You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Cavite City
CAVITE NATIONAL HIGH SCHOOL

KAGAMITANG PANG-INTERBENSYON SA PAGBASA 3


BAITANG 8

NAKALBO ANG DATU


Noong unang panahon, may isang Datu na tumandang binata dahil sa pagsisilbi sa kaniyang
nasasakupan. Lagi itong abala sa gawain sa kanilang pook kaya’t nakalimutan na nito ang pag-aasawa. Siya
ay pinayuhan ng mga nakatatanda na mag-asawa na upang magkaroon siya ng mga tagapagmana.
Napilitang mag-asawa ang Datu ngunit ito ay naging pihikan dahil napakaraming magagandang dilag sa
kanilang pook. Kinalaunan ay umibig ang Datu, ngunit hindi isa isa, kundi sa dalawang magandang dilag,
dahil walang itulak kabigin sa dalawang dalaga ay parehong pinakasalan ng Datu ang dalawa.
Ang isa sa mga ito ay si Hasmin. Siya ay batang-bata at ubod ng lambing. Kahit matanda na ang Datu
ay mahal na mahal pa rin ito ni Hasmin. Dahil sa lubos na pagmamahal ni Hasmin sa Datu ay ayaw nitong
magmukhang matanda ang ang asawa, kaya’t sa tuwing namamahinga ang Datu ay binubunutan niya ito ng
puting buhok. Ang isa namang asawa ng Datu ay si Farida. Siya ay kaedad lamang ng Datu ngunit maganda
din. Sa kadahilanang ayaw niyang magmukhang matanda ay binubunutan niya ng itim na buhok ang Datu sa
tuwing ito ay namamahinga sa tanghali. Dahil sa ipinakikitang kabaitan at pagmamahal ng dalawa niyang
asawa ay galak na galak ang Datu. Ngunit gayon na lamang ang pagkagulat nito nang manalamin siya.
“Kalbo ako! Kalbo na ako!” sigaw ng Datu. Nakalbo ang Datu sa pagmamahal ng dalawang asawa.
.

Total Number of Words: 232


Level: Grade 7

Panuto: Makinig sa mga tanong at piliin ang pinakatamang sagot.


1. Sino ang dalawang asawa ng datu?
A. Farida at Hasmin B. Hasmin at Fara C. Farida at Hanna D. Fara at Hanna

2. Anong kulay ng buhok ang tinatanggal ni Hasmin sa kanyang asawang datu?


A. mahabang buhok B. itim na buhok C. puting buhok D. kulot na buhok

3. Ano ang mensaheng nais iparating ng “Nakalbo ang Datu”?


A. Gagawin ang lahat sa ngalan ng pag-ibig at isusuko ang lahat masunod lamang ito.
B. May tamang panahon para sa tunay at wagas na pag-ibig, huwag magmadali.
C. Ang pag-ibig ay walang pinipiling edad.
D. Lahat ng nabanggit.

4. Anong kultura ng mga taga-Maranao ang naipapakita sa kwento?


A. pagiging matandang binata C. pagkakaroon ng magandang asawa
B. pagkakaroon ng higit pa sa isang asawa D. pagiging kalbo ng isang datu

5. Ano ang ibig sabihin ng salitang pihikan?


A. palitan B. sanay C. tanggap D. mapili

6. Kung ikaw ang datu, magagalit ka ba sa ginawa ng iyong mga asawa?


A. Oo, sapagkat nang dahil sa kanila, ako’y nakalbo.
B. Hindi, sapagkat ganoon lamang nila ipinakita ang kanilang pagmamahal.
C. Oo, dahil marami pa namang paraan upang maipakita ang pagmamahal sa akin.
D. Hindi ko na ito iintindihin sapagkat hindi naman ito mahalaga.

7. Bakit sinunod ng datu ang payo ng mga matatanda?


A. Sinunod niya ito sapagkat siya ay matanda na at kailangan na mag-asawa.
B. Hindi niya ito sinunod at sariling kagustuhan niya lamang ito.
C. Wala siyang magawa sapagkat mas nakakatanda ito sa kanya.
D. Ito ay bahagi ng kanilang kultura at tradisyon sa kanilang lugar.

8. Sa iyong palagay, sino sa dalawang asawa ang dapat panigan ng Datu?


A. Si Hasmin sapagkat siya ang bumubunot ng putting buhok ng datu upang hindi magmukhang matanda.
B. Si Farida sapagkat sila ay magkasing-edad lamang ng datu at hindi ito kukwestyunin ng marami.
C. Pareho, sapagkat sila ay nagpapakita ng pagmamahal sa datu sa alam nilang paraan.
D. Wala sa dalawa sapagkat ginawa nilang kalbo ang datu.
KAGAMITANG PANG-INTERBENSYON SA PAGBASA 3
BAITANG 8

Susi sa Pagwawasto

1. A
2. C
3. D
4. B
5. D
6. B
7. D
8. C

You might also like