You are on page 1of 11

Tuguegarao Archdiocesan Schools System

LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
ASIGNATURA: FILIPINO 8
KABANATA III: KONTEMPORARYONG PANITIKAN…TUNGO SA KULTURA AT PANITIKANG POPULAR
PANGALAN NG GURO: Bb. JENNY ANNE C. BIERZO at G. ERICSON CORPUZ
CONTACT NO: 09752920593 (Ma’am Jen)
09457620351 (Sir Eric)
PAMAGAT NG MODYUL:Mga Popular na Babasahin at Programang Panradyo
BILANG NG MODYUL: 9 &10 (apat na linggo)
LAYUNIN
Pagkatapos ng dalawang linggong aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;
a. Naiuugnay ang tema ng tinalakay na panitikang popular sa temang tinatalakay sa napanood
na programang pantelebisyon o video clip,
b. Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na
komunikasyon
c. Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag,
d. Nakikilala at nakapagpapahayag ng konsepto o pananaw ukol sa paksa.
NILALAMAN
PANITIKAN:
 Mga Popular na Babasahin- “Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User
 Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo- “Tanikalang Lagot”

WIKA/GRAMATIKA:
 Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon
 Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto o Pananaw

PANIMULA
Isa sa mga pangunahing paraang ginagamit ngayon ng napakaraming tao upang mapabilis ang
komunikasyon at iba pang transaksiyon ay ang Internet. Tunghayan sa ibaba ang estadistika ng bilang ng
mga tao sa mundo na gumagamit ng Internet at social media network sa Facebook ayon sa pag-aaral na
ginawa ng Internet World noong Hunyo 30, 2016.
Estadistika ng Bilang ng mga Gumagamit
Ng Internet at Facebook sa Buong Mundo
REHIYON POPULASYON BAHAGDAN NG BILANG NG BILANG NG
POPULASYON GUMAGAMIT NG MIYEMBRO NG
INTERNET FACEBOOK
ASIA 4, 052, 652, 889 55.2% 1, 792, 163, 654 559, 003, 000
Iba pang Bahagi ng 3, 287, 441, 091 44.8% 1, 819, 212, 159 1, 103, 230, 530
Mundo
BUONG MUNDO 7, 340, 093, 980 100% 3, 611, 375, 813 1, 662, 233, 530
Isa ang Pilipinas sa mga bansang patuloy na sumasabay sa mga pagbabagong ito. Tunghayan naman
ang mahahalagang tala kung paano naiimpluwensiyahan ang mga Pilipino ng paggamit ng mga
makabagong teknolohiya at social media networks.
Ang Pilipinas ang tinuriang Texting Capital of the World.
Umaabot naman sa 54,000,000 ang bilang ng Pilipinong gumagamit ng Internet. Ayon sa ulat, panlima
ang Pilipinas sa mga bansa sa Asya na may pinakamalaking bilang ng taong gumagamit nito.
Tinatayang 54,000,000 ang bilang ng mga Pilipinong miyembro ng Facebook ayon sa tala ng Internet
World Statistics noong Hunyo 30, 2016.
Ang mga tala sa itaas ay ilan lamang sa mga patunay na ang information and communication
technology ay sadyang nakaaapekto nang malaki sa buhay ng mga tao sa mundo partikular sa mga Pilipino.
Totoong napakalaking tulong ang naibibigay ng teknolohiya at social media sa ating buhay. Gayunpaman,
napakahalagang maging matalino ang bawat taong gagamit nito. Dahil ang labis at maling paggamit nito ay
maaaring magdulot ng kasamaan sa atin. Sa araling iyong babasahin, matutunghayan mo ang isang akdang
tumatalakay sa mga bagay na dapat mabatid ng mga social media user.
KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 1
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
ARALIN 1-
MGA POPULAR NA BABASAHIN- “Mga Dapat Ipabatid sa mga Social Media User”
Mga Salitang Ginagamit sa Impormal na Komunikasyon

ANG MGA DAPAT MAIPABATID SA SOCIAL MEDIA USERS


Pananalita sa Social Media for Social Change Forum ng Kabataan Partylist 
para sa pagdiriwang ng World Social Media Day
Infinitea Maginhawa, June 30, 2013
Magandang hapon po at happy social media weekendsa inyong lahat. Kahapon ay nagkita-kita na
ang ilan sa atin. Dumalo ako sa #fwdPH ng TweetUp Manila, at ikinagagalak kong maging bahagi ng social
media forum ng Kabataan Party, na matagal nang nakaka-partner sa iba’t ibang gawain ng ngayo’y lulubog-
lilitaw kong Tinig.com, at ng inactive na ring Bloggers Kapihan — na sana’y maibalik natin ngayong taon.
Ngayong araw, nagsasalita po ako hindi bilang empleyado ng kompanyang aking pinagtatrabahuhan
kundi bilang isang matagal-tagal na ring blogger at isa sa mga naunang sawsawero sa mundo ng social
media.
May sampung taon na mula nang maadik tayo sa Friendster. Naaliw tayo sa pagba-browse ng latest
pictures ng mga kaibigan natin. Para sa mga kaedaran ko rito, hinanap natin at inalam kung ano na ang
hitsura ng mga kaibigan at mga crush natin noong elementarya. Excited tayong naghintay, at minsa’y
nangulit pa — na bigyan ng testimonial ng Friendster friends natin. Hanggang sa nailang na tayo sa
kakaibang themes sa Friendster at nakilala natin ang Facebook. Kalaunan, dumating na rin ang Twitter.
Sinundan pa yan ng Google Plus, Instagram, Pinterest, Vine, at iba pa.
Unti-unti na ring nag-evolve ang paggamit natin sa social networking services na ito, na ang nilalaman
ay tinatawag natin ngayon collectively bilang social media. Mula sa pagiging personal journal na venue para
makapagpahayag ng mga angas natin sa buhay — na siya pa rin namang pangunahing gamit nito para sa
marami sa atin — nadagdagan na ito ng iba’t iba pa. Ginagamit na rin ng businesses at brands ang social
media para mai-promote ang kanilang produkto; ng celebrities para maka-connect sa kanilang fans; ng mga
politiko para sa pangangampanya. Pero alam kong bago pa man mauso itong huli, mayroon nang Kabataan
Cyber-Fever noong 2007 ang Kabataan Party. Hindi pa sikat sa atin ang Twitter noon.
Gayunman, sa kabila ng dumaraming gamit ng social media, hindi tayo dapat magkaroon ng ilusyong
may napakatindi na itong impact sa ating buhay.
Nariyan pa rin ang digital divide. Tingnan ang kasalukuyang estimates: out of around 97 million
Filipinos,nasa 33 million pa lang ang may Internet access. Sa 33 milyong online, around 30 milyon ang may
Facebook, 10 milyon lang ang may Twitter, at hindi pa natin alam kung ilan ang may Google Plus.
At sa nakalipas na eleksyon, nabigo ang social media na iluklok sa puwesto sina Teddy Casiño, Risa
Hontiveros, Bro. Eddie Villanueva, Jun Magsaysay, Dick Gordon, at iba pang mga kandidatong matunog sa
online social networks. Dinaig sila ni Nancy Binay, na tila hindi ganoon kaningning ang bituin sa online
communities.
Sa kabila nito, hindi maitatangging kailangan nang paghandaan ang pagdating ng panahong halos
lahat ng Pilipino ay nasa social media na. Kung paanong ngayon, halos lahat ng mga Pilipino ay may
cellphone na, maaaring dumating ang panahong halos lahat ng Pilipino ay online na.
Isa sa magiging dahilan nito ang patuloy na pagdami ng smartphones. Ayon sa GFK, isang research
firm, nakapagtala ang Pilipinas nang 146% increase sa sales ng smartphones mula April 2012 hanggang March
2013.
Samantala, habang nagpapatuloy ang kampanya para saBetter Internetsa bansa, unti-unti rin
namang bumababa ang halaga ng access sa Internet.
Kabilang sa paghahanda sa pagdating ng panahong halos lahat ng Pilipino ay online na ay ang
pagsisikap na maipakilala natin — ng mga mamamahayag, ng netizens, ng political at community leaders —
KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 2
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
sa madla kung ano-ano ba ang magiging pakinabang natin sa existing social networks na ito.
Sa tingin ko, dalawang level ito: pagtuturo sa mga individual at pagtuturo sa mga institusyon.
Kailangang simulan sa napaka-basic gaya ng ano-ano ba ang kailangan para magkaroon ng Twitter o
Facebook?
Ano-ano ang gamit ng mga ito? Ano ang pagkakaiba ng Twitter sa Facebook o ng Instagram sa Vine?
Paano mag-sign-up?Paano mag-login?Sa ano-anong devices ito maaaring ma-access? Paano i-download ang
app?Paano mag-post, mag-reply, at mag-comment?
Matapos pong pagtuunan ng technical aspect ng social networking sites, yung content naman ang
mahalagang ipaunawa. Sisimulan din saform ng content — na mahalaga pa ring tama ang English at Filipino
grammar sa posts natin. Dapat hindi jejemon para madaling basahin. Ang posts, dapat hindiall caps —
sanetiquette, o Internet etiquette, ang all caps ay pagsigaw.
Kailangan ding sagutin ang mga tanong gaya ng: OK lang bang i-crosspost ang tweets natin
papuntang Facebook o vice-versa? Mahalagang ipaunawa sausersna bawat social networking sites ay may
kaniya-kaniyang papel. Kaya sa iba, hindi okay ang magpopost ka sa Facebook at automatic na mapupunta
sa Twitter with an ugly Facebook link. Or ‘yong tweet mo, including ‘yong my @ replies, mapupunta sa
Facebook. But of course, matter of preferencelang ‘yan.
Pero para sa akin, halimbawa, hindi tamang tadtarin mo ng links sa Foursquare logins mo ang Twitter
timeline ng followers mo. Pakialam ko ba kung nasaang lugar ka? Kung gusto kong malaman kung nasaan ka
minu-minuto, halimbawa, eh ‘di ia-add kita sa Foursquare. Ganyan din sa Instagram. Sa tingin ko, maling-mali
na naka-share pa rin sa Twitter feed mo ang bawat Instagram posts mo. Hindi na kasi gaya ng dati na mapi-
preview sa Twitter ang photo. Ngayon, kailangan mo nang i-click ang link para makita ang picture. Eh, kung
gusto kong makita kung ano ang breakfast mo, o kung ano ang hitsura mo sa latest selfie mo, eh di ipa-follow
kita sa Instagram.
Nabanggit ang selfie.Gaano kadalas ang minsan?Gaano ka ka-in lovesa sarili mo? Medyo isyu na rin ito
ng etiketa sa Internet.
Samantala, OK lang ba na ipost ang pictures ninyo ng mga kaibigan mo sa public timeline mo sa
Facebook kahit walang permission ng mga kasama mo sa litrato? Paano kung pangit ang kuha nila? Ilan ‘yan
sa mga isyung makakatulong tayo sa paglilinaw.
Balik tayo sa nilalaman ng social media. Laging trending sa Twitter ang KathNiel o ang JuliElmo
loveteams. May mga iba pa bang bagay na maaaring i-tweet ang mga kabataang Twitter users? At least ang
My Husbands’ Lover,na araw-araw ding nagte-trend, kahit paano’y nagdadala sa kamalayan ng publiko sa
isyu ng LGBT community.
Mahalagang maipaalam sa netizens, lalo na sa mga kabataan, na ang social media ay magagamit din
para sa pambansang layunin. Nariyan ang #epalwatch ng mga anti-epal, #sumbongko ng Comelec, #ang
#FOInow ng nga nagsusulong ng transparency sa gobyerno, ang #itsmorefuninthephilippines at
#lubak2normal ng gobyerno, ang #rescuePH na tumutulong sa panahon ng sakuna. Alam ko, ginagamit din ng
Kabataan Party ang social media sa inyong Tulong Kabataan campaign.
Sa kabutihang-palad, may efforts naman mula sa iba’t ibang sektor para tutukan ang pag-i-educate sa
publiko tungkol sa Internet at social media. Ang Bayantel, tinutulungan ni Lola Techie na gawing maaalam sa
Internet ang senior citizens. Ang GMA Network, may Think Before You Click campaign na nagtuturo sa
netizens na maging responsible online.
Salevelnaman ng institutions, pinangungunahan ng pamahalaan ang paggamit ng social media for
public information. Aktibo sina Manolo Quezon ng Malacañang sa paggamit nito. Nakikipag-usap din sila sa
NGOs at media organizations para sa coordination sa public information on social media. Bunga nito ang
common hashtags gaya ng #walangpasok, #floodPH, at iba pa. Noong panahon ni DILG Sec. Jesse Robredo,
open siya sa mga ganyang suggestion. Lumapit ang GMA News sa opisina niya para isulong ang paggamit ng
Twitter sa pag-a-announce ng suspension ng classes at iba pang public announcements kapag masama ang
panahon. Kinalaunan, in-adopt ng gobyeno at ini-endorse ang common hashtag na #walangpasok.
Susunod na kailangang ipaalam sa prospective social network users ang implikasyon ng paggamit ng
mga ito sa kanilang privacy at seguridad.
Mabalik tayo saFoursquare.Safe ba na i-announce kung nasaan ka lagi? Puwede naman. Dapat lang,
KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 3
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
sigurado kang super close kayo ng lahat ng Foursquare friends mo. Kung magbabakasyon nang out of town
at walang tao sa bahay, pigil-pigil muna sa pagpopost ng jumpshot sa beach. Puwedeng makipagkilala online,
pero ingat sa mga impormasyong ibabahagi. May mga nakidnap na sa ganyan.
Para sa Kabataan Party, mahalagang i-consider sa inyong legislative efforts ang pagpapaalam sa mga tao sa
kanilang online security. Siyempre kaagapay ito sa malalaki pang laban gaya ng pagre-review sa Anti-
Cybercrime law.
Bago ko tapusin ito, naalala ko lang ang matagal nang debate ng bloggers vs. journalists. Nagkaroon
ng kontrobersiya noon sa mungkahi ng propesor kong si Luis Teodoro na magandang mag-blog ang
journalists at maging halimbawa ng ethical blogging sa mga bagong bloggers. Kinuwestiyon ng marami ang
pakikialam daw ng mainstream journalists sabloggers. Pero noon at ngayon, iisa lang naman ang mensahe. Sa
pagpopost ng information na maaabot ng publiko sa alinmang platform, mahalagang maging responsible.
Naniniwala ako na ang mga bloggers at social media users — lalong-lalo na ang mga tumatalakay sa
mga pampublikong isyu —  ay dapat maging ethical. Mahalaga ang transparency.Sa panahong andaming
endorsements mula sainfluential tweeps, dapat may disclosure.
Sa huli, nais kong isulong ang kahalagahan ng attribution sa social media. Usong-uso ngayon ang viral
photos at videos.Sa kakapasa, napakahirap nang ma-trace ang orihinal na may-ari. Pero kung masanay ang
mga netizen sa attribution, sa tamang pagki-credit sa gawa ng iba, mas madali ang pag-a-identify at pag-i-
evaluate sa original na source ng info.
Makakatulong itong mapigilan ang misinformation at maisusulong ang intellectual honesty. At saka
baka sakaling mabawas-bawasan ang mga estudyanteng magka-copy and paste ng assignmentsa Wikipedia
at manghihingi ng talumpati sabloggers.
Maraming salamat po.
-https://ederic.net/ang-mga-dapat-maipabatid-sa-social-media-users/
-Julian, Ailene G., Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma. 2017. PHOENIX Publishing House INC. 927 Quezon
Ave.,Quezon City

ALAMIN NATIN…
MGA POPULAR NA BABASAHIN
Masasabing nagpatuloy ang tradisyonal na panitikan sa kabila ng modernisasyong dulot ng pag-
unlad ng teknolohiya. Marahil, nagkakaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan
na ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks, magasin, at dagling katha ay nauulit
lamang ang paksa at tema mula sa mga akda sa tradisyunal na uri ng panitikan. Kung susuriin, naiiba lamang
sa estilo, pamamaraan, at kaalamang teknikal ang panitikang popular. Narito ang maikling paliwanag para sa
mga popular na babasahing laganap ngayon sa bansa.
PAHAYAGAN
 Tunay na Malaki ang ginagampanang papel ng mga balita sa pa-araw-araw na pamumuhay ng mga
Pilipino. Upang tayo ay maging bukas at mulat sa mga pangyayari ay sinisikap ng bawat isa na
matutukan ang mga pangyayari sa ating lipunan. Bagama’t marami na ang nagbabasa ng mga balita
sa Internet ay marami pa rin ang patuloy na tumatangkilik sa mga pahayagan dahil sa dahil sa abot-
kayang presyo nito. Dahil dito, itinuturing ang pahayagan na isang uri ng print media na nananatiling
buhay at bahagi ng ating kultura. Ayon kay William Rodriguez, “Sinasabing ang tabloid ay pang-masa
dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang midyum.”
 Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo . Mayroong hanap talaga ay balita,
magbasa ng tsismis, sports, literatura, o di kaya’y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang
lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang
ginagawa.Sa tabloid masyadong binibigyang diin ang tungkol sasex at karahasan kaya’t tinagurian
itong sensationalized journalism. Ito ay dahil sa katangian na ang magandang balita ay nasa masamang
balita.Mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang nagsi-circulate sa bansa.
KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 4
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
KOMIKS
 Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng
isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang makaapekto nang higit na may lalim.Bagaman palagiang paksang katatawanan ang komiks,
sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri
(genre), hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.
 Sinasabing si Jose Rizal ang kaununahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong 1884 inilathala sa
magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa
isang popular na pabula ng Asya.Humina ang komiks sa pagpasok ng dekada otsenta nang
ipatanggal ng ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng murang papel. Naapektuhan ang
kalidad at itsura ng papel. Umalis ang mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas at nagtrabaho na lamang
sa Amerika sa parehong industriya.
 CARLO J. CAPARAS taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa
sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.
MAGASIN
Hindi nawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng ng
mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Naging paraan ito para mapalago ang kaalaman ng
mga Pilipino.Bago pa man ang digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasinna ito ay talaga
namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang
mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
MGA NANGUNGUNANG MAGASIN SA BANSA
1. FHM(FOR HIM MAGAZINE)- Tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na
nagiging an gant upang mapagusapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag- ibig
at iba pa.
2. COSMOPOLITAN - magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang
maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan,
kultura at aliwan.

3. GOOD HOUSEKEEPING- magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat dito ay
tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay

4. YES!- Ang magasin ay tngkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng
nakaw- atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa

5. METRO- Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan
ang nilalaman ng Metro.

6. CANDY- Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga
batang manunulat an g mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 5


Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
7. MEN’S HEALTH - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa isyu ng kalusugan. Mga
pamamaraan sa pagehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
kalusugan ang nilalaman nito kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.
8. T3-Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-
aalaga ng mga gadget.
9. ENTERPRENEUR- Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo
KONTEMPORARYONG DAGLI
 Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat
walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng
pananakop ng mga Amerikano.Wala ring nakakatiyak sa angkop an ga para masabing dagli ang isang
akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng isang maikling
kuwento. KILALANG MANUNULAT NG DAGLI Inigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng Jose
Corazin De Jesus Rosauro Almario (Ric. A. Clarin) Patricio Mariano Francisco Laksamana Lope K. Santos.
 Sa kasalukuyan, sinasabing nagpalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng mga
pahayagan hanggang sa maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature
story) sa mga kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Sa kasalukuyan,
nagkakaroon na ng bagong kahulugan ang dagli. Hindi na ito tinatawag na dagli kundi nagkakaroon
na ito ng ibang lehitimong pangalan at katawagan- anekdota, spice-of-life, day-in-the-life, at iba pa.
-https://www.slideshare.net/AppleYvetteReyesII/grade-8-mga-popular-na-babasahin
-Julian, Ailene G., Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma. 2017. PHOENIX Publishing House INC. 927 Quezon
Ave.,Quezon City

ISAISIP NATIN
MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA KOMUNIKASYON
Ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag-usap at
pakikipagsulatan sa mga kakilala at kaibigan ay kabilang sa impormal na mga salita. Ang impormal na salita
ay nauuri sa apat.
1. Lalawiganin (Provincialism)-Ito ang mga salitang kilala at saklaw lamang ng pook na pinaggagamitan
nito. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba pang tono
ito.
Halimbawa: tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud (Ilokano)
2. Balbal (Slang)-Ang mga salitang ito ay tinatawag sa Ingles na slang. Ang mga salitang ito noong una
ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan.
Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye.
Halimbawa: erpat- tatay tsikot- kotse
Sikyo- security guard lispu- pulis
Yosi- sigarilyo praning- baliw
3. Kolokyal (Colloquial)-Ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit
may kagaspangan at pagkabulgar, bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang
nagsasalita.
Halimbawa: PORMAL KOLOKYAL
Aywan ewan
Piyesta pista
Nasaan nasan
4. Banyaga- Ito ay mga salitang mula sa ibang wika. Ang ating wika ay mayaman sa wikiang banyaga.
Karamihan sa mga ito ay pangalang tiyak, wika, teknikal, pang-agham, simbolong pangmatematika, o
mga salitang banyagang walang salin sa wikang Filipino.
PALABUOAN NG MGA SALITANG BALBAL
KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 6
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
Kung paano binubuo ang mga karaniwang salita, ang pagkalikha ng mga salitang balbal ay mayroon
ding pinagmulan. Narito ang kategorya ng mga salitang malimit nating marinig sakasalukuyan di lamang sa
kabataan kundi maging sa ilang matatanda.
1) Hinango mula sa mga salitang katutubo
Halimbawa;
 Gurang (Bikol, Bisaya)- matanda
 Utol (Bisaya)- kapatid
 Buang (Bisaya)- luko-luko
 Pabarabarabay (Tagalog)- paharang-harang

2) Hinango sa Wikang Banyaga


Halimbawa:
 Tisoy, tisay (Espanyol: mestizo, mestiza)
 Tsimay, tsimoy (Espanyol: muchacha, muchacho)
 Toma (Espanyol: tomar ) inom
 Kosa (Russian Mafia: Cosa Nostra)
 Sikyo (Ingles: security guard)
 Orig (Ingles: original)
 Sisiw (Ingles: chicks)

3) Binaligtad (Inverted o Reversed Category)


Halimbawa:
 Gat-bi- bigat = heavy burden
 Tom-guts- gutom = hungry
 Astig- tigas = strong/ influential
 Todits- dito = here
 Tsikot- kotse = car
 Lispu-pulis = policeman
4) Nilikha (Coined Words)
Halimbawa:
 Paeklat- maarte = overacting
 Espi- esposo = husband
 Hanep- papuri = praise/appreciation
 Bonsai- maliit = very small
5) Pinaghalo-halo (Mixed Category)
Halimbawa:
 Kadiri- pag-ayaw/pangtangi = dislike
 Kilig to the bones- paghanga= crush
 In-na-in- naaayon/uso = following the trends
6) Iningles (Englisized Category)
Halimbawa:
 Jinx- malas = bad luck
 Weird- pambihira = rare/ unusual
 Bad trip- kawalang pag-asa = hopeless/ frustrated
 Yes, yes, yo- totoo = approved
7) Dinaglat (Abbreviated Category)
Halimbawa:
o KSP- Kulang Sa Pansin
o SMB- Style Mo Bulok
o JAPAN- Just Always Pray At Night
8) Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay
Halimbawa:
 Yoyo- (dahil ang relo ay hugis yoyo)
 Lagay- (dahil ang suhol ay inilalagay o isinisingit par hindi mahalata ang pagbibigay)
 Boga- (dahil ang baril ay parang bumubuga)
 Basag;durog- (dahil nawawala sa sariling isip kapag nakadroga)
KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 7
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph

ARALIN 2- Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo- “TANIKALANG LAGOT”


Ekspresyon sa Pagpapahayag ng Konsepto o Pananaw
Sa kasalukuyan, isa sa mga itinuturing na pinakamalakas makahikayat at makaimpluwensiya sa isip at
damdamin ng mga tao ay ang mass media. Madali nitong napupukaw ang interes ng mga tao sapagkat
ginagamitan ito ng audio (pandinig) at visual (paningin). Ang mass media ay tumutukoy sa iba’t ibang paraan
ng komunikasyon kung saan naabot nito ang maraming tao sa mundong tinatawag na audience o receiver na
wala naming personal na relasyon sa mga sender nito.
Nakapaloob sa mass media ang larangan ng broadcast na kinakabibilangan ng radio at telebisyon;
print na binubuo naman ng pahayagan at limbagan; advertizing tulad ng commercial ads at patalastas;
posters, billboards, streamers; pelikula; at maging video technology. Ang mga nabanggit na midyum ng mass
media ay nagsisilbing instrument o lakas na humihigop sa utak ng mga tagatanggap (receiver) ng mensahe
mula sa tagapagsalita (source o sender).
Itinuturing na mekanismo ng pagbabago ng kulturang Pilipino ang mass media sapagkat may
kakayahan itong baguhin ang paniniwala at pagpapahalaga ng isang tao sa mabilis na paraan. Kaya
napakahalagang sinusuri ng bawat isa ang nilalaman o mensaheng ipinahahatid ng kanilang pinanonood,
binabasa, nakikita, o maging ang kanilang pinakikinggan.
Sa araling ito ay isang dulang panradyo ang iyong matutunghayan na itinanghal sa estasyon ng 702
DZAS sa kanilang programang “Tanikalang Lagot” na isinulat ni Gerri Penalosa.

TANIKALANG LAGOT
Ang tanikalang lagot ay patungkol sa isang dalaga na nagngangalang Leona. Siya ay
anak nina Tatay Dionisio at Nanay Jovencia. Ang kuwento ay naglalarawan sa isang uri ng bata
na sumuway sa mga utos ng kaniyang magulang na nagdulot sa kaniya ng kapahamakan.
Pagpapaliwanag:
  Si Dionisio at Jovencia ay may tatlong anak. Si Leona bilang bunso, ay ang pinaka
naaasahan nila sa kanilang negosyong rubber production sa Bulacan. Ibinili si Leona ng kanyang
ama ng motorsiklo ng dahil dito bagama't tutol ang kaniyang ina. Isang araw, ginamit niya ang
motrosiklo at tumakbo ng matulin na nag resulta sa pagkaaksidente nito. Ibinenta ng kanyang
ina ang motor na siya namang ikinagalit ni Leona.
  Naglayas si Leona at lumuwas ng Maynila.Dito niya nakilala si Zosimo. Nagbunga ang
kanilang pagmamahalan sa dalawang batang sina Bimbing at Dodong. Si Zosimo ay nagkasakit
at tuluyang namatay dahil sa kahirapan sa pagtatrabaho. Si Leona ay nangulila at sa kanyang
pagdadalamhati ay isinama siya ni Rosa sa simbahan niya sa araw ng Linggo. Dito ay nakilala ni
Leona muli ang panginoon at siya ay nagbalik-loob para sa kanyang mga anak.
-https://brainly.ph/question/2477179
Mapanonood o mapakikinggan ang buong kaganapan sa mga sumusunod na link:
https://www.youtube.com/watch?v=AcAwks5dIg8
https://www.facebook.com/watch/?v=1320502684649397
https://kzclip.com/video/lD0RA6-7mzA/tanikalang-lagot-leona-bulacan.html
(Kung hindi man ma-access ang link, hanapin nalang sa google ang Tanikalang Lagot, i-type
  lamang ang keyword na Tanikalang Lagot at i-click ang mga Video na lalabas)

KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 8


Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph

ALAMIN NATIN
Pagsulat ng Iskrip ng Programang Panradyo
Iskrip -Taguri sa manuskrito ng isang audio- visual material na ginagamit sa broadcasting. Ito ay nakatitik na
bersyon ng mga salitang dapat bigkasin o sabihin. Ginagamit ito sa produksyon ng programa.Ito ay
naglalaman ng mga mensahe ng programang dapat ipabatid sa mga tagapakinig. Napakahalaga nito
sapagkat ito ang nagsisilbing gabay sa mga tagaganap, director, taga-ayos ng musika (musical scorer), editor
at mga technician.
Sa broadcasting, ang nilalaman ng komunikasyon na gagamitin sa midya tulad ng radio ay ilalagay
muna sa iskrip. Bilang iskrip, ito ay gagamit muna ng print medium.Mula sa pormang ito, ang iskrip ay
gagawing pasalita at gagamitan ng mga tunog. Dahil dito, ang iskrip ay isang transisyon lamang sa
pakikipagkomunikasyon sa pamamagitan ng radio kung ano ang nakasulat sa iskrip.
Ang iskrip na panradyo ay batay sa tunog. Sa iskrip ng drama, halimbawa, dapat palaging ipakilala ng
manunulat ang mga tauhan sa pamamagitan ng kanilang mga pangalan o katawagan. Ito ay upang bigyang
-kabatiran ang mga nakikinig kung sino ang mga tauhang nagsasalita. Sa programang panradyo, kailangang
sabihin ng mga tauhan ang lahat ng nangyayari sa eksena dahil hindi naman ito nakikita ng nakikinig.
Pormat ng ISKRIP
May sinusunod na pormat ang iskrip na panradyo. Narito ang mga tuntuning dapat ninyong sundin kapag
kayo ay susulat ng iskrip na panradyo.
a. Gumagamit ng maliliit na titik sa pagsulat ng diyalogo.
b. Isulat sa malalaking titik ang musika, epektong pantunog, at ang emosyonal na reaksyon ng mga
tauhan.
c. Guhitan ang mga SFX (sound effects) at MSC (music)
d. Hindi lamang ipinakikita ang paggamit ng musika at epektong pantunog kundi kailangan ding ipakita
kung paano gagamitin ang mga ito.
e. Kailangan may dalawang espasyo pagkatapos ng bawat linya sa iskrip kapag makinilya o
kinompyuter.
f. Lagyan ng numero ang bawat linya. Ilagay ang numero sa kabilang bahagi bago ang unag salita ng
linya upang maging madali ang pagwawasto kapag nagrerecording.
g. Ang mga emosyonal na reaksyon o tagubilin ay kailangang isulat sa malaking titik. Ginagamitan
lamang ang ito upang ipabatid kung papaano sasabihin ang mga linya o dayalogo ng mga tauhan.
h. Gumamit ng mga terminong madaling maintindihan sa pagbibigay ng indikasyon kung sino ang
nagsasalita at anong uri ng tinig ang maririnig.
i. Isulat sa malaking titik ang posisyon ng mikropono na gagamitin at ilagay ito sa parenthesis.
j. Maglagay ng tutuldok o kolon pagkatapos isulat ang mga pangalan ng tauhang magsasalita o
pagkatapos isulat ang SFX o MSC.
k. Sa panibagong pahina ng iskrip, umpisahan ang paglalagay ng numero sa bawat bilang.
Narito ang halimbawa ng iskrip na nagpapakita ng mga nabanggit na tuntunin.
10 MSC : THEME INTRO UP & OUT… BIZ… BIRDS
11 DIONISIO : Leona, anak, pumunta ka ng Agusan del Sur.
12 LEONA: pupunta po ako sa Agusan? Bakit may problema
13 po ba, Papang,
14 ang Rubber production natin doon?
…………………………………………………………………………………………………………
29 DIONISIO : (FADES IN) Ano ka ba naman, Jovencia, tigilan
30 mo ang anak mo. Huwag mo nang sermunan.
31 JOVENCIA : (FADES IN) O, ayan ka na naman! Magsama nga
32 talaga kayong mag-ama, parehong matigas ang
33 ulo!
34 MSC : BRIDGE….
…………………………………………………………………………………………………………
KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 9
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
11 LEONA: (GULAT) Ano? Bakit ibinenta ni Mamang?
12 E motor ko iyon! Si Papang dib a inawat si
13 Mamang?
14 AVELINO : (LAUGHS) Kailan ba umubra si Papang kay
15 Mamang? Kailan mo ba nakitang nasunod
16 sa bahay si Papang? Di ba palagi naming si
17 Mamang ang nasusunod. Kaya sori ka na lang,
18 Inday Leona!
19 MSC : BRIDGE…SFX…PIER HARBOR IN MANILA….

ISAISIP NATIN
EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW
Sa pagbibigay ng konsepto o pananaw ay maaaring banggitin o magpahayag batay sa sariling
damdamin, paniniwala, ideya, kaisipan, o karanasan maging ng ibang tao. Ang ganitong pahayag ay
makikilala sa paraan ng pagkakalahad ng nagsasalita o nagsusulat, Ilan sa mga ekspresyong ginagamit sa
pagpapahayag ng pananaw ay ang:
 Alinsunod sa… naniniwala ako na…  Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi
 Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na iyan kong…
ay…  Para sa akin…
 Ayon sa…  Sa bagay na iyan masasabi kong…
 Batay sa…  Sa ganang akin…
 Kung ako ang tatanungin, nakikita kong..  Sang-ayon sa…
 Lubos ang aking paniniwala sa…

PAGSASANAY
A. PANUTO: Manood ng isang programa sa telebisyon o video clip na tumatalakay sa isyu ng paggamit ng e-
learning at mga epekto ng labis na paggamit ng media sa buhay ng mga kabataan. Iugnay ito sa
panitikang popular na iyong tinalakay sa pamamagitan ng paglalahad ng iyong pagsang-ayon o pagtutol.
Lagyan ng tsek (/) ang napili mong sagot hinggil sa mga isyung nakatala. Ibigay mo rin ang iyong sariling
opinyon o paliwanag tungkol sa mga bagay na ito. (10 puntos)
Sang-ayon Tutol ako Hindi ko alam Bakit?
Pagsasagawa ng cyber-bullying
Paggamit ng teknolohiya sa
pagtuturo ng asignatura
Paggawa ng takdang-aralin gaya ng
pananaliksik gamit ang Internet
Labis na paggamit ng Facebook,
Twitter, at iba pa
B. PANUTO: Tukuyin kung lalawiganin, balbal, kolokyal, o banyaga ang mga salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap. Isulat sa linya ang iyong sagot.
__________1.Ang sarap ng nasi ninyo, mabango at masarap kainin.
__________2. Ang ganda ng chidwai ng isang Ivatang nakilala ko sa paaralan.
__________3.In-na-in talaga ang pagkuha ng kursong may kinalaman sa teknolohiya sa ngayon.
__________4.Hanep ang saya pala talagang mag-aral gamit ang kompyuter.
__________5.Ewan ko bas a mga taong ayaw tumanggap ng pagbabago.
__________6.High-tech na ang pagdiriwang ng pista sa amin.
__________7.Kilig to the bones ang saya ko nang ibili ko para sa atin.
__________8. Dalawang order ng spaghetti ang binili ko para sa atin.
__________9.Kumain tayo habang nanonood ng videotape.
KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 10
Tuguegarao Archdiocesan Schools System
LYCEUM OF TUAO
Centro 02, Tuao, Cagayan, 3528
Email address: lyceumoftuao1965@yahoo.com.ph
__________10.Sa bahay na tayo manood para hindi na mapagalitan ni Ermat.
C. PANUTO: May mga positibo at negatibong pahayag na ginamit sa dulang panradyong binasa. Isa-isahin
ang mga ito at suriin kung ito ba ay pahayag na positibo o negatibo. Isulat sa tamang hanay ang sagot.
 Wala akong nakikitang problema sa iyong pagtatrabaho rito sa aking kompanya.
 Ang sipag mo namang magtrabaho, kapitbahay.
 Bakit iniwan mo kami? Paano na kami ngayon ng mga bata ngayong wala ka na?
 Maliit pa ang mga anak ko nang mamatay si Sergio pero nakayanan koi tong lahat dahil sa tulong ng
Diyos.
 Magtiwala ka lamang sa ating Panginoon.
 Ikaw, Dionisio, sinusunod mong palagi ang luho ni Leona kaya lumalaking sutil ang anak mo.
 Hindi ko sago tang pambayad mo sa ospital kapag naaksidente ka!
 Huwag kang mag-alala, gagaling ako!
 Si Mamang talaga super sungit, palibhasa may dugong Kastila.
MGA POSITIBONG PAHAYAG MGA NEGATIBONG PAHAYAG

D. PANUTO: Lagyan ng tsek (/) ang pangungusap na nagsasaad ng pananaw o konsepto at ng ekis (x) ang
hindi.
_____1.Pag-isipang mabuti ang mga bagay-bagay bago ito isagawa upang maiwasan ang pagkakamali.
_____2. Sino ang dapat sisihin sa mga kabiguang dumarating sa buhay ng isang tao?
_____3.Sa aking pananaw, ang buhay ay nakabatay sa mga bagay na iyong pinipili o pinaniniwalaan.
_____4.Sa ganang akin, ang lahat ng bagay ay nakaplano sa kamay ng Panginoon.
_____5. Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong ang magandang buhay ay hindi lamang nakasentro sa
ating sarili kundi sa ating kapwa at Panginoon.
E. Gamit ang mga ekspresyong nasa ibaba ay ipahayag ang iyong konsepto at pananaw tungkol sa mga
paksang nakatala sa bawat bilang. (Gumawa ng sariling pangungusap o pahayag mo tungkol sa
sitwasyong nasa ibaba)
Hal. Gamit ang ekspresyong sang-ayon ako, ipahayag ang pananaw hinggil sa K to 12 program.
Sang-ayon ako sa programang ito ng Kagawaran ng Edukasyon dahil nakatutulong ito upang
mapalawig ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa at upang mapantayan natin ang edukasyon ng South
East Asia Countries.
1. Gamit ang ekspresyong alinsunod sa… ay ipahayag ang iyong pananaw hinggil sa turo ng iyong magulang.
_____________________________________________________________________________________________
2. Sabihin ang pananaw ng iyong idolo sa kanyang buhay na nais mong tularan gamit ang ekspresyong ayon
kay/sa.
_____________________________________________________________________________________________
3. Sa pamamagitan ng ekspresyong batay sa..ay ipahayag ang pananaw ng paborito mong awtor tungkol sa
isang aklat na kanyang ginawa.
______________________________________________________________________________________________
4. Sabihin ang iyong pananaw gamit ang ekspresyong lubos ang aking paniniwala sa..upang masabi ang
pilosopiya o gabay sa buhay na iyong isinasabuhay.
______________________________________________________________________________________________
5. Sabihin ang iyong pananaw tungkol sa mga pagsubok sa buhay na iyong nalampasan gamit ang
ekspresyong
palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong…
_____________________________________________________________________________________________

KONTEMPORARYONG PANITIKAN- Tungo sa Kultura at Panitikang PopularPage 11

You might also like