You are on page 1of 3

Janena R.

Pajulas

I. Teoryang Makatao

• Kahalagahan ng mga salik na pandamdamin at emosyunal.

• Nananalig na may pagkatuto kung angkop ang kapaligiran, may kawilihan at positibong saloobin ang mga mag-
aaral sa kanilang pagkatuto.

Mag-aaral Guro
*angkop ang kapaligiran, *maglaan at lumikha ng kaaya-ayang
*may kawilihan at klasrum:
positibong saloobin ang -walang pananakot
mga mag-aaral sa -maginhawa
kanilang pagkatuto. -malayang nanunuri
*pagpapahalaga sa sarili

II. Nilalaman + Kagamitang Panturo + Gawain sa Pagkatuto = saloobin ng mag-aaral


III. Mga Metodo
1. Community Language Learning ni Curran
2. Suggestopedia ni Lazonov
3. Silent Way ni Gattegno

A. Community Language Learning ni Charles A. Curran

• umusbong noong dekada ’70

• Ekstensyon ng modelong Counseling-Learning

CL – pangangailangan ng mga mag-aaral-kliyente na nagsama-sama


bilang isang komunidad na bibigyan ng kaukulang pagpapayo

• “ang klase ay isang komunidad ng mag-aaral na laging nag-aalalayan sa


bawat sandali”

• Paano ito isinasagawa?

1. Bubuo ng isang maliit na bilog at nakaupo ang mga mag-aaral.

2. Ang titser ay nasa labas ng bilog.

3. Kung may gustong sabihin ang mag-aaral, sasabihin niya ito sa kanyang unang wika.

4. Isasalin ito ng guro sa target na wika (Filipino).

5. Uulitin ng mag-aaral ang salin at gagawin din ito ng lahat ng kasama sa pangkat.

6. Iteteyp ang isinagawang usapan sa target na wika upang mapakinggan ng pangkat at makakuha sila
ng impormasyon tungkol sa pinag-aaralang wika.

7. Maaaring magbigay ng kaukulang direksyon ang guro upang maipaliwanag niya ang ilang
mahahalagang tuntuning pambalarila.

 Mga Katangian
1. Isinasaalang-alang ang balarila, pagbigkas at bokabularyo ayon sa pangangailangan.
2. Isinasanib sa pagkatuto ang mga aspekto ng kultura.
3. Wala itong tiyak na paraan ng pagtataya.
4. Hinihikayat din ang sariling pagtataya upang mabatid ng mga mag-aaral ang kanilang pag-unlad.

B. Suggestopedia ni Lazonov

• naniniwala na ang utak ng tao ay may kakayahang magproseso ng malaking dami ng impormasyon kung nasa
tamang kalagayan sa pagkatuto

• Mahalaga sa pamaraang ito ang musika – “Baroque”

-relaks na kaligiran at nagbubunga ng pagkatuto na lagpas sa inaasahan

 Mga Katangian:
1. Ginagamit ang lakas ng pagmumungkahi.
2. Nasa isang komportable at maayos na kapaligiran ang pagkatuto at may maririnig na tugtugin.
3. Inilalahad at ipinaliliwanag ang gramatika at bokabularyo ngunit hindi tinatalakay nang komprehensibo.
4. Napalilinaw ang kahulugan sa pamamagitan ng pagsasalita sa katutubong wika.
5. Nangyayari ang komunikasyon sa 2 dimensyon:
 Kamalayan (conscious)- nakikinig sa binabasang diyalogo
 Kawalang-kamalayan (sub-conscious)- musikang naririnig
6. Isinasanib sa pagtuturo ang sining tulad ng musika, awitin at drama.
7. Bahagi ng ginagawa ng mag-aaral sa klase ang ebalwasyon.

C. Silent Way ni Caleb Gateggno

• Naniniwala na mabisa ang pagkatuto kung ipinauubaya sa mga mag-aaral ang kanilang pagkatuto.
Pinagbatayan ng Silent Way, ayon kina Richards at Rogers (1986):
1. Mas mabilis ang pagkatuto kung ang mag-aaral ang tutuklas o gagawa ng gawain;
2. Napapadali ang pagkatuto sa tulong ng kagamitang panturo;
3. Napapadali ang pagkatuto kung ang may pagtutuklas na bahagi sa gawain.
 Umusbong noong 1960
 Nananalig si Gattegno na dapat mayroong tiwala at pananagutan sa sariling pagkatuto ang mag-aaral.
 Klasrum:
-Silent Way = tahimik lamang ang guro.
-gumagmit ng Cuisinere Rods- -mga kahoy na may iba’t ibang kulay at haba, at serye ng mga makukulay na
tsart.
 Positibo: Hindi dapat ibigay ang lahat sa mag-aaral.
 Negatibo: May kahirapan ang pamamaraang ito sa mga mahihinang mag-aaral.
 Mga Katangian:
1. Pangalawa lamang ang pagtuturo sa pagkatuto.
2. Tahimik lamang ang guro ng maraming oras ngunit aktibo sa pagbibigay ng sitwasyon at pakikinig sa mga
mag-aaral.
3. Di ginagamit ang pagsasalin ngunit ang unang wika ay itinuturing pinagmumulan ng kaalaman.
Sanggunian:

Badayos, Paquito. Metodolohiya sa pagtuturo at pagkatuto ng Filipino: mga teorya, simulain, at istratehiya. Mutya
Publishing House, Inc., 2008

You might also like