You are on page 1of 4

School: PIT-AO ELEMENTARY SCHOOL Grade Level: FIVE

GRADES 5 Teacher: JIGS MICHELLE P. PASAMONTE Learning Area: Homeroom Guidance Program
DAILY LESSON LOG Teaching Dates and Time: September 11-15, 2023 (Week 3) Quarter: 1ST QUARTER

MONDAY TUESDAY WEDNESDAY THURSDAY FRIDAY


I. LAYUNIN
A. Pamantayang
Understand the importance of oneself and others
Pangnilalaman
B. Pamantayan sa Pagaganap Value others Value others
C. Mga Kasanayan sa Nakikilala ang kahalagahan ng kapuwa bilang Nakikilala ang kahalagahan ng kapuwa bilang
Pagkatuto (Isulat ang code bahagi ng pamilya, paaralan at ng komunidad. bahagi ng pamilya, paaralan at ng komunidad.
ng bawat kasanayan) Koda: HGIPS-Ib-4 Koda: HGIPS-Ib-4

II. NILALAMAN
KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng MELC p.711 MELC p.711
Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-Mag-
aaral
3. Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan SLM Unang Markahan SLM Unang Markahan
mula sa portal ng Week 3 Week 3
Learning Resource
B. Iba pang Kagamitang Activity sheet Activity sheet
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik-aral sa nakaraang Bawat isa sa atin ay miyembro ng pamilya,
aralin at/o pagsisimula ng paaralan, at komunidad. Ipinanganak tayong
bagong aralin nagtataglay ng mga inaasahang hakbang, kilos, at
pagpapahayag para sa tamang pakikipag-ugnayan
at pakikipag-kaisa sa ating kapuwa. Halos lahat
kasi ng bahagi ng buhay natin ay kinakailangan
ng koneksyon at interaksyon sa ating mga
magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, guro, at
kapuwa mamamayan. Dahil dito, marapat lamang
na bigyan natin sila ng pagpapahalaga.

B. Paghahabi sa layunin ng 1. Ang magpahalaga sa ating mga magulang,


aralin kapatid, kaibigan, kaklase, guro, at kapuwa
mamamayan ay gawain na dapat
naisasakatuparan ng bawat isa sa atin. Hindi
mabuti na binabalewala natin ang mga
mabubuting ginagawa nila para sa atin. Kailangan
na marunong tayong magbalik at magbigay ng
pagpapahalagang nararapat para sa kanila
anuman ang panahon at ang ating sitwasyon lalo’t
higit sa lahat ng pagkakataon.

Halina at ating isa-isahin ang iba’t ibang paraan


ng pagpapakita natin ng pagpapahalaga sa ating
mga magulang at kapatid sa tahanan, kaibigan,
kaklase at guro sa paaralan, at maging sa mga
kapuwa mamamayan sa komunidad na ating
kinabibilangan.
C. Pag-uugnay ng mga Narito ang ilang mga paraan ng pagpapakita natin
halimbawa sa bagong aralin ng pagpapahalaga sa mga miyembro ng ating
pamilya:
1. Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya
ay mahal ninyo.
2. Magsabi ng anumang positibo sa bawat
miyembro ng pamilya araw-araw. Hanapin
ang mabuti sa bawat miyembro ng pamilya.
Sabihin ito sa kanila.
3. Maglista ng mga bagay na gusto ng isang
miyembro ng pamilya. Ibigay ang bagay na
gusto ng miyembrong iyon bilang isang regalo
o kaya ay sorpresahin ang isang miyembro ng
pamilya (halimbawa, isang ginawang card
kahit na walang okasiyon).
4. Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng
pamilya.
5. Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa
kaniyang gawain (pagliligpit, paglalaba,
paghuhugas ng pinggan, at iba pa).
D. Pagtatalakay ng bagong Maipadarama at maipakikita natin sa ating mga
konsepto at paglalahad ng guro, kaklase at kaibigan sa paaralan ang ating
bagong kasanayan #1 pagpapahalaga sa kanila sa pamamagitan ng
pagbibigay natin ng importansiya sa ating
edukasyon. Gaano man kahirap dahil may
pandemya at virtual lang ang ating pakikipagkita
at pakikipag-ugnayan sa kanila, posible pa rin na
malaman nila na sinisikap natin sa ating buong
makakaya na ipagpatuloy ang ating pag-aaral.
Narito ang ilang mga paraan ng pagpapakita natin
ng pagpapahalaga sa ating mga guro, kaklase, at
kaibigan:
1. Magpadala ng mensahe ng pasasalamat sa
inyong guro upang maipakita kung gaano mo
pinahahalagahan ang kanilang pagsusumikap
na maturuan ka ngayong pandemya.
2. Makinig at sumunod sa lahat ng itinuturo ng
guro at makibahagi sa talakayan tuwing may
online class.
3. Dalasan ang kumustahan sa mga kaklase at
kaibigan sa text, chat, o tawag man lang.
Iparamdam na narito ka palagi para sa kanila na
handang tumulong at makinig.
E. Pagtatalakay ng bagong Maipakikita natin ang ating pagpapahalaga sa
konsepto at paglalahad ng mga kapuwa mamamayan natin sa ating
bagong kasanayan #2 komunidad sa pamamagitan ng pagsali at
paglahok sa mga programa na makakatulong sa
buong sambayanan. Narito ang ilang mga paraan
ng pagpapakita natin ng pagpapahalaga sa ating
mga kapuwa sa komunidad ngayong may
pandemya:
1. Sumunod sa social distancing.
2. Pakinggan ang panawagan ng Department of
Health (DOH) na mag-face mask lalo na
kapag sasakay sa public transportation.
3. Pasalamatan ang magigiting na health workers,
pulis at sundalo para sa kanilang serbisyo na
pangalagaan ang kalusugan ng mga
mamamayan, at peace and order.
4. Mamahagi ng tulong sa inorganisang
community pantry.
F. Paglinang sa Kabihasan Tandaan na bawat isa sa atin ay miyembro ng
(Tungo sa Formative pamilya, paaralan, at komunidad. Nagtataglay tayo
Assessment) ng mga inaasahang hakbang, kilos, at pagpapahayag
para sa tamang pakikipag-ugnayan at pakikipag-
kaisa sa ating sa ating mga magulang, kapatid,
kaibigan, kaklase, guro, at kapuwa mamamayan.
Marapat lamang na bigyan natin sila ng
pagpapahalaga.

G. Paglalaapat ng aralin sa Gumawa ng poster patungkol sa temang “Ikaw, Ako


pang-araw-araw na buhay at Tayo: Iisang Komunidad na may Pagpapahalaga
sa Kapuwa-Tao.”
H. Paglalahat ng Aralin Maglista ng mga hakbang, kilos, at pagpapahayag na
isinasagawa mo upang mapahalagahan ang mga
magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, guro, at
kapuwa mamamayan sa tahanan, paaralan, at
komunidad.
I. Pagtataya ng Aralin Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang pagpapahalaga sa mga guro ay maipapakita
at maipadarama sa iba’t ibang paraan
MALIBAN sa _________.
A. pagpapadala ng mensahe ng pasasalamat
B. pagbibitiw ng mga masasakit at negatibong
pananalita
C. pakikinig, pagsunod, at aktibong pakikibahagi
sa online class
2. Ang pagpapahalaga sa magulang at kapatid ay
maipapakita at maipadarama sa pamamagitan
ng _________.
A. pagsunod at pagsuway
B. pagiging mabuti sa salita at gawa
C. pagbibigay ng bulaklak at tsokolate
3. Ang pagpapahalaga sa kapuwa mamamayan sa
komunidad ay maipakikita at maipadarama sa
pamamagitan ng ____________________.
A. pagpapakalat ng fake news sa kapuwa
B. pagpuna sa social media ng mga programa
C. pakikilahok sa programa at pagboboluntaryo na
tumulong
J. Karagdagang gawain para Sa iyong palagay, gaano kahalaga na
sa takdang-aralin at maipakita at maipadama mo sa iyong mga
remediation magulang, kapatid, kaibigan, kaklase, guro, at
kapuwa mamamayan na pinahahalagahan at
tinatangi mo sila?
IV. Mga Tala
V. Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

TEOFILA A. TABELISMA, PhD.


School Principal II

You might also like