You are on page 1of 11

Republic of the Philippines CENTRAL BICOL

STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,


Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 9

IKALAWANG MARKAHAN

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
 Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga piling akdang tradisyunal
ng Silangang Asya.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
 Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
pagiging isang Asyano.
C. KASANAYAN SA PAGKATUTO
Sa pagkatapos ng aralin, 80% ng mag-aaral ay inaasahang:
a. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku
(F9PT-IIa-b-45).
b. Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa tanka at haiku ng Silangang Asya (F9EP-IIa-
b-15).
c. Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang anyo at sukat (F9PU-iia-b-47).

II. PAKSANG-ARALIN
a. Paksa: Tanka at Haiku ng Japan
b. Batis: Modyul sa Filipino 9, Kuwarter 2 p. 88-96
c. Kagamitan: Laptop, Projector, cartolina, colored paper, powerpoint presentation
d. Kakayahang dapat linangin sa mag-aaral: Pag-unawa, Pagsulat at Estratehiya sa Pag-aaral
e. Konsepto: Maunawaan ang kahulugan ng Tanka at Haiku ng Japan.
f. Halagang Pangkatauhan: Pag-unawa at pagpapahalaga sa panitikang Asyano
g. Integrasyon sa mga Asignatura: English
h. Estratehiya: Pagtalakay at Gawain
i. Metodolohiya: 4p’s (Pagganyak, Pagtalakay, Paglalapat at Paglalahat)

III. SANGGUNIAN
Panitikang Asyano 9
Curriculum Guide sa Filipino

IV. PAMAMARAAN
Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. PANIMULANG GAWAIN
1. Pagbati
Isang mapagpalang araw po sa ating Magandang araw din po.
lahat! Kumusta naman kayo? Maayos naman po.
Mabuti naman at nasa maayos kayong
kalagayan.

2. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa ating (Panalangin)
panalangin. Sa ngalan ng ama, ng anak at spiritu santo, amen.
Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito.
Nawa’y bigyan mo ng lakas ng loob at gabay ang
bawat isa sa amin na mapagtagumpayan namin
ang lahat ng pagsubok. Ito ay hinihiling naming sa
pangalan ni Hesus, amen. Sa ngalan ng ama, ng
anak at ng espiritu santo, amen.

3. Pagsasaayos ng silid
Bago kayo umupo, maaari bang pakipulot (Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga basura at
muna ng mga basurang nakikita niyo sa aayusin ang kaniya-kaniyang mga upuan.
inyong paligid at pakiayos na rin ng
inyong mga upuan.

4. Pagtala ng liban
May liban ba sa ating klase ngayon? (Ililista ang liban sa klase)
Kalihim, pakitala ng liban sa klase
ngayong araw na ito.

5. Pagmamarka ng takdang-aralin
Kahapon ay mag ibinigay ako sainyong (Kukunin ang takdang-aralin at ipapasa ito sa
takdang-aralin, pakipasa na lamang ito sa unahan)
unahan at akin itong mamarkahan maya-
maya.

6. Pagbabalik-aral
Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

Bago tayo dumako sa ating bagong paksa Bb. Ezza: Ma’am! Kahapon ay tinalakay po natin
ngayon, balikan muna natin ang paksang ang tungkol sa Elihiya ng Bhutan kung saan ang
tinalakay natin kahapon. Ano nga ulit ang Elihiya po ay isang tulang liriko na naglalarawan
paksang tinalakay natin kahapon? Bb. ng pagbubulay-bulay o guni-guni na nagpapakita
Ezza? ng masidhing damdamin patungkol sa alaala ng
isang mahal sa buhay. Binigyang-pansin po natin
ang isang halimbawa ng Elihiya ng Bhutan na may
pamagat na “Elihiya sa Kamatayan ni Kuya”.
Magaling Binibini! Tunay ngang nakikinig
ka sa naging talakayan natin kahapon!

B. PAGGANYAK
Bago ko buksan ang talakayan natin ngayon,
ay may inihanda ako ritong unang gawain.
Ang gawaing ito ay tatawagin nating “LETRA
KO, BUOIN MO”. Simple lang naman ang
gawaing ito. Katulad ito ng jumbled letter
ngunit ang kaibahan lamang ay may kasama
itong larawan. Ang gagawin niyo lamang ay
isasa-ayos niyo ang nakagulong mga letra sa
katabi ng larawan. Samakatuwid, ang salitang
mabubuo niyo mula sa pinaghiwa-hiwalay na
letra ang siyang tutugon sa larawan.
Maliwanag ba?
Opo!
1. Payapa at tahimik
Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuhay.

NAKTA
Sagot: TANKA

2.
Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

KAUHI
Sagot: HAIKU
3.

AAPNJ
Sagot: JAPAN
Mahuhusay!

Base sa ating unang gawain, ano sa tingin


ninyo ang ating paksa ngayon? Bb. Ilagan, Bb. Ilagan: Tanka at Haiku ng Japan
may ideya ka ba?

Magaling, Binibini! Tama ang iyong tinuran.


Tanka at Haiku nga ng bansang Japan ang
ating paksa sa araw na ito.

Sino naman ang maaaring magbasa ng ating


layunin para sa araw na ito? Layunin:
a. Nasusuri ang pagkakaiba at pagkakatulad
ng estilo ng pagbuo ng tanka at haiku.
b. Nasasaliksik ang kulturang nakapaloob sa
tanka at haiku ng Silangang Asya.
c. Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa
tamang anyo at sukat.
Maraming salamat!

C. PAGTALAKAY
Ngayon naman ay dadako na tayo sa ating
paksa. Alamin muna natin ang kahulugan at TANKA
kung ano ang tanka. Pakibasa Bb. Occidental  Maiikling awitin na puno ng damdamin.
ang kahulugan ng Tanka.  Karaniwang paksa ay pagbabago, pag-iisa
Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

o pag-ibig.
 Binubuo ng tatlumpu’t isang pantig na
may limang taludtod. Karaniwang hati ng
pantig sa mga taludtod ay: 7-7-7-5-5, 5-7-
Maraming salamat, Binibini! Ayon nga sa 5-7-7 o maaaring magkapalit-palit.
kahulugan nito, sinasabing ang Tanka sa
bansang Japan ay itinuturing na maiikling
awitin sapagkat ito ay nagpapahayag ng
emosyon at kaisipan na katulad ng liriko sa
isang awitin. Ito ay binubuo ng kabuoang 31
pantig na nahahati sa 7-7-7-5-5, 5-7-5-7-7 o
maaaring magkapalit-palit sa loob ng limang
taludtod.

Upang lubos niyong maunawaan kung ano


ang Tanka, narito ang halimbawa. Basahin Hapon:
mo Bb. Akimoto ang salin sa hapon.  Hi-sa-ka-ta no
Hi-ka-ri no-do-ke-ki
Ha-ru no hi ri
Shi-zu ko-ko-ro na-ku
Ha-na no chi-ru-ra-mo
Naunawaan niyo ba ang halimbawa?
Hindi po!
Huwag kayong mag-alala dahil narito ang
salin nito sa Wikang Filipino. Bb. Globo, Filipino:
pakibasa ng salin ng halimbawa ng tanka sa  Payapa at tahimik
Wikang Filipino. Ang araw ng tagsibol
Maaliwalas
Bakit ang Cherry Blossoms
Naging mabuway.
Maraming salamat, Binibini! Bigyang-pansin
natin ang halimbawang ito.

Sa tingin niyo, ano kaya ang paksa ng


halimbawang ito? Ma’am, ito po ay may paksang pagbabago!
Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

Tama! Ito nga ay pumapatungkol sa


pagbabago. Paano kaya nasabing ito ay
pumapaksa sa pagbabago?
Ma’am, sapagkat ito po ay tumutukoy sa
pagbabago ng panahon, kung paanong ang araw
ng tagsibol ay biglang nagsilagasan ang bulaklak
ng Cherry Blossoms.
Mahusay binibini! Tunay na naunawaan mo
ang tula. Ngayon, sa tingin niyo tama kaya
ang bilang ng mga pantig sa bawat taludtod?
Opo!
Pag-pantigin nga natin upang tayo ay
makasigurado. Pa-ya-pa at ta-hi-mik 7 pantig
Ang a-raw ng tag-si-bol 7 pantig
Ma-a-li-wa-las 5 pantig
Ba-kit ang Che-rry Blo-ssoms 7 pantig
Na-ging ma-bu-hay. 5 pantig
Ayun! Tama ba?
Opo!
Tama! Ito nga ay may angkop at wastong
pantig na kinakailangan sa isang Tanka. Ang
halimbawa ay nahahati sa 5 taludtod na may
bilang ng pantig na 7-7-5-7-5 na may
kabuoang pantig na 31.

Naunawaan na ba ng lahat kung ano ang


Tanka? Opo!

Magaling! Kung gayon ay dadako na tayo sa


sunod nating tatalakayin. Alamin naman HAIKU
natin ngayon ang kahulugan ng Haiku sa  Ang bagong anyo ng pagbuo ng tula ng
bansang Japan. Pakibasa ng kahulugan nito G. mga Hapon.
Fuentes.  Karaniwang paksa ay tungkol sa kalikasan
at pag-ibig.
 May labimpitong bilang ang pantig na
Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

may tatlong taludtud. Maaaring ang hati


ng pantig sa mga taludtud ay: 5-7-5 o
maaaring magkapalit-palit din.

Maraming salamat, Ginoo! Ayon nga sa


kahulugan nito, sinasabing ang Haiku ay
umusbong matapos ang Tanka. Mas maiksi
ito kumpara sa Tanka ito ay binubuo lamang
ng kabuoang pantig na 17 at nahahati 5-7-5 o
maaaring magkapalit-palit sa loob ng 3
taludtod lamang.

Upang lubos niyong maunawaan kung ano Hapon:


naman ang Haiku, narito ang halimbawa.  ha-tsu shi-gu-re
Basahin mo Bb. Cordial ang salin sa hapon. sa-ru mo ko-mi-no wo
ho-shi-ge na-ri

Naunawaan niyo ba ang halimbawa? Hindi po!

Huwag kayong mag-alala dahil narito ang Filipino:


salin nito sa Wikang Filipino. Bb. Pida,  Matandang sapa
pakibasa ng salin ng halimbawa ng tanka sa Ang palaka’y tumalon
Wikang Filipino. Lumalagaslas

Maraming salamat, Binibini! Bigyang-pansin


natin ang halimbawang ito.

Sa tingin niyo, ano kaya ang paksa ng Ma’am, ito po ay tungkol sa kalikasan.
halimbawang ito?

Tama! Ito nga ay pumapatungkol sa Sapagkat ito po ay pumapatungkol sa palaka na


kalikasan. Paano kaya nasabing ito ay kung saan ito ay parte ng kalikasan.
pumapaksa sa kalikasan?
Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

Mahusay! Tunay na naunawaan mo ang tula. Opo!


Ngayon, sa tingin niyo tama kaya ang bilang
ng mga pantig sa bawat taludtod?

Pag-pantigin nga natin upang tayo ay Ma-tan-dang sa-pa 5


makasigurado. pantig
Ang pa-la-ka’y tu-ma-lon 7
pantig
Ayun! Tama ba? Lu-ma-la-gas-las 5
pantig
Tama! Ito nga ay may angkop at wastong
pantig na kinakailangan sa isang Haiku. Ang Opo!
halimbawa ay nahahati sa 3 taludtod na may
bilang ng pantig na 5-7-5 na may kabuoang
pantig na 17.

Naunawaan na ba ng lahat kung ano ang


Haiku?

D. PAGLALAPAT Opo!
Batid kong natuto na kayo kung ano ang ibig-
sabihin ng tanka at haiku at kung paano ito
isinusulat. At sa sandaling ito ay dadako na
tayo sa sunod nating gagawin. Magkakaroon
tayo ng pangkatang gawain. Hahatiin ko ang
klase sa tatlong pangkat. Simple lang naman
ang gagawin niyo, may itatalaga akong
gawain

sa bawat pangkat at nararapat lamang na


mapunan ng bawat pangkat ang gawaing
iyon.

Pangkat 1: Isa-isahin ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng Tanka at Haiku gamit ang
Venn Diagram.
Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

Pangkat 2: Suriin ang Tanka ni Prinsesa


Nukada na may pamagat na “Naghihintay
Ako” at ibigay ang paksa at mensahe nito

“Naghihintay Ako”

Naghihintay ako, oo
Nanabik ako sa’yo
Pikit-mata nga ako
Gulo sa dampi
Nitong taglagas

Pangkat 3: Suriin ang Haiku ni Gonzalo K.


Flores na may pamagat na “Anyaya” at ibigay
ang paksa at mensahe nito.

“Anyaya”

Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta

Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto


upang tapusin ang gawain. Naunawaan ba ng
lahat ang gagawin?
Opo!
(Papangkatin na ang klase)

Ngayon, maaari niyo ng simulan ang pag-


Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

uusap para sa inyong gawain. (Tatayo at pupunta sa kani-kanilang grupo upang


pag-usapan ang kanilang gagawin.)
Ang inyong limang minuto ay tapos na.
Maaari ng simulan ng unang pangkat ang
pagbabahagi ng kanilang gawain. Susundan
ito ng ikalawa at ikatlong pangkat.

(Pag-uulat ng tatlong pangkat)


(Ang bawat pangkat ay mag-uulat ng natapos
nilang gawain.)
Mahuhusay aking mag-aaral! Tunay na
natuto kayo sa ating talakayan ngayon!

E. PAGLALAHAT
Ngayon, sino naman ang nais magbahagi ng
kaniyang natutuhan para sa paksa natin (Tatayo si Bb.Bragais upang magbahagi ng
ngayon? Gng. Bragais, maaari mo bang kaniyang natutuhan)
ibahagi sa amin ang iyong natutunan
patungkol sa ating talakayan?

Magaling po Bb. Bragais.

May katanugan pa po ba? Klaripikasyon? O


may hindi naunawaan? Wala na po!

Kung gayon, kumuha ng isang-kapat ng papel


para sa ating pagtataya. (Ang mga mag-aaral ay kukuha ng papel at
dadako sa pagtataya)
V. EBALWASYON
Panuto: Kumuha ng isang-kapat na papel. Sa loob nito ay gumawa o sumulat ng isang Tanka o Haiku.
Pipili lamang ng isa sa dalawa, kung tanka o haiku ang gagawan ng tula. Mamarkahan ang ginawa
base sa pamantayan na makikita sa ibaba.

Pamantayan 5 3 2
Republic of the Philippines CENTRAL BICOL
STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE Sta. Rosa Del Norte, Pasacao,
Camarines Sur, 4417 Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunk line: (054) 513-9519

Paksa: Nasusunod ang paksa ng Tanka at Haiku.


Nilalaman: Angkop ang paggamit at baybay ng mga
salita.
Istruktura/Anyo: Wasto ang mga sukat/bilang ng pantig
at taludtod ng tulang Tanka o Haiku.

VI. TAKDANG-ARALIN
Ipaliwanag ang kasagutan sa tanong na:
 Paano naiiba ang tanka at haiku sa iba pang uri ng tula?

Inihanda ni:
MA. ANA C. MATALOTE
BSED FILIPINO IV

Iwinasto ni:
ELMA ADANTE-ROSALES, Ed. D
Prof. ITCT

You might also like