You are on page 1of 2

Ang tradisyon ay isang paniniwala o pag uugali na pinapasa sa loob ng isang pangkat o lipunan.

Ito ay
ang paghahatid ng mga kaugalian, pag-uugali, alaala, simbolo, paniniwala, alamat, para sa mga tao ng
isang pamayanan, at kung ano ang ipinadala ay naging bahagi ng kultura. Ang relihiyon naman ay ang
pagkakakilanlan ng isang indibidwal sa kanyang paniniwala at pananampalataya. Karaniwang itong
nakasentro sa pananalig sa isa o higit o higit pang kinikilalang Diyos. Ang relihiyon din ang nag-uugnay sa
kanyang paniniwalang espiritwal at minsan ay sa moralidad. Sa pamamagitan ng dalawang ito ay
nahuhubog ang pagkatao at mga katangian ng isang mamamayang Pilipino. Dahil din dito ay nagkakaisa
ang mga tao sa isang pangkat o lipunan.

Maraming tradisyon ang Pilipinas nandyan ang pamamanhikan, pagmamano, panghaharana, bayanihan
at marami pang iba. At dahil doon ay nagsagawa ako ng isang maikling panayam sa isang taong malapit
sa akin tungkol sa tradisyon ng mga Pilipino upang makita kung hanggang sa panahon ngayon ay
isinasagawa pa rin natin ang mga nakasanayang mga tradisyon.
Ang una kong katanungan ay "Ano ang iyong tawag sa isang nakatatandang kapatid na lalaki o
babae."Ang kanyang sagot ay "Ang tawag ko sa kanila ay ate at kuya". Sa sagot na ito ay makikita natin
na ang taong sumagot sa aking panayam ay may paggalang sa kanyang nakatatandang kapatid. Dahil ang
pagsasabi ng ate o kuya sa kulturang Pilipino ay isang simbolo ng respeto sa mga nakatatandang kapatid.
Ang pangalawang kong katanungan naman ay "Ano ano ang inyong nakaugaliang gawain tuwing ikay
nakikipag usap sa mga nakatatanda"ang kanyang sagot ay "Gumagamit ako ng mga magagalang na salita
at gumagamit ng po at opo". Sa sagot niyang ito ay makakita natin na siya ay may paggalang sa mga
nakatatanda. Dahil ang pagsasabi ng po at opo ay isang kaugalian ng mga Pilipino na tanda ng
pagrespeto sa mga nakatatanda. Ang pangatlo kong katanungan ay "Para sa iyo gaano kahalaga ang
pagsunod sa mga magulang at nakatatanda."Ang kanyang sagot ay "Napakahalaga nito dahil sa
pamamagitan ng pagsunod sa mga nakakatanda ay naipapakita nito ang kagandahang asal at pag uugali
ng isang bata". Dahil ang pag sunod sa mga utos ng mga magulang o nakakatanda sa atin ay nagpapakita
ng pagrespeto natin sa kanilang mga desisyon para sa atin.
Ang ika apat kong katanungan ay "Bakit ipinagdiriwang natin mga pilipino ang araw ng pista"ang
kanyang sagot ay "Ipinagdiriwang ito upang mag bigay galang at pasasalamat sa kanilang mga
patron."Dahil ang pista o piyesta ay isang kaugalian tradisyon ng mga Pilipino na kung saan ito
pagdiriwang bilang paggunita sa isang mahalagang araw na karaniwang kaarawan ng mga patron ng
isang lugar o bayan ito ay simbolo ng pasasalamat na rin para sa mga biyaya na ipinagkakaloob sa mga
tao ng mga santo at santa ng simbahan.

Katulad ng tradisyon marami at iba iba din ang makikitang relihiyon sa Pilipinas. Nandiyan ang
kristianismo, Born again, Iglesia ni kristo, Muslim at marami pang iba. Katulad ng mga tanong na ginawa
ko tungkol sa tradisyon ay gumawa din ako ng mga katanungan para sa aking panayam na konektado sa
relihiyon at ito ay aking tinanong sa parehas na tao. Ang unang kong katanungan ay "Para saiyo bakit
mahalaga ang relihiyon"ang kanyang sagot ay "Mahalaga ito dahil ito ay parang isang paraan narin
upang mapalapit ako sa panginoon."Sa sagot niyang ito ay makikita nating likas ang mga Pilipino sa
pagiging relihiyoso at pagiging madasalen. Ang pangalawa ko namang katanungan ay "Bakit mahalagang
magsimba"ang kanyang sagot ay "Ito ay para mag pasasalamat sa biyayang binigay sa atin ng
panginoon."Ang pagsisimba ay hindi lang para magpasalamat sa panginoon kundi para na rin mapakita
tayo ay nananmpalataya sa panginoon. Ang pangatlo at huli ko namang katanungan ay "Bakit
isinasagawa ang sinakulo"ang kanyang sagot ay "Itoy pagalala sa paghihiram ni hesukristo."Ang senakulo
ay isang kinaugaling ng mga Pilipino na konektado sa relihiyon. Ito ay ang pagsasadula ng kwento ng
buhay, kahirapan, at pagkabuhay muli ni Hesukristo.
Ang kanyang mga sagot sa aking panayan ay nagpapakita na hanggang sa panahon ngayon ay kanya
paring ginagawa ang mga kina ugali ang mga tradisyon ng mga Pilipino. At naipapakita niya rin sa
kanyang mga sagot na siya ay likas sa pagiging relihiyoso at pagiging madasalen katulad ng mga ibang
Pilipino.

You might also like