You are on page 1of 2

FILIPINO 10

Pangalan: ____________________________________________________ Sesyon: ____________


Baitang at Pangkat: ____________________________________________ Marka: _____________

GRAMATIKA : POKUS SA KAGAMITAN AT PINAGLAANAN

 POKUS SA KAGAMITAN – ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang


maisagawa ang kilos ng pandiwa sa pangungusap; Sumasagot sa tanong na “Sa
pamamagitan ng ano?”.
Halimbawa:

Paksa: bagay na ginamit


upang maisagawa
ang kilos Pandiwa
↑ ↑
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.

 POKUS SA PINAGLALAANAN – ang pinaglalaanan ng kilos ay ang paksa o simuno ng


pangungusap; Ginagamitan ng mga panlaping makadiwa tulad ng i-, ipag-, ma+ipag, ipagpa-
Halimbawa:
Paksa: ang pinaglalaanan
Pandiwa ng kilos
↑ ↑

Ipaghihiganti niya ang sinapit ni Aida sa anak ng Alkalde.

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang paksa, bilugan ang
pandiwa at isulat sa patlang bago ang bilang kung nasa anong pokus ng pandiwa ang pangungusap.

____________1. Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.


____________ 2. Ang ballpen ang ipinansulat niya sa kanyang kwaderno.
____________ 3. Ibinili niya ng gatas ang kanyang anak na sanggol.
____________ 4. Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
____________ 5. Ipinambomba sa lamok ang pulbos.
____________ 6. Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.
____________ 7. Ipinanghukay ni kuya ang pala.
____________8. Ipinambalot ko ng tinapa ang mga lumang dyaryo.
____________ 9. Ihahanap niya ng hustisya ang sinapit ng kaniyang dalaga.
____________ 10. Iaahon niya sa hirap ang kanyang pamilya.
FILIPINO 10
Pangalan: ____________________________________________________ Sesyon: ____________
Baitang at Pangkat: ____________________________________________ Marka: _____________

GRAMATIKA : POKUS SA GANAPAN AT SANHI

 POKUS SA GANAPAN - ang paksa ang lugar na ginaaganapan ng pandiwa sa pangungusap;


Sumasagot sa tanong na “Saan?”. (pag-/-an, -an/-han, ma-/-an, pang-/-an, mapag-/-an)
Halimbawa:
Pandiwa Paksa: ginaganapan ng pandiwa
↑ ↑
Pinagtaniman namin ng maraming gulay ang bukirin.

 POKUS SA SANHI - ang paksa ang naghahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa


pangungusap; sumasagot sa tanong na “Bakit?”. (i-, ika-, ikina-)
Halimbawa:
Pandiwa Paksa: sanhi ng kilos
↑ ↑
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Salungguhitan ang paksa, bilugan ang
pandiwa at isulat sa patlang bago ang bilang kung nasa anong pokus ng pandiwa ang pangungusap.

____________ 1. Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
____________ 2. Ang ilog ang pinaglabhan niya ng mga damit nilang mag-anak.
____________ 3. Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.
____________ 4. Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.
____________ 5. Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
____________ 6. Ang lahat ng katotohanang natuklasan ko ay ikinabahala ng aking mulat na pang-
unawa.
____________ 7. Pinagdausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.
____________ 8. Ang programa ni Mayor ay ikinatuwa ng mga residente.
____________ 9. Ikinatakot ng lahat ang bagyong dumaan.
____________ 10. Ang plasa ang pinagkukunan niya ng kabuhayan nilang mag-ama.

Sa Kabatiran ni

________________________
Pangalan at Lagda ng Magulang

You might also like