You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

CENTRAL BICOL STATE UNIVERSITY OF AGRICULTURE


Sta.Rosa Del Norte ,Pasacao, Camarines Sur ,4417
Website: www.cbsua.edu.ph
Email Address: ca.pasacao@cbsua.edu.ph
Trunkline: (054) 513-9519
_________________________________________________________________________

DETALYADONG BANGHAY ARALIN


FILIPINO 8

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng


panitikang popular sa kulturang Pilipino

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Ang mag-aaral ay nakabubuo ng kampanya tungo sa panlipunang


kamalayan sa pamamagitan ng multimedia (social media awareness campaign)

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Nailahad ng maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik (F8PS-IIIA-c-30)


b. Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pangangalap ng mga ideya sa pagsulat ng
balita, komentaryo, at iba pa. (F8WG-IIIa-c-30)
c. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: (F8PB-III-c-29)
-paksa
-layon
-tono
-pananaw
-paraan ng pagkakasulat
-pagbuo ng salita
-pagbuo ng talata
-pagbuo ng pangungusap

II. PAKSANG ARALIN


a. Paksa: Panitikang Popular na Babasahin Pahayag
b. Sanggunian:
c. Kagamitan: manila paper, pentel pen, mga larawan

III. PAMAMARAAN/PROSESO NG PAGKATUTO:


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A.Panimulang Gawain

a. Pambungad na pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat! Magandang Umaga din po!


b. Pambungad na panalagin!

Tumayo ang lahat para sa ating pambukas na Purihin nawa ang pangalan ni Hesus, ngayon at
panalangin. Bb. Bragaiz pangunahan mo ang magpakailan man. Amen.
ating panalangin

c. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago umupo, pulutin ang mga papel at plastic (magaayos ng upuan ang mga mag-aaral at
sa ilalim ng inyong upuan at pakiayos ng inyong pupulutin ang mga basura)
mga upuan.

d. Pagtala ng Liban

Mayroon bang lumiban sa klase? Wala po!

B. Mga Gawaing Pagkatuto

a. Pagbabalik-aral

Bago tayo dumako sa bagong talakayan, balikan


muna natin ang paksang tinalakay ng nakaraan.

(tatawag ng mag-aaral upang balikan ang


paksang tinalakay ng nakaraan)

Magaling!
Mahusay at natatandaa mo pa ang huling
tinalakay)

b. Pagganyak

Gawain: BUOIN MO AKO!


Buon ang letra batay sa kahulugan na ibinigay. (maghahanda ang mga mag-aaral para sa
gawaing gagawin)
1. ORORHR_______ Mga isturyang katatakutan.
2. AGNAM _______ Ito ay mga komiks na
nanggaling sa Japan.
3. SKIMOK _______ Isang grapikong midyum na
kung saan ang mga salita at larawan ang
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento.
4. ORDAWUK____ Naglalaman ng isang tapos
sa kwento (Frame)
5. TAGAMAP____Pangalan ng komiks

Ano ang inyong napansin sa ating ginawang


gawain?
C. PAGLALAHAD NG ARALIN

a. Paglalahad ng Paksa

Batay sa ating ginawang gawain, ito ay may


kinalaman sa susunod nating tatalakayin.

b. Paglalahad ng Layunin
I.LAYUNIN
Bago tayo dumako sa bagong Paksa. Narito ang Sa pagtatapos ng aralin, 80% ng mga
ilang mga layunin na maaari ninyong matamo mag-aaral ay inaasahang:
sa pagtatapos ng ating pagtatalakay.
a.Nailahad ng maayos at mabisa ang
(magtatawag sa klase para magbasa ng layunin) nalikom na datos sa pananaliksik
(F8PS-IIIA-c-30)
b.Nagagamit ang iba’t ibang
estratehiya sa pangangalap ng mga
ideya sa pagsulat ng balita,
komentaryo, at iba pa. (F8WG-IIIa-c-
30)
c.Naihahambing ang tekstong binasa sa
iba pang teksto batay sa: (F8PB-III-c-
29)
-paksa
-layon
-tono
-pananaw
-paraan ng pagkakasulat
-pagbuo ng salita
-pagbuo ng talata
-pagbuo ng pangungusap

D. PAGTALAKAY

Ano ang komiks?


(magtatawag sa klase para magbasa ng Ang komiks ay isang grapikong midyum na kung
kahulugan ng komiks) saan ang mga salita at larawan ang ginagamit
upang ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Maaaring maglaman ang komiks ng kaunti o
walang salita, at binubuo ng isa o higit pang
mga larawan , na maaaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba ng higit sa lalim.

Mga Uri ng Komiks -Alternative comic books


(magtatawag sa klase para magbasa ng Karaniwang naglalahad ng istorya base sa
kahulugan ng komiks) realidad.

-Horror
Mga istoryang katatakutan
-Manga
Ito ay mga komiks na nanggagaling sa
Japan.
-Action
Ito ay naglalahd ng mga istorya ng mga
“superhero”

-Romance/adult
Ang komiks na ito ay naglalahad ng
storya ng pag-ibig

-Science fiction/fantasy
Ang komiks na ito ay karaniwang
naglalaman ng mga bagay mula sa
imahinasyon.

Mga Bahagi ng komiks a. Kahon ng sanaysay


(magtatawag sa klase para magbasa ng -sinusulatan ng mga maikling salaysay
kahulugan ng komiks) tungkol sa tagpo.

b. Pamagat
-pamagat ng komiks, pangalan ng
komiks.

c. Lobo ng usapan
-kinasusulatan ng usapan ng mga
tauhan. May iba’t ibang anyo ito batay sa
inilalarawan ng dibuhista.

d. Kuwadro
-Naglalaman ng isang tagpo sa
kuwento(Frame)

e. Larawang gupit ng mga tauhan sa kwento


- mga guhit ng tauhan na binibigyan ng
kwento.

E. PAGLALAPAT

Hahatiin sa tatlong pangkat ang klase. PAMANTAYAN:


Panuto: Pipili lamang ng isa sa mga uri ng Nilalaman at Diyalogo…………..10pnts.
komiks at gagawan ito ng sariling diyalogo. Presentasyon………………………..5pnts.
Kooperasyon…………………………5pnts.
20puntos

F. PAGLALAHAT

Bilang pagtatapos ng ating talakayan sino ang Ang natutuhan namin sa araw na ito ay
makakapaglahad ng inyong natutuhan tungkol tungkol sa komiks, ang komiks ay isang
sa ating tinalakay ngayong araw? grapikong midyum na kung saan ang mga
(magtatawag ng estudyante para maglahad ng salita at larawan ang ginagamit upang ihatid
kanyang natutuhan) ang isang salaysay o kuwento.
At ang mga uri at bahagi nito ay tinalakay rin.

Mahusay at kayo ay nakikinig sa ating


talakayan ngayong araw.

May naunawan ba? May katanungan? Wala po!


Klaripikasyon?

Yan lamang sa araw na ito! Maraming salamat!

IV. Ebalwasyon/Pagtataya

Tuusin natin..

1-6. Ibigay ang mga Uri ng komiks.


7-11. Ibigay ang bahagi ng komiks.

V. TAKDANG ARALIN

Magsaliksik tungkol sa sa magasin at ang mahahalagang uri at bahagi nito.

ELMA ROSE S. ILAGAN


Student Teacher

PRINCESS CLAIRE C. MARTILLAN


Cooperating Teacher

You might also like