You are on page 1of 3

Paaralan Rufo C. Pajes Sr.

Central School Baitang Ikatlo


BAITANG III Guro Helen S. Nuňez Asignatura EsP
BANGHAY ARALIN Petsa at Oras May 31, 2022 Markahan Ikatlong

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pananatili ng mga natatanging kaugalianng
Pilipino kaalinsabay ng pagsunod sa mga tuntunin at batas na may kaugnayan sa kalikasan at
pamayanan.
C. B. Pamantayan sa Pagganap Naipagmamalaki ang mga magagandang kaugaliang Pilipino sa iba’ ibang pagkakataon.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto.
Nakapagpapahayag na isang tanda ng mabuting pag-uugali ng Pilipino ang pagsunod sa
Isulat and code ng bawat tuntunin ng pamayanan EsP3 ppp-IIIc-d-15
kasanayan
E. II. NILALAMAN Tungkulin Ko, Gagampanan Ko
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1.Mga pahina ng Gabay ng Guro MELCS ph 72, DLP sa EsP ph 42
2.Mga pahina ng Kagamitang
LM 146-148
Pang-Mag-aaral
3.Mga Pahina sa teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula
sa portal ng Learning
Resources (LR)
B. B. Iba pang kagamitang panturo Laptop, Powerpoint presentation, picture, tsart, activity tsart, activity sheets, pentel pen
IV. PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain a. Pagbati
b. Panalangin
c. Pampasiglang Gawain/ / Energizer
d.Balik-aral
B. Pagganyak
Maikling Kwento
Tungkulin Ko sa Aking Pamayanan

C.Paglalahad ng Aralin Ang Ating Pamayanan ay may mga Alituntuning sinusunod

Ang mga batang Pilipino ay may mga alituntuning dapat gampanan upang maging maayos,
mapayapa at maunlad ang kanyang komunidad. Ang mga alituntunin ay ipinatutupad para sa
ikabubuti ng buong komunidad.

Ang mga tuntunin ng ating pamayanan ay pinag-iisipan at pinagkakasunduan ng mga


namamahala sa ating pamayanan.Layunin nilang mapaunlad at maipaayos ang ating
pamayanan. Makakatulong tayo sa pamayanan kung susunod tayo sa mga tuntuning kanilang
pinatutupad. Ito ay isang paraan nang pagpapakita ng disiplina sa ating sarili.

Sagutin ang mga tanong


1. Sino ang nagpapatupad ng mga alituntunin?
2. Bakit ipinatutupad ang mga alituntunin?
3. Bakit kailangan nating sundin ang alituntuning ipinatutupad ng pamayanan?
4. Nakakatulong ba tayo sa pamayanan? Bakit?
5. Ano ang magiging epekto nito sa ating sarili kung sinusunod ang mga alituntunin?

D.Pangkatang Gawain Pangkat Masigasig


Panuto: Bilugan ang larawan na nagpapakita ng pagsunod sa tuntunin ng pamayanan.

Pangkat Masunurin
Isulat ang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali kung hindi.
____1.Tumawid sa tamang tawiran.
____2.Naglalaro sa kalsada.
____3.Pinitas ni Nena ang mga bulaklak sa parke.
____4. Tinapon ni Mark ang mga basura sa dagat.
____5. Hindi sila tumawid ng kalsada habang kulay pula ang traffic light.

Pangkat Matulungin:
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng tamang pagsunod sa alituntunin ng pamayanan.

E. Paglalahat Ano ang kahalagahan sa pagsunod ng tungkulin?

F. Paglalapat Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) kung wasto ang ipinahahayag ng pangungusap at ekis ( x ) kung
mali.
_______1. Maaaring pumitas upang dalhinng mga bulaklaksa pook pasyalan upang dalhin
sa simbahan.
_______2. Magtapon ng basura kahit saan kung walang nakalagay na basurahan.
_______3. Dapat suportahan ang mga ordinansang ipinatutupad sa komunidad.
_______4. Ipinagbabawal ang paggamit ng mga sasakyang nagbubuga ng maitim na usok.
_______5. Ang mga bata ay maari nang makatulong sa pagpapatupad ng alituntunun sa
komunidad.

G. Pagtataya Isulat ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng


pangungusap at Mali kung hindi wasto ang isinasaad ng pangungusap.

_____1. Pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan.


_____2. Pagsusulat sa pader o bakod.
_____3. Paglalaro sa halamanan sa palaruan.
_____4. Pag-iwas sa pamimitas ng mga bulaklak sa parke.
_____5. Pagsunod sa pila kapag bumibili ng pagkain sa kantina.

H. Takdang Aralin TAKDANG ARALIN:


Sumulat sa isang papel ng isang islogan na nagpapahayag na ang pagsunod sa tuntunin ng
pamayanan ay isang tanda ng mabuting pag-uugali ng isang Pilipino.

V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa
sa aralin
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong ng lubos?
Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa tulong
ng aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi
sa mga kapwa ko guro?

Ipinakitang turo ni:

HELEN S. NUŇEZ
Teacher II

Observer:
MARIBEL R. SANDIG
Master Teacher I

You might also like