You are on page 1of 2

Nilalaman ng Ikatlong Markahan Pagsusulit

I. A. Mga Tanong mula sa Akdang Binasa

I. B. Natutuhan mula sa Akdang Binasa

II. A. ELEMENTO NG TULA

II. B. PONEMANG SUPRASEGMENTAL

III. A. PANANDANG PANTALAKAYAN

III. B. ANAPORIK at KATAPORIK

VI. TALASALITAAN

V. Aral na natutuhan sa Ibong Adarna

VI. Pagsulat ng Tula (Isang Saknong)

REBYUWER
ELEMENTO NG TULA
Sukat – Isa ito sa mahahalagang element ng tula. Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig sa
bawat taludtod. Hal. Ma/hal/ /na/ Ma/ha/l ki/ta

Ang pagkakaroon ng magkapareho o magkasintunog na dulumpantig ay tinatawag na


tugma. Ang tugma ay nauuri sa dalawa:

1. Tugmang Di-Ganap – May magkakaparehong patinig sa huling pantig ngunit


magkaiba ang tunod sa bawat taludtod.
2. Tugmang Ganap – May magkaparehong tunog ang huling pantig ng bawat taludtod.

Talinghaga – Ito ay ang paggamit ng masining na salita na nagbibigay ng higit na kariktan


sa tula.

a. Pagtutulad – Paghahambing ng dalawang magkaiba subalit may magkaugnay na


mga bagay at ginagamitan ng mga pariralang tulad ng, kasing, sing, sim-, makasing,
at iba pa.
b. Metapora – Tulad ng pagtutulad ang metapora ay naghahambing subalit hindi
ginagamitan ng mga panlapi at salitang naghahambing.
c. Personipikasyon – Pagsasalin ng mga tanagian ng isang tao tulad ng talino, gawi at
kilos sa mga bagay na walang buhay.
d. Pagmamalabis – Dito ay sadyang pinapalabis o pinakukulang ang kalagayan o
katayuan ng tao o bagay na tinutukoy.
e. Pagpapalit-Saklaw – Maaaring banggitin ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuoan at
maaari naman ang isang tao ay kumatawan sa isang pangkat.
f. Pagtawag – Ito ay pakikipag-usap sa karaniwang bagay o isang dinaramang kaisipan
na para bang nakikipag-usap sa buhay na tao.

PONEMANG SUPRASEGMENTAL (DIIN)

tubo (pipe) - /tu.boh/


tubo (sugar cane) - /tuboh/
kaibigan (friend) - /kaibi.gan/
kaibigan (lover) - /ka.ibigan/
saya (skirt) - /sa.yah/
saya (joy) - /sayah/
buhay (alive) - /buhay/
buhay (life) - /bu.hay/
manonood (watcher) - /ma.nonood/
manonood (to watch) - /mano.nood/
PANANDANG PANTALAKAYAN

Pagkakasunod-sunod
una, nong una, unang-una sumunod, pagkatapos, sa dakong uli, sa huli, sa wakas,
saka sa pagtatapos
Pagbabagong-Lahad
sa ibang salita sa kabilang banda/dako sa madaling salita
Pagbibigay-Pokus
pansinin na bigyang-pansin ang tungkol sa
Pagdaragdag
dagdag pa kasunod muli
Paglalahat
bilang paglalahat sa kabuoan samakatuwid
Pagtitiyak

siyang tunay tunay/totoo walang duda

ANAPORIK at KATAPORIK
HALIMBAWA

Anaporik (Na sa unahan ang nagdudulot ng interes o kasabikan ng pahayag)


Ang matatanda sa pamilya pamilya ay dapat natin mahalin at alagaan. Utang natin
sa kanila ang mga buhay na mayroon tayo ngayon. Sila ang kumakalinga, unang
nagtatanggol, at ang unang magpaparamdam sa atin kung gaano tayo kahalaga bilang isang
tao. Suklian natin ang kabutihang ginawa nila sa atin.

Kataporik (Na sa hulihan ang nagdudulot ng interes o kasabikan ng pahayag)


Sila ay aking igagalang. Sila ay nararapat na parangalan. Sila ay tunay na
mapagmahal at maalaga. Sa kanila ko natutuhan ang mga aral at mabubuting asal na taglay
ko ngayon bilang isang tao. Sila ang mga lolo at lola ko na aking iniidolo.

TALASALITAAN
matimtiman – may mabuting asal

mautas – mawala

hilahil – kalungkutan

nasasambit – nasasabi

panaghoy – pag-iyak

takipsilim – dapithapon o papalubog na ang araw (sunset)

walang maliw – walang katapusan

dumaratal – dumarating

kulang – palad – sawi/bigo

iwa – sakit ng damdamin

You might also like