You are on page 1of 2

Sino Ang May Kasalanan?

“Lord bakit ako?! Bakit ba ako ang biktima ng kahirapan!” sinigaw na natin ang
mga tanong na iyan kahit isang beses sa ating buhay! Ngunit, walang umaasa ng
sagot. Hindi kasalanan ng Diyos o kahit anong kapangyarihang lakas kung bakit
tayo nagdudusa. Bakit nga ba tayo nahihirapan. Sino ba ang may kasalanan? Tao.
Tao ay ang rason sa kahirapan ng mga tao.

Lahat tayo ay may halimbawa para sa kahirapan. Sumasali tayo ng marathon


upang maramdaman ang sakit sa binti, para mahirapan tayo. Nagpatala ako sa
Juan G. at pumasok sa klase ni Sir Bien upang mahirapan- At matuto!!

Hindi sa ganun na nahihirapan ang mga tao dahil gusto nilang mahirapan. Totoo
na maraming mga kabataan ngayon ay iniibig na magkaroon ng “mental illness”.
Kahit isang beses, lahat na tayo ay nag-isip kung ano ang mangyayari kapag tayo
ay, bale, nasagasaan. Hindi kahirapan ang hinahanap natin. Pero ang pagbabago
na kasama nito. Ninanais natin lahat ang pagbabago, para sa Mabuti, or para sa
masama.

Ang kahirapan ay sanhi rin ng ating kamangmangan. Nagbago tayo para sa


masama. Maaring nagkumpyansa ka at hindi nag-aral kaya binunga ito ng
paghihirap sa exam. O kaya, hindi natin binantay ang ating pitaka kaya tuloy ito ay
nawala. Maaring mayroon mga ibang dahilan para sa kahirapan natin sapagkat,
malaking ay dahil sa ating sarili.

Pero paano na ang mga na sa linya ng kahirapan. Paano na ang mga biktima ng
karahasan? Ninais ba nila ang kahirapan na iyan? Hindi! Pero kapag gusto nila
magbago bat hindi sila magsikap? Kapag ninanais nila talaga at naglaban at
nagtrabaho ng walang tigil, pero na sa mahirap na posisyon pa rin sila, ang mga
ibang tao ay ang sanhi sa kanilang sakit at kahirapan. Hindi sila makabangon
kapag hindi nila alam na may umaapak sa kanila. Kagaya ng sinabi ko kanina, tao
ay ang may rason sa kahirapan ng tao. Mga ibang tao ay ang rason sa kahirapan
nila.

Ngayon, ano na? Nahihirapan tayo dahil ninanais natin ang pagbabago, dahil sa
sariling kamangmangan, o sa iba na nagaapak sa atin. Paano ba natin malipas ang
itong kahirapan? Parehas ulit ang sagot jo sa tanong na ito sa sagot ko kanina.
Tao, malilipas natin ang kahirapan kapag tayo ay natuto sa sarili, o kapag tayo ay
magtulungan. Kung kaya nating ipagdusa ang ating sarili at ang iba. Kaya rin natin
tulungan ang sarili at iba. Ang mga pinoy ay kilala para sa ating bayanihan. Lahat
tayo ay may kakulangan kaya humingi tayo ng tulong at tulungan ang humihingi
nito. Mga binibini at ginoo ako ay si Yana Martinez, nahihirapan, nagpapahirap, at
tumutulong.

You might also like