You are on page 1of 13

8 Maisadula ang isang bahagi ng kwentong kanilang nabasa na may kaugnayan sa tunay na pangyayari sa

kanilang buhay.

7 Maiugnay ang sariling karanasan sa nabasang teksto.

6 Mailahad ang mga mahalagang detalye ng tekstong binasa.

5 Mabasa ang mga maikling teksto nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon.

4 Maunawaan ang kahulugan na nais ipabatid ng binasang pangungusap.

3 Mabasa nang may tatas ang mga parirala at pangungusap.

2 Maibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa ugnayang salita-larawan at kahon pahiwatig.

1 Makilala ang mga tunog at pantig na bumubuo sa isang salita.

Learning Plan Flow – Filipino (Unang Baitang)


Learning Plan

Subject Description:

Ang asignaturang Filipino sa unang baiting ay naglalayong magamit ang kasanayan sa sa wikang Filipino sa mabuting pagbasa
upang maipahayag at maiugnay ang sariling ideya, damdamin at karanasan sa mga narinig at nabasang mga teksto ayon sa kanilang
antas at kaugnay ng kanilang kultura.

Learning Outcomes

Learning Content Area Materials Learning Activities Assessment


Outcome Task Tool

Makilala ang  Alpabetong  Card  Panonood ng  Ibigay ang tunog  Tseklist


mga tunog at Filipino video na ng bawat
pantig na  Video nagpapakita ng simbolo (titik)
bumubuo sa Presenatation ugnayang
isang salita.  Tsart ng simbolo-tunog
Alpabetog Filipino  Pagsasagawa ng
 Aklat Yunit 1- Oral Card Drills  Isulat ang mga  Tsart ng
5 ng mga titik pantig at bilang mga Salita
ng pantig ng at Pantig
 Pagpapantig  Pagpapantig ng nito
mga salitang salita sa isang
nasa hulwaran

Maibigay ang  Kahulugan ng  Mga larawan  Pag-aanalisa ng  Pagtukoy sa


kahulugan ng Salita salita sa tulong kahulugan ng
mga salita  Listahan ng ng larawan salita base sa  Word Flower
batay sa  Bahagi ng mga Salita larawan
ugnayang pananalita
 Mga kahon-  Pagkumpleto sa
salita-larawan pahiwatig  Pagbibigay ng
at kahon kahon-pahiwatig
kahulugan ng
pahiwatig.  Aklat Yunit 6- salita gamit ang
7
kahon-pahiwatig

Mabasa nang  Parirala  Halimbawa  Pagbasa ng mga  Sabayang  Tseklist


may tatas ang ng parirala at parirala at pagbigkas
mga parirala  Pangungusap pangungusap pangungusap na
at nasa hulwaran
pangungusap  Aklat Yunit 9
.

Maunawaan  Pagsunod sa  Larawan ng  Maibigay ang  Makasunod sa  Tsart


ang panuto mga babala mensaheng nais panutong
kahulugan na ipabatid ng mga nasasaad sa  Rubrik
nais ipabatid  Pagtukoy sa  Palabunutan pangungusap pangungusap
ng binasang mensahe ng
babala at paalala  Aklat Yunit  Maisagawa ang  Pagsasadula ng
pangungusap. 10-11 panutong pagsunod sa
ilalahad ng guro panuto

 Paglalaro ng
“Sabi ni Pedro”

Mabasa ang  Pagsusunod-  Maikling  Pagsasagawa ng  Sabayang  Tseklist


mga maikling sunod ng mga Kwento gallery walk pagbigkas
teksto nang pangyayari sa
may tamang kuwento  Aklat Yunit 12  Paggawa ng
Flow Tsart ng  Flow Tsart
bilis, diin,
tono, antala at pangyayari sa
ekspresyon. kuwento

Mailahad ang  Detalye ng  Maikling  Pangkatang  Pagbibgay ng  Sunshine


mga Teksto Kwento talakayan ng mga detalye ng Wheel
mahalagang mga mahalagang kuwento
detalye ng  Aklat Yunit 13 impormasyon sa
tekstong teksto
binasa.

Maiugnay ang  Pag-unawa sa  Maikling  Think-Pair-Share  Pag-uugnay ng  Venn


sariling tekstong Pabula teksto sa sariling Diagram
karanasan sa napakinggan karanasan
nabasang
teksto.

Maisadula  Maikling  Mabasa nang  Maiugnay ang  Rubrik


ang isang teksto may tamang bilis, sariling ideya,
bahagi ng diin, tono, antala damdamin o
kwentong at ekspresyon. karanasan sa
kanilang nabasang teksto
nabasa na  Pangkatang
may talakayan ng  Pagsasadula ng
kaugnayan teksto naibigang
sa tunay na bahagi ng
pangyayari kwento.
sa kanilang
buhay.

Abridged Format

Learning Outcome Bilang 1

Outcome Makilala ang mga tunog at pantig na bumubuo sa isang salita.

Performance Task Kunware ikaw ay isang guro na kailangang magturo ng tamang pagbigkas ng salita sa mga bata. Basahin
ang mga salitang nasa hulwaran na para bang ikaw ay isang guro sa Filipino.
 Pagtukoy sa mga titik na nakapaloob sa Makabagong Alpabetong Filipino.

 Maibigay ang bawat tunog ng mga titik.

 Mabasa nang wasto ang pantig na nasa tsart.

 Magamit ang kasanayan sa pagpapantig sa pagbabasa ng mga salita.

 Mabasa ang mga salita nang may wastong diin, antala at bilis.

Target Competencies  Mabasa ang mga salita sa hulwaran nang wasto.

 Mabasa ang mga salita nang may tamang diin at bilis.

 Maipakita ang tiwala sa sarili sa pagbabasa ng mga salita.

 Mabigyang halaga na ang wastong pagbasa ng salita ay susi upang mapalawig ang kakayahang
komunikatibo.

Assessment Tool Upang masukat ang kakayahan ng mga bata sa pagbabasa ay gagamit ang guro ng tseklist. Ang tseklist
ay naglalaman ng sumusunod: wastong pagpantig ng mga salita, wastong diin, bilis sa pagbasa ng mga
salita at presentasyon ng sarili habang nagbabasa.

Learning Outcome Bilang 2

Outcome Maibigay ang kahulugan ng mga salita batay sa ugnayang salita-larawan at kahon pahiwatig.

Performance Task Binisita ka ng iyong kaibigan mula sa Maynila. Sa inyong pag-uusap ay napansin mo na may ilang salita
siya na hindi maintindihan. Upang matulungan ang iyong kaibigan maunawaan ang ibang salita, ibibigay
mo ang kahulugan ng mga salitang hindi nya maintindihan sa tulong ng kahon-pahiwatig.
 Matukoy ang mga salita base sa larawan.

 Maibigay ang kahulugan ng salita sa tulong ng larawan.

 Maisulat ang kahulugan ng salita sa kahon-pahiwatig.

 Mabigyang kahulugan ang mga salita.

Target Competencies  Matukoy ang mga salita gamit ang ugnayang salita-larawan.

 Maibigay ang kahulugan ng mga salita sa tulong ng larawan.

 Magamit ang kahon-pahiwatig sa pagbibigay ng mga kahulugan ng salita.

 Mabigyang halaga na ang pagbibigay ng kahulugan ng isang salita ay makatutulong upang


mapalawak ang talasalitaang Filipino.

Assessment Tool Upang masukat ang kakayahan ng mga bata sa pagbibigay ng kahlugan, ang mga mag-aaral ay aatasang
kumpletuhin ang tsart. Ang tsart ay naglalaman ng mga salita at larawan na may katapat na mga kahon-
pahiwatig. Kailangang kumpletuhin ng mga mag-aaral ang bawat kahon upang matukoy ang kahulugan ng
bawat salita.

Learning Outcome Bilang 3

Outcome Mabasa nang may tatas ang mga parirala at pangungusap.

Performance Task Ikaw ay isang mamamahayag. Naatasang kang basahin ang ulo ng mga balita. Basahin ang mga parirala
at pangungusap na para bang ikaw ay isang beteranong mamamahayag.

 Mabasa ang mga parirala sa mula sa hulwaran.


 Mabasa ang pangungusap nang wasto.

 Mabasa ang mga parirala at pangungusap nang may wastong diin, tono, antala at ekspresyon

Target Competencies  Mabasa ang mga parirala at pangungusap nang wasto.

 Mabasa ang mga parirala at pangungusap nang may wastong diin at tono.

 Maipakita ang tiwala sa sarili sa pagbabasa ng mga parirala at pangungusap.

 Mapahalagahan na ang wastong tatas sa pagbabasa ng mga parirala at pangungusap ay


makakatulong upang lubos na maunawaan ang mensaheng nais iparating nito.

Assessment Tool Ang kakayahan ng mga bata sa pagbabasa ng mga parirala at pangungusap ay susukatin gamit ang isang
tseklist. Ang tseklist na ito ay naglalayong masukat ang kakayahan ng mga mag-aaral base sa
sumusunod na aspeto: una, wastong pagkakabigkas ng mga salitang nakapaloob sa pangungusap;
pangalawa, ang bilis ng mga mag-aaral sa pagbabasa; pangatlo, ang tono ng mga mag-aaral sa
pagbabasa; pang-apat, ang wastong diin at antala sa paglalahad ng mga pangungusap at panlima, ang
presentasyon ng sarili habang binabasa ang mga parirala at pangungusap.
Learning Outcome Bilang 4

Outcome Maunawaan ang kahulugan na nais ipabatid ng binasang pangungusap.

Performance Task May paligsahan kayo sa araling panlipunan. Kailangan kayong makalikha ng isang recycled material mula
sa mga dyaryo at magazine. Layunin nitong makatulong upang mabawasan ang mga basurang tinatapon.
Upang mabuo ang inyong proyekto ay may ilang hakbang na dapat sundin. Basahin ang bawat
pangungusap at unawain ang mensaheng nais nitong ipabatid upang magtagumpay at manalo ang inyong
proyekto.

 Mabasa ang mga pangungusap mula sa hulwaran.

 Mabigay ang kahulugang nais iparating ng mga pangungusap.

 Masunod ang mga hakbang na nakasaad sa pangungusap.

Target Competencies  Mabasa ang mga pangungusap nang wasto.

 Matukoy ang kahulugang nais iparating ng pangungusap.

 Maipakita ang kakayahan sa pagsunod sa mga panuto.

 Mabigyang halaga na ang wastong pagsunod sa mga hakbang o panuto ay makatutulong upang
maiwasan ang pagkakamali.

Assessment Tool Ang kakayahan ng mga bata sa pag-unawa ng kahulugan nais ipabatid ng pangungusap ay susukatin
gamit ang isang rubrik. Ang rubrik na ito ang makatutulong upang matukoy ang kakayahan ng mga bata
sa pag-unawa ng pangungusap at pagsunod sa panuto.
Learning Outcome Bilang 5

Outcome Mabasa ang mga maikling teksto nang may tamang bilis, diin, tono, antala at ekspresyon.

Performance Task Nagdiriwang ang inyong paaralan ng Buwan ng Wika. Ikaw ay napili upang kumatawan sa inyong klase sa
paligsahan sa masining na pagkukwento. Basahin ang kwento na para bang ikaw ay nagtitiwala sa iyong
kakayahan upang manalo sa patimpalak.

 Mabasa ang maikling kwento mula sa hulwaran nang wasto.

 Mabasa ang maikling kwento na may wastong diin, tono, intonasyon at ekspresyon.

 Makapagkwento sa harap ng mga kamag-aral.

Target Competencies  Mabasa ang maikling kwento nang wasto.

 Mabasa ang maikling kwento nang may wastong diin, tono, intonasyon, antala at ekspresyon.

 Maipakita ang kakayahan sa pagbasa ng maikling kwento.

 Mapahalagahan na ang pagbabasa ng maikling kwento ay makatutulong upang mapaunlad ang


kasanayan sa pagbasa.

Assessment Tool Masusukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng maikling kwento gamit ang isang tseklist.
Ang tseklist na ito ang susukat ng sumusunod: wastong pagbigkas ng mga salita, bilis sa pagbasa, diin,
tono, intonasyon, antala at ekspresyon sa pagbabasa ng maikling kwento.
Learning Outcome Bilang 6

Outcome Mailahad ang mga mahalagang detalye ng tekstong binasa.

Performance Task Ikaw ay napili upang magbahagi ng mga mahahalagang impormasyon mula sa maikling kwentong iyong
nabasa. Ilahad ang mga mahalagang impormasyon na nagpapakita na lubos ang iyong kaalaman sa
kwentong iyong nabasa

 Mabasa ang maikling kwento mula sa hulwaran.

 Matukoy ang mga mahalagang impormasyon na nakapaloob sa kwento.

 Mailahad ang mga impormasyon sa klase.

Target Competencies  Matukoy ang mga mahalagang impormasyon mula sa kwento.

 Maipakita ang kakayahan sa pag-unawa sa kwentong nabasa.

 Maisabuhay ang magandang aral na napulot mula sa kwento.

Assessment Tool Masusukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtukoy ng mga mahalagang impormasyon sa kwento
kung kanilang makukumpleto ang Sunshine Wheel. Nakapaloob sa Sunshine Wheel ang tauhan, lugar,
oras ng pangyayari, aral at ang nangyari sa tauhan sa kwento.
Learning Outcome Bilang 7

Outcome Maiugnay ang sariling karanasan sa nabasang teksto.

Performance Task Ikaw ay napili upang magbahagi ng iyong hindi malilimutan na karanasan sa iyong mga kamag-aral.
Kaugnay nito kailangang maiugnay mo ang pangyayari sa iyong sarili sa pangyayari sa kwentong ityong
nabasa. Ilahad ang iyong karanasan sa iyong mga kamag-aral na para bang nagkukwento.

 Mabasa ang maikling kwento mula sa hulwaran.

 Matukoy ang iyong pinakapaboritong bahagi ng kwento.

 Iugnay ang iyong pinakapaboritong bahagi sa kwento sa iyong sariling karanasan.

Target Competencies  Matukoy ang mga pangyayari sa kwento.

 Maiugnay ang sariling karanasan sa pagyayari sa kwento.

 Maipakita na may mga bagay sa kwento na minsan ay sumasalamin sa tunay na pangyayari sa


buhay ng tao.

 Mapahalagahan na ang bawat pangyayari sa buhay nga tao ay nakakaapekto sa paglago ng bawat
indibidwal.

Assessment Tool Masusukat ang kakayahan ng mga mag-aaral sapag-ugnay ng sariling karanasan sa pangyayari sa
kwento sa pamamagitan ng Venn Digaram. Ang mga mag-aaral ay aatasang kumpletuhin ang Venn
Diagram kung saan mas malinaw na maipapakita ang pagkakaugnay ng pangyayari sa kwento sa
nangyayari sa kanilang tunay na buhay.
Learning Outcome Bilang 8

Outcome Maisadula ang isang bahagi ng kwentong kanilang nabasa na may kaugnayan sa tunay na pangyayari sa
kanilang buhay.

Performance Task Magkakaroon ng pagtatanghal ang inyong klase. Ang pagtatanghal naito ay tungkol sa maikling kwentong
inyong binasa. Kayo ay naatasang isadula ang isang bahagi ng kwento na may kaugnayan sa pangyayari
sa tunay inyong tunay na buhay na kapupulutan ng aral. Isagawa ang pagtatanghal na para bang kayo ay
beteranong mga artista sa telebisyon.

 Matukoy ang mga pangyayari sa kwento.

 Maiugnay ang mga pangyayari sa kwento sa tunay na buhay.

 Magsagawa ng pangkatang talakayan ng mga pangyayari.

 Mapili ang pangyayarisa kwento na labis na naibigan.

 Makagawa ng maikling script para sa presentasyon.

 Maisadula ang isang bahagi ng kwentong kanilang nabasa na may kaugnayan sa tunay na
pangyayari sa kanilang buhay bilang isang bata.

Target Competencies  Mabasa ang kwento nang wasto at may pagka-unawa.

 Matukoy ang mga mahalagan impormasyon mula sa kwento.

 Maiugnay ang sariling karanasan sa isang pangyayari sa kwento.

 Maisabuhay ang magandang aral na napulot sa kwento.

 Mapahalagahan na ang bawat pangyayari sa buhay nga tao ay nakakaapekto sa paglago ng bawat
indibidwal.

Assessment Tool Ang presentasyon ng mga mag-aaral ay susukatin gamit ang isang rubrik. Ang rubrik na ito ay
naglalayong Makita ang kagalingan ng mga mag-aaral sa pag-uugnay ng mga pangyayari sa kwento at sa
kanilang buhay. Nakapaloob sa rubrik ang sumusunod na kraytirya: pagganap ng katauhan, emosyon,
tinig, interpretasyon at interes/kawilihan ng manonood.
Objectives Matrix

Legend: L = Learning Episode

You might also like