You are on page 1of 2

MOTHER TONGUE III

Activity sheets

Name of leaeners :_______________________________________Grade : 3

School:__________________________________________________________

A..Isulat kung ang pangungusap ay ginamitan ng simile o metapora.

______________1. Ang karagatan ay nangangalit na toro kapag may bagyo.

______________2. Pakiramdaman niya’y sa kanya ang buong mundo.

______________3. Singlambot ng ulap ang aking unan.

______________ 4. Mansanas siya sa paningin ng kanyang magulang.

______________ 5. Siya ay tila isang diwatang ninang ko.

B. Salungguhitan ang mga salitang may iba’t ibang kahulugan na ginamit sa pangungusap. Bilugan ang
angkop na kahulugan nito na nasa loob ng panaklong.

1. Nahaharap sa malaking hamon ang mga biktima ng lindol sa Bohol. (binuong karne, pagsubok, away)

2. Maraming bunga ang tanim na buko sa likod bahay. (pinagkukunan ng niyog, ubod ng halaman,
bahaging matigas sa kahoy)

3. Malaki ang kita ng Tatay ngayong araw dahil maraming sumakay sa kaniyang jeep. (tanaw, perang
galing sa pagtatrabaho, panghalip na tumutukoy sa ating dalawa)

4. Naupo sa sala ang mga bisita. (pagkakamali, parte o bahagi ng bahay, hindi umabot)

5. Malamig ang tubig na galing sa talon. (anyong tubig, lukso o lundag, paghakbang na nakaangat ang
paa sa lupa)

C. Salungguhitan ang tamang panghalip panaklaw upang mabuo ang pangungusap.

1. Walang (sinuman, anuman) ang gustong sumayaw sa palatuntunan.

2. Kung may maririnig kayong (alinman, sinuman) na magsasalita habang kumukuha ng pagsusulit,
sabihin sa akin.

3. (Kapwa, Ilan) magulang ko ay nanonood ng palatuntunan.

4. (Alinman, Sinuman) sa mga bagay na ito ay kailangan ng mga biktima.

5. (Anuman, Sinuman) ang nakalagay sa maliit na kahong ito ay para sa kanya.

6. (Lahat, Anuman) ay nagulat sa pagbisita ng Pangulo.


7. Natuwa ang guro dahil (bawat isa, alinman) ay naroon.

8. (Saanman, Karamihan) sa kanila ay tumulong upang maisaayos ang lugar.

9. Wala (anuman, ninuman) sa kanila ang nagsalita tungkol sa nangyari.

10.Nanindigan ang (isa, lahat) sa kanilang paniniwala.

You might also like