You are on page 1of 19

KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO,

ESTRUKTURAL, AT
GRAMATIKAL
Gramatikang Filipino
Makaagham na pag-aaral ng wika

Kinapapalooban ito ng pagsusuri ng tunog


(ponema), yunit ng salita (morpema),
kahulugan ng salita (leksikon),
pangungusap (sintaksis), at pagpapahayag
(diskors).
NANG
1. Kasingkahulugan ng NOONG
„Nang ako’y bata pa.
2. Ginagamit kapag inuulit ang salita
„Iyak nang iyak
3. Pinagsamang NA at NG (na+ng)
„Mag-aasawa nang maaga si Maria.
4. Pang-abay na pamaraan na sumasagot sa
tanong na paano.
„ Umiinom si Mark nang nakahiga.

5. Kasingkahulugan ng UPANG at PARA


„ Huwag mong ibigay lahat nang hindi ka
mawalan.
NG
Ito ay sumasagot sa tanong na ANO. Maaring
sinusundan ng pangngalan, pang-uri, pantukoy
„pagkain ng aso (pagkain ng ano?)
„ilaw ng tahanan (ilaw ng ano?)
MAY
1.Kapag sinusundan ng pangngalan(noun)
„May kasintahan na siya at pinalitan ka na.
2. Kapag sinusundan ng pandiwa (verb)
„May umutot daw kanina sa klasrum.
3. Kapag sinusundan ng pang-uri (adjective)
„May bago na pala siyang kaibigan.
4. Kapag sinusundan ng panghalip panao(personal
pronoun) sa kaukulang paari (possessive case)
„Sila ay may kanila at kami ay may amin.

5. Sinusundan ng pantukoy (article) na MGA at SA


„ May mga taong nagkakasakit sa puso hindi dahil sa
pag-ibig kung hindi dahil sa madalas na pagkain ng
Chicken Joy sa Jollibee.
MAYROON
1. Kapag sinusundan ng ingklitik o kataga
„Mayroon daw susunod na Binibining Undas sa
klasrum na ito?
2. Panagot sa tanong
„May hinihintay ka ba? Mayroon.
3. Pagka-maykaya sa buhay(rich)
„Si John ay mayroon sa kanilang tribo.
DIN/DAW
Kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.
„Makapagtatapos din tayo ng pag-aaral.

RIN/RAW
Kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig.
„Magaganda raw ang mga nag-aaral sa VPHS?
DAW/DIN vs RAW/RIN
Kung nagtatapos sa A,E, I,O,U,W at Y ang
sinusundang salita: ang D ay nagiging R.

Mananatili naman ang D kung hindi


nagtatapos sa letrang A,E, I,O,U, W at Y
ang salitang susundan nito.
PAHIRIN (to remove)
Pag-alis o pagtanggal sa isang bagay
„Pahirin mo Christopher ang muta sa mata ni Angela.

PAHIRAN (to apply)


Paglagay ng kaunting bagay
„Pahiran mo ng Vicks ang aking likod.
KUNG
Pangatnig(conjunction) na nagsasaad ng kundisyon
„Masasaktan ka lamang kung lagi kang naghihintay at umaasa.

KONG
Panghalip panao(personal pronoun) mula sa KO at
inangkupan ng NG
(KO+NG=KONG)
„Nais kong magbigay ng 98 na marka sa klaseng ito.
SUBUKIN (to try)
„Subukin natin ang bagong Tiki-Tiki Adult Plus nang
tayo’y tumangkad.

SUBUKAN (to spy)


„Subukan mo kung saan pumupunta si Maria tuwing
hatinggabi.
KITA
Isa sa dalawang nag-uusap ang gagawa ng kilos
„Ibibili kita ng bagong syota.
KATA
Ang dalawang nag-uusap ay parehong gagawa ng kilos
„Kata ay magsimba muna bago tumambay.
SILA/NILA
Panghalip panao(personal pronoun) na hindi sinusundan ng
pangngalan(noun).
„Sila ay magkasamang pumunta sa SM para manglimos.
SINA/NINA
Pantukoy(article) na sinusundan ng pangngalan(noun)
„Sina Cardo at Onyok ay magkasamang pumunta sa Cebu.
PINTO (door)
Bahagi ng gusali na isinasara at ibinubukas
„Kumatok ka sa aking pinto at ika’y aking bubuksan.
PINTUAN (doorway)
Daanan
„Dumaan sa pintuan ang aso kaya nakatakas.
1. Kapag inuulit ang salita
„ gabi-gabi

„ araw-araw

2. Kapag ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilapian ay


nagsisimula sa patinig
„ pag-asa

„ may-ari

3. Kapag pinagsama ang dalawang salita


„ Bahay-kubo (bahay na kubo)
„ Bikol-Naga (Bikol sa Naga)
4. Kapag ang panlapi ay idinaragdag sa ngalang
pantangi(proper noun)
„maka-Duterte

„taga-Bikol
5. Binaybay na praksyon
„Isang-katlo

„Tatlong-kapat
6. Ang IKA ay sinusundan ng bilang o numero.
„Ika-14 ng Pebrero
„Ika-10 ng gabi

You might also like