You are on page 1of 3

Ang Ahas at ang Palaka

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Tinulungan ni Norra ang batang mahirap sa pag-akayat sa hagdan. Ano ang salitang may
salungguhit?
a. Pang-abay
b. Pandiwa
c. Pang-uri
d. Pang-ukol
2. Ang pabulang Ang Ahas at ang Palaka ay naganap sa?
a. Gusali
b. Ilog
c. Bukid
d. Kagubatan
3. Si batang Ahas ay mapayat at mahaba. Siya ay mahilig gumapang sa kagubatan. Tukuyin
kung ano ang pang-uring ginamit sa pangungusap.
a. Batang Ahas
b. Mapayat at mahaba
c. Gumagapang
d. Kagubatan
4. Pagsunod-sunurin ang pangyayari sa pabula.
I.
Ibinalita nila sa kanilang magulang ang tungkol sa bago nilang kaibigan.
II.
Tinuruan ni Palaka si Ahas na lumundag at tinuruan naman ni Ahas si Palaka na
gumapang.
III.
Simula noon kahit na sabay silang magpainit sa araw, hindi nagpapansinan ang
magkaibigan.
IV.
Pinagbawalan sila ng kanilang mga magulang na maging magkaibigan.
V.
Nagkita sila Palaka at Ahas sa kagubatan.
a. I, II, III, IV, V
b. V, I, II, IV, III
c. V, I, III, II, IV
d. V, I, II, IV, III
5. Ano ang nais ipahiwatig ng kotasyong Ang mabuting kaibigan, mahirap matagpuan,
mahirap iwasan, imposibleng makalimutan.
a. Ang tunay na kaibigan ay makikita lamang sa tabi-tabi
b. Ang tunay na kaibigan ay mahirap matagpuan at makalimutan
c. Ang tunay na kaibigan ay matagal mo ng kakilala
d. Ang kaibigan ay matulungin
6. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit pinagbawalan ng Ina ni batang Palaka na
makipagkita kay batang Ahas maliban sa:
a. May lason ang ngipin ni ahas
b. Ang mga ahasa ay masama ang ugali
c. Nagkaroon ng awayan sa pagitan ng kanilang mga magulang
d. Hindi magkasundo ang dalawang lahi
7. Ano ang kasalungat ng salitang madalas?

a. Bihira
b. Malimit
c. Palagian
d. Araw-araw
8. Ano ang kasaalungat ng salitang tahimik?
a. Maingay
b. Mapayapa
c. Magulo
d. Masaya
9. Paano ipinakita ni Aha sang kanyang pagmamahal sa minsay naging kanyang kaibigan?
a. Pinapansin niya ito sa tuwing sila ay nagkikita
b. Nagbabatian ang dalawa ng magandang umaga
c. Tinutulungan niya si Palaka sa oras ng pangangailangan
d. Hindi niya nagawang kainin si Palaka
10. Gumamit ang dalaga ng pulang laso upang itali ang kanyang buhok. Tukuyin ang panguri sa pangungusap.
a. Dalaga
b. Pula
c. Laso
d. Gumamit
11. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng ibat ibang lahi?
a. Upang magkaroon ng pagtutulungan ang mga tao
b. Upang dumami ang kakilalang kalahi ng isang lahi
c. Upang matigil ang kahirapan ng isang bansa
d. Upang magkaroon ng maraming kaibigan
12. May dumating na kalamidad sa inyong lalawigan. Maraming tao ang nasalanta at nasira
ang kanilang tirahan. Mayroong isang tao na kumatok sa inyong pintuan at humingi ng
inyong tulong. Ano ang gagawin mo gayong nasalanta rin kayo ng bagyo?
a. Hindi tutulungan at babalewalain nalang ang hunihingi ng tulong.
b. Ibibigyay ang perang pampaayos sana ng inyong tirahan.
c. Makikiusap na sa iba na lamang humingi ng tulong.
d. Magbibigay ng kaunting tulong upang hindi ka naman mawalan para sa iyong
sarili
13. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang tunay na kaibigan?
a. Nakikiramay
b. Maunawain
c. Matulungin
d. Mainggitin
14. Ano ang itunuro ni Palaka kay batang Ahas?
a. Gumapang
b. Tumalon
c. Umakyat sa puno
d. Lumipad
15. Ano ang itinuro ni Ahas kay batang Palaka?
a. Lumipad
b. Umakyat sa puno

c. Gumapang
d. Tumalon
16. Si Carol ay gumamit ng itim na pluma sa pagsulat ng sanaysay. Ang salitang itm sa
pangungusap ay ______.
a. Panghalip
b. Pang-uri
c. Pangatnig
d. Pang-abay
17. May isang batang lalaki na nagmula sa ibang lugar kayat mayroon siyang kakaibang
kaugaliang ipinapakita sa loob ng klase. Dahil dito, tinatawanan siya ng kanyang mga
kaklase kayat nanatili na lamng siya sa isang sulok at hindi na naging palakaibigan.
Anong pag-uugali ang ipinakita ng kanyang mga kaklase?
a. Kawalan ng respeto sa kaugalian ng isang lahi
b. Pagiging mapanghusga
c. Pagiging matulungin
d. Pagiging palakaibigan
18. Si Clara ay may mga kaibigan. Matapos ang awasan ay diretso na sila sa tambayan upang
doon ay mag-inuman. Ngunit isang araw nagkayayaan ang magkakaibigan na
magpakasaya kahit na mayroong pagsusulit kinabukasan. Nalaman ng ina ni Clara ang
tungkol dito. Kung ikaw ang ina ni Clara, ano ang gagawin mo?
a. Hahayaan ko ang aking anak kung saan siya masaya
b. Pagbabawalan kong sumama sa mga barkada
c. Ihahanap ko ng mga mabubuting kaibigan
d. Hindi na palalabasin ng bahay ang anak
Inihanda ni:
Nheann A. Dayapera

You might also like