You are on page 1of 4

GED117 – A52

Pangalan: Q2-2020-2021

MODULE 1 SEATWORK

Panuto: Magsaliksik ng dalawang halimbawa ng tulang liriko sa wikang Tagalog/Filipino at suriin ito ayon
sa formalistikong dulog. Para matugunan ang paghahambing, punan ng sagot ang talahanayan sa
baba. Huwag kalimutang ilakip sa susunod na pahina ang kabuuan ng tulang inyong sinuri.

PAMAGAT: Luha
PAMAGAT: MAGTANIM AY DI BIRO
May-akda: Lope K. Santos
MGA SANGKAP May-akda: Felipe de Leon
Anyo at Uri: Malayang
Anyo at Uri: Tradisyunal/Pastoral
Taludturan/Elehiya
 Unang saknong:
biro, nakayuko, makatayo,
makaupo
 Ikalawang saknong:
TUGMA namimintig, tubig
 Ikatlong saknong:
iisipin, pagkain
 Ika-apat na saknong:
lakas, bukas
SUKAT 7 pantig bawat taludtod
Tinatalakay sa tulang ito ang kalagayan Ipinapakita sa tulang ito ang
ng mga magsasakang Pilipino. Ang hirap kapighatian, pagsisisi at matinding
at pagod na kanilang nararanasan sa kalungkutan ng may akda.
pagtatanim ay kailangan nilang tiisin Sumasalamin ang tulang ito sa buhay
PAKSA O upang may maipakain sa kanilang kung saan ang pagkakamali na ating
KAISIPAN pamilya. Sinasalamin din ng tulang ito na nagawa ay hindi na natin mababago pa
ang pagtitiyaga ay nagbubunga ng at lubos nating pagsisisihan. Makikita
kaginhawaan. Ipinapakita rin sa tulang rin sa tulang ito ang hindi magandang
ito ang kasipagan ng mga magsasakang dulot ng pagsuway sa utos ng ating
Pilipino. mga magulang.
1. Gabing malalim – kapighatian at
pag-iisa na walang karamay
1. Pilak – pera
2. ianod mo lamang ang aking
2. magsipag-unat-unat – mag-ehersisyo
damdamin – hinihiling na kasabay
3. Ang bisig kung di iunat – kung hindi
ng pagluha ay sana mabawasan ang
maghahanap-buhay/ kung tatamad-
tiising kanyang kinikimkim
tamad
TALINGHAGA 3. bagong namukad yaring kaisipan –
4. Lahat ay iisipin - mga problema o
yugto ng buhay kung saan ang bata
suliranin sa buhay
ay nagsisimula ng magbinata o
5. May masarap na pagkain –
magdalaga
makakakain lamang sila kung sila ay
4. sumahukay – mamatay
magtatrabaho at magtatanim
5. sarong may lason – bisyo ng pag-
inom ng alak
IMAHEN O Bisig ko'y namamanhid Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang
LARAWANG DIWA Baywang ko'y nangangawit. ang aking damdamin, hugasan ang
Binti ko'y namimintig puso—yaring abang pusong luray sa
hilahil, nang gumaan-gumaan ang
pinapasan ko na libong tiisin!

Malayang tumungga sa sarong may


lason ng kaligayahan na itong huli
Sa pagkababad sa tubig. na'y nakilalang alak na nakamamatay.
Ang pinagbataya'y dapat magpasasa
Kay-pagkasawing-palad
sa kasalukuya't isang "Bahala na!"
Ng inianak sa hirap,
ang tanging iniukol sa Kinabukasan!
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak.
Kaya naman ngayon, sa katandaan ko
ay walang nalabi kundi ang lasapin
ang dita ng isang huling pagsisisi;
tumangis sa labi ng sariling hukay ng
pagkadugahi't iluha ang aking palad
na nasapit na napakaapi!
Tradisyunal at maindayog ang pagbigkas Ito ay may mabagal at madamdaming
ALIW-IW
ng tulang ito. pagbigkas.
Sa tulang ito mararamdaman ang
pagkapagod, pisikal na hirap na Sa tulang mararamdaman ang pagsisisi,
TONO nararamdaman ng mga magsasaka at ang hinagpis, pagkabigo at labis na
kanilang pagiging seryoso sa kanilang kalungkutan.
paghahanap-buhay.
PERSONA Ang magsasaka Ang may-akda

MAGTANIM AY DI BIRO
ni Felipe de Leon
Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makatayo
Di naman makaupo

Bisig ko'y namamanhid


Baywang ko'y nangangawit.
Binti ko'y namimintig
Sa pagkababad sa tubig.

Kay-pagkasawing-palad
Ng inianak sa hirap,
Ang bisig kung di iunat,
Di kumita ng pilak. Sa umagang pagkagising
Lahat ay iisipin
Kung saan may patanim
May masarap na pagkain.

Halina, halina, mga kaliyag,


Tayo'y magsipag-unat-unat.
Magpanibago tayo ng lakas
Para sa araw ng bukas

LUHA
ni Lope K. Santos

Wala unang pagsisisi, ito'y laging nasa huli.


Daloy aking luha…Daloy aking luha, sa gabing malalim.

Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin, hugasan ang puso—yaring abang pusong luray sa
hilahil, nang gumaan-gumaan ang pinapasan ko na libong tiisin!

Nang ako'y musmos pa at bagong namukad yaring kaisipan, may biling gayari si Ama't si Ina bago sumahukay.
"Bunso, kaiingat sa iyong paglakad sa landas ng buhay ang ikaw'y mabuyo sa gawang masama'y dapat mong
iwasan."
Nang ako'y lumaki, ang pahat kong isip ay biglang nagpakpak, ng kapalalua't ang aral ni Ama't ni Ina'y
hinamak; sa maalong dagat ng buhay sa mundo'y nag-isang lumayag, iniwan sa pampang ang timbulang baon
na aking tinanggap!

Malayang tumungga sa sarong may lason ng kaligayahan na itong huli na'y nakilalang alak na nakamamatay.
Ang pinagbataya'y dapat magpasasa sa kasalukuya't isang "Bahala na!" ang tanging iniukol sa Kinabukasan!

Kaya naman ngayon, sa katandaan ko ay walang nalabi kundi ang lasapin ang dita ng isang huling pagsisisi;
tumangis sa labi ng sariling hukay ng pagkadugahi't iluha ang aking palad na nasapit na napakaapi!

Daloy, aking luha…Dumaloy ka sa ngayon at iyong hugasan ang pusong nabagbag sa pakikibaka sa dagat ng
buhay; ianod ang dusang dulot ng tinamong mga kabiguan. Nang yaring hirap ko't susun-susong sakit ay
gumaan-gaan!

You might also like