You are on page 1of 23

11

Filipino
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Modyul 6: Pangangalap ng Datos
Filipino – Baitang 11
Kwarter 1 – Modyul 6: Pangangalap ng Datos

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Dorothy H. Gabion


Editor: Maria Ana B. Gojar Emma D. Gonzales
Imelda G. Narvadez Darryl R. Orenciada
Mary Ann Rimpola
Tagasuri: Nora J. Laguda
Sharon A. Vito
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Hannah Deyto; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa
mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano
gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.
Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Pangangalap ng Datos

Panimula:
Mapanaliksik na araw sa iyo!

Kumusta? Alam kong mapanaliksik ang buhay-estudyante ng Senior High School,


kaya naman sa modyul na ito tutulungan ka na matututuhan mo ang tamang
pagkuha ng mga datos sa iyong pananaliksik at upang mapaunlad ang sarili mong
tekstong isusulat. Maaari mo ring iugnay ang mga kaiisipang nakapaloob sa iyong
binasang teksto sa iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig.
Tara nang mangalap ng datos!

Sa modyul na ito, inaasahan na nakakukuha


mo ang angkop na datos upang mapaunlad
ang sariling tekstong isinulat at naiuugnay ang
mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto
sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para
sa araling ito.

Basahin natin.
Talasalitaan

Ang koleksyon ng
mga element o mga
kaalaman na
ginagamit sa mga
DATOS eksperimento ,
pagsusuri, pag-aaral
ng isang bagay.
brainly.ph.florencemay
esp.
Ito ay
mabilisang pagbasa
ng isang teksto na
ang pokus ay hanapin
ang ispesipikong
ISKANING
impormasyon na
itinakda bago
bumasa. De-Laza,
Crizel,2016 Ito ay mabilisang
pagbasa na ang layunin
ay alamin ang
kahulugan ng kabuuang
teksto, kung paano
ISKIMMING inorganisa ang mga
ideya o kabuuang
diskurso ng teksto at
kung ano ang pananaw
at layunin ng manunulat.
De-Laza, Crizel,2016

2
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin,
subukin mo nga?

Panimulang Gawain

Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng teksto at sagutan ang mga katanungan sa
ibaba. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
Ang Corona Virus
Ang coronavirus ay grupo ng mga virus na nakakaapekto sa respiratory
system ng tao. Madalas galing ito sa mga hayop.
Maraming uri ng coronavirus ang nagdudulot lang ng mild infections tulad ng
sipon.
Gaya ng trangkaso, ang coronavirus infection ay nadadaan lang sa pahinga,
pag-iingat, at pag-inom ng gamot.
Pero meron ding mabagsik na uri na nagdudulot ng Severe Acute
Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East respiratory syndrome coronavirus
(MERS-CoV).
Sa ngayon ay patuloy pang pinag-aaralan ng World Health Organization
(WHO) ang 2019-nCoV.
"It is quite clear that the disease is transmitted from human to human. In fact,
there is thinking that it may be capable of sustaining human to human transmission,"
sabi ni Dr. Rabindra Abeyasinghe, country representative ng WHO sa Pilipinas.
Magpupulong na ang WHO para pag-usapan ang magiging hakbang laban sa sakit.
"We have to do an assessment of whether this disease poses a risk
internationally, across borders and if so, whether we need to turn it into a public
health emergency of international concern which would necessitate a more
coordinated response across country," dagdag ni Abeyasinghe.
Pinaiigting na ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Bureau of
Quarantine ang pagbabantay sa mga dumarating na pasahero lalo na 'yung mga
galing China.
Mas malaki ang posibilidad ng pagkalat ng sakit lalo't libo-libong Chinese ang
inaasahang darating at muling lalabas ng China para sa Chinese New Year.
Pero para sa DOH, hindi pa kailangang maglabas ng travel restriction.
Halaw sa —Ulat ni Raphael Bosano, ABS-CBN News

1. Ano ang uri ng tekstong binasa?


_______________________________________________________
2. Bakit masasabing ang isang balita ay isang tekstong nagbibigay ng
impormasyon?
___________________________________________________________

3
3. Bakit kailangang ilahad ang pinagkunan ng impomasyong ginamit sa
teksto?
___________________________________________________________

4. Aling bahagi ng ulat ang sa pananaw mo ay nagmarka sa iyo? Anong


mahahalagang impormasyon ang natatandaan mo sa tekstong ito?
___________________________________________________________

5. Sa paanong paraan naging mas epektibo ang tekstong binasa sa


pagbibigay ng mga impormasyon sa mambabasa?
___________________________________________________________

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 17 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

4
O, diba kayang-kaya mong matukoy kung ano ang
mga dahilan kung bakit mahirap ang pagbabasa.

Halika, may inihanda akong tips upang maging


madali saiyo ang pagbabasa.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin mo.

Pangangalap ng Datos
Hindi lamang sa pagbuo ng isang pananaliksik ginagamit ang pangangalap
ng datos. Sapagkat ito ay maaaring gamitin din s aibang anyo ng sulatin lalo at
nangangailangan ito ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng patunay at marami pang
iba. Ang datos ang nagiging sustansiya ng isang tekstong impormatibo dahil sa diwa
at bigat ng impormasyon na nakapaloob dito. Kailangang ito ay inihahanay sa isang
maayos na paraan.

Naaalala mo pa ba ang ilang istratehiya at pamamaraan sa pagbasa?

Mayroon tayong pitong (7) istratehiya sa pagbabasa, paaral na pagbasa,


iskaning, iskimming, komprehensibo, kritikal, pamuling-basa, at basing-tala.

•ginagawa sa pagkuha •Ito ay mabilisang •madaliang pagbabasa


ng mahahalagang pagbasa ng isang na aAng layunin ay
detalye. teksto na ang pokus ay alamin ang kahulugan
•isinasagawa upang hanapin ang ng kabuuang teksto,
kabisaduhin ang aralin ispesipikong kung paano inorganisa
at ang pangunahing impormasyon na ang mga ideya o
kaisipan ng teksto. itinakda bago bumasa kabuuang diskurso ng
teksto...
Paaral na
Iskaning Iskimming
Pagbasa

•ito ang pagtingin •itinatala ang mga


•paulit-ulit na sa kawastuhan at nasusumpungang
•iniisa-isa ang bawat pagbasa ng mga katotohanan ng kaisipan o ideya
detalye at inuunawa klasikong akda. tekstong upang madaling
ang kaisipan ng •pagsasaulo ng binabasa upang makita kung
binabasa. mga impormayon maiangkop sa sakaling
•masinsinang sa binasa. sarili o ito ay kailangang
pagbabasa maisabuhay. balikan.

Pamuling- Kritikal
Komprehensibo Basa Basang-Tala

5
_________________________________________________________________
Ano-ano ang uri ng pinaghahanguan ng mga datos?

Ang pangangalap ng datos ay may tatlong mapaghahanguan ang hanguang


primarya, hanguang sekondaryang at hanguang elektroniko. Ang primarya ay
yaong mga tao, awtoridad, grupo o organisasyon, kaugalian at mga pampublikong
kasulatan. Ang sekondarya ay ang mga nakatala sa aklat, diksyunaryo,
ensayklopedya, mga artikulo, journal, pahayagan, tesis at marami pang iba. Ang
elektroniko ay yaong makukuha natin sa internet, web page, at mga URLs.

Alam mo ba ang mga tuntunin sa pagkuha,


paggamit at pagsasaayos ng datos?.

Ito ay ang mga sumusunod: konsiderasyon sa pangalan at paggamit ng


mga datos, direktang sipi, hawig o paraphrase, paggamit ng ellipsis,
synopsis, presi.
Bawat tuntunin ay may mahalagang papel sa pagkuha at pagsasaayos ng
isang datos upang ang iyong isusulat na teksto ay maging mabigat at
malaman.

Paano ito kinukuha at sinisipi upang mas maging maganda ang kalalabasan
ng iyong isusulat na teksto?

1. Konsiderasyon sa pangalan at paggamit ng mga datos -pagkilala sa


taong pinaghanguan ng ideya sa pamamagitan ng paglalagay nito ng
talababa-bibliograpiya at parentetikal-sanggunian.

Julian, A.B. & N.S. Lontoc (2015) Lakbay


ng Lahing Pilipino 4. Quezon City:
Phoenix Publishing House

6
2. Direktang Sipi- isinusulat kung tuwirang kinopya o sinipi lahat ng salita mula
sa sanggunian. https://brainly.ph/question/400606.

Ayon kay Pangulong Duterte, “Hindi ako iniluklok


upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao,
o anumang pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan
ko ang bawat isa at hindi ang isa lang “.

3. Paggamit ng Ellipsis (…)- ito ay ang tatlong magkakasunod na tuldok na


matatagpuan sa loob ng isang pangungusap. Ito ay nagpapakita ng pagputol
ng bahagi ng isang pahayag ngunit hindi nagbabago ang diwa ng
pangungusap. https://brainly.ph/question/1136431#readmore

Ipinasya niyang manahimik…upang maiwasan niyang


makapagbitiw ng mga masasakit na salita.

Sa halimbawang ito, maaaring ang pinutol na salita ay:


“na lang sa mga walang -saysay na usapan at
sagutan nilang magkapitbahay”

4. Sinopsis- Ninanais nitong magbigay ng pananaw hinggil sa isang paksa. Ito


ay pinagsama-sama ang mga pangunahing ideya ng isa o maraming
manunulat gamit ang sariling pangungusap. https://brainly.ph/question/461413

Ang paglinang ng mga materyales at sangguniang panturo na ginagamit


sa iba’t ibang sabjek ay nangangahulugan lamang ng pangangailangan sa
pasasaling-wika o transleysyon ng mga teksto mula sa Ingles tungo sa Filipino.
Ayon kay Sibaya at Gonzales (1991), magsisilbing isang pangunahing
pamamaraan ang pagsasaling-wika upang ganap na makamit ang
intelektwalisasyon ng wika. Sa madaling salita, malaki ang tungkulin ng
pagsasaling-wika sa pagbuo ng pambansang kamalayan at sa pagsabay sa
makabagong takbo ng buhay daigdig.
https://prezi.com/ij64u92qzzry/sinopsis-o-buod/

Paalala:
Pansinin sa mga halimbawa ang paggamit ng panipi (“”) sa pagkuha ng
eksaktong pahayag ng isang tao na gagamitin mo sa iyong isusulat upang maging
mabigat ang iyong teksto.

7
5. Presi (Presays)- ang paggamit nito ay pinanatili ang orihinal na ayos ng
ideya o ang punto de bista ng may-akda. Maaaring gamitin ang mga susing salita o
key words ng orihinal na manunulat.

Ang disisiyete ay puno ng buhay, abala sa goodtime at paporma, yugyugan


sa disco at sounds. Hindi para kay Emmanuel Lazo. Sa gulang na disisiyete’y
nakaburol na siya sa Malate Church, namamaga ang noo dahil ang balang pumasok
sa ulo’y di na nakalabas, putok ang mga labing nasubsob sa kalsada, duguan ang
knapsack. Kagaya siya ng karaniwang bangkay na pinapangit ng kamatayan pero
ang kamatayan niya’y lubhang pinapangit ng pangyayaring ang mga pumatay sa
kanya’y maaring ‘di na matagpuan kailanman. Siya ang pinakahuling biktima ng
mahabang listahan ng mga estudyanteng napatay sa rally.
Hinalaw sa KWENTONG BYAHE
https://emanzky88.wordpress.com/tag/emmanuel-lazo/

6. Hawig o Paraphrase- isa itong hustong paglalahad ng mga ideya gamit ang
higit na payak na salita ng manunulat. Ito ay pag-uulit ng talata sa sariling
pangungusap na hindi gaanong teknikal subalit kasinghaba rin ng orihinal.

Orihinal na Teksto Parapreys

Kulang ang lugar o setting ay Ang varayti ng pasulat at pasalitang


nakakaapekto sa varayti ng paggamit ng wika ay natutukoy ayon sa kapaligiran at
wika sa pagsalita o pagsulat ng isang personalidad ng taong gumagamit nito.
komunidad, gayundin ang katangiang
personal ng bawat nakikipag
komunikeyt.

TANDAAN!

Huwag kalimutang ilagay ang sanggunian o banggitin kung kanino galing ang
ginamit o sinipi mong datos o mga pahayag, maaari mong isulat ang pinagkunan mo
ng impormayon sa ibabang bahagi ng isang akda o pahayag.
__________________________________________________________________

8
Naunawaan mo ba ang mga
pamamaraan sa pagkuha ng
datos?

Magagawa mo na kayang banggitin


ang mga angkop na pahayag sa loob
ng teksto?

Alin sa mga nabanggit na pagkuha


ng datos ang madalas na ginagamit
mo na?

Magaling! Natutunan mo na ang tamang pagkuha ng datos at kaisipan sa


pagbabasa ng isang teksto. Maaari mo nang gawin ang sumusunod na mga
pagsasanay.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

9
Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Isulat sa papel ang iyong sagot.

Pagsasanay 1
SUBUKIN MO!
Panuto: Basahin ang halimbawang teksto. Mula sa
binasa sagutan ang mga katanungan sa ibaba.Isulat sa
kuwaderno ang kasagutan.

PINGGANG PINOY
Ayon sa resulta ng National Nutrition Survey (NNS) noong 1993-2014,
kahit pa bumaba ang bilang ng matatandang edad 20 taong gulang pataas na
mayroong Chronic Energy Defecient (CED), hindi pa rin ito nababawasan.
Ang taong may CED ay yaong mayroong mababang nakaimbak na
enerhiya dahil sa kawalan ng wastong nutrisyon. Noong 2013, ipinakikita ng resulta
sa sarbey na isinasagawa na bawat isa sa 10 Pilipino ay mayroong CED. Tinatayang
mas may kakulangan sa enerhiya ang ang kababaihan kaysa sa kalalakihan.
Samantala, ang paglala ng kaso ng obesity sa matatandang Filipino noong
2013 na tatlo sa bawat sampung katao ay maikokonsiderang obese. Tinitingnan
bilang panganib sa kalusugan ang abnormal na pagdagdag ng taba, pangunahing
dahilan sa maling uri ng pagkain na siyang nagdudulot ng obesity.
Ayon sa espesyalita sa agham pananaliksik na si Ma. Jovina Sandoval, ito
ang nais itama ng bagong gabay sa pagkain. Inirerekomenda ng Food Nutrition
Research Institute (FNRI) na ang bawat kakainin natin ay binubuo ng 33% kanin,
33% gulay, 17% karne, at 17% prutas.
Layunin ng Pinggang Pinoy na umangkop sa Daily Nutritional Guide
(DNG) Pyramid.
http://. rappler.com/move-ph/issues/hunger/62419-pinggang-pinoy-filipino-food-guide

1. Ano ang layunin ng teksto?


______________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga nabanggit na source/pinagkunan ng mahalagang
impormasyon upang mabuo ang teksto?
_____________________________________________________________

3. Makatotohanan ba ang mga impormasyong ibinigay? Paano mo nasabi?


______________________________________________________________

4. Angkop ba naging pamagat ng teksto? Paano mo ito nasabi? Pangatwiranan.


______________________________________________________________

5. Aling pahayag ang nagbigay saiyo ng ideya upang matukoy ang pangunahing
kaisipan ng teksto?
______________________________________________________________

10
Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?
Tingnan ang sagot sa pahina 17.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-
aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, heto pa ang isa
pang gawaing magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2

Panuto: Pagmasdan at suriing mabuti ang mga larawan sa


ibaba. Sagutin ang mga tanong sa isang malinis na papel pagkatapos.

https://www.aljazeera.com/news/2020/03/coronavirus-lockdown-strikes-fear-manila-poor-200313133102404.html
https://thethaiger.com/coronavirus/6-new-covid-19-cases-announced-for-thailand-total-now-59-people

1. Ano ang nakikita mo sa mga larawan?


______________________________________________________________
2. Ano ang gusto mong malaman kaugnay ng mga nakalarawan na masasagot
lamang kapag naghanap ka sa iba’t ibang mapagkukunan ng impormasyon o
datos? Dugtungan ang sang dalawang hindi kompletong pahayag sa ibaba.
a. Gusto kong malaman ang ____________________________________
b. Gusto kong malaman ang_____________________________________
3. Bakit hindi basta masasagot sa pamamagitan ng pagtingin lang sa larawan
ang mga gusto mo pang malaman ukol sa mga nakalarawan?
______________________________________________________________

11
4. Paano mo maihahanap ng kasagutan ang mga gusto mong malaman?
Ipaliwanag ang sagot.
______________________________________________________________
5. Paano mo maiuugnay ang pangangalap ng datos sa gawaing ito?
______________________________________________________________

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

Balikan ang mga natutuhan sa naunang


mga gawain upang masagutan ang sumusunod
na pagsasanay.

Pagsasanay 3
Panuto: Basahin ang isang halimbawa ng
teksto. Sagutan ang mga katanungan pagkatapos.
Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19)


Ang Sakit na Coronavirus 2019 (COVID-19, Coronavirus Disease 2019) ay isang
sakit sa paghinga sa mga tao na sanhi ng bagong virus. Maaari itong kumalat mula
sa bawat tao. Dahil ito ay bagong virus, mayroon pang hindi natin alam, ngunit
natututo pa tayo tungkol sa COVID19 bawat araw. Ang pampublikong kalusugan sa
komunidad ng Minnesota ay nagsisikap upang mapabagal ang pagkalat ng COVID-
19 sa ating estado, at umaasa kami sa tulong ng bawat isa. Iwasan ang mga
pagpapalagay tungkol sa kung sino sa tingin mo ang may sakit. Hindi namimili ang
virus.

Mga Sintomas

Ang mga taong kumpirmadong may impeksyon ng COVID-19 ay nagkaroon ng


banayad hanggang malubhang sakit sa paghinga na may mga sintomas na:

▪ Lagnat

12
▪ Ubo

▪ Kahirapan sa paghinga

Ang mga taong may banayad na COVID-19 ay maaaring manatili sa bahay habang
sila ay may sakit. Dapat mong bawasan ang mga aktibidad sa labas ng iyong bahay,
maliban sa pagkuha ng medikal na pangangalaga. Tawagan sa iyong tagapagbigay
ng pangangalagang pangkalusugan kung kailangan mong humingi ng medikal na
pangangalaga.

Protektahan ang iyong sarili at iyong komunidad

Ang pinakamainam na mga paraan upang protektahan ang iyong sarili mula sa
COVID-19 ay gawin ang parehong mga bagay na iyong ginagawa upang
protektahan ang iyong sarili mula sa sipon at trangkaso: ▪ Hugasan ang mga kamay
nang madalas gamit ang sabon at tubig.

▪ Manatili sa bahay kung ikaw ay may sakit.

▪ Magtakip kapag umubo.

▪ Linisin at disimpektahan ang madalas na hinahawakang mga bagay at ibabaw.

Mag-ingat kung saan ka kumukuha ng impormasyon tungkol sa COVID-19. Ang mga


pangako ng "lunas" o garantisadong paraan upang maiwasan ang COVID-19 ay
hindi tumpak. Sa ngayon, walang bakuna para sa COVID-19.

1. Anong uri ng teksto ang binasa?


________________________________________________________________
2. Ano ang kaugnayan ng nilalaman ng teksto sa kasalukuyang nangyayari sa ating
daigdig?
________________________________________________________________
3. Bilang mag-aaral paano ka makatutulong upang mabawasan ang problema sa
COVID-19?
________________________________________________________________
4. Anong mga pamamaraan ang nabanggit upang makaiwas tayo sa ganitong
sakit?
________________________________________________________________

13
5. Bilang mamamayan ng Pilipinas, ano ang naramdaman mo sa pahayag MDOH
na, “Sa ngayon, walang bakuna para sa COVID-19”?
________________________________________________________________

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na


pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa
pahina 18.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

 ☺ 

Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga natutuhan


mo sa loob ng aralin. Huwag kang matakot dahil alam
kong kayang-kaya mo ito. Huling pagsubok na lamang ito
na kailangan mong sagutin.
Isulat Mo!
Panuto: Sumulat ng sarili
Panapos na Pagsubok
mong halimbawang tekstong
impormatibo. Dahil katotohanan at hindi sarili mo lang na opinyon ang pagbabatayan
sa iyong isusulat, mangangailangan ito ng pagkuha o pangangalap ng datos upang
mapaunlad ang tekstong iyong isusulat. Maaari kang mag-isip ng alinman sa mga
paksang nakalahad sa ibaba:

❖ Mga paraan ng pagpapanatiling malusog ng katawan


❖ Paglalakbay sa iba’t ibang lugar sa bansa kahit limitado ang badyet
❖ Pagsisimula ng negosyong puwedeng pagkakitaan kahit nag-aaral pa lamang
❖ Epekto sa katawan ng pagkaing na-proseso tulad ng de-lata, instant noodles,
at iba pa.
❖ Mga hakbang upang makapaghanda sa mga paparating na kalamidad na
likha ng kalikasan.
❖ Sariling piling paksa ___________________________________

14
Gawing gabay ang rubric sa ibaba para sa iyong susulating tekstong impormatibo.

Puntos Pamantayan
Ang tekstong impormatibo ay siksik sa mga bagong kaalamang
4
nakabatay sa mga angkop na datos mula sa pananaliksik
Ang tekstong impormatibo ay may taglay na mga bagong kaalamang
3
nakabatay sa mga angkop na datos mula sa pananaliksik
Ang tekstong impormatibo ay may taglay na ilang bagong kaalamang
2
nakabatay sa ilang mga datos mula sa pananaliksik.
Ang tekstong ay hindi maituturing na impormatibo dahil saw ala itong
1 mga bagong kaalamang taglay at wala ring mga datos na pinagbatayan
kundi pawang opinyon lamang

Sa wakas!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina 18.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.

 nagawa lahat  1 hindi nagawa


 2 hindi nagawa  3 pataas hindi nagawa

15
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga
gawain at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa mga


pagsasanay. Kaya parang gusto ko
pa ng karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain
Uumpisahan ko…Tatapusin mo!
Panuto: Dugtungan ang mga pahayag upang makabuo ng isang mahusay na
tekstong impormatibo. Isulat sa isang malinis na papel ang inyong teksto.

Ano ang Maaaring Gawin ng Isang Taong Nabiktima ng Cyberbullying?


Ang cyberbullying, tulad din ng iba pang uri ng bullying ay nagkakaroon ng
matitinding epekto sa buhay at pagkatao ng biktima kaya ipinapayo ng mga
ekspertong hindi dapat manahimik lang ang sinumang nakararanas ng ganitong
pangyayari sa buhay. Ipinapayo ni Sonnie Santos, isang eksperto sa cyberbullying
ang pagsasagawa ng alinman sa mga sumusunod, depende sa sitwasyon o
pangangailangan.
1._______________________________________________________
2._______________________________________________________
3._______________________________________________________
4._______________________________________________________
5._______________________________________________________
6._______________________________________________________
7._______________________________________________________
8.________________________________________________________
Kung sakaling mabiktima ng cyberbullying, gumawa ng mga hakbang upang
mahinto ito. Huwag bastang manahimik at sa halip magsuplong sa kinauukulan.
Maaaring makipag-ugnayan sa __________________________________________

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang


saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kaibigan!

16
17
Panimulang Pagsubok
1. Ito ay tekstong impormatibo
2. Dahil ang balita ay isang babasahing di-piksyon at nagbibigay ng
impormasyon.
3. Kailangang ilahad ang pinagkunan ng impormasyon upang mas maging
makatotohanan ang teksto.
4. Ang tumatak saakin ang naging pahayag ni Dr. Rabindra Abeyasinghe
na ang virus na ito ay maaaring ‘human to human transmission”.
5. Naging mas epektibo ang teksto dahil sa paggamit ng mga nakalap na
datos.
Pagsasanay 1
1. Layunin ng teksto na magbigay ng impormasyon tungkol sa Chronic
Energy Defecient (CED).
2. Kumuha ng datos sa National Nutrition Survey (NNS) at sa pahayag ng
espesyalistang si Ma. Jovina Sandoval ng Food Nutrition Research
Institute (FNRI).
3. Makatotohanan ito sapagkat may ginamit na mga istadistika sa mga
datos na nabanggit sa teksto.
4. Angkop ang naging pamagat dahil akma ito sa nilalaman ng teksto.
5. Ang pahayag na “Tinitingnan bilang panganib sa kalusugan ang
abnormal na pagdagdag ng taba, pangunahing dahilan sa maling uri ng
pagkain”.
Pagsasanay 2
1. Ang nakikita sa larawan ay mga taong naglilinis ng MRT/LRT, mga
taong nakapila at naka-mask, at mga batang naghuhugas ng kamay.
2. A. Gusto kong malaman kung bakit tila magkakaugnay ang mensahe ng
larawan.
B. Gusto kong malaman kung may kaugnayan ang bawat larawan sa
nangyayaring pandemya sa buong daigdig.
3. Dahil kung larawan lamang ang pagbabasehan sa isang sulatin kulang
ito ng detalye.
4. maihahanapa ko ito ng kasagutan sa pamamagitan ng pagkakalap ng
datos o impormasyon.
5. Upang mas maging mahusay ang pagkakabuo ng isang teksto
kailangang humanap ng mga datos na makapagbibigay ng mga angkop na
impormasyon at may kaugnayan sa paksang isusulat mo.
Susi sa Pagwawasto
18
Pagsasanay 3
1. Tekstong impormatibo
2. May kaugnayan ang nilalaman ng teksto sa kasalukuyan dahil totoong
nangyayari ngayon sa buong daigdig ang COVID-19.
3. Bilang kabataan makatutulong ako sa pamamagitan ng pagsunod sa mga
panukala ng ating komunidad at bansa.
4. Ang mga nabanggit ay ang mga sumusunod: manatili sa bahay kung ikaw
ay may sakit, magtakip kapag umuubo, linisin at disimpektahin ang mga
bagay na nahawakan.
5. Pagkadismaya at takot dahil marami ngayon ang mga kumakalat na fake
news na meron ng bakuna sa COVID-19 subalit ang katotohanan ay wala
pa.
Panapos na Pagsubok
(gamitin ang rubric sa pagwawasto)
Sanggunian
Aklat
Bandril, Lolita T. et.al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik (Batayang Aklat).Vibal Group Inc.1253 Gregorio Araneta Avenue,
Quezon City, Pgilippines.pp.11-12
Dayag, Alma M. et.al. Pinagyamang Pluma: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.Phoenix Publishing House.Inc. Lungsod ng
Quezon.p.17-18,23-24.

Elektroniko
https://www.modules.arvicbabol.com
https://www.coursehero.com/u/file/43539072/COMPLETEdocx/?justUnlocked
=1#doc/qa
Larawan
https://www.aljazeera.com/news/2020/03/coronavirus-lockdown-strikes-fear-
manila-poor-200313133102404.html
https://thethaiger.com/coronavirus/6-new-covid-19-cases-announced-for-
thailand-total-now-59-people

19
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like