You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Leyte Normal University


Filipino Yunit
Lungsod Tacloban

Pangalan: DIANE F. DE LA CRUZ


Kurso/Taon at Seksiyon: BSSW AS2-2
Petsa Ng Pagsumite: 10-13-2022
Propesor: G. ROMNICK LUANGCO

FILDIS GAWAIN BLG.2


“Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon”: Reaksiyong Papel
Inihanda ni : Diane F. De la Cruz

Tunay ngang marami ang dinananas na pagbabago ang mundo. Kaya’t ang
paglago at pag-unlad ang nakatuon sa lahat ng mga gawaing-tao, may maiharap lang sa
mukha ng makamundong pagbabago. Ngunit, hindi natin maikakala na sa proseso ng
pagkamit ng pag-unlad sa mukha ng pagbabago ay may kaukulang kapahamakan, ang
masahol pa dito ay ang dahan-dahang pagkawala ng kulturang kamalayan, bansang
kinabibilangan, at wikang kinagisnan.

Hindi natin maikakaila na dahil sa globalisasyon ay marami nang naabot ang


ating bansa na dati’y ‘di nating inakalang maaabot. Ngunit, ayon kay Lumbrera (2003),
ang globalisasyon “ay ang pananalakay ng mga kapitalistang bansa ng Kanluran na
naghahanap ng pamilihan para sa kanilang kalabisang produkto. Kunwari’y
binubuksan ng mga ito ang kanilang mga pamilihan sa mga produkto ng mahihinang
ekonomiya. Pero sa katunayan, hindi kayang makipagkompetisyon ng mahihinang
ekonomiya sa kanila, kaya’t sa kalaunan nilalamon nila ang lokal na kompetisyon”, o
sa madaling salita, ibinalik lamang tayo ng globalisasyon sa yugto ng kolonyal na
pagsasakop. Samakatuwid, ang aking mga reaksyon mula na nabasang materyal : Ang
Wikang Filipino at ang Banta ng Globalisasyon ni Dr. Bienvenido Lumbera, ay nakatala.

Tunay na malaking pagbabago ang naidulot ng panghimasok ng World Trade


Organization sa sistema ng edukasyon dito sa ating bansa. Ang pagtugon sa
sinasabing “world standard’ at makapagpalitaw ng isang henerasyon ng mga mag-
aaral na Pilipino na marunong sa simpleng ingles at siyensiya ay nakapagtanim sa
kaisipan ng mga “21st century learners” sa ating bansa na, sa labas ng Pilipinas
maghanap ng mga oportunidad, at gayundin na ang sukatan ng talino sa larangang
akademya/akedemiko ay ang dalubhasang pag gamit at pagsalita ng wikang ingles.
Nakadidismaya ang ganitong reyalidad sa kasalukuyang kalagayan ng ating
bansa na katamtaman lamang ang katayuang moog laban sa paglusob ng mga kaisipang
makapagpapahina sa tigas ng loob at tatag ng mga makabayan, iyan kung and wikang
Filipino ay hindi patuloy ang pagtangkilik at pagpapatibay.

Sa kabilang dako, tinuturuan tayo ng globalisasyon na magbagong bihis sa mukha


ng makamundong pagbabago. Ngnuit ika pa nga ni Lumbrera (2003), “itinuturo naman
ng ating kasaysayan na ang pinagdaanan natin bilang sambayanan ay laging
nagpapagunita na may sariling bayan tayo, may minanang kultura at may banal na
kapakanang dapat pangalagaan at ipagtanggol kung kinakailangan.” Mahihinuha natin
sa pahayag na ito na walang identidad ng isang sambayanan ang naisusuko nang gayon-
gayon lamang. Hindi natin kailangang tanggihan ang paghatak ng hinaharap kung iyon
ay magdadala sa atin sa tunay na pag-unlad, ang kailangan natin ay ang kalusin ang
lahat ng negatibong bisa ng kultura ng globalisasyon sa lipunang Pilipino at hindi hayaang
magbunga ito ng panibagong pagkaalipin sa sambayanan. Dahil tunay na mas
nakakamangha ang patuloy na pagtyo natin at paggigiit sa makabayang pagtangkilik sa
ating wika at kultura na siyang lakas na maibabangga natin sa globalisasyon.

Sa kabuoan, walang tumatanggi sa paglago at pag unlad. Ngunit kung sino man
ang siyang bumigay sa mga negatibong bisa sa proseso ng pagtamo nito, ay siyang talo
sa sugal ng makamundong pagbabago. Para naman sa mga Pilipino, hinihikayat tayong
hindi magpadala at matulog sa lason ng hangin ng globalisasyon, kung taimtim nating
gustong makakalas sa mga negatibong bisa ng makamundong pagbabago, pagtibayin
natin ang sariling atin: ang kulturang kamalayan, bansang kinabibilangan, at wikang
kinagisnan.

You might also like