You are on page 1of 34

PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON

The National Center for Teacher Education


The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

MASUSING BANGHAY ARALIN


(Detailed Lesson Plan)
Filipino 9

IKALAWANG MARKAHAN
PAKSANG ARALIN: PONEMANG
SUPRASEGMENTAL
(Pakikinig-Pagsasalita)

Inihanda ni:
John-Mark A. Agsunod
Iwinasto ni:
Propesor John A. Furuc
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang
Pangnilalaman komunikatibo,mapanuring pag-iisip, pag-unawa at
pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya
at iba’t ibang uri ng teksto at saling-akdang Asyano
upang mapatibay ang pagkakakilanlang Asyano.
B. Pamantayan sa Pagganap Ang mga mag-aaral ay nakapagtatanghal ng kulturang
Asyano batay sa napiling akdang pampanitikang
Asyano.
C. Kasanayan sa Pagkatuto Pagkatapos ng 60-minutong talakayan ang mga mag-
aaral sa baitang 9 ay inaasahang:
a. Nabibigyang kahulugan kung ano ang
ponemang suprasegmental at mga uri nito.
b. Napapahalagahan ang paggamit ng
antala/hinto, diin at tono sa pagbabahagi ng
mensahe batay sa mga napakinggang tanka at
haiku.
c. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto,
diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku
F9WG-IIa-b-47
II. NILALAMAN/ Aralin 2. Mga Akdang Pampanitikan sa Silangang
PAKSA Asya
Gramatika/Retorika: Ponemang Suprasegmental
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa Gabay ng Ikalawang Markahan- MELC SY 2022-2023, Pahina
Guro 179
Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya
2. Mga Pahina sa kagamitang Modyul sa Filipino sa Baitang 9- Panitikang Asyano
pang-Mag-aaral (Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino)
3. Mga Pahina sa Teksbuk Filipino 9- Ikalawang Markahan, Aralin 2.1
Gramatika/Retorika: Ponemang Suprasegmental, pp.
96
4. Karagdagang Kagamitan Video Clips, Audio Clips, Kagamitang Biswal
sa portal ng Learning
Resources
B. Iba pang Learning Powerpoint presentation
Resources
VI. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain

1. Pagbati

(Magplaplay ng mga sikat na tiktok


songs at sasayawin ng buong klase
habang papunta sa kanilang mga
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

upuan)

Magandang Umaga Grade 9 Rizal! Magandang Umaga po, sir!

Pagsinabi kong TIKTOK, sabihin


niyo G!

TIKTOK! G!
TIKTOK! G!

Pagsinabi kong TIKTOK, sabihin


niyo G!
TIKTOK! G!
TIKTOK! G!

G. na G! Go na Go! Talaga namang


aktibo at bibong bibo ang bawat isa
sa araw na ito.
2. Panalangin

Bago natin simulan ang isa Tayo ay manalangin, Panginoong makapangyarihan sa


nanamang kapanapanabik na lahat sinasambat, pinupuri ka po namin sa araw na ito.
talakayan tayo ay manatiling Panginoon, taos puso po kaming nagpapasalamat sa
nakatayo para sa isang panalangin. lakas, kaalaman at lahat ng biyayang aming
Bb. Lacerna, pangunahan mo ang natatanggap at tatangapin pa panginoon. Maraming
panalangin sa araw na ito. salamat na muli nanaaman po kaming naririto upang
matuto at makibahagi sa isa nanamang makabuluhang
talakayan. Patawarin niyo po kami sa mga nagawa po
naming kasalanan sinadya man po namin o hindi.
Hiling po naming na maging matagumpay ang aming
talakayan sa araw na ito. Ikaw po sana ang manguna sa
bawat isa lalong lalo na sa aming guro na siyang
magiging gabay upang mabuksan muli an gaming
isipan sa isang panibagong kaalaman panginoon. Ito
lang po an gaming samo at dalangin, sa matamis na
pangana mo Hesus, Amen.
3. Pagsasaayos ng klasrum
Bago kayo umupo ay gawin na
muna ang SIYAM,
S-Siguraduhing ang mga gamit ay
nasa tamang lalagyan.
I- Ihanay ang mga upuan.
Y-Yamang kaisipan ay ihanda para
sa talakayan.
A- Alisin ang mga bagay na hindi
kailangan; at siguraduhing
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

M- Malinis ang kapaligiran.

Maayos na ba ng lahat?
Opo, sir.
Kung gayon ay maaari na kayong
umupo.

4. Pagtala ng lumiban sa
klase
Bb. Secretary may lumiban ba sa
ating klase sa araw na ito? Wala po, sir.

Mabuti kung gan’on, nakatitiyak


akong lahat kayo ay matutuwa sa
ating malikhaing talakayan.

Lahat ba kayo ay gumagamit ng


tiktok app? Opo, sir.

Mainam kung gan’on nakatitiyak


akong lahat kayo ay magiging
interesado sa ating talakayan sa
araw na ito.

Ating samahan si Ginoong Juan sa


kanyang paglalakbay sa mundo ng
tiktok. Kung kayo ay handa na
isigaw ang katagang , “G! Ginoong
Juan” pagkatapos kong sambitin
ang aking tanong.

Handa na ba kayong maglakbay at


matuto kasama si G. Juan sa
Mundo ng Tiktok Grade 9 Rizal? G! Ginoong Juan.

Handang-handa na nga ang bawat


isa ngunit bago tayo mag-umpisa,
narito ang panuntunan na dapat
niyong isaalang-alang upang
maging responsableng mag-aaral sa
mundo ng Tiktok.

Pakibasa mo nga Bb. Ortiz (Tatayo at babasahin ni Bb. Ortiz)


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

PANUNTUNAN SA MUNDO NG TIKTOK

T- Tiyaking handa sa panibagong talakayan


I- Ihanda ang kaisipan sa mga nakaabang na
katanungan
K- Kooperasyon ang magiging sandata sa talakayan
T- Tumpak na sagot ay ibahagi sa usapan
O- Oras ng talakayan ay pahalagahan
K- Kaalaman ay payabungin at mas pagtuonan.
Maraming salamat Bb. Natitiyak
kong handa na nga kayong matuto.
Kung gan’on, halinat buksan na
ang ating tiktok app upang
dalumatin ang iba’t-ibang
kaalaman. (Nagbukas ang tiktok app sa presentation)

Sa pagbubukas ng ating Tiktok app


mayroon akong tatlong Icon. Ang
puso o heart icon na siyang
sumisimbolo na naintindihan,
sumasang-ayon , at nakakasunod,
Ang Komento o comment icon na
siyang sumisimbolo na kayo ay
handing sumagot sa mga
katanungan at ang Bahagi o share
icon na sumisimbol na nais mong
ibahagi ang iyong natutunan sa (Ibinigay ang mga icon sa mga mag-aaral)
araw na ito.

Ang mga Icon na hawak niyo ay


inyong itataas kung ito ang Opo,sir.
kinakailangan sa talakayan.
Maliwanag ba?

Magaling!
5. Balik-Aral

Kahapon ay ating tinalakay ang


tulang Haiku at Tanka

Sino ang makapagbibigay ng


natatandaan niya tungkol sa tulang
haiku?

Richie? Ang haiku ay isang uri ng tula na may tatlong taludtod.


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Ito ay sumusunod sa 5-7-5 na pantig sa bawat taludtod.


Karaniwang nagpapahayag ito ng isang maikling
karanasan o pag-observe sa kalikasan o buhay.

Magaling! Ano naman ang


dalawang uri ng ponemang
segmental?

G. Reyes.

Ang tanka ay isang uri ng tula na may limang taludtod.


Ito ay sumusunod sa 5-7-5-7-7 na pantig sa bawat
taludtod. Karaniwang naglalaman ito ng mas malawak
na paglalarawan o emosyon, at nagpapahayag ng mga
pagnanais, pag-ibig, o pagmamalabis sa kalikasan o
Mahusay! Tunay ngang naikintal sa buhay.
inyong isipan ang paksang ating
natalakay kahapon.
5. Pagganyak
Simulan na nating mag-scroll sa
ating Tiktok App.

(May magplaplay na Video)

Sa una nating video tayo ay


maglalaro. Ang larong ito ay
pinamagatang LYRICS KO,
HULAAN MO!

Ito ay pangkatang gawain.


Narito ang inyong magiging grupo.

Ang unang grupo ay tatawaging


pangkat Tiktok Matikas, katulad
ng diin inaasahang maipamalas
niyo ang angking kahusayan sa
matikas na pagbibigakas ng mga
salita upang maipabatid ang tunay
na kahulugan.

Ang pangalawang grupo naman ay


tatawagaing Tiktok Marikit,
katulad ng tono magkaroon sana ng
marikit na indayog ng mga salita
ang inyong mga pahayag upang
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

mamukadkad ang tinataglay nitong


damdamin.

At ang huling grupo naman ay


tatawaging Tiktok Matatag,
katulad ng Antala o hinto,
magbigay sana ng tatag ng mensahe
ang mga bantas na nakalapag sa
mga pahayag na inyong bibigkasin.

Maaari na kayong pumunta sa


inyong grupo, ang Tiktok Matikas
ay sa kanang bahagi ng silid ,
samantalang ang Tiktok marikit
naman ay pupwesto sa gitna at ang
Tiktok Matatag ay pupwesto sa
kaliwa.

Pagkatapos ko bumilang ng sampo


ay nasa kanya-kanya na kayong
grupo at bumuo ng bilog.

(Bibilang hanggang sampu)

Upang mas maunawaan ang ating


laro Bb. Estocapio, maaari mo bang
basahin ang panuto. PANUTO:
-May pakikinggan na kilalang musika, mula rito may
salita na magkaparehong babanggitin ngunit magkaiba
ang diin, tono at antalang ginamit.
-Ang bawat grupo ay magtutungang huhulaan kung
anong salita ang tamang sagot.
- Kung alam na ang sagot ay itataas lamang ng bawat
miyembro ang kanang kamay at sabay-sabay na
isisigaw ang kanilang kasagutan.

Opo, sir.
Naunawaan ba ang panuto, klas?

Kung gayon ay ihanda na ang


inyong sarili at atin nang sisimulan
ang LYRICS KO, HULAAN MO!

Narito ang unang kanta.


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

(Ang dating tamis ng pagsasama,


nasa'n na? Ba't sa 'ting dal'wa, ako
na lang ( a.natira. - b. natira?)
Tinig mong kay ganda, maririnig
pa ba?)

Unang nagtaas ng kamay ang b. natira?


Tiktok Marikit, ano ang inyong
kasagutan?

Tama nga ba ang kanilang


kasagutan? Ang tamang sagot ay b.
natira?

Isang puntos tiktok marikit.

Panglawang kanta

( Nauuhaw, naliligaw, nanliligaw,


humihiyaw Nalulunod sa kada
taludtod ng pagkatao mo
Nakakatulalang tula, bawat bigkas
ng (a. LA:bi – b. la:BI) mo a. LA:bi
Nauuhaw, sumisigaw

Una namang nagtaas ng kamay


ngayon ang tiktok Matikas, ano ang
inyong kasagutan?

Ahaa, tama nga ba ang inyong


sagot? Ang tamang sagot ay a.
LA:bi

Pangatlong kanta.

(Gento gento 'Di 'to basta-basta


bingo bingo Need mo makumpleto
parang bento gento Ano kaya mo
Pilit na (a. hinukay=132 – b.
hinukay=213) ang bumbunan
makakita lang ng ginto ginto Kahit a. Hinukay=132
na wala pang hinto ciento por
ciento bawat bitaw ko mismo 'eto
kaya mo
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Una namang nagtaas ngayon ng


kamay ang tiktok metatag, ano ang
inyong kasagutan?

Tama nga kaya? Ang tamang sagot


ay a. Hinukay=132

Pang-apat na kanta.

( Lalakad na ala-beauty queen,


awra ko'y will make you scream
Ganda kong nagniningning, lalo b. da:TING
kang mapapatingin 'Di ko na
kailangan na magpaganda, (a.
DA:ting – b. da:TING) ko pa
lang, panalo na 'Di ko need ng
filters sa camera, naturang ganda'y
ibandera)

Unang nagtaas ang pangkat tiktok


matikas, ano ang inyong
kasagutan?

Tama ng aba? Ang tamang sagot ay


b. da:TING. Mahusay!

Panghuling kanta.

( O magandang dilag puso ko'y


yong nabihag Wala nang ninanais
(a. ligaya=132 – b. ligaya=123)
kang labis O magandang dilag oh)

Pagbati! Natapos na ang ating laro.


Ang inyong mga gantimpala ay
matatanggap niyo pagkatapos ng
ating talakayan.

Bago tayo dumako sa talakayan ay


gawin na muna ulit ang SIYAM

S-Siguraduhing ang mga gamit ay


nasa tamang lalagyan.
I- Ihanay ang mga upuan.
Y-Yamang kaisipan ay ihanda para
sa talakayan.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

A- Alisin ang mga bagay na hindi


kailangan; at siguraduhing
M- Malinis ang kapaligiran.

7. Paglalahad
Sa ating isinagawang laro , ano
sa tingin niyo ang mga
kasagutang inyong inilahad?

Subukin mo nga, G. Sibuyan Ang mga ito ay patungkol sa Ponemang


Suprasegmental, sir.

Mahusay G. Sibuyan. Bigyan


natin siya ng TIKTOK CLAP.
Sundan niyo lamang ako.

(Ituturo ang clap sa mga mag-


aaral)

Lahat ng inyong natunghayan at


naging kasagutan sa laro ay
may malaking kaugnayan sa
ating talakayin.

Ngayon naman ay dadako na (Nagpakita ang panibagong bidyo)


tayo sa panibagong bidyo ,
iiscrool na natin.

Sa pagsisimula ng ating MGA LAYUNIN:


talakayan, maaari mo bang 1. Nabibigyang kahulugan ang kung ano ang
basahin Bb. Bulisa kung ano- ponemang suprasegmental.
ano ang mga layunin sa mga 2. Napapahalagahan ang paggamit ng
susunod pang bidyo. antala/hinto, diin at tono sa pagbibigkas o
pagbabahagi ng mensahe batay sa mga
napakinggang tanka at haiku.
Maraming salalamat, KC! 3. Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto,
Pakibasa nga rin ang mga diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku.
nakahandang gabay na tanong
na ating sasagutan sa talakayan, MGA GABAY NA TANONG:
Bb. Ferrer.
4. Ano ang ponemang suprasegmental.
5. Paano ang wastong diin, toni at antala upang
maipahayag ang iyong damdamin o
kahulugang nais mong ipabatid?
6. Bakit mahalagang malaman ang mga
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

ponemang suprasegmental?

Maraming salamat Bb. Ferrer.

Ngayong nalaman na natin ang


mga layunin at gabay na tanong
na dapat nating bigyang
kasagutan ay sisimulan na natin
ang ating talakayan.

Sabihin ang Tiktokan Na


Ginoo! kung handa na
pagkatapos ng aking tanong, Tiktokan na Ginoo!
Grade 9 Rizal Handa na ba
kayo?

8. Pagtalakay
Ngayon klas, halina’t tayo’y
dumako sa ating susunod na
bidyo. Ihanda na ang inyong
mga isipan lalo na ang inyong
mga sarili sapagkat sa puntong
ito atin nang matutunghayan
ang nilalaman ng isang
malaman na bidyo.

Sa bidyong ito may mga nag-


aabang na Tiktok Rewards na
tiyak na mapapasainyo kung
kayo ay aktibong makikibahagi
sa ating talakayan.

Naintindihan ba, klas? Opo,sir.

Ating isearch sa search bar ang


ating topiko upang ating
mahanapan ang pag-uusapan
ngayong araw. Pupunta lamang
tayo sa discover section at I-
sesearch ang ating topiko.

Narito na ang bidyo para sa


ating talakayan, ang paksang
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

ating tatalakayin ay tungkol sa


Ponemang Suprasegmental.

Sa puntong ito, mapapansin


natin ang bawat salita, o
pangungusap na ating
binibigkas ay may
makahulugang tunog na
kinakailangan upang
maipahayag ang nais ibahagi ng
isang nagsasalita.

Kayat napakahalaga na pag-


aralan natin ang paksang ito
sapagkat, tayo ay
nakikipagkomunikasyon sa
araw-araw.

Ano nga ba ang ponemang


suprasegment?

Pakibasa monga, Bb. Daep

PONEMANG SUPRASEGMENTAL- Ito ay


makabuluhang tunog. Sa paggamit ng suprasegmental,
malinaw na naipahahayag ang damdamain, saloobin, at
kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan,
layunin o instensyon ng pahayag o ng nagsasalita sa
pamamagitan ng diin, tono o intonasyon, at antala o
hindo sa pagbibigkas at pagsasalita.
Maraming salamat, Bb Daep, dahil
diyan ay mayroon kang Isang coin
na siyang magagamit mo upang
makabili ng kaalaman sa ating
tiktok shop pagkatapos ng
talakayan.

Kagaya ng nasabi ko kanina, tayo


ay araw-araw na
nikikipagtalastasan, at sa bawat
parirala o salita sa ating
pangungusap may katumbas itong
mahahalagang tunog upang sa
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

gano’n ay mas epektibo nating


maipahayag ang nais nating
ipabatid.

May tatlong Uri ng Ponemang


Suprasegmental na tiyak na
makatutulong sa atin sa
pagbibigkas ng mga salita o
pangungusap. DIIN-Ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng
tinig sa pagbibigkas ng isang pantig sa salita.
Una ay ang Diin.

Pakibasa mo nga G. Edward.

Maraming salamat. Narito ang


iyong Tiktok Coin.

Ang diin ay isang ponema sapagkat


sa mga salitang may iisang tunog o
baybay, ang pagbabago ng diin ay
nakapagpapabago ng kahulugan
nito. Ginagamit ang simbolong /:/ upang ma ang pantig
ng salita na may diin. Maaari namang gamitin sa
Para sa karagdagang impormasyon, pagkilala ng pantig na may diin ang malaking titik.
maaari mo ba itong basahin, Bb.
Panganiban?

Maraming salamt Bb. Narito ang


iyong Tiktok Coin.

Sa Filipino, karaniwang binibigkas


nang may diin ang ang salitang
higit sa isang pantig. MGA HALIMBAWA:
A.
Narito ang mga halimbawa, Bb. BU:hay
Mandapat maaari o bang basahin bu:HAY
ang mga nakalahad na halimbawa? B.
LA:mang
la:MANG

Maraming salamat, narito ang


iyong tiktok coin.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Sa ating mga halimbawa sino ang


gustong magbigay ng kahulugan ng
unang salita?

Maaari niyong itaas ang Comment


Icon kung nais niyong magbigay ng
opinyon. Ang salitang BU:hay ay nangangahulugang kapalaran
ng tao samantalang ang bu:HAY naman ay
Bb. Baquiran, subukin mo nga. nangangahuluhang humihinga pa.

Tama ba ang pagpapakahulugan ni


Bb. Baquiran kung sumsang-ayon
itaas lamang ang Heart Icon.

Mukhang sumasang-ayon ang lahat


sa iyong pagpapakahugan sapagkat
Tama ang iyong kasagutan. Narito
ang iyong Tiktok Coin

Sa salitang ito, kung nasa unang


pantig ang diin , babasahin natin
iton BU:hay na nangangahulugang
kapalaran ng isang tao samantala
kung nasa pangalawang pantig ang
diin ng salita babasahin natin ito ng
bu:HAY na nangangahulugang
hindi pa ito patay o humihinga pa.

Sa letrang b, sino naman ang nais


magbigay kahulugan sa mga Ang salitang LA:mang ay nangangahulugang natatangi
salitang ito? samantalang ang la:MANG namn ay
nangangahulugang nakahihigit.
Bb. Ramos, subukin mo nga.

Mahusay! Narito ang iyong tiktok


coin.

Sa pangalawang salita kung ang


diin ay nasa unang pantig ito ay
babasahing LA:mang o
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

nangangahulugang natatangi
samantala kung ang diin ay nasa
hulihan ng pantig ito ay babasahing Opo, sir.
la:MANG at nangangahulugang
nakahihigit o nangunguna.
Naunawaan ba, klas?

Sino ang makapagbibigay ng


halimbawa ng salita na may
dalawang pagkakahulugan kung BA:sa at ba:SA, ang BA:sa ay nangangahulugang read
inilipat ang diin. o pag-iintindi ng mga salita na nakikita. Samantalang
ang ba:SA ay nangangahulugang wet o hindi tuyo.
Bb. Estocapio, subukin mo nga.

Tumpak! Dahil diyan mayro’n


kang Tiktok coin.

Upang lubos niyo pang maunawaan


ang diin, mayroon akong
halimbawa ng isang tulang haiku at
tanka at susubukin niyong suriin Sa berdeng sanga,
ang mga salitang nakapaloob dito. Ay may dumapong uwak,
Gabi, taglagas.
Bb. Agustin, maaari mo bang
basahin ang tulang haiku ni Matsuo
Basho.

Mula, sa haikung binasa ni Bb. Nasa pangalawang pantig, sir.


Agustin, nasalungguhitan ang
salitang Gabi, Nasaan kaya ang
Diin sa salitang ito? Nangangahulugan po itong kabuuan ng isang
magdamag.
Bb. Panganiban, maaari mo bang
subukin?

Kung nasa pangalawang pantig ang


diin sa salitang ito ano kaya ang
tinataglay nitong kahulugan?

Intelehente! Dahil diyan narito ang


iyong tiktok coin.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Sa tulang Haiku ni basho ginamit


ang salitang gabi na
nangangahulugan oras o panahon
mulang paglubog ng araw
hanggang muling pagsíkat nitó . Kung nasa unang pantig ang diin sa salitang ito,
bibigkasin natin itong Gabi na nangangahulugang
Ngayon mula sa salitang ating halamang-ugat na makinis at nakakain din ang dahon.
binigyang kahulugan paano naman
bibigkasin at bibigyang kahulugan
kung ito ay nasa unang pantig?

G. Eduardo, maaari mo bang


subukin?

Magaling! Dahil diyan mayro’n ka


ring Tiktok coin.
Ngayong alam niyo na ang Diin ay
dumako na tayo sa susunod na
bidyo.

At ito ay naglalaman naman ng


tungkol sa Tono o intonasyon.

Sa bawat salitang binibitawan natin


ay katumbas nito ang alon ng
pagbigkas, maaaring mataas,
katamtaman o mababa.
TONO/INTONASYON- Ang pagtaas ng tinig na
Ano nga ba ang tono o intonasyon, maaaring makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t
G. Ramirez, pakibasa mo nga. ibang damdamin, makapagbigay kahulugan, at
makapagpahina ng usapan upang higit na maging
mabisa an gating pakikipag-usap sa kapuwa.

Maraming salamat, narito ang


iyong tiktok Coin.

Sa paggamit natin ng tono o


intonasyon napalilinaw nito ang
mensahe o intensyong nais ipabatid
sa kausap.
Maaaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2
Bb. Pascual maaari mo bang sa katamtaman, at bilang 3 sa mataas.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

basahin ang karagdagang


impormasyon.

Maraming salamat, narito ang


iyong tiktok Coin.

Narito namn ang mga halimbawa,

a) Kahapon = 213, pag-


aalinlangan

Ang “ka” ay babasahin natin ng


katamtaman, kaya ang bigkas ay
KA(katamtaman), samantalang ang
“ha” ay bibigkasin natin ng mababa
kaya ang bigka ay HA (mababa) at
ang “pon” ay bibigkasin natin ng
mataas kaya ang bigkas ay PON
(mataas). Kung ating pagsasama-
samhin, kahapo. At ang tono ng
salitang ito ay nangangahulugang
pag-aalinlangan sapagkat
nagtatanong o nagdududa ang tono
ng nagsasalita. Opo, sir.

Naunawaan ba,klas?

Kung atin’ namang iibahin ang


tono ng salita, G. Reyes maaari
mob a itong basahin.

Kahapon=231
Kahapon
Paano binigkas ni G. Samuel ang
salita ayon sa tono nito?
Ang unang pantig na ka ay binigkas niya ng
Bb. Mandapat. katamtaman samantalang ang ang ha ay binigkas niya
ng mataas at ang pon ay binigkas niya ng mababa
kayat ito ay nangangahulugang nagpapatibay o
pinapahayag niya na kahapon nga nangyari ang
mangyayari ang isang bagay.

Mahusay! Dahil diyan mayroon


kang Tiktong coin.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Narito ang iba pang halimbawa,


Bb. Daep basahin mo nga.
Talaga=213, pag-aalinlangan
Talaga=231, pagpapatibay, pagpapahayag
Sa mga halimbawa namang ito,
binibigkas ang talaga sa paraang
pag-aalinlangan sa bigkas na
Talaga na kung saan ang ta ay
katamtaman, ang la ay mababa at
ang ga ay mataas, samantala
pinapatibay naman ang salitang
talaga sa paraang ang ta ay
binibigkas ng katamtaman, ang la
ay binibigkas ng mataas at ang ga
ay binibigkas ng mababa.
Opo, sir.
Naintindihan ba , klas?

Sino ang makapagbibigay ng


dalawang parehong salita ngunit
magkaiba ng intonasyon at
pagpapakahulugan. Magaling na may tonong 132 na nangangahulugang
pagpupuri at Magalin na may tonong 321 na
G. Imbag, maaari mo bang ngangahulugang nagpapahayag.
subukan.

Mahusay! Narito ang iyong Tiktok


coin.
Hindi Ko Masabi ni
Ki Tsurayuki
Ngayon naman ay mayroon akong Isinalin sa Filipino ni M.O. Jocson
ipapakinig na tanka at susuriin
niyo kung paano ang tono o Hindi ko masasabi
intonasyon ng salitang mga Iniisip mo
nasalungguhitan. O aking kaibigan
Sa dating lugar
Bb. Lacerna, maaari mo ba itong Bakas pa ang ligaya.
basahin.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Maraming salamat, narito ang


iyong tiktok Coin.

Mula sa tulang tanka a ating binasa,


ang nasalungguhitang salita ay
Ligaya, batay sa pagkakagamit ng
salita anongcode ng tono o
intonasyon ang ginamit? Ang code o tonong ginamit ay 231.

G. Clave, maaari mo bang subukin?

Maraming salamat, narito ang


iyong tiktok Coin.

Mula sa code na ito anong nais


ipahayag ng nagsasalita? Pinapatibay ng nagsasalita ang salitang ligaya sa tula.

Bb. Ortiz.

Tama, ang salitang ligaya ay may


tonong pinagtitibay sa tula sapagkat
nais niyang sabihing ang dating
lugar nang kanilang pag-iibigan ay
may bakas pa ng Ligaya. Narito
ang iyong tiktok Coin.

Ngayon ay atin’ naman nang pag-


usapan ang antala o hinto sa
susunod na bidyo.

(Nagpakita ang susunod na bidyo)


Antala/Hinto-Bahagyang pagtigil sa pagsasalita
upang higit na maging malinaw ang mensaheng ibig
Bb.Bulisa, maaari mo bang basahin ipabatid sa kausap. Maaaring gumamit ng simulo o
ang kahulan ng antala o hinto. kuwit (,), dalawang guhit na pahili (//), o gitling (-).

Mariming salamat, narito ang iyong


tiktok coin.

Sa pakikipagtalastasan natin,
mapapansin ang pagtigil natin sa
ating pagbibigkas.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Dumako tayo sa susunod na bidyo


para sa halimbawa.
Halimbawa:
Bb. Ramos maari mob a itong a.) Hindi/ ako si Joshua
basahin. b.) Hindi ako, si Joshua
c.) Hindi ako si Joshua.

Ang mga pahayag ay naglalaman ng mga bantas na


Sa iyong binasang halimbawa ano siyang nagpapa-iba sa kahulugan ng bawat
ang napapansin mo sa mga pahayag pangungusap.
na ito?

Magaling! Ang mga pahayag ay


magkakapareho lamang ng baybay
ngunit magkakaiba ang nais
ipabatid nito. Narito ang iyong
tiktok coin. Magkakaiba po ang kanilang kahulugan dahil sa bantas
na ginamit sa bawat pangungusap.
Bakit nagkakaiba ang kanilang
kahulugan, Bb. Ferrer?

Wasto! Ang mga ito may inilapat


na iba’t-ibang bantas kung kaya’t
magkakaiba rin ang pagbigkas at
paghinto ng mga ito na siyang
nagpapaiba sa kanilang nais
ipahayag. Mayro’on ka ring tiktok
coin. Opo, sir.

Naunawaan ba, klas?

Sino naman ang makapagbibigay


ng dalawang pangungusap na
magkapareho ang baybay ngunit
magka-iba ang bantas na ginamit? Maganda, ako?
Maganda ako.
Maaari mo bang subukin Bb.
Baquiran.

Mahusay Bb. May’roon kang tiktok


coin.

Mula sa halimbawa ni Bb.


Baquiran an gang nais ipahayag ng
una at pangalawa niyang Ang unang pangungusap na Maganda, ako? Ay may
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

pangungusap? pagbigkas na ang hinto ay pagkatapos ng Maganda,


pinapahiwatig nitong kwinekwesyon nito ang kanyang
G. Sibuyan, maaari mo bang kagandahan samantalang ang pangalawang
subukin. pangungusap, ang hinto ay nasa hulihan ng
pangungusap.

Intelehente! Dahil diya’n mayro’on


kang tiktok coin.
Sa susunod na bdiyo tayo ay
magbabasa nang panibagong tulang
haiku at tanka at susuriin natin ang Balisa
antala o hinting inilapat. Juan Marcos

Bb. Mandapat, maaari mo bang Ako, ay tunay?


basahin ang tulang haiku ni juan Hindi, ikaw nga pala
marcos. ‘Di mahinuha.

Maraming salamat Bb. Mayro’n ka


ring tiktok coin.

Mula sa napakinggan niyong tulang


haiku na binasa ni Bb. Mandapat Sa unang taludtod ang hinto o antala ay pagtapos ng
maaari niyo bang suriin ang unang salitang ako, ito ay nagpapabatid ang nagsasalita ay
taludtod? nag-aalinlangan sa kaniyang sarili kung tunay nga ba
ang kanyang nararamdaman o di kaya’y karanasan.
Bb. Pascual , ano ang iyong
mahihinuha sa iyong napakinggang
haiku?

Mahusay! Mayro’n kang tiktok


coin.

Para naman sa pangalawang Sa pangalawang taludtod ang hinto ay pagkatapos ng


taludtod, sino ang nais sumubok? salitang hindi, ang pahayag ay nagpapabatid na
sinasabi niyang ang kanyang kasama ang tunay at
G. Ramirez . hindi ang nagsasalita.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Magaling! Mayro’n ka ring tiktok Sa pangatlong taludtod, ang hinto ay anatala ay nasa
coin. hulihan ng pahayag. Ito ay nagpapabatid na hindi niya
Para naman sa huling taludtod. na maintindihan kung ano ang kanyang iisipin.

Bb. Bulisa, maaari mo bang


subukin?

Tama! Narito ang iyong tiktok Opo,sir.


coin.

Naintindihan niyo ba ang diin, tono


at antala sa mga bidyong ating
natunghayan?

9. PAGPAPAHALAGA

Ngayon klas, mula sa mga


nilalaman ng mga bidyong ating
tinalakay, dadako tayo sa create
section at pupunta tayo sa story.
Ang ating story section ay
tatawagin nating TALAAN NG
NATUTUNAN, muli nating
babalikan ang ating mga tinalakay.

At dito may mga nakaabang na


tanong.

Ano sa tingin niyo ang kahalagahan Ang mga ponemang suprasegmental ay mahalagang
ng mga ponemang suprasegmental? bahagi ng ating mga pahayag. Ang wastong paglapat
sa mga ito ay makapagbibigay nang tiyak na
G. Eduardo, subukukin mo nga. kahulugan o mensahe ng ating mga pahayag. Sa
tamang paggamit ng diin, matitiyak natin ang
kahulugan ng isang salita, samantala ang tamang
paggamit ng tono ang magbibigay ng tunay na
damdamin o nais ipahiwatig ng ating mensahe at ang
tamang paggamit ng antala ang siyang mas
magpapalinaw sa ating pahayag.
Mahusay G. Eduardo!

Sino pa ang maaaring magbigay ng


kanyang mga hinuha.

Bb. Lacerna, subukin mo nga.


Ang mga ponemang suprasegmental ay mahahalaga
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

sapagkat ito ang siyang naghahatid sa atin sa tunay na


kahulugan ng mga pahayag o salitang ating binibigkas,
Magaling! napapakinggan o nababasa.

Sa ating pang araw-araw na


pakikipagtalasan parte ng ating
mga pahayag o mensahe ang
ponemang suprasegmental na
siyang nagbibigay ng tiyak na
kahulugan, damdamin o kaisipan
ng ating mga binibigkas na salita.

10. PAGLALAHAT
Sa pagkakataong ito ay ating
pipindutin ang profile page sa ating
tiktok app at ating titignan ang
ating drafts o tatawagin nating
IMBAKAN NG KAALAMAN

Kung kaninong litrato ang


ipapakita ng ating Roleta ng mga
Larawan ay siyang sasagot nang
ating katanungan. Nais ko lamang
malaman, ano kaya ang ponemang
suprasegmental? Ang ponemang suprasegmental ay ang tamang
paglalapat ng makakabuluhang tunog sa ating mga
mensahe upang maipahayag ng epektibo ang ating
gustong ipabatid.

Tumpak! Dahil diya’an mayro’n


kang tiktok reward.

Ano-ano nga naman ang mga uri


nito?
(Roleta)

G. Ramirez, maaari mob a itong Ang mga uri ng ponemang suprasegmental ay ang diin,
ibahagi. tono o intonasyon at antala o hinto.

Tama, ang diin na nagbibigay ng


tiyak na kahulugan ang tono na
nagbibigay ng tiyak na damdamin
at ang antala na nagbibigay linaw
sa isang pahayag.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Nakatitiyak akong ang bawat isa ay


may mga naimbak nang kaalaman
sa kanilang tiktok drafts.
11. PAGLALAPAT
Sa pagtatapos nang ating talakayan
ay mayroon na kayong naipon na
tiktok coin na inyong magagamit sa
pagbili ng kaalaman sa ating tiktok
shop.

Upang masubok ang inyong


kaalaman sa paggamit ng mga
ponemang suprasegmental ay
magkakaroon tayo ng isang laro.

Handan a ba kayong masubok ang Opo, sir.


inyong natutunan sa mundo ng
tiktok?

(magpapatugtog ng musika)

Ang ating laro ay tatawaging


“TINDAHAN Ni JUAN”.

Ito ay pangkatang Gawain.


Inaasahan ko na ang bawat
miyembro ay makikipagkaisa sa
gawain.

Maaari na kayong pumunta sa


inyong grupo. Kung saan ang
dating puwesto niyo sa unang
gawain natin kanina ay yo’n din
ang inyong magiging pwesto.

Para sa panuto ng ating laro, Bb.


Daep maaari mob a itong basahin. (Pumunta na ang mga mag-aaral sa kanilang grupo.)

PANUTO:
1. May mga salitang ipaparinig.
2. Pagsasama-samahin ng bawat grupo ang
kanilang naipon na Tiktok Coin.
3. Sa bawat maririnig na salita ang bawat grupo
ay bibili ng salita gamit ang Tiktok coin,
dalawang coin lamang ang maaaring bilhin sa
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

bawat set ng salita. Dalawang coin ay


katumbas ng tatlong salita.
4. Siguraduhing napakinggan ng mabuti ang mga
salitang babanggitin dahil kung wala sa mga
binanggit ang nais na bilhin ay masasayang ang
tiktok coin na iyong binayad.
5. Gamit ang mga salitang nabili, bubuo ang
bawat pangkat ng isang tulang haiku o tulang
tanka, na kanilang ibabahagi sa klase sa
pamamagitan ng sabayang pagbigkas, pag-awit
at spoken poetry.
6. Ang pangkat tiktok Matikas ang
magsasabayang pagbigkas, ang pangkat tiktok
Maraming salamat Bb. marikit naman ang aawit at ang pangkat tiktok
matatag naman ang mag-ispoken poetry.

Naunawaan ba, klas?


Kung naunawaan ay sambitin
lamang ang pahayag na G Na!
Ginoong Juan.
Opo, sir.

Narito naman ang pamantayan, Bb.


Pascual maaari mo bang basahin. G! na ginoong Juan.

PAMANTAYAN:

Wastong paggamit ng 40%


suprasegmental sa
pagbibigkas.
Nilalaman ng tulang 30%
haiku o tanka
Kaisahan ng tinig 15%
Kabuoang presentasyon 15%
100%

Maliwagan ba, klas? Opo, sir.

Simulan na natin ang live selling sa


ating tiktok app. Makinig ng
mabuti sa mga salita upang ‘di
masayang ang inyong tiktok coins.
(ang, mga, at, ni, o, kaya, maging, man, saka, pati,
(Pakikinig ng mga salita) gayundin, kung, alin, siya rin, subalit, bagkus, sa, ng)
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Mula sa mga pang-angkop at


pangatnig na napakinggan, Tiktok
Matikas maaari na kayong bumili
ng inyong pandagdag na salita sa
inyong gagawing tula.

Ano mga salitang inyong bibilhin


Tiktok Matikas? Salitang “sa”, “at” at “ang” , sir.

Maaari niyo ng icheck-out ang mga


salitang ito.

Tiktok Marikit ano naman ang


inyong iaadd to cart na mga salita? Salitang “o”, “sa” at “ng”, sir.

Maaari niyo na ring icheck-out ang


mga ito.

At para sa huling grupo, Tiktok


Matatag ano ang mga salitang nais
niyong bilhin? Salitang “ang” , “sa” at “mga”, sir.

Mag-check na rin kayo tiktok


metatag.

Dumako na tayo sa mga susunod na


grupo ng mga salita.

(pakikinig ng mga salita)


( Araw, Puno, Aklat, Lupa, Guro, Pamilya, Bata, Isda,
Asul, Kagubatan, Bulaklak, Langit, Upuan, Basura,
Babae)
Ngayon ang unang mamimili ng
mga salita ay ang pangkat Tiktok
Marikit.

Ano ang mga salitang nais niyong


bilhin sa ating tiktok shop? Araw, lupa at langit , sir.

Maaari niyo ng icheck-out ang mga


salitang ito.

Sunod ang tiktok matatag.


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Guro, bata at pamilya, sir.


Icheck-out niyo na ang mga
salitang inyong nabanggit.

Huli, ang tiktok matikas.

Narito na ang susunod na set ng Babae, bulaklak at langit, sir.


mga salita.

(pakikinig ng mga salita)

(Tahimik Saya Ligaya Malawak Maantig Ganda


Sa pagkakataong ito, ang pangkat Mahinahon Marahuyo Malayo Kislap Bango Kisig
tiktok matatag naman ang pipili ng Bagsik Tamis Dilim)
mga salita.

Maaari na kayong mag-add to cart


ng mga salita.
Sir, Marahuyo, Kislap at malamig.
Icheck-out niyo na ang mga
salitang nais niyong bilhin.

Pangkat matikas, maaari na kayong


magsabi ng inyong bibilhing salita.

Maaari niyo ng icheck-out ang mga Tahimik, malayo at dilim, sir


salitang inyong binanggit.

At huli ang pangkat marikit.

Maaari niyo na ring icheck-out ang Ligaya, Ganda at Tamis, sir.


mga salitang inyong nabanggit.

Para sa huling set ng mga salita.

(pakikinig ng mga salita)

(Sigaw Mahal Lipad Langoy Halik Sayaw Lakad Tago


Talon Suko Takbo Tawa Ngiti Pagod Kain)
Tiktok matikas kayo na ang unang
pumili ng mga salitang inyong
napakinggan. Sir, Mahal, lipad at ngiti.

Maaari na kayong magcheck out,


sunod pangkat marikit.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Tawa, Sigaw at Talon, sir.


Icheck-out niyo na rin ang mga
salitang inyong nabanggit.

At panghuli ang tiktok matatag.

Maaari niyo na itong icheck out. Lakad, Pagod at kain, sir

Ngayon ay tapos na ang


pagpapakita ng mga salita sa ating
live selling.

May mga natira pa bang Tiktok


coins ang bawat pangkat? Meron pa po, sir.

Ang mga natitirang coins ay maari


niyo pang gamitin kung nais niyo
pang dagdagan ang inyong mga
salita.

May bibili pa ba ng karagdagan?


Wala na po, sir.
Kung gayon ay isasara na natin ang
ating Live Selling at kayo ay
gagawa na ng inyong itatanghal sa
ating create section.

Maaari niyo na itong simulan.

(Magpapakita ang create section na


may 10 minutes timer)

Tapos na ang sampung minute na


paggawa ng inyong gawain, ngayon
ay ang oras ng pagtatanghal.

Simulan natin sa pangkat tiktok


matikas, susundan ng tiktok marikit
at panghuli ang tiktok matatag.

(Magtatanghal ang bawat grupo)

(Pagtatala ng mga puntos)


PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

Binabati ko ang lahat sapagkat


tunay ngayong kayo ay aktibong
nakilahok sa paglalakbay ni G. juan
sa mundo ng tiktok.)
B. Pangwakas na Gawain
1. Ebalwasyon

Klas, tayo ay dadako muli sa ating


for you page at ating tutunghayan
ang nilalaman nito.

Sa bidyong ito ay may gawain


nanamang nakahanda, pumunta
lamang ng saglit sa browser at
isearch ang quizizz at itype ang code
na inyong nakikita.

(56748263) Opo, sir.

Maliwanag ba, klas? Maaari niyo


nang simulant ang pagsagot.
Mayro’n lamang kayong limang
minute upang sagutan ito.

Piliin ang tamang sagot sa mga


sumusunod:

1. Ano ang nagiging epekto ng


tamang pagbigkas ng Ponemang
Suprasegmental sa pag-unawa sa ibig
sabihin ng mga salita sa isang Haiku
o Tanka?
a) Nagiging malinaw at mas
maiintindihan ang mga salita.
b) Nagiging malambot at maganda
ang tunog ng mga salita.
c) Nagiging malungkot at malalim
ang kahulugan ng mga salita.
d) Nagiging maligaya at masaya
ang pakiramdam sa pagbasa ng mga
salita.

2. Ano ang ginagawa ng Ponemang


Suprasegmental upang maipahayag
ang tamang emosyon o damdamin sa
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

isang Haiku o Tanka?


a) Nagpapalit ng mga ponema sa
mga salita.
b) Nagpapahayag ng iba't ibang
tono at intonasyon sa pagbigkas.
c) Nagdadagdag ng malalim na
kahulugan sa mga salita.
d) Nagbibigay-diin sa mga tunog
na nagbabago ang ritmo ng tula.

3. Paano nakatutulong ang


Ponemang Suprasegmental sa
pagpapahayag ng mga saloobin o
kaisipan ng makata sa isang Tanka?
a) Binibigyan ng tamang pagbigkas
ang mga salita upang maipahayag
nang tama ang damdamin ng makata.
b) Nagpapalit ng mga ponema
upang maging malinaw ang mensahe
ng Tanka.
c) Nagdadagdag ng malalim na
kahulugan sa mga salita upang
magkaroon ng lalim ang Tanka.
d) Nagbibigay-diin sa mga tunog
na nagpapahayag ng ritmo at himig
ng Tanka.

4. Ano ang maaaring maging epekto


ng maling pagbigkas ng Ponemang
Suprasegmental sa pag-unawa sa
isang Haiku o Tanka?
a) Magiging malabo at hindi
mauunawaan ang mga salita.
b) Magiging matamlay at hindi
kaaya-aya ang tunog ng mga salita.
c) Magiging maarte at pilit ang
dating ng mga salita.
d) Magiging malalim at malungkot
ang kahulugan ng mga salita.

5. Paano nagbabago ang


interpretasyon ng Haiku depende sa
ponema at intonasyon na ginamit sa
pagbigkas nito?
a) Nagiging mas malalim at mas
makahulugan ang Haiku.
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

b) Nagiging mas maikli at mas


simpleng tula ang Haiku.
c) Nagiging maganda at maligaya
ang tono ng Haiku.
d) Nagiging malungkot at malalim
ang emosyon ng Ha

iku.

6. Ano ang nagiging papel ng


Ponemang Suprasegmental sa
pagpapahayag ng damdamin o
emosyon sa isang Tanka?
a) Nagbibigay ng tamang ritmo at
himig sa pagbasa ng mga salita.
b) Nagpapalit ng mga ponema
upang maging mas malalim ang
kahulugan ng mga salita.
c) Nagdadagdag ng mga malalalim
na salita upang mapalalim ang
Tanka.
d) Nagbabago ng tunog at
intonasyon upang maipahayag ang
nararapat na damdamin sa Tanka.

7. Paano nakatutulong ang tamang


paggamit ng Ponemang
Suprasegmental sa pagbuo ng
malinaw na ritmo sa isang Haiku?
a) Nagpapalit ng mga ponema
upang mapalitan ang ritmo ng Haiku.
b) Nagdaragdag ng mga salitang
may malalim na kahulugan upang
mapalalim ang ritmo ng Haiku.
c) Nagpapahayag ng tamang tunog
at intonasyon upang mapanatili ang
ritmo ng Haiku.
d) Nagbibigay-diin sa mga tunog
na nagdadala ng ritmo sa pagbasa ng
Haiku.

8. Ano ang maaaring maging epekto


ng maling pagbigkas ng Ponemang
Suprasegmental sa ritmo ng isang
Tanka?
a) Magiging maganda at malalim
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

ang tunog ng Tanka.


b) Magiging maikli at simpleng
tula ang Tanka.
c) Magiging pilit at hindi
magkakatugma ang tunog ng Tanka.
d) Magiging matamlay at walang
buhay ang ritmo ng Tanka.

9. Ano ang nagiging papel ng


Ponemang Suprasegmental sa
pagpapahayag ng tono sa isang
Haiku?
a) Nagpapalit ng mga ponema
upang mapalitan ang tono ng Haiku.
b) Nagbibigay-diin sa mga tunog
upang mabigyan ng tamang tono ang
Haiku.
c) Nagdadagdag ng mga malalim
na salita upang maging malungkot
ang tono ng Haiku.
d) Nagbabago ng ritmo upang
maipahayag ang nararapat na tono ng
Haiku.

10. Paano nakaaapekto ang tamang


paggamit ng Ponemang
Suprasegmental sa pagiging kawili-
wiling pakinggan ng isang Tanka?
a) Nagpapalit ng mga ponema
upang mapalitan ang pagiging
kawili-wili ng Tanka.
b) Nagbibigay-diin sa mga tunog
upang mabigyan ng tamang ritmo
ang Tanka.
c) Nagdadagdag ng malalalim na
salita upang mapukaw ang interes sa
Tanka.
d) Nagbabago ng tono at
intonasyon upang maipahayag ang
kawilihan sa Tanka.

MGA KASAGUTAN:
Narito ang mga tamang sagot sa
pagsusulit:

1. A
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

2. A
3. A
4. A
5. A
6. A
7. C
8. C
9. B
10. B

Tapos na ba ng lahat?

Mahusay!
Opo, sir.
2. Kasunduan

Ngayon ay atin nang natunghayan


ang iba’t ibang sulok ng tiktok. Sa
puntong ito ay nais ko kayong
bigyan ng mensahe sa ating tiktok
inbox na inyong bibigyang tugon
para sa ating susunod na
paglalakbay.

G. Angel, pakibasa mo nga.

"Tiktok Tono Challenge”

Panuto:
- Pumili ng isang popular na TikTok audio clip na
may malinaw na ponemang suprasegmental na
katangian tulad ng tono, intonasyon, bilis ng
pagsasalita, o iba pang suprasegmental na aspeto.
- Mag-record ng sariling bersyon ng audio clip, na
sinusunod ang tamang ponemang suprasegmental na
Maliwanag ba, klas? natutuhan mula sa orihinal na audio para sa tiktok
tono challenge showdown.
Bilang gantimpala sa mahusay na
pakikibahagi niyo sa ating talakayan
sa araw na ito ay tatanggap kayo ng
tiktok rewards.

An gating paglalakbay sa mundo ng


tiktok kasama si G. Juan ay nagbigay
nang ‘di malilimutang karanasan at
mahahalagang kaalaman. Ang mga
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY NORTH LUZON
The National Center for Teacher Education
The Indigenous Peoples Education Hub
Alicia, Isabela

supra segmental ay ating


napakikinggan sa tuwing tayo ay
naglilibang sa tiktok app. Sa bawat
Awit, Pahayag, Drama o balitang
ating napakikinggan dito ay
nagtataglay ng ponemang
suprasegmental na siyang
nakatutulong sa atin upang
maunawaan natin ang ating mga
napapanood dito. At sa bawat pag-
iscroll natin rito ay masasabi kong
aktibo at interesado ang bawat isa.
Kaya bilang gantimpala, ang bawat
isa ay tatanggap ng Tiktok Rewards.
Nawa’y ang bawat isa ay nasiyahan
at naliwanagan sa ating talakayan,
Hanggang sa muling paglalakbay.

Pagsinabi kong salamat Grade 9


Rizal, sabihin ang “Salamat po.”

Salamat, Grade 9 Rizal!

(Magplaplay ang outro video ng Salamat po!


tiktok)

You might also like