You are on page 1of 1

1. Ano ang wika para sayo?

- Ang wika ay ang ginagamit natin sa araw araw na pakikipag talastasan o


sa komunikasyon. Ito ang nagbibigay daan sa atin para tayo ay
magkaunawaan.

2. Ano ang katangian na inaangkin ng wika?

- Ang wika ay isang masistemang balangkas. Sinasalitang tunog na pinili at


isinaayos sa paraang arbitraryo. Ito ay upang magamit ng mga taong
kabilang o kasapi sa isang kultura o lipunan. Ang wika rin ay nakabatay sa
kultura, nagbabago at dinamiko, at pantao. Ang instrumento sa
pagpapaunlad ng kultura at sining sa isang bayan o bansa.

3. Ano ang kahalagahan nito?

Kahalagahan ng Wika:

Ang wika ang sumasalamin sa kultura ng isang bansa.

Ang wika ang ginagamit sa pakikipagtalastasan.

Ang wika ang instrumento upang maipahayag ang damdamin ng tao.

Ang wika ang pangunahing simbolo ng mga gawain ng tao.

Ang wika ang kasangkapan sa paglikha ng mga sining.

You might also like