You are on page 1of 4

FILIPINO 9

IKATLONG MARKAHAN
Sino ang Nagkaloob
-Mula sa salin sa Ingles ni Ahmed Basheer
Isinalin sa Filipino ni Rogelio Mangahas
Ikaapat na Linggo

Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)

Ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri ang mga tunggalian (tao vs. tao, at tao vs. sarili) sa kuwento batay sa
napakinggang pag- uusap ng mga tauhan F9PN-IIId-e-52
2. Nasusuri at naipaliliwanag ang mga katangian ng binasang kuwento na may uring
pangkatauhan batay sa pagkabuo nito F9PS-IIId-e-54
3. Nagagamit ang angkop na pang-ugnay na hudyat ng pagsusunod- sunod ng mga
pangyayari sa lilikhaing kuwento F9WG-IIId-e-54

Sino ang Nagkaloob?


Maikling Kuwento ng Pakistan

Isang mayabang na hari ang mayroong pitong anak na prinsesa na


nakasisilaw ang kagandahan at busilak na kawalang-malay. Ngunit sa lahat, sa
bunso nagigiliw ang hari at marami dahil sa husay nito sa pagluluto. Tuwing umaga
bago pulungin ang korte, tinatawag at tinatanong niya ang kanyang mga anak:
“Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng lahat ng inyong
kinakain? Anim sa kanila ang dagling sumagot: “Amang hari, kayo po ang
nagkakaloob ng aming pagkain.” Ang bunso lamang ang sumagot na: “ Mula po ito
sa Diyos. Ang sagot na ito ay ikinagalit ng palalong hari: “Lumayas ka!” sigaw niyon,
at inutusan nito ang isang alila para ilabas ang prinsesa at iwan ito sa gitna ng
gubat.

Nang makarating sa kagubatan ang prinsesa, nakakita siya ng isang binatang


naging tapat sa kaniya. Tinanong ng prinsesa ang lalaki kung paano itong napunta
sa gubat. Sumagot ang lalaki: “Pinapastulan ko po ang mga kalabaw ng aking amo,
at kahapo’y nawalan ako ng isa. Kaya natatakot akong umuwi, at lagi kong
tinutugtog ang aking plawta para maakit bumalik ang nawawalang kalabaw. Pero
kayo, magandang prinsesa, paano kayong napunta sa gubat?”

Ang sagot ng prinsesa: “Hindi rin ako makauwi. Bakit di ka maging katulong
ko, at magkasama tayong hahanap ng matitirhan.” Ipinagbili niya ang lahat ng
alahas niya upang magkaroon sila ng kabayo. Ginamit nila iyon sa paglalakbay.

Isang araw, habang sila’y namamasyal, sinabi ng prinsesa sa binata,


“Pakikuha mo ako ng inumin at ako’y mamamatay na sa uhaw.” Ang binata’y agad
naghanap ng tubig. At dahil Diyos ang nagkaloob, ay madaling nakakita ang binata
ng isang batis ng malamig na tubig. Sa batis ay nakakuha ng rubi ang lalaki at
sinundan ang dulo ng ilog. Nakita niya ang pugot na ulo ng isang diwata at ang
katawan sa tabi.

Biglang nabuhay ang diwata dahil sa rubi at nagpasalamat sa binata.


Dumating ang isang genie na may gusto sa diwata at tangkang papatayin ang lalaki.

Dumating ang prinsesa at hinanap nila ang lamparang kulungan ng genie.


Nagtagumpay silang ikulong muli ang mapangahas na genie.

Nagtayo ng kaharian ang dalawa at naghanda ng masasarap na pagkain.


Dumalo rin ang hari at ninais na makitang muli ang bunso. Sa pagkakataong ito,
alam na niya na Diyos ang nagkaloob ng lahat. “Oo,” sabi niya. “ang Diyos ang tunay
na nagkakaloob ng lahat.” At ang hari at ang kanyang anak ay nabuhay na maligaya
mula noon.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 1

Panuto: Suriin kung ang pahayag mula sa akda ay tungaliang tao vs. tao at tao
vs. sarili. Itiman ang A kung tao vs. tao at B kung tao vs. sarili sa zipgrade
answer sheet.

1. Itinanong ng hari sa kanyang pitong anak na babae nang may pagmamalaki kung
sino ang nagkakaloob ng kanilang pagkain.

2. Sumagot ang pinakabatang prinsesa na mula ito sa Diyos na labis na ikinagalit ng


hari kaya siya ay pinalayas sa palasyo.

3. Natakot ang lalaki sa maaaring gawin ng kanyang amo kaya nagtatago siya sa
gubat.

4. Dumating ang isang genie na may gusto sa diwata at tangkang papatayin ang
lalaki.

5. Nagtagumpay silang ikulong muli ang mapangahas na genie.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 2

Panuto: Piliin ang katangian ng tauhan batay sa pagkakabuo ng mga pahayag.


Itiman ang bilog ng titik ng tamang sagot sa zipgrade answer sheet.

11. “Sabihin ninyo, mahal kong mga anak, sino ang nagkakaloob ng lahat ng inyong
kinakain?
A. mapagmataas C. sinungaling
B. mapagpakumbaba D. tuso

12. Ang bunso lamang ang sumagot na: “Mula po ito sa Diyos.”
A. masunurin sa magulang C. may takot sa Diyos
B. may paniniwala sa Diyos D. tapat sa magulang

13. “…at lagi kong tinutugtog ang aking plawta para maakit bumalik ang
nawawalang kalabaw.”
A. duwag B. madiskarte C. matalino D.
tapat

14. “Hindi rin ako makauwi. Bakit di ka maging katulong ko, at magkasama tayong
hahanap ng matitirhan.”
A. maamo B. mapagtiwala C. mapang-akit D.
matapat

15. “Oo,” sabi niya. “ang Diyos ang tunay na nagkakaloob ng lahat.”
A. pag-amin B. pagkakaila C. pagtanggi D.
pagtanggap

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3

A. PANUTO: Natutukoy ang pang-ugnay na ginamit mula sa akda. Itiman ang


bilog ng titik ng tamang sagot sa zipgrade answer sheet.

16. Hindi lamang pinakamaganda ang bunsong prinsesa kundi siya rin ang
pinakamahusay magluto sa buong kaharian.
A. Hindi lamang C. pinakamaganda
B. kundi D. pinakamahusay

17. Anim sa anak ng hari ang agad na sumagot na ang amang hari ang nagkakaloob
ng pagkain, ngunit ang ikapitong prinsesa ay tahimik lamang.

A. Agad C. ng pagkain
B. lamang D. ngunit

18. Sinabi ng prinsesa sa hari na ang Diyos ang nagkakaloob ng pagkain at lahat ng
pag-aari kaya nagalit ang hari at pinalayas siya sa kaharian.

A. Ang C. ng
B. kaya D. sa

19. Ang binatang tumalima sa utos ng prinsesa ay nakahanap agad ng batis dahil sa
ang Diyos nagkakaloob.

A. Ang Diyos C. ng batis


B. Dahil sa D. sa utos

20. “ O, Ama kong Hari, hindi po ba ang Diyos na Mabait, ang Diyos na Mahabagin,
ang siyang nagkakaloob ng lahat? Tingnan ninyo kung paanong ibinigay Niya sa
akin ang palasyong ito, samantalang hindi man lamang ninyo matagpuan ang isang
nawawalang anak”

A. hindi C. samantala
B. lahat D. siyang

(PERFORMANCE TASK NO.4)

B. PANUTO: Muling isulat ang kuwento nang may pagbabago sa ilang


pangyayari at ang mga katangian ng sinuman sa tauhan. Gumamit ng mga
pang-ugnay sa pagsusunod-sunod ng kuwento. Isulat sa espasyo sa likod o
maaaring gumamit ng isang buong papel.

MGA PAMANTAYAN LAANG PUNTOS AKING PUNTOS


A. Orihinalidad 10
B. Tamang gamit ng mga pang-ugnay 5
C. Kasanayan sa pagsulat ng kuwento 5
KABUOAN 20

Pagninilay
Batay sa mga gawain. Punan ang kolum ng Alam-Nais-Natutuhan.

Alam Nais malaman Natutuhan

Lagda ng magulang

___________________

You might also like