You are on page 1of 4

R epublic of the P hilippines

D epartment of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
District of Laurel
SAN GREGORIO ANNEX ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VI

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Nagagamit nang wasto ang mga uri ng pang-abay sa pagsasalaysay
C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO (Isulat ang code ng bawat kasanayan)
Nasusuri ang pagkakaiba ng kathang isip at di-kathang isip na teksto

II. NILALAMAN
Kahulugan ng Sawikain

III. SANGGUNIAN
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro
- K-12 Curriculum Guide sa Filipino 6
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pangmag-aaral
B. Kagamitan
Larawan, Power point Presentation,

IV. PAMAMARAAN
A. Balik-aral at/o pagsisimula ng bagong aralin
(Integrative Approach- Discussion Method)

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


(Inquiry Based Approach)
Integration of Araling Panlipunan, Literacy
Panuto: Hahatiin sa dalawang pangkat ang klase.
Sa loob ng dalawang minuto bubuuin ng bawat pangkat ang binigay na scramble words ng guro.

Pangkat 1
WIKAINSA

Pangkat 2
HULUGANKA

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


(Integrative Approach/Constructivist Approach)

Panuto: Basahin ang dayalogo sa ibaba sa panulat ni Rosalyn N. Ayap.


Matamang nakikinig si Franco sa usapan ng kanyang mga lolo lola at nanay habang nasa salas sila.
LOLA: Ako ay lubos na nalulungkot sa nangyayari ngayong epidemya.

Address: Sitio Duhat, San Gregorio Laurel, Batangas


Cellphone number: 09954899483
Email-address: sangregorioannex1073@gmail.com
Fcaebook accout: San Gregorio Annex ES
R epublic of the P hilippines
D epartment of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
Lubhang nakakabahala. District of Laurel
LOLO: Oo nga maramingSAN mgaGREGORIO
isang kahig, isang
ANNEX tuka ang mas
ELEMENTARY SCHOOL
naghihirap pa.
LOLA: Mabuti na lamang at may kusang palo ang ilan sa ating mga kababayan na naghahatid ng
tulong kahit hindi hinihingan. Hindi katulad ng ilang pulitiko ngayon dito sa atin na nagte-tengang
kawali sa hinaing ng mga tao.
LOLO: Palibhasa ang ilan sa mga pulitiko ay nakahiga sa salapi kaya hindi nararamdaman ang
pandemya ngayon.
NANAY: Pero Itay, marami rin naman po sa kanila ang busilak ang puso
na naglalaan ng oras sa mga mahihirap. Ang ilan ay kidlat sa bilis
ang pagkilos matugunan lang ang pangangailangan ng
nasasakupan.
FRANCO: Lolo, Lola, Nanay, hindi ko po maintindihan ang inyong
pinag-uusapan.
NANAY: Pinag-uusapan lang namin ang pandemyang nangyayari ngayon.
FRANCO: Opo, alam ko po iyon. Pero may mga sinasabi po kayong hindi
ko maintindihan. Tulad ng tengang-kawali, bakit po nagkatenga
ang kawali, isang kahig, isang tuka pero wala naman pong manok
sa pinag-uusapan ninyo.
Nagtawanan sina Lolo, Lola at Nanay.
LOLA: Apo, ang mga sinabi mo ay mga sawikain.
FRANCO: Ano po ang Sawikain?
LOLO: Apo, ang Sawikain ay mga salitang may kahulugang hindi
tahasan. May naiiba itong kahulugan sa literal na pahayag. Madalas na ito ay ipinahahayag sa
malarawan, mapagbiro o
mapagpatawang paraan.
NANAY: Mauunawaan mo ito kapag ginamit na ito sa pangungusap.
FRANCO: Ah, kaya po pala. Gusto ko rin pong matuto ng mga Sawikain para maituro ko rin sa aking
mga kamag-aaral.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Integrative Approach – Discussion Method
(Integration of HEALTH)
Itanong: Ano-ano ang pinag uusapan ng nanay at lolo ni Franco?
Ano ang dapat gawin sa panahon ng Pandemya?
Ano ano ang mga salitang hindi maintindihan ni Franco?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Integrative Approach -Discussion Method
Reflective Approach
Panuto: Iugnay ang tamang sagot mula sa hanay
A patungo sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. abot - tanaw A. namatay
_____2. balitang - kutsero B. takot
_____3. anak - pawis C. naaabot ng tingin
_____4. pusong - mamon D. matulungin
_____5. laki sa layaw E. mahirap

Address: Sitio Duhat, San Gregorio Laurel, Batangas


Cellphone number: 09954899483
Email-address: sangregorioannex1073@gmail.com
Fcaebook accout: San Gregorio Annex ES
R epublic of the P hilippines
D epartment of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
_____6. bahag ang buntot F. maling balita
District of Laurel
_____7. bakas ng kahapon G.ELEMENTARY
SAN GREGORIO ANNEX kalimutan SCHOOL
_____8. binawian ng buhay H. nakaraan
_____9. bukas ang palad I. maramdamin
_____10. ibaon sa hukay J. sunod ang gusto
K. mayaman

F. Paglinang sa kabihasnan (Tungo sa Formative Assessment)


(Collaborative Approach)
Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mga bata sa tatlo.

Pangkat 1 Malupit na Pintor


Iguhit ang mga sumusunod na sawikain.
Tengang Kawali
Pusong Mamon

Pangkat 2 Mahusay na Manunulat


Sumulat ng isang maiksing tula gamit ang mga sumusunod na sawikain.
Anak Pawis
Kapit Bisig

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Constructivist Approach – Thinking Skills Strategy
-Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang kahulugan ng mga Sawikain na may
salungguhit. Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
A. yumabang
B. mataas ang lagnat
C. sunud-sunuran
D. nag bingi bingihan
E. mabango
F. Iyakin
_____1. Inuutusan ng kanyang ina si Darwin na maghugas ng pinagkainan ngunit nag tengang kawali
lang ito sa utos ng ina.
_____2. Lumaki na ang ulo ni Anita sabi ng kanyang mga kaibigan.
_____3. Si Kayla ay mababaw ang luha kaya siya ay laging nasa loob ng kuwarto at pinipiling mag-isa.
_____4. Kahit ano ang ipagawa ko sa kanya ay gagawin niya dahil siya ay hawak ko sa leeg. _____5.
Nag-aapoy sa init si Belinda kaya siya itinakbo sa ospital.

Address: Sitio Duhat, San Gregorio Laurel, Batangas


Cellphone number: 09954899483
Email-address: sangregorioannex1073@gmail.com
Fcaebook accout: San Gregorio Annex ES
R epublic of the P hilippines
D epartment of Education
H. Paglalahat ng aralin REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
Reflective Approach District of Laurel
SAN GREGORIO ANNEX ELEMENTARY SCHOOL
Ano ang sawikain?

Tandaan:
Ang Sawikain ay mga salitang may kahulugang hindi tahasan. May naiiba itong kahulugan sa
literal na pahayag. Madalas na ito ay ipinahahayag sa malarawan, mapagbiro o mapagpatawang
paraan.

I. Pagtataya ng aralin
Reflective Approach
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na sawikain. Piliin ang sagot sa kahon sa ibaba.
1. Ibaon sa Limot _______________________
2. Nakahiga sa Salapi _______________________
3. Aso’t Pusa ________________________
4. Dugo’t Pawis ________________________
5. Anak Pawis ________________________

Kalimutan Mahirap Mayaman


Laging Nag-aaway Pinaghirapan May Sugat

J. Takdang Aralin
Panuto: Gumawa ng mga pangungusap gamit ang mga sumusunod na sawikain.
1.Ibaon sa Limot
2.Nakahiga sa Salapi
3.Aso’t Pusa
4.Dugo’t Pawis
5.Anak Pawis
Inihanda ni:
PHILIP N. RESURRECCION
T-I
Noted:
MARIA ELAINE P. DE CASTRO
OIC/TII

Address: Sitio Duhat, San Gregorio Laurel, Batangas


Cellphone number: 09954899483
Email-address: sangregorioannex1073@gmail.com
Fcaebook accout: San Gregorio Annex ES

You might also like