You are on page 1of 1

Imahe

Ako’y naglalakad sa gitna ng daan


May isang papel na limilipad-lipad
Kasabay ng hanging pumapagaspas
Ito ay nahinto nang aking nahawakan

Nang aking tinitigan ng mabuti


Isang imahe ang bumungad sa aking harapan
Imahe na hindi nakakasawang tignan
Na hindi ma waglit sa aking puso’t isipan

Lumipas ang araw ,linggo, at buwan


Ang magandang dilag sa larawan ang bumungad saking isipan.
Kahit sa panaginip ang imahe mo ang laman.
Gusto kanang masilayan hindi lamang sa larawan.

Ang araw na aking pinakahihintay ay dumating na.


Nakita ko ang isang napakagandang dalaga, Hindi na sa imahe o sa
larawan pa.
Buhay, nakatayo at gumagalaw na ang aking inaasam asam na sinisinta.
Siya’y aking nilapitan, niyakap at hinawakan Ito ay hindi na panginip o
sa imahe nalang.

You might also like