You are on page 1of 3

KABANATA III

METODOLOHIYA

Ang kabanatang ito ay nagpapakita ng pangkalahatang prosedyur na ginawa sa riserts.

Kasama dito ang disensyo ng riserts, ang respondante at sampling procedure, instrumentong

ginamit at ang ang pagkuha ng mga datos, at analysis.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang chapter na ito ay patungkol sa mga metodong gagamitin upang malaman ang mga

layunin ng pag-aaral. Pagkatapos I-konsidera ang mga layunin, mga katanungann, ang mga

teknik sa pagkuya ng datos halimbawa: ang surbey metod, paggamit ng questionnaire bilang

instrumento na sinusuportahan ng qualitative na datos na nakuha sa interbyu. Kombinasyon ng

mga desensyo ng riserts na ito ay nakakatulong upang mas makapagbigay ng mga datos na

kailangan na pagtutuunan ng pansin at mas akyureyt na evalwasyon (O’niel, 2006) at ayon kay

Hemming (2008).

Instrumento sa Pagkuha ng Datos

Ang riserts na ito ay ginawaan ng surbey questionnaire na may pitong (7) aytem na

sasagutan ng mga respondante upang malaman kung ano ang mga impluwensiya sa likod ng

pagbabagao sa kinawiwilihang laro ng mga kabataang Filipino sa kasalukuyang panahon. Ang

mga mananaliksik ay gagamitin ang surbey questionnaire upang mangalap ng datos na kailangan

nila. Ito ay ibibigay at papasagutan sa mga respondanteng edad 11 at 12 na taong gulang.

Kasama nito ay ang buong patnubay at gabay ng mga mananaliksik. Ito ay upang magkaroon ng

kasiguraduhan na ang mga respondante ay lubos na naiintindihan at masasagutan ng mabuti ang


questionnaire. Pagkatapos masagutan ang lahat ng nasa questionnaire, ang mga mananaliksik ay

tasahin at analisahin ang mga datos na nakalap.

Respondante at Prusidyur

Ang mga mananaliksik ay maggagawa ng surbey questionnaire na ibabalido ng mga guro

sa Tanauan City National High School. Ito ay susundan ng finalization at approval ng

questionnaire ng mga magbabalido at ng guro sa sabdyek. Ito ay gagawan ng dalawampung (20)

kopya para sa pagkuha ng datos. At magbibigay sila ng permiso upang mag surbey sa Kapitan ng

Barangay sa Sala upang sila ay payagan ng mag surbey.

Ang mga respondante ng riserts na ito ay mangagaling sa Baranagay Sala, Tanauan City,

Batangas. Dalawampung (20) respondante na nasa edad labing-isa (11) at labing-dalawa (12) ay

malayang pinili.

Sa mga araw ng Pebrero 11 at 18, 2017, ang mga mananaliksik ay pupunta sa lugar ng

paglalagakan ng surbey. Pupunta sila isa-isa sa bahay ng mga respondante para sa paghingi ng

permiso sa magulang ng mga ito, kasama nito ang pagpapakita ng permit to survey na

imaprobahan ng Kapitan ng Barangay.

Ang paglalagakan ng surbey ay gagawin sa lugar ni Raymond Aries Fernando (isa sa mga

mananaliksik). Ang mga mananaliksik ay magtatasa para sa mga klaripikasyon. Ang mga bata ay

bibigyan ng lubos na gabay at patnubay ng mga mananaliksik. Ang mananaliksik ay kukunin ang

mga sinagutang papel and ihahatid ang mga bata pabalik sa kanilang mga bahay.
Pag-aanalisa

Pagkatapos na makuha at magamit ang mga questionnaire, ito ay susundan ng pagtatasa

at pagaanalisa. Ang mga nakalap na datos ay itatala at itatara muna. Tapos ang ibang datos na

nasa pangungusap ay paghihiwalayin at igugrupo base sa teme nito. Pagkatapos ng lahat ng iyo,

ang mga mananaliksik ay muling bibigyan ng pagtatasa at pag aanalisa ang mga nakalap na

datos.

You might also like