You are on page 1of 2

Epekto ng Wikang Sosyolek sa Piling Mag-aaral ng Holy Family Montessori

KABANATA l

Pamimula

Sa pagdaan ng maraming panahon ay marami ang nabago sa takbo ng buhay


ng mga Pilipino gaya na lamang sa wikang pagkakakilanlan nito. Ang likas na
pagkamalikhain ng mga Pilipino ay makikita sa maraming aspeto ng kanyang buhay,
higit lalo sa kanyang wika, ang wikang Filipino... Ang wikang Filipino ay nahahati sa
maraming barayati ng wika dahil sa pagkakaiba iba ng paniniwala,kultura,at lugar ng
isang tao. Dahil sa patuloy na paggamit ng wika ay naging daan ito sa pagpapayabong
ng wika. Sa kondisyong patuloy ang pagamit nito ay lumawak ang saklaw na
bokabularyo ng isang wika. Isa sa uri ng barayati ng wika ay ang sosyolek, Ito ang
barayati ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika.

Ayon kay Rubrico (2009), ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan ng


istratipikasyon ng isang lipunan,na siysang nagsasaad ng pagkakaiba ng paggamit ng
wika ng mga taong nakapaloob dito batay sa kanilang katayuan sa lipunan at sa grupo
na kanilang kinabibilangan. Kabilang sa sosyolek ang ‘wikang beki’ o mas kilala bilang
gay lingo.Ito ang wikang pagkakakilanlan ng grupo ng mga homosekwal. Ang intesyon
nila sa paggamit ng wikang ito ay upang magkaroon sila ng sikretong lengguwaheng
hindi maiintindihan ng mga taong hindi kabilang sa kanila. Nabibilang rin sa wikang
sosyolek ang wika ng mga ‘conyo’o conyo speak.Ito ang baryant ng Taglish,hinahalo
dito ang tagalog at Ingles kay masasabi rin mayroong code switching na nangyari.Ito ay
kariniwang maririnig sa mga kabataan ng makabong henerasyon o kabataang may
kaya at nag aaral sa ekslusibong paaralan.

Ang isa pang barayati ng sosyolek ay ang wikang ginagamit ng mga


jologs ang ‘jejemon’ o ‘jejespeak’.Ito ay nakabatya rin sa wikang Ingles at Tagalog
subalit isinuslat ito nang may kahalong numero,mga simbolo at magkasamang malaki at
maliit na titik. Pumapaloob rin dito ang ang ang ‘wikang balbal’ o ang ‘wikang
kalye’ .Ang wikang balbal ay matatwag rin na slang o kolokyal. Nabuo ang wikang ito sa
di pormal na paraan.Maaring ito ay mga salitang pinaikli,mga salitang pinagsama,mga
hiniram na salita ngunit iniba ang baybay at maikling salita na pinahaba.’Jargon’ tawag
sa mga salitang balbal nanabuo. Ang jargon ay isang bagay na hindi mo mauunawaan
kung hindi ka parte ng isang grupo o kung wala kang konteksto sa nagaganap.
Sa kabuuan ang Wikang Sosyolek ay malawak ang saklaw sa lipunang
ating ginagalawan kung kaya’t may kakayahan itong hulmahin o kaya naman wasakin
ang ating pambansang wika ng identidad at pagkakaisa.

You might also like