iisip, at pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga
babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakailanlan, kultural na
literasi at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa
daigdig. Dagdag pa rito, isa sa mga pamantayan ng programa ay gagamitin ang wikang Filipino
upang madaling maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa araling pangnilalaman,
magamit ng angkop ang wastong salita sa pagpapahayag ng sariling kaisipan, damdamin o
karanasan nang may lubos na paggalang sa kultura na nagbibigay at tumatanggap ng mensahe (K
to 12 Gabay Pangkurikulum, 2016).
Sa kabuuan, sa paglipas ng panahon, napatunayan na ang wika ang siyang naging
pinakamahalagang sandata upang matanto ng bagong henerasyon ang mga pangyayari at
kasaysayan na naging daan sa inaangking kalayaan. Ito rin ang nagbukas ng marami pang
kaalaman sa iba’t ibang larangan at malaking papel ang ginampanan at gagampanan pa sa iba’t
ibang anyo ng pananaliksik tungo sa mas malawak na pagbabago hindi lamang sa larangan ng
edukasyon kundi pati na rin sa pagbabagong anyo at pagbibihis ng bayang kinagisnan.
6
naglalathala ng mga pananaliksik at artikulo sa Filipino tulad ng HASAAN,
Daluyan, Malay, etc. Sa pangkalahatan, ang pananaliksik na ito at ang mga
mananaliksik ay nagtalastasan gamit ang wikang sarili at nakabuo ng isang
sariling komunidad na pang komunikasyon sa disiplinang Araling Pilipino
(Guillermo, 2016 sa aklat ni San Juan, et al., 2019).
Ayon sa artikulong nakalathala sa Manila Bulletin ni Myca Cielo M.
Fernandez (2018), binigyang-diin ni Virgilio Almario, Pambansang Alagad ng
Sining, na mas magiging epektibo ang saliksik kung ito ay nasa wikang
Filipino. Ito ay kaugnay ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa na
may temang “Filipino, Wika ng Pananaliksik.” Ang pagdiriwang na ito ay
nakatuon sa paggamit ng wikang Filipino sa larangan ng pananaliksik. Mas
magiging epektibo ito kung ang bawat unibersidad ay hihikayatin na gawin sa
wikang Filipino ang mga pananaliksik lalo na ang tesis at disertasyon.
Mahalaga ang pagpaplanong pangwika sa pag-unlad ng Filipino bilang
larangan at Filipino bilang iba’t ibang larangan. Ayon kay Flores (2015) sa
aklat ni San Juan (2019), may dalawang antas ang pagpaplanong pangwika.
Ito ay ang antas makro sa pagpaplanong pangwika kung saan nakatuon sa
mandatoring asignaturang Filipino sa Kolehiyo at ang antas maykro sa
pagpaplanong pangwika na nauukol sa aktwal na implementasyon ng gayong
patakaran sa bawat lugar.
★ Para sa karagdagan kaalaman, komunsulta sa aklat nina San Juan, et al. (2019).
Sangangdaan1 Filipino sa Iba’t ibang Disiplina.
7
Gawain 1: Pananaliksik
Panuto: Saliksikin ang CHED Memorandum Order No. 3 Series of 2013.
Ipaliwanag ang isinasaad ng naturang memorandum hinggil sa
pagtuturo ng Filipino sa kolehiyo. Ibigay ang iyong posisyon hinggil sa
usaping ito bilang mag-aaral sa kolehiyo at bilang mamamayang
Pilipino.
Gawain 2: Pagsulat
Panuto: Basahin ang panayam nina Fajilan at Zafra (n.d.) kay Dr. Fortunato
Sevilla III na gumamit ng wikang Filipino sa pagtuturo ng Kemistri sa
Unibersidad ng Sto.Tomas. Ito ay may pamagat na “Ang Gamit at
Kahalagahan ng Wikang Filipino sa Pagtuturo ng Agham: Panayam
kay Prop. Fortunato Sevilla III” na nailathala sa HASAAN, isang
taunang interdisiplinaryong refereed journal sa unibersidad.
Ipaliwanag ang mabuting naidulot ng paggamit ng wikang Filipino sa
larangang siyentipiko at teknikal ganoon din ang kahinaan nito. Sang-
ayon ka ba sa mga inilahad na dahilan/katwiran ng mga iskolar na
sangkot sa artikulo? Ilahad ang iyong sariling pananaw ukol dito.
Buksan ang link para sa kopya ng artikulo:
https://hasaan.ust.edu.ph/wp-content/uploads/2019/04/HASAAN-Journal-
Tomo-II-2015-116-12 3-2-8.pdf
8
Anonuevo, R. (n.d.). Paglingon sa ugat ng Komisyon ng Wikang Filipino
[scribd]. Retreived from
https://www.scribd.com/document/396091096/Paglingon-Sa-Ugat-
Ng- Komisyon
-Sa-Wikang-Filipino
9
San Juan, et al. (2019). Sangangdaan1 Filipino sa iba’t ibang disiplina.
Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.
Vitangcol III, A. S. (2019 August 17). Ano ang saysay ng wikang Filipino.
The Manila Times. Retrieved from
https://www.manilatimes.net/2019/8/17/opinion/ columnists/ano-ang-
saysay-ng-wikang-filipino/601294/
10