You are on page 1of 10

7TH

HIRARKIYA
SA

GRADE
PAGPAPAHALAGA
By

Raizabelle Basilan
Hannah G. Villamor
Learning Competency:
10.3 . Napatutunayang ang piniling uri ng pagpapahalaga batay sa hirarkiya ng
mga pagpapahalaga ay gabay sa makatotohanang pag-unlad ng ating pagkatao

Objective:
a. Naiuugnay ang kahalagahan ng napiling pagpapahalaga sa makatotohanang
pag-unlad ng tao

Table of Specifications
https://docs.google.com/spreadsheets/d/10FOjUVKshJxFr1mID2edB22bgNJc0Vq
gmDBDz_do2g0/edit?usp=sharing
Panuto: Basahin ang mga
sumusunod na tanong. Isulat
sa malinis na papel ang titik ng
pinakaangkop na sagot.
1. Isang araw, habang nagliligpit ng gamit ay nakakita si Joshua ng P1000 libo
sa kaniyang bag. Nagulat siya sapagkat sa pagkakaalala niya ay wala na
siyang pera ngunit nagalak din siya dahil nangangailan sila ng pera bilang
panggamot ng kaniyang nanay sa pneumonia. Kinaumagahan, nabanggit ng
kaniyang kaklase na si Derrick na nawala ang P1000 libo niya nang isang
araw. Naalala ni Joshua na nagpalagay si Derrick ng kaniyang wallet sa bag
niya at posible na nahulog ang pera sa kanyang bag. Isang galante sa pera si
Derrick pero nanghihinayang pa rin siya sa nawala niyang pera. Kung ikaw si
Joshua, ano ang iyong gagawin?

a. Sasabihin na wala kang nakitang pera sa iyong bag.


b. Sasabihin na nakita mo sa iyong kaklase ang nawawala niyang pera
c. Sasabihin na nasa iyo ang pera at magpapaalam kung pwede itong utangin.
d. Sasabihin ang totoo at ibabalik ang pera kay Derrick nang walang alinlangan.

Sagot: D
2. Mula pagkabata, madalas nang tinutukso si Jennifer dahil siya ay pipi’t bingi. Siya ay
ilang beses nang naging biktima ng pangbubully ng kaniyang mga kaklase sa
paaralan. Walang pangtustos ang kaniyang pamilya upang maipasok siya sa isang
SPED school. Ngunit sa kabila ng kaniyang mga naranasan, hindi sumuko si Jennifer at
nakapagtapos siya ng kolehiyo bilang isang Summa Cum Laude sa kursong BS Values
Education. Alin sa mga katangian ng pagpapahalaga nabibilang ang karanasan ni
Jennifer?

a. Ang mataas na pagpapahalaga na hindi nababawasan ang kalidad


b. Ang mataas na pagpapahalaga na batay sa lalim ng naramdaman upang makamit
ito
c. Ang mataas na pagpapahalaga na hindi nakabatay sa organismong
nakararamdam nito
d. Ang mataas na pagpapahalaga na walang kinalaman ang karanasan upang
makamit ang pagpapahalaga.

Sagot: C
3. Habang naghihintay para sa LET ay namasukan muna bilang
isang call center agent si Arlene. Madalas siyang walang sapat na
tulog at pahinga sapagkat mas inilalaan niya sa pagrereview ang
oras niya pagkauwi at tuwing day-off. Ngunit sa kabila nito, hindi pa
rin niya nakakalimutang magsimba tuwing Linggo o dumalo sa mga
gawin ng simbahan. Nasa anong uri o antas ng pagpapahalaga si
Arlene?

a. Pandamdam
b. Pambuhay
c. Ispiritwal
d. Banal
Sagot: D
4. Tuwing may mga sakuna o kalamidad, palaging handa upang
tumulong ang pamilyang Cherubim sa kabila ng pagkakaroon ng
payak na pamumuhay. Nagbibigay sila ng donasyon tulad ng
damit, pagkain, at tubig sa mga naapektuhan. Nasa anong uri o
antas ng pagpapahalaga si Arlene?

a. Pandamdam
b. Pambuhay
c. Ispiritwal
d. Banal

Sagot: C
5. Masipag na bata si Susan. Aktibo siya sa mga gawain sa paaralan at mga
responsbilidad bilang kabilang ng simbahan nila. Lagi niyang napapamahalaan at
nahahati ang kaniyang oras sa iba’t-ibang gawain. Ngunit isang araw, nagkataon na sa
araw ng kaniyang pagsusulit ang unang araw niyang bilang parte ng choir sa kanilang
simbahan. Hindi niya maaaring palampasin ang unang araw niya dahil ito ay isang
malaking tagumpay na matagal niyang hinintay at kakaonti lamang sila na pinili
ngayon dahil ang iba ang mayroong pagsusulit din. Bilang resulta, hindi siya
nakapagsagot sa pagsusulit. Ang naging pasya ni Susan ay:

a. Tama, dahil ito ay isang hindi malilimutang araw para kay Susan.
b. Tama, dahil importante ang tungkulin niya bilang tagapaglingkod ng Panginoon.
c. Mali, dahil mas pinili niya pa ang kaniyang tungkulin sa simbahan kaysa sa kaniyang
pagaaral.
d. Mali, dahil hindi siya nakapagsagot sa pagsusulit at hindi siya nakapagpaalam nang
maayos.

Sagot: B
THANK
YOU!!!

You might also like