You are on page 1of 19

Name: Jhanrick E. Binungcal Teacher: Mrs.

Laleng Villanueva
Grade & Section: Grade 8-Raymundo Parent’s Signature:

Edukasyon sa Pagpapakatao: Week 2


Aralin: Pagkakaroon ng Mabuting Ugnayan sa Kapwa

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4: Panuto: Isipin ang mga taong nakaimpluwensiya sa iyo. Isulat kung anong aspeto ng
buhay mo ang natulungan at kung ano ang mga mabuting naidulot nito sa iyo. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Mga Taong Nakaimpluwensiya sa Akin: Ang Naitulong nila sa Akin sa Ano Mang Aspeto ng Aking Buhay at
Mabubuting Naidulot Ng Mga Ito sa Akin

Taong Naka- Aspeto Mabuting Naidulot


impluwensiya Intelektuwal Panlipunan Pangkabuhayan Politikal
Nanay/Mama -Sinanay niya ako -Nalaman at
sa aking mga nagampanan ko ang
responsibilidad, aking mga
gayundin sa mga responsibilidad at mga
karapatan at layunin sa aking lipunan.
tungkulin ko sa Gayundin aking
lipunan. napahalagahan ang aking
mga karapatan bilang
isang mamamayan sa
aking lipunan.
Kuya/ Kapatid -Tinuruan ako ng -Ako ay naging aktibo sa
mga gawain, loob ng klase dahil sa
gayundin ng mga karagdagang
pagpapayo na kaalaman na kaniyang
makatutulong sa itinuro sa akin. Gayundin,
aking pag-aaral. kami ay palaging
Sinanay ako sa nananalo sa mga
Matematika. paligsahan sa larangan ng
Matematika at ako ay
naikilala sa aming
paaralan dulot ng mga
ito.
Tatay/Papa -Tinuruan at -Nanalo sa larong
sinanay ako sa basketol, tulad ng mga
larong basketbol. ligang pambarangay at
pampaaralan tulad
noong ako'y nasa
elementarya. Dulot nito,
ako'y nakapag-uwi ng
maraming medalya at
nakilala sa aming
paaralan.
Pagpapaunlad: Panuto: Punan ang tsart ng mga tamang paraan ng pagpapakita ng kabutihan sa mga sumusunod na
indibiduwal.

Mga Tao sa Lipunan Kabutihang Magagawa o Nagawa Na

Maging mabuting halimbawa sa pamilya sa pamamagitan ng


pagiging responsable, matiyaga, mabuti, mapagmahal, at may
Pamilya maayos na pakikipag-ugnayan sa bawat kasapi nito bilang
isang parte ng isang pamilyang may pagmamahalan sa isa't
isa.

Maging isang mabuting halimbawa ng kapitbahay sa


Kapitbahay pamamagitan ng pagiging mapagbigay, marespeto, mabait,
maaasahan, may pakikisama at higit sa lahat ay ang pagiging
matulunging kapitbahay.

Maging isang mabuting halimbawa ng kabataan sa


Mga Taong Grasa pamamagitan ng pagtulong, pagpapakita ng respeto, at
mapagbigay sa mga taong nangangailangan tulad ng mga
taong grasa.

Maging isang mabuting halimbawa ng kabataan sa mga


matatanda sa pamamagitan ng pagpapakita ng respeto't
Mga Matatanda kabutihan at pagiging matulungin kung sila man ay
nangangailangan lalo na't sila ay may kahinaan na sa pisikal
nilang pangangatawan.

Makipagbati sa kanila sa maayos na paraan. Gayundin kung


Mga Kaaway maaari ay bumuo ng samahan sa kanila, tulad ng
pakikipagkaibagan sa pangangakong hindi na gagawin ang
pagkakamaling nagawa na nagdulot ng pag-aaway.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Panuto: Pag-aralan ang sitwasyon sa ibaba. Tukuyin kung naipakita ang mabuting
pakikipagkapwa at pangatwiranan ang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

Sitwasyon:
Nakita mo na kinuha ng ate mo ang pera sa pitaka ng iyong tatay. Nang magising ang iyong ama para bumili ng inyong
pagkain ay napansin niya na kulang na ang pera niya. Pinagalitan ng tatay mo ang kuya mo sa pag-aakalang ito ang
kumuha. Nakiusap sa iyo ang ate mo na huwag nang magsalita. Pareho mong mahal ang iyong ate at kuya ngunit nais
mo rin na umiral ang katarungan sa inyong tahanan. Ano ang iyong gagawin?

Tugon: Aking ipapahayag sa aking tatay ang buong pangyayari ng may katapatan tungkol sa nagawang kamalian ng
aking ate. Gayunpaman, akin siyang papaki-usapan na maging mahinahon at pagbigyan si ate ng pagkakataon na
magpatawad at makabawi sa kaniyang nagawang pagkakamali.
Dahil: Upang magkaroon ng kaayusan sa pagitan nila kuya at papa sapagkat hindi siya ang kumuha ng pera sa pitaka.
Gayundin upang makapagpatawad si ate kay papa at aminim ang kaniyang kasalanan at pagkakamaling ginawa.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6: Panuto: Isipin ang mga tao na napagkaitan mo ng pagmamahal at pagmamalasakit nang
mga nakaraang araw. Ihingi ng tawad sa Diyos ang mga nagawang pagkakamali. Isulat sa iyong sagutang papel ang mga
hakbang upang mapanumbalik ang iyong maayos na pakikitungo sa kapwa.

Mga Hakbang sa Pakikitungo sa Kapwa


1. Pagtulong at pagmamalasakit sa kapwa kung sila man ay nangangailangan
2. Pagkakaroon ng paggalang at pagrespeto sa kanilang mga desisyon, paniniwala, relihiyon,
katangian, at iba pa.
3. Pagiging matapat sa kanila sa lahat ng pagkakataon.
4. Pagpapairal ng mabubuting gawi at pag-uugali sa kanila sa lahat ng sitwasyon lalo na sa
pakikipagkomunikasyon at pakikisalamuha.
5. Pakikinig at pagpapahalaga sa kanilang mga saloobin at opinyon sa oras ng komunikasyon.
6. Pagiging mapagmahal sa aking kapwa ng taos sa aking puso't isipan.
7. Pagpapalaganap ng kasiyahan sa oras na kami ay nagkukuwentuhan at iwasan ang
pagpapahayag ng malungkot na nakaraan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:


1. C
2. B
3. C
4. D
5. D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Panuto: Pumili ng isa sa mga aspeto sa ibaba na gagawan ng isang proyekto/gawain na
makatutulong sa pag-unlad ng kabataan. Gawin ito sa tulong ng iyong pamilya o kasama sa bahay. (Mahalagang
masunod ang panuntunan patungkol sa Communiy Quarantine sa pagsasagawa nito). Isulat ang plano sa isang malinis na
papel. I-dokumento ang buong proseso mula sa simula hanggang matapos.

_
Aspeto na Gagawan ng Isang Proyekto/Gawain na Makatutulong sa Pag-unlad ng Kabataan

Pangalan ng Proyekto/Gawain: “Pakikipagkapwa ng Taong Bayan: Sa Kapitbahay ang Kasagutan”


Petsa: Pebrero 28, 2022
Lugar ng Paggaganapan: Sa mga Magkakalapit-bahay/Magkakapitbahay sa Barangay Tulay A

Paraan ng Pagsasagawa:

Ang bawat magkakapitbahay ay magkakaroon ng pagpaplano ng pagbisita sa kani-kanilang mga


tahanan. Magkakaroon ng pagkakasundo kung sino ang magpapatuloy at kaninong bahay ang
tutuluyan. Sa pagtuloy ay may nakatakdang araw at iyon ay sa tuwing sasapit ang araw ng Sabado. Ang
pagtuloy ay hindi basta- basta, magkakaroon ng samahan ang dalawa o higit pang pangkat ng pamilya
na makatutulong sa kanilang pagkakakilanlan sa isa’t isa. Maaaring magbigay ng pagkain,
makipagkwentuhan o kahit anong paraan na makapapapatatag ng kanilang samahan. Ang proyekto ay
tatagal ng isang buwan na magsisimula tuwing Marso hanggang sa katapusan ng buwan na ito.

Layunin:

Mapaunlad at mapatatag ang samahan ng isang barangay sa pamamagitan ng pagkakakilanlan


ng bawat magkakapitbahay. Layunin din na maiwasan ang mga pagkakagulo tulad ng mga awayan at
kawalan ng respeto ng iilan. Kung maisasagawa ang proyekto ng maayos at wasto sa tulong ng bawat
isa, maaaring matupad ang hinahangad na layunin, matututuhan rin ng mga kabataan ang tamang
paraan ng pakikipagkapwa sa tulong ng kanilang mga nakikita sa mga nagsasagawa nito sa kanilang
paligid.
Name: Jhanrick E. Binungcal Teacher: Mrs. Laleng Villanueva
Grade & Section: Grade 8-Raymundo Parent’s Signature:

Unang Lingguhang Pagsusulit


EsP Quarter 2 Week 1-2

1-2. Pagmamahal at Katarungan


3. Kapwa
4. "Huwag mong gawin sa kapwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo" o kaya naman ay, “Gawin mo sa iba ang nais mo
na gawin ng iba sa iyo”
5. Tama
6. Mali
7. Tama
8. Tama
9. Tama
10. Tama
Name: Jhanrick E. Binungcal Teacher: Mrs. Laleng Villanueva
Grade & Section: Grade 8-Raymundo Parent’s Signature:

Edukasyon sa Pagpapakatao: Week 3-4


Aralin: Pagsasagawa ng Angkop na Kilos sa Pakikipagkaibigan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1: Panuto: Basahin ang titik o lyrics ng Awit ng Barkada. Maaari ring pakingan at awitin kung
kaya at may paraan. Sagutin ang mga tanong na nakalaan.

1. Tungkol saan ang awit?


- Ang awitin ay tungkol sa pagkakaroon ng pagtutulungan at kooperasyon sa pakikipagkaibigan, na kung naririyan ang
mga problema't pagsubok ng isa, ay naririyan din ang lahat para siya'y damayan at maibalik ang kasiyahan sa kanyang
puso't isipan sa tulong ng kaniyang mga kaibagan.
2. Ano-ano ang mabuting naidudulot ng mga barkada o kaibigan ayon sa kanta?
- Nagbibigay ng lakas ng loob at pag-asa
- Kasama sa lungkot at ligaya, hirap at ginhawa
- Nagtuturo at naghihimok sa tamang desisyon tungo sa kabutihan
- Nakakausap sa panahon ng mga problema
- May naaasahan at hindi kailanman makakalimot ng mga pinagsamahan
3. Nangyayari rin ba o nararanasan mo rin ang parehong mabuting dulot ng barkada o kaibigan ayon sa nakasaad sa
awit? Anong epekto nito sa iyo?
o Nakalilikha ito ng mabuting pagtingin sa sarili
o Natututuhan kung paano maging mabuting tagapakinig
o Natutukoy kung sino ang mabuti at di-mabuting kaibigan sa pamamagitan ng mga tunay na kaibigan
o Natututuhang pahalagahan ang mabuting ugnayan sa pakikipag-kaibigan sa kabila ng ilang hindi
pagkakaintindihan
o Nagkakaroon ng mga bagong ideya at pananaw sa pakikipagkaibigan

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:


K- asama sa lungkot at ligaya, gayundin sa
hirap at ginhawa

A- no mang pagdaanan, nandiyan at ika'y


sasamahan

I- tatama ang aking mga pagkakamali.

B- inibigyan ako ng lakas ng loob.

I- sasagawa ang tama upang mapanatili ang


mabuting pagkatao ng bawat isa sa amin.

G- agabay sa tamang landas sa aking buhay

A- amin at tapat sa mga maling naisagawa

N-angangako sa habang buhay na


pagkakaibigan at di kailanman kakalimutan
ang aming pinagsamahan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
1. B
2. C
3. A
4. C
5. A

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


1.
2.
3.
4.
5.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Panuto: Isipin ang iyong mga kaibigan. Itala ang mga naitulong at mabuting naidulot nila
sa iyo bilang kaibigan.

Talahanayan ng Pakikipagkaibigan: Ang Kanilang mga Naitulong at Mga Mabubuting Naidulot Nila sa Akin Bilang
Kaibigan

Pangalan ng Kaibigan Naitulong sa Paghubog sa Iyong Pakikisalamuha Mabuting Naidulot sa


sa Lipunan Pakikipagkaibigan
Jon Floyd -Tinulungan ako na magkaroon ng tiwala sa aking -Natutuhan ko kung papaano
sarili sa pagharap sa ibang tao sa aking paligid, akin makipag-usap, makiharap,
itong napaunlad dahil ako ay nasanay na makipag- makitungo o makisalamuha sa iba
usap sa kaniya sa tuwing may natitira pang oras dulot ng tiwala sa sarili na naibigay
bago ang klase namin noong elementarya. niya sa akin. Dulot rin nito, ramdam
ko sa aking puso't isipan ang
mabuting pakikitungo ko sa aking
kapwa. Nagamit ko ito sa pagharap
at pakikitungo ko sa aking mga guro
sa aming paaralan, sa pamilya,
kapwa mag-aaral at iba pang tao na
bukod sa aming pagkakaibigan.
John Carlo -Noong elementarya na kami ay magkakasama pa -Bilang isang indibiduwal sa aming
bago pa man ang pandemya, siya ay kilala na sa magkakaibigan, sa ngayon ay taglay
pagiging isang mabuti at matulunging mag-aaral, at ko ang pagiging matulungin sa aking
dumating ang panahon na naging kaibigan namin kapwa sa kahit papaano mang
siya dulot ng kaniyang interes na kami ay maging paraan, taglay ko rin ang
magkaibigan. Dulot nito, amin siyang ginaya na pagmamahal sa kanila na aking mga
maging isa ring halimbawa ng isang mabuti't kaibagan kahit na kami ay di pa muli
matulunging tao na makatutulong sa aming kapwa nagkikita simula pa nang magkaroon
mag-aaral at iba pang tao sa aming paligid. ng pandemya.
Sonny -Siya ay isa sa malalaking kamag-aral namin noong -Dulot nito, bilang isang indibiduwal
kami'y nasa ika-anim na baiting pa lamang, siya ay sa aming samahan, nagamit ko ang
palaging nagpapatawa sa amin simula noong kasiyahan upang ako ay hindi
kami’y maging kaibigan, siya din ang isa sa ilang mastress sa aking mga problema at
mga matured na naming mga kamag-aral. Siya ay nagamit ko rin ang aking maturidad
naging kaibagan namin noong kami ay nasa ika- na pag-iisip upang magawa ang tama
apat na baitang pa lamang sa pagpasok sa upang ang mga ito ay maresolba.
elementarya. Ang kaniyang pagiging masayahing Ang pagiging masiyahin ay nagamit
tao kasama ng pagiging matured ang nagtulak sa ko rin upang mapasaya ang aking
amin na maging bahagi siya ng aming samahan, pamilya, minsan akong nag-aanimoy
siya ay nagdulot sa amin ng kasiyahan at komedyante sa loob ng aming
nakaimpluwensiya ng mga gawaing nagpapakita ng tahanan sa bawat oras na maisipan
pagiging isang independenteng mag-aaral. kong magpasaya sa kanila, ngunit
hindi sa pamamagitan ng mga
salitang maaaring makapanakit ng
kanilang damdamin.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

Talahanayan ng Pakikipagkaibigan: Uri ng Kanilang Pagkikipagkaibigan at Kung Paano Ko Maitataglay ang Ganoong
Pakikipagkaibigan

Pangalan ng Kaibigan Uri ng Pakikipagkaibigan Paano Maitataglay ang Ganoong


Pakikipagkaibigan
Jon Carlo Pakikipagkaibigang Nakabatay sa Kabutihan Tataglayin ko ang mga mabubuting
aral na kaniyang naibahagi sa aming
magkakaibigan. Ipapakita ko rin ang
pagiging mabuting kaibagan sa
kaniya upang mapaunlad ko rin ang
kanyang pagkatao. Mamahalin ko
siya ano man ang magdaan na
problema o hadlang sa
pagkakaibigan namin.
John Floyd Pakikipagkaibigang Nakabatay sa Kabutihan Siya ay isang mahinahon, mabait at
maasahang kaibigan. Siya ay kaibigan
ko na mula pa noong ika-lawang
baitang ng pagpasok ko sa
Elementarya hanggang sa
kasalukuyan kaya naman ay lubos ko
na siyang kaibigan at di ko kailanman
malilimutan ano man ang mangyari
siya ay patuloy kong mamahalin ano
man ang mangyari sa hinaharap.
Sonny Pakikipagkaibigang Nakabatay sa Kabutihan Mula pa noong elementarya, siya ang
pinakamalaki sa aming
magkakaibigan, siya'y maaasahan at
nagpapasaya sa amin sa panahon ng
kalungkutan. Gayunpaman, ang
kaniyang mabuting ugali at
pakikisama sa amin ang namamayani
sa aming pagkakaibigan. Bilang isang
kaibigan at kamag-aral ko sa
kasalukuyang baitang na aking
pinapasukan ay ipapakita ko sa
kaniya ang aking pagmamahal at
mabuting pakikisama ng sa gayon ay
magtagal ang aming pagsasama
bilang aking kaibigan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:
1. B
2. A
3. A
4. C
5. D

Gawain sa Pagkatuto Bilang 8: Panuto: Gumawa ng liham o kard ng pasasalamat sa isang kaibigan. Isulat kung paano
nakatulong sa iyo ang inyong pagkakaibigan sa iba’t ibang aspeto ng iyong buhay.

Tulay A, Maragondon, Cavite


Pebrero 28, 2022

Kaibigan kong Carlo,


Kamusta ka na? Sana ay maayos ka lang diyan sa iyong kinaroroonan. Ilang taon na rin tayong hindi na muling
nagkita nang magsimula ang pandemya, tila nakakamiss rin na di ka makasama kahit na tayo’y palagi namang
magkasama noong tayo’y nasa elementarya pa. Akin pang naaalala, mga kulitan nating lubos ng saya. Magkakasama
tayong nag-rereview kapag may quiz na ipapasagot sa atin, may halo ring saya. Salitan tayo sa ating gamit kung wala
man ang isa, at sa tuwing sasapit ang tanghali doon kami sa bahay nyo nakain, halos buong taon ay ganyan ang ating
mga naging gawi, siyempre di-mawawala ang pagmamahal ng bawat isa. Tanda ko pa noon, binisita namin kayo sa
umaga upang ika’y samahan sa paglalakad patungo sa ating paaralan, ako’y nakakita ng gagamba at itinuro ko iyon sa’yo
ngunit sa paghakbang ko’y ako ay nahulog sa kanal na puno ng tubig, at salamat at nandiyan ka upang ako’y pahiramin
ng damit pang-eskuwela. Ang sulat ko’ng ito’y para sa mga kabutihan mong naidulot sa ating mang kasiyahan, ala-ala at
higit sa lahat ay kung paano mo pinaunlad ang aking sarili bilang isang tao na iyong kaibigan. Salamat sa mga
masasayang ala-ala nating dalawa, kayrami noon at di ko na mabilang. Sa ating paglalaro ng basketball sa Kabaka sa
tuwing wala masayadong gawain, hanggang sa manalo tayo sa paligsahang pampaaralan sa larangan ng sport na iyan. Sa
pagtuturo mo sa akin ng pagbibisekleta, kung saan ako ay nagkaroon ng maraming sugat sa aking pagtaob sa bawat
pedal, salamat, ako’y natuto rin kung papaano. Salamat dahil bilang isang kaibigan ay naging bahagi ka ng aking buhay
doon sa tatlong taon nating pagsasama. Salamat dahil doon sa tatlong taon na iyon ay binigyan mo ako ng mabuting
pagkatao, at bilang isang kaibigan na hindi lahat ay nasa kalokohan. Napansin ko nga, ikaw ay tila iba talaga dahil yung
ibang samahan ng magkakaibigang mga kalalakihan ay pinipili ang kaguluhan sa kanilang silid-aralan, tulad na lamang ng
pagsusuntukan, di ko kailanman nakita sa iyo ang ganoong ugali sa ating pagkakaibigan. Salamat at pinaunlad mo kung
paano ako mag-isip bilang isang matiyagang mag-aaral, sa iyo ko iyon naimpluwensiyahan, at ang iyong impluwensiya sa
akin ay puno ng mabubuting dulot sa aking pagkatao, lubos ko iyong pinasasalamatan. Sa pagpapalakas mo ng loob sa
akin sa tuwing ako’y kinakabahan, kasama kita sa lungkot at ligaya, sinamahan mo ako ano ma’ng pinagadaanan nating
dalawa. At doon sa aking mga pagkakamali, pinili mong turuan ako ng tama.
Muli, maraming salamat sayo! Di ko kailanman malilimutan ang mga ala-ala nating dalawa, gayundin ng mga
payo mo sa akin bilang tunay mong kaibigan. Salamat!

Nagmamahal mong kaibigan,


Jhanrick
Name: Jhanrick E. Binungcal Teacher: Mrs. Laleng Villanueva
Grade & Section: Grade 8-Raymundo Parent’s Signature:

Ikalawang Lingguhang Pagsusulit


EsP Quarter 2 Week 3-4

1. B
2. B
3. B
4. B
5. A
6. A
7. A
8. B
9. C
10. D
11. C
12. B
13. D
14. A
15. D
Name: Jhanrick E. Binungcal Teacher: Mrs. Laleng Villanueva
Grade & Section: Grade 8-Raymundo Parent’s Signature:

Edukasyon sa Pagpapakatao: Week 5-6


Aralin: Pagsasagawa ng Angkop na Kilos at Wastong Paggamit ng Emosyon

Gawain sa Pagkatutuo Bilang 1:


A. 1. Saya
2. Galit
3. Lungkot
4. Saya
5. Galit

B. Naranasan mo na ba ang mga damdaming iyong tinukoy mula sa gawain sa itaas? Alin-alin sa mga sumusunod na
mukha ang madalas mong maramdaman bilang emsoyon? Paano mo ito pinamamahalaan?
-Opo, ang ilan sa mga damdamin na itinukoy sa naunang gawain ay akin nang naranasan sa aking buhay. Ngunit sa lahat
ng damdamin at emosyon, sa aking puso't isipan ay namamayani ang kasiyahan. Sa bawat kasiyahan, pinamamahalaan
ko ito sa pamamagitan ng pag-iisip ng mga positibong bagay na makatutulong sa akin na malayo sa pagiging
malungkuting tao. Gayundin, kung sa panlabas na pagtingin naman, ang pagngiti ang aking ginagawa upang maipakitang
akoy nakararamdam ng kasiyahan.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

Sitwasyon oX Mabuting Dulot o Masamang Epekto

1. Mas lalong naging mahirap Ang pagkakaroon ng pag-asa ay maaaring makatulong sa


ang sitwasyon ng pamilya ni kanilang pamilya upang abutin ang kanilang nais para sa
Jonnie dahil sa pandemya kaunlaran ng bawat isa na sila ay makaahon sa kahirapan.
subalit hindi sila nawawalan Gayundin hindi nila madarama ng higit ang kahirapan at
ng pag-aasa na makaaahon rin  kalungkutan na idinudulot sa kanila ng pandemya
sila sa buhay. sapagkat sila'y may pag-asa at ito ang magbibigay sa
kanila ng lakas ng loob na mas pag-igihan pa ang mga
susunod na mga pagkakataon na magagamit nila para sa
kanilng pag-unlad.
2. Iyak nang iyak at Sa kaniyang pag-iyak, maaaring lalo siyang hindi
nagmumukmok sa silid si Mae. makagagawa ng mga gawain na may kinalaman sa
Nahihirapan siya sa mga aralin X kanilang aralin, maaaring maubos ang kaniyang oras dito
at kasamag gawain. sa halip na siya ay humingi ng tulong sa kung sino man na
may kinalaman sa aralin na hindi niya maintindihan at
kung saan siya ay nihihirapan.
3. Kaagad nag-post si Carlo sa -Sa kaniyang ginawa, maaaring siya ay mapahamak,
kaniyang social media account gayundin ang kaniyang itinukoy na pangalan sa kanyang
upang ipamalita na kumuha post sa social media account. Maaaring magkaroon ng
raw ng gamit ang isang hindi magandang emosyon ang itinukoy niyang kamag-
kamag-aral. Pinangalanan niya aral doon at maaari itong mastress sapagkat alam niya na
ito ngunit hindi naman pala hindi siya ang gumawa ng kamaliang iyon.
totoo. X Sa ginawa naman niya, maaaring hindi magustuhan ng
kaniyang mga kamag-aral ang kaniyang ugali sa kaniyang
pagsisinungaling. At kundi man malalaman ang tunay na
may sala, maaaring mapagbintangan ang kaniyang
itinukoy at siya naman ang iwasan ng kaniyang mga mag-
aaral. Gayundin, maaaring makalayo't makaiwas sa
kasalanang ginawa ang tunay na may sala
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:
1. Kahinahunan
2. Kahinuhunan
-Magpatawad sa kaniyang nasaktan na si Ken at tulungan siya kung siya man ay nasugatan o nasaktan dulot ng
pagsuntok
3. Katatagan
4. Kahinahunan
5. Katatagan
-Huwag sumuko at labanan ang mga suliranin sa buhay. Gayundin, dapat niyang isipin na “Kung may problema, sa
sa tamang oras ito rin ay mareresolba” at magkaroon ng pag-asa hanggat siya ay nabubuhay sa mundong ibabaw.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:

Sitwasyon: Ipinanganak si Fina na walang nakagisnang ama. Palaging


nagagalit ang ina sa tuwing nagtatanong siya tungkol dito. Nakadama si
Fina ng kakulangan sa pag-ibig kaya nakipagrelasyon siya sa kaklase.
Inakala niyang mapupunuan nito ang kakulangang nadarama. Ginagawa
nila ang hindi dapat at nagbunga ito. Ayaw panagutan ng lalaki ang
nangyari dahil hindi pa raw siya handa. Mabigat tuloy ang suliranin ni Fina
at hindi alam kung ano ang gagawin.

1. Tama ba ang naging pasya at kilos ni Fina? Ipaliwanag ang iyong sagot.
- Sa ginawa ni Fina, masasabing mali ang kaniyang naging pasya't kilos sa ikahuling bahagi ng binasa. Ang kakulangan
niya sa pagi-ibig sa kaniyang ina ang nag-udyok sa kaniya na umibig kahit sa murang edad pa lamang. Ang kalungkutan
pagdating sa buhay ay maaaring maresolba kung tayo ay mag-iisip ng mga positibong bagay sa ating buhay. Kaya naman
sa ginawa niyang pagpapasya at kilos, ito ay may kamalian sapagkat ginawa nila ang hindi dapat na gawin ng isang
nagdadalaga o nagbibinatang tao sa murang edad. At nang magbunga ito, dapat ay inisip muna niya ang hinaharap, wala
silang ama at ang ina lamang ang kaniyang makakatulong sa kanyang pinagdadaanan at alam naman niya na nagagalit sa
kaniya ng madalas ang kaniyang ina. Masasabing ito'y mali dahil sa nangyari, dapat ay inisip muna niya ang gagawin
niyang pagpapasya at iyon ay nararapat na pumatungo sa kabutihan at ikabubuti ng kaniyang hinaharap pati na rin ng
kaniyang ina. Ayos lang naman umibig, ngunit dapat ay nasa tamang pag-iisip, at makakatulong sa kaniyang pag-unlad
bilang isang tao at malayo sa kalungkutan. Gayundin sa kaniyang ninanais na maramdaman ang tunay na pag-ibig sa
kaniyang buhay.
2. Kung kaibigan mo si Fina, ano ang ipapayo mo sa kaniya?
- Kung ako ay kaibigan ni Fina, nais kong ipayo na ang pag-ibig ay nariyan lamang, mararamdaman at mararamdaman
niya rin iyan sa kaniyang ina basta't magkaroon lamang siya ng pag-asa at palaging isipin ang mga positibong bahagi ng
kaniyang buhay ng sa gayon kahit papaano ay nakararamdamn siya ng kasiyahan. Ngunit kung nakararanas naman ng
galit ng kaniyang ina, sana ay hindi muna pag-ibig mula sa kaniyang ninanais na tao sa kaniyang buhay ang kaniyang
isipin (kaniyang kaklase na naging kasintahan) sapagkat marami pang paraan ang kaniyang magagawa tulad ng
pakikipagkaibigan sa iba niyang kamag-aral na kung saan alam niya na mapauunlad nito ang kaniyang pagkatao at
mahilom mula sa kaniyang nararamdamang kalungkutan sa kaniyang buhay.
3. Kung ikaw si Fina o ang karelasyon, gagawin mo rin ba ang nasa sitwasyon?
Paano mo maiiwasang mangyari ang ganitong kamalian sa iyong buhay?
- Kung ako man si Fina o ang kaniyang kasintahan, hindi ko gagawin ang kamalian na iyon, sa halip ako ay
makikipagkaibigan sa aking mga kamag-aral nang doon ko maramdaman ang tunay na pagmamahal at magkaroon ako
ng mga aral sa aking buhay patungkol sa pag-ibig, sapagkat alam ko na magbibigay sila sa akin ng mga payo't salita na
makakapagpataas ng antas ng aking pag-asa sa isang bagay, tulad ng pagkakaroon o maranasan ang pag-ibig ng aking
ina.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5: Magbahagi ng karanasan na nakaramdam ka ng masidhing emosyon (galit, takot o
lungkot). Ikuwento kung ano ang nangyari at paano mo nalagpasan ang damdaming ito.

Karanasan:
Noong ako ay nasa ikalawang baitang pa lamang sa pagpasok ko sa elementarya, ako ay nakaranas ng sunod-
sunod na sakit tulad ng maraming lagnat, mga pamamantal tulad ng tagulabay at bulutong at pati na rin ng pagsusuka,
ang mga ito ay naranasan ko sa magkakaibang araw, lingo o buwan, kaya naman aking napabayaan ang aking pag-aaral
sapagkat ako ay laging nagpapacheck-up sa doktor. Ako ay nakaramdam ng lungkot at stress dahil palagi ko’ng iniisip na
"hindi ko natutuhan ang mga pinag-aralan ng aking mga kamag-aral sa aming klase", nagdulot ito sa aking pagkapayat at
hindi malusog na katawan, at simula noon ako ay palagi nang nasa Feeding Program ng aming school--ito'y sadyang
nakalulungkot lamang. Dulot nito, dahil sa aking pagpapahalaga sa aking pag-aaral, ako ay nag-aral at nagreview kahit pa
man iyon ay buwan na ng bakasyon. At sa pagpasok ko ng Ikatlong Baitang, ako ay namangha na ang aking mga pinag-
aralan ay napabibilang sa aming mga recitation. Nanguna ako sa klase at iyon ay nagpatuloy hanggang ako ay magtapos
ng elementarya bilang isang valedictorian.

Mga Tanong at Kasagutan:


1. Ano-anong mga pagpapahalaga ang nakatulong sa iyo upang mapagtagumpayan ang naranasang damdamin?
- Pag-aaral ng mabuti at mapasama sa mga top students ng aming klase.

2. Paano ka natulungan ng mga pagpapahalaga na iyong binanggit upang malampasan ang mga damdamin na
kinaharap?
- Natulungan ako nito upang mag-aral pang mabuti at bumawi sa mga natitirang taon sa aking pagpasok sa elementarya.

3. Ano ang nais mong ipayo sa kapwa na maaaring nakararanas din ng iyong pinagdaanan?
- Nais kong ipayo sa aking kapwa na kung sila man ay makararanas ng mga hadlang sa kanilang buhay, hindi lamang ng
mga sakit kundi ng kahirapan, -sapagkat noong mga panahong iyon ay mahirap lang din kami at libro lamang ang tangi
kong hawak at yung mga sulat ni kuya noong siya ay nag-aral sa baitang na iyon- ay patuloy lang dapat ang mataas na
pag-asa, magtiwala sa sarili na maabot ang kanilang nais, sapagkat kung ikaw ay magtitiyaga, paghihirapan mo yung nais
mong maabot ay siguradong maaabot mo rin iyan, at huwag mong kalimutan na may tutulong sayo upang ika’y
umunlad, tulad ng iyong kaibigan, kapatid, magulang, o kahit kapit bahay. Lahat ay maaabot kung mataas ang iyong
tiwala at may pag-asa ka sa nais mong abutin. At higit sa lahat, huwag kalilimutan na naririyan ang Diyos na gagabay sa
lahat ng iyong kilos, magbibigay sa iyo ng tamang pag-iisip para ika’y mapabuti sa iyong tatahaking pagsubok.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:


1. C
2. A
3. A
4. B
5. D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7:

Lumbay Mo’y Ingiti

Lumbay tila ang aking nadarama


Sa mga oras na nasayang, tila rin namamanglaw
Kay raming problema ang dumalaw
Ngunit puso't isipan ko ay napukaw
Isipin na mga ito'y mapapawi rin balang araw

Kasiyahan ay ipalalaganap, iiwasan ang kaba


Oh aking sarili, tingnan mo ang iba
Kanilang mga mukha'y kakikitaan mo ng saya
Sana'y ikaw rin,
Emosyon at karamdaman ay paunlarin
Upang sa tingin ng iba'y di ka malungkutin

Oh aking sarili, wari ko’y kaydali ng problema


Ngunit, kung tayong dalawa ay kayang-kaya
Sa isipan mo’y ako ang magdidikta
Sa iyo naman ang kilos at gawa
Para sa iyong panloob na pandama

Basta't palaging tandaan,


Kung ikaw ma’y puno ng problema
Piliin mo’ng maging masaya,
Piliin mo ang pag-asa
Andiyan ang Diyos para sa iyo,
Pipiliin niya ang ika-uunlad mo!

Basta't ikaw ay ngingiti


Hindi makikita ang pighati
Kasiyahan naman ang mananatili
Lumbay mo’y ingiti,
Kalungkuta'y mapapawi
Name: Jhanrick E. Binungcal Teacher: Mrs. Laleng Villanueva
Grade & Section: Grade 8-Raymundo Parent’s Signature:

Ikalawang Lingguhang Pagsusulit


EsP Quarter 2 Week 5-6

A.
1. C
2. B
3. D
4. A
5. B
6. D
7. C
8. D
9. D
10. C

B.
11. C
12. D
13. A
14. C
15. B
Name: Jhanrick E. Binungcal Teacher: Mrs. Laleng Villanueva
Grade & Section: Grade 8-Raymundo Parent’s Signature:

Edukasyon sa Pagpapakatao: Week 7-8


Aralin: Pagpapaunlad ng Kakayahang Maging Isang Lider at Tagasunod

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1:


1. LIDER
2. TAGASUNOD
3. TAGASUNOD/LIDER
4. LIDER
5. LIDER

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2:

N A N G U N G U N A J K L
K N G V C I R U N A P A M
L E A F Y G U T H V U Y A
T D N G O U R A M N T A K
Y O A N L R T G K K A V I
U Y G T Y I A A D K N S L
M E P A B S L H T E N O A
O K A G J N N I A D J E H
D L P T L U B K N M H O O
E P A Y D O G A E G O P K
L A S U I T B Y I S K K Z
O R A I K A S A P I K O Q
F G K N S U O T P X Y O D
E P O G L J P Y T U E M A
A D P B A S I I K I K A N

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3:


1. ML
2. DML
3. ML
4. ML
5. DML

Gawain sa Pagkatuto Bilang 4:


1. A
2. C
3. A
4. A
5. D
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5:

Pangalan ng Lider Larangan Katangian Mga Mabuting Nagawa


Kapitan Marianito Kalinisang Mayroong pagpapahalaga Napanatili ang pagkakaroon ng
Casajeros Pangkapaligiran sa kalikasan. kalinisan sa iba’t ibang bahagi ng
kalsada, gayundin sa mga kabahayan
sa Barangay Tulay A. Naisantabi ang
mga basurang dating kumakalat at
nagdudulot ng baha sa pamamagitan
ng paglinis ng mga kanal at maliliit na
estero sa tulong ng sangguniang
kabataan ng Barangay Tulay A-
Kanluran, Maragondon, Cavite.
Nabuksan ring muli ang Lugar
Panturistang dinadayo ng mga tao, ang
Maragondon River sa Tulay Kanluran,
sa pamamagitan ng pagpapaganda sa
mga ito sa tulong ng mga idinagdag na
mga cottage.
Isport Mayroong pagpapahalaga Ipinaayos ang basketball court sa
at tiwala sa mga pamamagitan ng pagpalit nito sa
nakatagong talento ng covered court. Nilinis rin ang malaking
mga kabataan sa aming patag na bahagi ng hindi na nagagamit
barangay sa larangan ng na dating pastulan ng mga hayop,
mga isport. ginawang baseball court at
napakinabangan.

Ispirituwal na Mayroong tiwalang Ipinapaganda ang sa kasalukuyang


Pagpapahalaga ng mga inilalaan sa Panginoon niyayari’t pinapatibay na simbahan ng
Kabataan, hindi lang para sa kaniyang Mabacao, ang Sagrada Familia Catholic
pambarangay kundi para nasasakupan. Church.
sa lahat.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 6:

Grupong Sasalihan: Grupo ng mga Choir sa Simbahan

Hangarin ng Grupo: Ang hangarin at gawain sa pagsapi sa mga grupo ng choir sa simbahan ay upang pangunahan at
pasiglahin ang awit ng panalangin kasama ng mga grupo ng mga mananampalataya sa simbahan, ang pag-awit ng
musika para sa kongregasyon, ang maglingkod bilang isang maliit na grupo sa loob ng simbahan para sa pagbuo ng
pananampalataya, at ang pag-awit ng maganda at may kahirapang tono ng musika upang luwalhatiin ang Diyos at
pasiglahin ang mga nananampalatayang kongregasyon sa loob ng simbahan. Bilang isang choir ay maaaring mapaunlad
ko ang aking pananampalataya sa Diyos, gayundin upang maglingkod sa mga tao na magkaroon at mapaunlad din ang
kanilang paniniwala, pananampalataya at ugnayan sa Diyos.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Panuto: Mag-isip ng uri ng paglilingkod na tutugon sa pangangailangan ng mga tao sa
iyong paligid. Gumawa ng plano sa pagsasakatuparan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod. (Mahalagang
masunod ang mga panuntunan sa ipinatutupad na Community Quarantine). Hingin ang tulong at pahintulot ng magulang
o tagapangalaga sa pagsasagawa nito.

Plano ng Pagsasagawa ng Paglilingkod

Pamagat ng Petsa Lugar Layunin Komite sa Mga Taong Inaasahang


Proyekto Paggawa Paglilingkuran Resulta
“Makiisa sa Sa tuwing Sa kani- Ang bawat misa na Ipapangakong Mga taong may Inaasahang silang
Pangunahing sasapit kanilang ginaganap sa loob ang isasagawang kalayuan sa mga kasapi ng
Seremonya ang araw mga ng simbahan ay proyekto ay tiyak simbahan, mga proyekto ay
ng ng Linggo tahanan. isang paala-ala sa na makatutulong apektibo ng makikiisa sa
Simbahang at sa mga mga naroroon na sa mga tao na pandemya, at pagpapaunlad ng
Katoliko, araw na ang misa ay isang maipalaganap pati na rin ang kanilang
Sama na sa may seremonya ng ang salita ng mga taong pananampalataya
Online okasyon paglilingkod para sa Diyos, maniwala kaunti pa lamang sa Diyos.
Misa!” sa sakripisyo na at maisapuso ang ang mga Gayundin,
simbahan. ibinigay ni Jesus sa mahigit nalalaman sa inaasahang
atin. Sa mga Tatlumpung salita ng Diyos at maipakakalat nila
makikilahok, Libong bersong sa Bibliya, ang kanilang mga
layuning mapaunlad nilalaman ng mapaglilingkuran nalaman at
ang kanilang bibliya, gayundin din ang mga natutuhan sa
nalalaman sa kanilang mga taong ibang tao sa
patungkol sa bibiliya sarili. Ikokomite nagsisimula nang kanilang paligid,
nang sa gayon ay ng proyektong ipasok Siya sa hikayatin din sila
mapaunlad ang isasaagawa na kanilang buhay. na isabuhay ang
kanilang ang online na Diyos na
pananampalataya sa misa para sa mga makakasama nila
Kaniya sapagkat ilan malalayong lugar habang buhay
sa karamihan ay sa simbahan o hanggang sa
hindi na kaya’y apektibo buhay na walang
pinagbibigayang ng pandemya ay hanggan.
pansin ang Kaniyang magkakaroon pa
mga mahahalagang din ng maunlad
salita para sa na kaalaman at
sanlibutan, at kung pananampalataya
kanila mang sa Diyos dahil
maisasagawa ang kung
pakikinig, madadagdagan
pagsasapuso sa ang kanilang
bawat berso ng kaalaman sa
bibiliya maaaring Kaniyang mga
maipakalat nila ito salita, mas
sa iba at hikayatin mabubuksan nila
din na ipasok sa ang kanilang
kanilang buhay ang buhay para sa
Diyos na Kaniya, gayundin
nagmamahal sa atin. na mapatungo sa
buhay na walang
hanggan.
Name: Jhanrick E. Binungcal Teacher: Mrs. Laleng Villanueva
Grade & Section: Grade 8-Raymundo Parent’s Signature:

Ikalawang Lingguhang Pagsusulit


EsP Quarter 2 Week 7-8

1. B
2. B
3. A
4. D
5. D
6. B
7. C
8. D
9. D
10. B
11. D
12. A
13. A
14. A
15. C

You might also like