You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon IV–A CALABARZON
Sangay ng Lungsod ng Lipa
INTEGRATIBONG PAMBANSANG PAARALANG
SEKUNDARYA NG BULACNIN
Bulacnin, Lungsod ng Lipa

Masusing Banghay-Aralin sa Filipino 10

I. Layunin
1. Pag-unawa sa Napakinggan F10PN-IIId-e-79
Naiuugnay ang suliraning nangingibabaw sa napakinggang bahagi ng akda sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan.
2. Paglinang ng Talasalitaan F10PT-IIId-e-79
Naihahanay ang mga salita batay sa kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa.
3. Pagsasalita F10-IIId-e-81
Mapanuring naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa:
Sarili, panlipunan, pandaigdig.

II. Paksang Aralin


Aralin 3.5
A. Panitikan: Ang Alaga (Maikling Kuwento mula sa East Africa)
Ni Barbara Kimenye
Isinalin sa Filipino ni Magdalena O. Jocson
B. Kagamitan: Pantulong na biswal, powerpoint presentation
C. Sanggunian: Ikasampung Baitang Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
nina Vilma C. Ambat et.al
D. Bilang ng araw: 1 sesyon

III. Proseso ng Pagkatuto


Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimula
a. Pagdarasal
b. Pagbati
c. Pagsasaayos ng silid-aralan
d. Pagtatala ng Liban

AKTIBITI
B. Pagganayak
May inihanda akong 6 na larawan, nais kong
buuin ito ng bawat pangkat upang matukoy at
malaman natin ang nilalaman ng bawat
larawan.
Matapos niyong mabuo ang mga larawan, ano
ang inyong naobserbahan? Ang ipinapakita po ng mga larawan ay mga
uri ng hayop na inaalagaan ng tao.

Mahusay!
Ano ba para sa inyo ang ibig sabihin ng
salitang Alaga? Ang pag-aaruga po o ang pag-aalaga sa mga
tao o hayop.

Magaling! Ang salitang ito ay may kaugnayan


sa ating tatalakayin ngayong araw.

ANALISIS
Bago tayo dumako sa paksang ating
pagtatalakayan, magpalwak muna tayo ng
ating talasalitaan.

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod


na salitang may salungguhit. Pagkatapos,
gamitin ang mga ito sa sariling pangungusap.

1. Ngayon, gugugulin niya ang kaniyang


buhay sa maliit niyang dampa sa tabi ng ilog
sa Kalansada. Ilalaan po.

2. Maging si Kibuka ay naninimot sa sarili


niyang mga pagkain maibigay lamang sa
alaga niyang baboy. Nananaid po.

3. Karaniwang nagtatampisaw ang mga taga-


Kalansanda sa ilog. Naglalandi/naglalaro po.

4. Ang pagmamahal sa alagang baboy ang


namamayani kay Kibuka kaya hindi niya ito
maipagbili. Nangingibabaw/namumutawi po.

5. Si Kibuka, ang alagang baboy at ang


drayber ng isang motorsiklo ay tumilapon sa
iba’t ibang direksyon. Tumalsik po.

6. Habang naghahalukay sa kumpol ng mga


sanga ang alagang baboy, isang di inaasahang
pangyayari ang naganap. Naghahanap po.

Ngayong lumawak na ang ating talasalitaan,


may inihanda naman akong isang videoclip na
mula sa youtube, Ang Alaga (maikling
kuwento). Bago iyun, ano ano ba ang dapat
isaalang-alang sa panonood? Tumahimik, makinig at magtala ng ilang
mahahalagang detalye.

Ang Alaga (Maikling Kuwento


mula sa East Africa)

Ni Barbara Kimenye

Papangkatin ko muli ang klase sa anim na


pangkat. Ang gagawin niyo lamang ay
sasagutin ang mga gawaing nakaatang sa
inyo.

Pangkat 1 Sino ang pangunahing tauhan sa


akda? Itala ang kaniyang kalakasan at
kahinaan bilang tauhan.
Estratehiya: Pagbabalita

Pangkat 2 Batay sa pangyayari sa akda,


Paano mo ilalarawan ang isang alaga nang
may pagpapahalaga?
Estratehiya: dula-dulaan

Pangkat 3 Ano ang suliraning nangibabaw


sa akda? Iugnay ito sa pandaigdigang
pangyayari sa lipunan.
Estratehiya: kakanta

Pangkat 4 Paano ka naapektuhan ng akdang


iyong nabasa?
Estratehiya: Kakanta

Pangkat 5 Alin sa mga pangyayari ang


makatotohanan at di-makatotohanan?
Patunayan.
Estratehiya: Tutula

Pangkat 6 Ipaliwanag: May ilang sandal na nalulungkot


siya sapagkat alam niya na karne ito ng mahal niyang alaga at masaya
niyang kinakain ito. Ngunit sandal lamang ito at patuloy pa rin niyang
nilalagyan ng karne ang kaniyang pinggan. Natatawa siya sa sarili at
alam niya na hindi na siya maglalakad tuwing hapon at sa halip
makakatulog na siya nang maayos.
Estratehiya: short skit

(magsasagawa ang mag-aaral ng kani-


ABSTRAKSYON kanilang Gawain)
Ibigay ang kahalagahan ng akdang
binasa sa pansarili, panlipunan, at
pandaigdig.

Kahalagahan ng akda sa:


Sarili Lipunan Daigdig

Paano nakatutulong ang maikling


Kuwento sa pagkakaroon ng
kamalayan sa pandaigidigang
pangyayari sa lipunan?

Nakatutulong ito sa pamamagitan ng


nagbibigay ito ng mabisang kakintalan sa isip
Mahusay! at damdamin ng mambabasa ang isang
pangyayari tungkol sa buhay ng tauhan o ng
APLIKASYON lugar na pinangyarihan ng mga pangyayari.
Naibigan mo ba ang wakas ng kuwento?
Kung ikaw ang may-akda, Paano mo ito
wawakasan? Isalaysay.

May nakasalubong kang isang munting (magbabahagi ang mga mag-aaral ng


aso/pusa, gusgusin ito at tila gutom na. Mag- kanilang opinyon)
aalaga ka ba ng ganitong hayop? Bakit?

C. Pagtataya (magbabahagi ang mga mag-aaral ng kanilang


Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang wastong opinyon)
sagot sa bawat salitang may salungguhit.

Nagustuhan
Nanghina
Napikot
Naguluhan
Nagkalat

1. Nanlumo ang ina ng makitang malubha ang


kalagayan ng anak.
2. Ang mga bata ay nalito nang ibahin ang
daraanan nila patungo sa kanilang paaralan.
3. Naglinis ang hardinero sa bakuran sapagkat
nagdamusak ang mga bata.
4. Bumili ang matanda ng halo-halong prutas
nakita ito ng buntis at kanya itong naibigan.
5. Habang abala ang mga bisita sa pagkain
nabilog ng hari ang ulo ng isang magandang
dilag sa tabi ng tangkal.

Susi sa Pagwawasto:
1.nanghina
2. naguluhan
3. nagkalat
4. nagustuhan
5. napikot/naloko

IV. Kasunduan
1. Bakit isinulat ng may-akda ang maikling kwentong tinalakay? Magsaliksik sa lugar at
kondisyon ng panahon sa pagkakalikha nito.
2. Pag-aralan ang Pagsasanib ng Gramatika at Retorika na nasa pahina 296 at sagutan ang
Pagsasanay 1 sa isang buong papel.

Inihanda ni:
___________________
Lyca Mae A. Morcilla
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni:
____________________
Mailyn L. Hernandez
Gurong Tagapagsanay

You might also like