You are on page 1of 3

PROYEKTO

SA ESP 9

INILAHAD NI: Jerlen Gertrude Rafols


Grade 9 – Alexandrite

INILAHAD KAY: Bb. Crizel Joy Olana


Guro sa ESP 9
AWITIN:

“Bayanihan”
Sarah Geronimo

BAYANIHAN KAYA NATIN ‘TO


ANG TUGON SA ATING MGA PANGARAP
MAGKA-ISA PARA MATUPAD
KAPAYAPAANG MATAGAL NG HINAHANGAD

BAWAT ISA AY MAY TUNGKULIN


PANGARAP NG BANSA AY ATING ABUTIN
SA MAPAYAPA AT MAUNLAD NA PILIPINAS
MAY PAGKAKAISA’T MALASAKIT NA WAGAS
KAIBIGAN IWAN ANG SANDATA
MAKULAY NA KINABUKASA’Y ABOT NA
SAMA-SAMA PARA SA REPUBLIKA
KAPAYAPAANG MAY BIGAY NG PAG-ASA

IISANG BANSA, IISANG DIWA, IISANG LAHI, IISANG MINIMITHI.

KUNG MAY KAPAYAPAAN MAY KAUNLARAN


KUNG WALANG LABANAN LAHAT MAKIKINABANG
BAYANIHAN PARA SA ATIN

BAYANIHAN PARA SA ATIN ‘TO


PALIWANAG:

Ang kantang “Bayanihan” ay tungkol sa kapayapaan at kaunlaran ng ating bansa. Kung


magtutulong-tulong at magkaroon ng pagkakaisa ay tiyak na magkakaroon ng pagbabago sa
ating bansa at kung iisa ang layunin at mithiin walang gulo na uusbong. At kahit bata pa ako ay
maaari na akong makatulong at makiisa para sa kaunlaran ng bansa, at ito ay ang pagiging
mabuting mamamayan ko. Maaari itong umpisahan mismo sa loob ng tahanan.
Maipapakita rin dito ang pagtutulungan at pagkakaisa sa pamamagitan ng pagsunod sa
mga magulang at nakakatanda. Tutulong sa mga gawaing-bahay ng walang pag-aalinlangan,
bukal sa loob na gagampanan ang mga tungkulin bilang isang anak, kapatid at apo. Kung ang
isang mag-anak ay nagkakaisa at nagtutulungan, nagrerespetuhan at nagkakaintindihan,
magkakaroon ng kapayapaan ang ating bansa. Sapagkat ang ating tahanan ay ang ating unang
paaralan na siyang magtuturo sa mga anak ng kagandahang-asal.
Mapapakita rin ang prinsipyo ng pagtutulungan at pagkakaisa sa paaralan. Sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin ng aming klase. Magkakaisa kaming magkaklase
na-intindihin ang mga bagay na itinuturo ng aming guro, magtulungan na mapadali ang mga
gawain o proyekto. Maging aktibo at makisali sa mga organisasyon na may kinalaman sa
paglilinis at pagtatanim. Hindi ba maganda? Na kapag ako at ang aking mga kamag-aral ay
nagdadamayan, nagtutulungan at nagkakaisa na pursigidong matuto ay siguradong walang
maiiwan, at sabay-sabay kaming aangat.
Maging maunlad ang ating bansa kung tayo ay isang mabuting mamamayan at makiisa sa
mga proyektong gagawin sa ating pamayanan. Kapag may bagyo, sakuna o trahedyang dadating,
ay dapat tayong tumulong at makiisa. Bayanihan para sa bansa. Dahil walang imposible kapag
tayong lahat ay magkakaisa at magtutulungan walang pagsubok na hindi malalampasan kung ito
ay sama-sama nating harapin. At kapag mayroon tayong kaisipan na ganito, maaliwalas ang
bukas na ating kakaharapin at siguradong uunlad ang ating buhay at ng ating mahal na bansa.

You might also like