You are on page 1of 2

2 MALAKING BAKAL NA HINIHINALANG BAHAGI NG ROCKET DEBRIS NG TSINA,

MAGKASUNOD NA NATAGPUAN SA BAYAN NG CALINTAAN.

WRITTEN BY MARKO ROGOS

MAGKASUNOD NA NATAGPUAN SA BAYAN NG CALINTAAN ANG DALAWANG


MALAKING BAKAL NA HINIHINALANG BAHAGI NG ROCKET DEBRIS NA PINALIPAD
UMANO NG BANSA NG CHINA.

AYON KAY CALINTAAN MAYOR ESTEBAN, MGA LOKAL NA MANGINGISDA ANG


NAKATUKLAS SA NASABING DEBRIS NA HALOS KASINGLAKI UMANO NG BUBONG
NG WAITING SHED. ISA UMANO SA DEBRI AY MAY NAKAIMPRENTANG WATAWAT
NG CHINA. AYON PA SA ALKALDE, NAKAKAALARMA UMANO ITO BAKA SA
SUSUNOD, SA MGA TAO O SA MGA KABAHAYAN NA ITO BUMAGSAK.

AGARAN NAMANG NAGTUNGO ANG MGA PULIS AT PHILIPPINE COAST GUARD SA


LUGAR UPANG MAGSAGAWA NG IMBESTIGASYON. SAMANTALA KINUMPIRMA
DIN NG AFP WESTERN COMMAND SPOKESPERSON MAJ. CHERRY TINDOG NA
MAY NATAGPUANG DEBRI RIN SA MGA KARAGATAN NG BUSUANGA, PALAWAN
NOONG ISANG ARAW PERO HINDI ITO NAGDULOT NG PANGANIB.

SAMANTALA, HINILING NAMAN NG PHILIPPINE SPACE AGENCY NA


MARATIPIKAHAN ANG REGISTRATION NG LIABILITY CONVENTION PARA
MAGKAROON UMANO NG PANANAGUTAN AT MAKAKUHA NG DANYOS MULA SA
BANSA NA NAGMAMAY-ARI SA DEBRI SAKALING MAGDULOT ITO NG PANGANIB.

GAYUNDIN HINIKAYAT DIN NG NASABING AHENSYA ANG PUBLIKO, PARTIKULAR


ANG MGA MANGINGISDA, NA IWASANG HAWAKAN ANG MGA ROCKET DEBRIS
NA MAAARI NILANG MAKITANG LUMULUTANG SA DAGAT DAHIL MAAARING
MAGDULOT ITO NG MGA PANGANIB SA KALUSUGAN, KABILANG ANG
PAGKAKALANTAD SA MGA NAKAKALASON NA KEMIKAL.

You might also like